Chapter 6 - Chapter Four

Payday

"Loui, magstay ka ba dito?"

Napalingon siya sa nagtanong na katabi. "Di, po, My. Kailangan ko umuwi, inaantay din kasi nila ako sa bahay. Wala na rin silang budget, e."

Biyernes na at first payday na nila. Ilan sa kanila ang mag-aantay sa sweldo sa opisina at ang iba naman ay uuwi rin. Pare pareho na silang walang pera. Dinukot niya ang sariling wallet at tinignan ang loob niyon. Kulang na ang pamasahe ko. Saan naman kaya ako manghihiram e pare pareho na kaming critical wallet day?

Si Iris kaya? Sana meron pa siya. Ibabalik ko na lang mamaya pagsweldo namin.

Lumapit siya sa kaibigan. "Girl, may pera ka pa ba? Pwede ba akong makahiram ng pamasahe pauwi?"

Dumukot ito sa bulsa at iniabot ang 100 pesos sa kanya. "Eto, meron pa naman. Hiramin mo muna,"

"50 lang, baka wala ka nang pera dyan."

"Sus." Ngumiti ito sa kanya. "Wag mo akong alalahanin, meron pa naman ako kahit paano dito. Atsaka okay lang, no."

"Sigurado ka?"

"Sure."

"Sige, salamat, ha? Mamaya na lang 'to pag suweldo natin."

"No problem."

"Uwi na ako."

"Ingat ka,"

Sabay sabay na silang bumaba at naghiwa-hiwalay sa exit ng building. Siya ay sumakay na sa bus pauwi ng Cavite. Medyo mahaba ang biyahe kaya nakatulog siya, at pagmulat niya ay lumingon siya sa dinaraanan ng bus. Malapit na pala akong bumaba, buti nagising agad ako.

Dumiretso siya kaagad sa bank kung saan siya mag over the counter, at wala pa ring sweldo. Late naman ata? 11:30 na, a. Pero imposible naman siguro na wala pa lalo't holiday bukas. Babalik ako ng alas tres, siguro naman meron na pagpunta ko uli mamaya.

Kinahapunan ay nagpunta siya uli sa branch na iyon para mag check ngunit sa gulat niya ay wala pa ring laman ang account number na ibinigay sa kanila. Anong nangyayari? Bakit wala pa rin? Holiday at weekday bukas. Walang branch na open para mag over the counter!

Unti-unti na siyang naiirita ngunit pinilit niyang kumalma. Walang magagawa kung mangingibabaw ang galit sa sistema ko, para malaman ko kung anong nangyayari. Pero nakakainis talaga! Papasok na lang nga ako ng maaga para makibalita sa kanila.

Nakarating man siya ng maaga, hindi pa rin niya nagawang makatulog sa inis na nararamdaman. Pagpasok niya rin ay bumungad sa kanya ang mga nakasimangot ding mga teammates niya. Mukhang di ko na kailangan pang manghula, tingin ko lahat kami, hindi sumweldo.

Naupo siya sa pwesto nang tinawag siya ni Daddy Robert. "Loui, may ATM cards na raw tayo. Kinuha mo na ba yung sa'yo?"

"Meron na ba? Dalawang beses na akong bumalik sa bank kanina. Wala pa rin, e, holiday bukas."

"Buti nga ikaw, dalawa lang. Ako yata, halos matulog na doon sa branch na malapit dito," ani naman ni Mommy Jane.

Mas lalo siyang nainis sa narinig mula sa kasama. "Sana sinabi na lang nila na hindi pala tayo susuweldo ngayon para di tayo umasa," naiinis na sabi niya. Tatayo na sana siya sa kinauupuan nang isang kamay ang humila sa braso niya. Napalingon siya sa gumawa noon ay nakita niya si Benije na ngayon ay nakatingin sa kanya.

"Kumalma ka muna," ani ng binata sa kanya. "Huwag kang pumunta doon nang mainit ang ulo mo. Hindi maso-solve ang problema sa sweldo natin yung init ng ulo," malumanay na sabi nito. Nang umupo siya ay ngumiti ito, saka binitawan ang braso niya. "Easy. Makukuha din natin ang para sa atin."

Hindi siya nakakibo ngunit hindi niya rin alam kung bakit nagawa niya ring kumalma nang narinig niya ang sinabi nito, lalo na nang nakita ang ngiti nito. It's weird how he calmed me down with his words and smiles when I was ready to breathe fire to the people who made this issue.

"Nag antay ako dito at hindi pa ako umuuwi," ani Mommy Jane. "Wala rin akong makain dahil sa kaantay, at pabalik balik pa ako sa bank dahil nga umasa kami na may sweldo ngayon," litanya nito.

"I've never experienced this before. I even asked my Mom to ask one of the Bank's heads, only to find out that the problem isn't coming from them, but it was the company's problem." si Russel naman. Napatingin siya sa gawi nito at nakitang nasa tabi nito si Iris. Hinahagod nito ang likod ng binata na halatang mainit na rin ang ulo.

Pulos reklamo ang naririnig niya mula sa kasama, ngunit ngayon ay nagagawa niyang kumalma, hindi na gaya kanina na ready na siyang bumuga ng apoy sa kung sino man ang may kagagawan nito. Pinagmasdan niya si Benjie at napaisip siya kung paano siya napakalma nito - nang tumingin ito sa kanya. He smiled at her and mouthed "why" when she shook her head and smiled back at him.

"Don't worry guys," ani ng training manager nila na si Franz. "We'll find a way to solve this issue. And since this happened, lunch is on us."

"See, gagawa sila ng paraan para maayos ang issue natin," bulong ng binata sa kanya. "Kalma lang kasi."

"Oo na nga, kalmado na nga ako." aniya. Kumuha na rin sila ng pagkain - at naghanap ng mauupuan. Marami rami ang taong naroon kaya halos okupado na rin ang mga mesa - at kulang na rin ng mauupuan.

"Dito, Loui," sabi ni Daddy Roberto kaya lumapit sila sa mesang nakuha ng mga ito. Halos puno na ang couch na inuupuan ng mga kaibigan at para na lamang sa iisang tao ang space kaya umupo na siya at si Benjie sa armrest sa tabi niya kahit pa may bakante pang isang silya sa harap nila. Nakita niyang nakakalokong ngumiti si Iris sa kanya sa ginawa ng binata ngunit hindi ito nagsalita.

"Coke, guys, o." ani Russel, dala ang isang bote ng 2 liters na Coke at inilapag sa table na nasa harap nila. "Para sa ating lahat ito."

"Uy, salamat."

Isa-isa na silang kumuha ng paper cups, at aabutin na rin sana niya ang paper cup para sa sarili niya para magsalin nang binigay ni Benjie ang isang paper cup na may laman na.

Uy, meron talagang para sakin agad, ang sweet naman, sa isip-isip niya. Hoy, Loui, gentleman lang si Benjie kaya niya ginagawa yan! Pwede bang wag kang feeling! Kontra naman ng kontrabidang parte ng isip niya. Nagtatalo man ang nasa loob niya ay pinili niyang wag magpahalata ng kahit ano kaya isang matipid na ngiti ang isinagot niya sa binata.

"Salamat," aniya. Pinilit man niyang maging normal ang reaksyon ay hindi naman nakatakas sa paningin ni Mommy Jane ang ginawa ni Benjie.

"Ay sus. Kanina pa ako nanghihingi sa yo ng Coke, Benjie e. Palibhasa priority mo si Loui, no?"

She did not react but she can feel the heat rising on her cheeks. She glanced at Iris, which was now smiling ear to ear, and it seemed like that she was pleased with what she's seeing. Benjie kept silent, too, but she can see that there was a faint trace of smile on his lips and he kept sitting on the armrest beside her.

Hindi pa rin maawat ang pang aasar ng mga ito sa kanilang dalawa hanggang sa matapos silang maglunch. Hinayaan na lang nilang dalawa ang mga ito, hanggang sa humupa rin ang panunukso ng mga kaibigan.

Nakatambay na sila sa loob ng training room at wala na silang ginagawa nang nagsalita si Peter. "I shoot kaya natin yung ibang portion nung para sa video, guys?"

"Oo nga, that's a good idea," ani Russel. Gamit ang cellphone ay nagsimula nang i-shoot ni Cyril ang video, at pinapuwesto rin ang iba pa nilang ka team mates nila. Siya naman ay nag-aantay sa hudyat ni Cy nang iabot sa kanya ni Iris ang isang hoodie.

"Girl, isuot mo 'to."

"Para saan naman 'to?"

"Di ba, antukin ang character mo? So dapat may hoodie yung jacket mo para kunwari nagtatago ka para matulog at gigisingin ka kunwari ng SME mo," anito.

Iniabot niya ang jacket at isinuot ito. Kanino ba 'to? She was still asking herself when Nicka appeared at her side and was grinning. She then realized that the hoodie she was wearing was Benjie's.

"Uyyyy.. Jacket ni Benjie, yan," tudyo nito. Hay naku, itong mga ito talaga. Hindi na nagsawa na iisue kaming dalawa. At ikaw, tuwang tuwa ka naman! Sermon niya rin sa sarili niya.

Pwede bang minsan lang kiligin? Pasimple niyang inamoy ang jacket ng binata na ngayon ay suot niya. A faint mixture of fabric conditioner and a trace of his cologne attacked her nose, making her cling to it more.

Ang bango bango naman nito, ang sarap sarap suotin.

She was still sniffing it when she heard Cy's cue to start shooting the video. Natapos naman niyang ishoot ang parte niya at ibinalik na rin niya sa binata ang jacket nito pagkatapos. Naguusap na rin ang iba tungkol sa kung sino ang mag aantay sa opisina para sumabay sa van nang tanungin siya ni Benjie.

"Mag aantay ka ba dito, Loui?"

"Oo, e. Hindi ko na kasi kayang hintayin ang Lunes, kailangan na namin ng budget sa bahay." sagot niya. "Ikaw ba?"

"Wala pa akong card, e. Baka sa Monday na lang," anito at tumingin sa kanya, waring inaantay ang magiging reaksyon niya.

"Mabuti pa, sumabay ka na lang sa amin, tutal may service naman tayo."

"Sige na nga. Anong oras ba?"

"10 yata tayo aalis dito."

"Sige."

Ang iba sa kanila ay uuwi at sa kani-kanilang lugar na lang mag aantay. At dahil nga badtrip sila sa nangyari ay nagkayayaan silang uminom sa ibaba ng building. Kanya kanya silang labas ng sama ng loob dahil sa nangyari, ngunit napahiling na lang siya na sana, maging okay na ang lahat.