Warning
Monday.
Nasa pangatlong linggo na sila at may dalawang linggo pa para matapos ang training period nila. At dahil may hands on na sila sa mga gagamitin nila sa pag calls pagdating ng Nesting ay pinalipat na rin sila ng training room.
Wala naman silang seating arrangement, kaya naman libre silang mamili ng uupuan. Pumuwesto na siya sa station na napili niya nang dumating din ang iba pa nilang kasama.
"Dad, saan ka?" tanong niya kay Daddy Roberto.
"Wala ba dyan sa tabi mo? Kung wala pa, dyan na lang ako."
"Sige po, bakante pa rin naman dito."
Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Benjie na kararating lang. Tinawag naman kaagad ito ni Mommy Jane, na nasa tabi rin ni Daddy Roberto.
"Saan ka upo, Benjie?" tanong nito sa kararating lamang na binata. "Bakante pa itong nasa tabi ko."
"Ay, thank you po, 'My. Naligaw pa ko sa kahahanap nitong training room natin, buti hindi ako na late."
"Maaga pa naman,"
"Buti nga po at umabot ako."
Ilang minuto pa at nagsidatingan na lahat ng mga teammates nila at pumuwesto na rin sa mga napili nilang upuan. Sa unang upuan sa harap, malapit sa whiteboard ay si Nikka, katabi si Alain. Sumunod ay si Jaycee, na sinundan naman ni Iris, at siyempre, si Russel. Si Cyril ang nasa dulo.
Katapat naman ni Cyril, sa side nila ay si Peter, katabi niya, si Daddy Roberto, Mommy Jane, si Benjie at ang nasa harap, si Sheryl na malapit sa whiteboard. Nang dumating si Alex ay ibinigay nito uli ang 30 minute break nila at pagkatapos nito ay nagsimula na silang magklase.
Break time at nakatambay sila sa loob ng room dahil pare pareho silang tinamad nang bumaba.
"O paano, mamaya may turo ka pa pagkatapos ng shift. Di ka ba mapapagod?"
"Sanay na naman ako, medyo matagal ko na rin naman kasing ginagawa 'to," sagot ni Benjie sa kanya. Pinag uusapan kasi nila ang pagtuturo nito sa isang private school kapag Martes ng umaga.
"Di ba sila makukulit? I mean, mahirap turuan?"
"Madalas. Lalo na ngayon, high school students yung tinuturuan ko. Kailangan ko lang maging istrikto minsan, para naman makinig din sila."
Napangiti siya sa sinabi nito. Hindi ko akalaing istrikto ka rin pala minsan. Wala kasi sa itsura mo kasi ang bait mo.
Napansin naman nito ang pagngiti niya sa sinabi nito. "Bakit ka napangiti dyan?"
"Wala. Para kasing ang hirap iimagine na nagiging strikto ka pala. Wala kasi sa itsura mo, parang ang bait mo kasi."
"Akala mo lang yun," ani naman nito at napangiti na rin. When his eyes met hers, it seemed like they were thinking about the same thing, causing them to laugh together. Di na naman ito nakalagpas sa paningin ni Jaycee kaya naman nakakalokong ngumiti ito sa kanila.
"Kayong dalawa, may spark talaga kayo, 'no. Ano ba talagang meron? Kayo na ba?"
Talaga naman! Eto na naman po siya! Aniya sa sarili. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya nang napalingon siya kay Benjie na gaya niya ay ganun din ang hitsura. Nanatili pa siyang tahimik nang ilang segundo para pigilan ang kilig na nasa sistema niya bago siya nakapagsalita.
"Ikaw, Jayce, intriga ka."
"Oo nga. Friends lang talaga kami. Saka ayoko rin sa clingy."
"Kahit ako, ayoko rin sa gano'n."
"Clingy ka kaya nu'ng Sabado,"
Nagulat naman siya sa sinabi nito. Ako? Paano ako naging clingy nu'ng Sabado? Sumandal lang ako sa kanya, clingy na kaagad?
"Ooy. Nagkataong inaantok lang ako nu'ng nasa van tayo kaya ako napasandal sa'yo. Plus nakainom pa ko kaya nakadagdag pa sa antok ko."
"Sus. Clingy." Nang aasar ito ngunit nakatawa na rin.
"Ewan ko sa'yo," sagot niya.
"Uuy, para kayong mag jowa na nag aaway, ha," anito habang pinagmamasdan silang dalawa. Kung kanina ay malapad na ang ngiti nito, ngayon ay mas lumapad pa at tila tuwang tuwa pa itong makita silang dalawa na mag asaran.
Bumaling siya rito. "Isa ka pa, e, gatong ka rin, e."
Nag peace sign naman ito sa kanya. "Dyan na nga kayo, lovebirds. Ang cute nyong dalawa, sana nga totohanin niyo na yan."
Sasagot pa sana siya at napabuntong hininga na lamang siya sa pang aasar ng kaibigan. Please lang, pinipigilan ko ang sarili kong makaramdam ng kahit na ano para dito sa lalaking nasa harap ko.
Dine deny mo, pero gusto mo rin naman. Hayun na naman ang kontrabidang boses sa utak niya, handa na namang manermon. Nagger na nga ito at lagi silang nag aaway ng puso niya kapag si Benjie na ang usapan.
Act normal! Tumikhim siya at iniba ang usapan. "Ano nga palang nangyari sa lakad mo nung Sabado? Nagkita ba kayo nung kaibigan mo?"
"Ah, oo." Ipinakita sa kanya nito ang palapulsuhan nito na may bracelet. "Tingnan mo to, o. Binigay nya pala sa akin."
"Nice, patingin." She looked at the bracelet on Benjie's wrist, shifting her attention on the bracelet's detail. But she can also feel his gaze on her - and she swore that he did never shifted his eyes anywhere, and he was staring at her the whole time, making her heart beat a little faster.
"Ang ganda nung bracelet," aniya. "Bagay sa'yo."
"Gusto mo sa'yo na lang?" she heard him say, kaya naman napatingin siya rito.
"Ha?"
"Sa'yo na lang,"
Nagustuhan ko lang, ibibigay kaagad? "Wag, sa'yo ibinigay yan e."
"E, gusto mo, di ba?"
"Ano ka ba. Binigay sa'yo 'yan tapos ibibigay mo rin sa' kin. Wag na."
"Kasi.."
"Uuy..dyan nagsisimula 'yan." ani Peter na narinig na naman sila. "Itong dalawang' to talaga o."
"Hindi ako pwedeng ma-inlove, family ko ang priority ko," dere derechong sabi niya at huli na nang ma realize niya iyon, kaya hindi niya rin mabawi iyon.
At bakit mo babawiin, tama lang naman ang sinabi mo, di ba? Priority mo ang trabaho dito, hindi ang kung anong bagay. Ilang beses mo bang lilinawin 'yan? Nagsimula na namang magsermon ang kontrabidang parte ng utak niya.
Pero baka nasaktan mo si Benjie, Loui. Baka naman kasi may feelings na sayo yung tao pero itinutulak mo palayo. At hindi mo rin maitatanggi na may nararamdaman ka na rin para sa kanya.
Anong feelings? Don't you even go there, Louisse. Gusto mo na namang maulit yung kay Nathan? Di ka pa ba nadadala? Wag mong babawiin yung sinabi mo. WAG MONG BABAWIIN.
Ilang sandali ang nagdaan nang napatingin siya sa mga mata ng binata, na noo'y walang kibo at tila binabasa nito ang nasa isip niya. Tila rin hinihintay nito na bawiin niya ang mga sinabi niya, at napagtantong hindi niya gagawin iyon kaya nagbaba siya ng tingin.
"Hindi rin ako pwedeng ma-inlove dahil papasok ako sa seminaryo," anito.
Hindi niya maintindihan kung bakit nalungkot siya sa narinig niya mula sa binata. Pareho silang may mga dahilan kung bakit kailangang pagkakaibigan lang ang mamagitan sa kanilang dalawa, ngunit ayaw itong matanggap ng puso niya?
Tumigil din naman sa pang aasar ang kaibigan nang nanahimik silang dalawa ni Benjie, at bumalik na rin sa room si Alex at nagsimula na naman itong magklase.
Lumipas pa ang ilang mga araw, at nakasanayan na nilang tumambay sa training room habang break nila. Iilan lang sila noon sa loob ng room nang lumabas siya para mag CR.
Nakabukas na ng bahagya ang pinto ng room nila at hahawakan ang seradura nito para makapasok siya nang narinig ang mga boses ng mga kaibigan.
"Benjie, san si Loui?" ani Mommy Jane.
"Nasa puso ko,"
Hahawakan pa sana niya ang seradura ngunit hindi na niya nagawa dahil sa gulat. Ano raw?
Tila nagririgodon ang puso niya sa narinig kaya naman ilang segundo pa ang lumipas bago niya nagawang kumalma. Please lang, Loui. Kontrolin mo ang sarili mo. Tila naman may sariling isip ang mga kamay niya nang itulak niya ang pinto at bumungad sa kanya ang mga kaibigan, at kabilang ang binatang nakatingin sa kanya.
"Hinahanap ka namin kay Benjie, Loui. Pero nasa puso ka raw niya. Paano ba 'yan?"
She looked at him, and saw that he was shyly smiling at her. She smiled at him, causing everyone inside the room cheer for them. Hindi pa rin mapatid patid ang panunudyo sa kanila nang pumasok si Alex at nagsabing planuhin na nila ang Team Building para sa susunod na linggo kaya naman doon na naibaling ang atensyon ng lahat.
"Tag isa ang rooms ng girls at boys, ha?" ani Russel. Napagkasunduan kasing sa resort nito sa Batangas gaganapin ang team building kaya ito ang nakatoka sa mga kuwartong gagamitin. "Magsabi kayo kaagad kung may gustong kumuha ng room. Meron ba?"
"Loui,"
"O?" Napalingon naman siya sa binatang nasa tabi niya at napansin niyang nakatitig na naman sa kanya ito na tila may sasabihin. At ano naman kaya ang sasabihin niya, na humiwalay kami ng room?
Ay, assumera. Ano mo ba siya? As if namang sasabihin niya yon sa'yo. Dream on.
"Gusto mo humiwalay tayo ng room?" tanong nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig nito sa kanya, habang lahat ay nakikinig sa kanila.
Ay anak ng pating! Seryoso sya doon?
"Uy, ha. Anong gagawin nyo doon?"
Gulantang siya sa sinabi ng binata nang sumagot itong muli. "Wala naman kaming gagawin doon. Iki-kiss ko lang siya sa noo."
Nang narinig niya iyon ay lalo nang nagulo ang sistema niya. Naghalo halo na ang hiya, kilig, at kung ano-ano pa. Noon niya rin naramdaman na unti unti nang nagigiba ang pader na ipinalibot niya sa puso niya. But along with those walls, she began hearing that alarm bells again, sending her a warning.
And that warning, to avoid it while she still can. If she can.