Chapter 5 - Chapter Three

Paghanga

"Kain tayo, guys." ani Iris sa kanila habang nasa pantry sila. At dahil nagbabaon silang lahat ay araw araw silang kumakain doon kapag lunch break. Anim sila sa upuang iyon, dahil ang ilan sa mga kasama nila ay hindi nila alam kung saan nagpunta.

"Kuha kayo dito sa ulam, guys, o." ani Iris sa kanila nang ialok nito ang baong ulam. Nagsikuha ang mga kasama nila, habang siya naman ay tumayo mula sa upuan niya para mag init ng dala niya ring pagkain sa microwave na naroon.

"San ka punta, Loui?" tanong ni Benjie sa kanya nang nakita nito na tumayo siya.

"Mag iinit lang ako ng pagkain ko," sagot niya rito at ipinakita niya ang tinapay na dala. Bumalik naman siya kaagad at naupo na muli sa pwesto niya.

"Yan lang kakainin mo? Di ka kaya magutom niyan?"

"Di naman siguro. Kumain naman kasi ako kanina sa bahay bago umalis."

"Gusto mo magshare? May dala akong pagkain dito, o."

"Sige lang, okay na ako dito. Pero, salamat,"

Tapos na silang kumain at nakatambay na lang sila sa pantry nang biglang nagsabi si Russel na magpicture sila.

"O, guys, picture tayo," ani Russel sa kanila. Iniabot nito ang cellphone kay Benjie, na nasa dulo ng upuan. "Benjie, tutal naman mahaba ang braso mo, ikaw na ang mag picture sa ating lahat."

"Sige po," sagot nito at kinuha mula kay Russel ang phone. "One... Two... Three... Smile!"

Kanya kanya sila ng pose. "Isa pa."

Nang matapos silang magpose ay iniabot ng binata ang cellphone pabalik kay Russel, at pagkatapos ay dinampot nito ang sariling cellphone sa mesang nasa harap nila. With a faint smile tracing his lips, he aimed his phone's camera at her. "Picture ka, Loui."

She smiled and posed gamely and he looked at the picture in his phone afterwards. Again, that smile was back on his face. "O, baka ipang - DP mo 'to, ha?"

Ha? Ano raw? Anong DP sinasabi nito? Di ko gets. Tumawa na lang siya para magkunwaring alam niya ang sinasabi nito. Maitanong nga kay Jay kung ano 'yong DP. Di ko naintindihan e.

"Hindi, ah." Di ko nga nakita 'yong picture. Baka nga mukha pa 'kong ewan do'n.

"Tara, videoke tayo sa baba," pag aaya ni Iris. "Tutal 3:30 pa naman tayo pinapabalik ni Alex."

"Oo nga. Samantalahin nating training pa lang at maluwag pa sa schedule natin. Pag nagstart na tayo mag calls, limited na ang oras natin," ani naman ni Russel. Simula nang nag training sila ay naging tambayan na nila ang carinderia sa ibaba ng building nila, na maraming videoke stalls. At dahil nga pare pareho silang mahilig sa videoke ay lagi sila roon.

Nasa pangalawa na siyang linya ng kanta nang lumapit sa kanya si Nikka. "Loui, pahiram ng mic," anito sa tonong pautos.

Ayan na naman siya, nagpapansin na naman!

Biglang napataas ang kilay niya sa ginawa nito pero ibinigay na lang niya ang mic para di na ito manggulo.

Nananahimik man ay nakataas pa rin ang isang kilay niya nang napatingin siya kay Benjie na nasa tabi. Tulad niya ay tahimik din ito ngunit pakiramdam niya ay pinagmamasdan siya nito. "Loui, gusto mo nang umakyat?"

"Ha?"

"Akyat tayo. Doon na tayo sa training room tumambay."

"Lika na," anito at hinila siya sa braso. Lihim siyang nangiti sa inasal ng binata, ngunit pinigil niya ang sariling maipakita ang kanyang reaksyon.

"Sige,"

They headed to the elevators, kasama si Daddy Robert. Tatlo lamang silang paakyat dahil iniwan nila ang ibang kasamahan sa ibaba. "Ano kayang itsura ng 6th floor kapag gabi? Tingnan kaya natin?"

"Tara, akyat tayo," sagot niya sa binata. Pareho silang napatingin at napangiti sa isa't isa. Parang alam niya ang iniisip ko, a. Pinindot naman ni Daddy ang "6."

Pagbukas ng pinto ay bumulaga sa kanila ang madilim na paligid. Walang katao - tao at halatang walang nagagawi roon. Ano bang pumasok sa isip naming pare - pareho at natripan naming umakyat sa floor na mukhang abandonado? Ang creepy ha.

"Hala ang dilim. Labas ka na, Loui."

Tignan mo 'tong lokong 'to. Mag aaya dito sa 6th floor tapos ako ang itutulak palabas. "Ikaw kaya mauna,"

"Ikaw na, tapos susunod kami ni Daddy,"

Nagkukulitan na sila sa kung sino ang ang lalabas sa madilim na parteng iyon, paglabas ng elevator. Kapag umaakma siyang palabas ng pintong iyon ay hinihila siya nitong pabalik. Para na rin silang mga sira-ulong tumatawa sa pinagagawa nila at pati si Daddy Robert ay nakikisali na rin sa kanila.

"Tama na nga, para na tayong timang dito." aniya. "Saan ba tayo tatambay? Maaga pa, e."

"Sa fifth floor na lang," ani Daddy. "Doon sa tapat ng recruitment area."

"Tama, Dad. May may upuan tayo r'on."

Habang doon sila nakatambay ay nagkukuwentuhan sila at napag usapan nila ang kani-kanilang pamilya.

"Ay naku. Kaya nga sinasabi ko sa kapatid ko na umayos siya sa pag aaral niya. Hindi ko naman ito ginagawa para sa sarili ko. Para naman ito sa future niya."

"Ikaw pala ang panganay, no?"

"Oo, Dad. Kung hindi niya aayusin, siya naman ang magsu-suffer. Lalo pa lalaki siya."

"Naku, Loui. Ilang taon ka na ba at para ka ng magulang magsalita?"

"24, po."

"Sana yung mga anak ko, ganyan mag isip gaya ng sayo. Yung panganay ko, halos kasing edad mo lang pero hindi kasing matured mo,"

"Siguro kasi maaga akong namulat sa responsibilidad, kaya ganun. Saka ayoko naman pagdaanan ng kapatid ko kung ano man ang pinagdaanan ko noon. Tama nang ako na lang."

Lunch break at nasa Jollibee sila para kumain. Silang dalawa lang ang magkasama dahil absent si Daddy Robert. Kumakain sila nang napansin niyang tahimik ito.

"May problema ba, Benjie? Tahimik ka ata."

After a beat, he started talking. "Nag away kasi kami ni Tatay kanina, bago ako umalis ng bahay. E sa ayoko sumagot, umalis na lang ako. Tapos yung mga kapatid ko pa, kung hindi pa ako mauuna kumilos sa loob ng bahay, hindi rin gagalaw. Alam naman nilang galing pa ako sa trabaho."

Hmm. Kaya pala tahimik siya kanina. Pero nakakatuwa siya kasi kahit kalalaki niyang tao, kumikilos pa rin siya sa loob ng bahay nila. Para siyang ako.

Nakikita ko ang batang ako sa kanya. Nakakahanga.