Chapter 4 - Chapter Two

Friends, No more, No less

"Take your break, guys. Be back after thirty minutes." ani ng trainer nilang si Alex pagkapasok nila ng training room. Dahil training pa lang naman ay binibigyan sila nito ng oras para makapag break.

"Tara na sa baba, Dad, kain tayo doon." Aya niya sa mga kasama. At dahil nga binibigyan sila ng oras ay bumababa sila sa ground floor para makakain. Marami kasing street food sa tapat ng building nila.

"Tara. Gutom na rin ako," ani Sheryl. At gaya ng ginagawa nila sa nakalipas na apat na araw ay sabay sabay na silang nagtungo sa ground floor. At dahil pare pareho silang gutom ay nagkanya kanya silang punta sa mga stall ng street food na gusto nila.

Yess!!! May isaw!! Nagningning ang mga mata niya nang makita ang cart ng pritong isaw ng manok sa di kalayuan. Kaagad na lumapit siya sa cart at nagsimulang kumain. Wiling-wili siya at dinampot pa ang isang stick na mainit pa, kaya halos mabitawan niya ito.

"Aray," aniya. Ayan kasi. Napakatakaw kaya napapaso e. Mauubusan lang ng pagkain, Loui?

Sinesermunan niya pa ang sarili nang may narinig siyang nagsalita sa tabi niya.

"Dahan dahan lang, uy. Napapaso ka tuloy." ani ng boses sa tabi niya kaya napalingon siya at nakita si Benjie, na nakangiti sa kanya.

"Benjie, ikaw pala," sagot niya sabay ngiti rin sa binata. "Gusto mo?" pang aalok niya ng kinakain dito.

"Sige lang, tapos na ako. Nag fishball na ako doon sa kabila," tukoy naman nito sa fishball cart sa tabi nila. "Mukhang sarap na sarap ka sa kinakain mo, ha."

"Oo, favorite ko 'to, e." aniya habang kumakain pa rin. "Tapos, gutom pa ako. Kaya ayan, naparami ang kain ko. Bawal nga sakin' to, e. Pero siyempre, matigas ang ulo ko, tuloy pa rin."

Galing sa pagkakangiti ay natawa ang binatang nasa harap niya kaya napatingin siya uli rito.

"Bakit ka natawa?" tanong niya sa binata.

"Wala naman," sagot nito. "Ang lakas mo kasi kumain ng bawal sayo."

Nangiti siya pabalik at hinayaan siya nito na matapos kumain, saka siya inaya na magpunta sa mga kasama na nasa Family Mart. Nakatambay sila roon at magkatabi sila ni Benjie nang bumulong ito sa kanya.

"Samahan mo naman ako sa Family Mart,"

"Sige, halika na,"

Pumasok sila sa loob ng Family Mart. Nag ikot-ikot ito sa loob, habang siya naman ay nasa magazine stand, kaharap ang mga libro. Busy siya sa katitingin sa mga librong nasa harap niya nang lumapit ito sa kanya.

"O, ano? May nabili ka ba?"

"Wala nga ako nakita, e. Sorry, ha? Pero pwede ba samahan mo ako sa MiniStop? Last na 'to."

Iba rin ang trip nito, ang maglibot sa mga convenience store. "Tara na,"

"Thank you,"

Nagtungo na nga sila sa MiniStop at hinayaan niya itong magikot sa loob ng store, habang siya naman ay nasa harap na naman ng magazine rack. Libang na libang siyang tingnan ang mga librong naroon, nang nagsalita ang binatang nasa tabi na niya.

Ang habit talaga ng lalaking 'to, lagi na lang nagugulat. Aatakihin ako sa puso sa yo.

"Ano sa tingin mong masarap na flavor ng Swissmiss dyan?"

Tumingin siya sa itinuturo ng binata. "Yung dark choco siguro, mukhang masarap 'yon."

Kumuha ito ng dalawa, at nagpunta ito sa counter para magbayad. Nang lumapit ito sa kanya ay iniabot sa kanya ang isang cup ng hot choco na hawak nito. "Uy, ito, oh. Para sa'yo."

"Ha? Para sa akin ba 'talaga 'to?" Anong meron? Ba't nanlilibre 'to bigla?

"Sa'yo talaga 'yan."

"Sure ka?"

"Oo. Thank you ko 'yan kasi sinamahan mo ako." Anito at ngumiti pa sa kanya.

"Di mo naman kailangan manlibre, no. Sinamahan kita, kaya okay lang 'yon."

"Sige na, tanggapin mo na." Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay roon ang mainit na cup ng hot choco. "Magtatampo ako kapag di mo tinanggap 'yan."

"Sige na nga. Pero ako naman ang manlilibre pagdating ng sweldo."

"Wag na."

Bahala ka dyan, basta ako naman ang manlilibre sa'yo sa sweldo natin, sa isip isip niya. "Halika na sa taas, baka bumalik na sila doon at hinahanap na nila tayo."

Bumalik na sila sa training room at naroon na rin pala lahat ng mga ka team mates nila. Sila na lang dalawa ang wala. Nakita sila agad ni Daddy Robert, na ngayon ay nakangiti na nang nakita silang magkasama.

"Saan kayo nanggaling? Nag date kayo, 'no?"

Muntik na niyang maibuga ang iniinom sa sinabi ni Daddy Robert. Ano raw? Nawala lang kami, nag date na kaagad? Ang advanced naman mag isip ang mga tao dito. "Hindi, Dad a. Sinamahan ko lang po si Benjie sa Mini Stop."

"Kaya pala nawala kayo bigla. Akala namin kung saan kayo nagpunta, nag date lang pala."

"Di po, ah. Sinamahan lang po ako ni Loui sa baba," pagtanggi nito sa sinabi ni Daddy Robert ngunit bakas naman ang abot-taingang ngiti. Ang hudyong 'to, tuwang tuwa pa atang inaasar kami.

Gaya niya ay umupo na rin ito sa pwesto nito. Lumapit naman sa kanya si Nicka at tiningnan ang cup na hawak niya. "Ano 'yan, guys?"

"Swissmiss choco." aniya at tangkang ialok niya ang cup na hawak nang bigla itong hinablot ni Nikka mula sa kanya, dahilan upang matapunan ang damit niya. Nagulat naman siya sa inasal nito at hindi man lang nag-sorry sa nangyari at bigla na lamang silang tinalikuran ni Benjie.

Ang bruhang 'yon, di man lang nag sorry at lumayas na lang bigla!

Naiinis man ay pinigilan niya ang sarili. Ayoko magalit ngayon, ang aga aga. Mabuti na lang makapunta ng CR para punasan 'tong damit ko.

Tumayo sya sa upuan niya para magpunta ng CR at maglinis ng natapunang parte ng damit niya, nang lumapit sa kanya si Benjie.

"Ayos ka lang, Loui?"

"Oo. Lilinisin ko lang tong damit ko, namantsahan, e. Punta lang ako ng CR."

"Samahan na kita," anito at sumunod na sa kanya na paglabas ng training room. Nang makarating sila sa labas ng CR ng girls ay iniabot sa kanya ang panyong inilabas mula sa bulsa ng pantalon nito. "Gamitin mo to, o."

Umiling siya. "Tissue na lang ang gagamitin ko panglinis, nakakahiya kung panyo mo pa."

"E, paano pag walang tissue dyan sa loob?" Kinuha nito ang kamay niya at inilagay roon ang panyong hawak ng binata. "Basta gamitin mo 'yan."

Ang concerned, ha, sa isip isip niya. Aba, Louisse. Hindi porket concerned siya sayo e bibigyan mo ng kahulugan' yang kabaitan na pinapakita niya sa yo. Kailan ka pa naging dictionary? Kontra ng kontrabidang parte ng isip niya.

Nag aatubili man at nagtatalo ang isip niya ay tinanggap na lang niya ang panyo ni Benjie. "Sige na nga. Ibabalik ko na lang sa 'yo'to pag nalabhan ko na."

"Walang problema."

Mabilis lang naman siyang natapos na linisin ang parte ng damit niya na nadumihan, kaya nakabalik na kaagad sila sa training room.

Nasa pangalawang linggo na sila ng training nila at may assessment sila kaya naman abala siya sa pagcollate ng mga notes para mabasa niya. Free time nila, kaya inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng mga naipon niyang notes.

Kung gumawa kaya ako ng reviewer para mas may matandaan ako?

Tama, yon na lang ang gagawin ko. Magpakabusy tayo ngayon para makapasa naman. Kahit naman ayoko sa account na 'to, ayoko rin bumagsak sa training.

Halos nangalahati na siya sa pagtype nang napansin niyang parang may tao sa may gawi ng likod niya. Sinilip niya ang pc sa tabi at nakita niya ang repleksyon ni Benjie rito na palakad lakad sa likod niya.

Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking 'yan at paikot ikot sa likod ko?

Hinayaan lang niya ang binata sa ginagawa nito at nagpatuloy siya sa pagtype ng notes niya sa pc. Bahala ka dyan, kesa mailang ako, magpapaka busy na lang ako rito.

Hindi niya pa rin ito pinapansin, nang tuluyan na itong umupo sa tabi nya. Kahit sa peripheral vision niya ay ramdam niyang nakatitig ito sa kanya, na tila may sasabihin. Ilang segundo pa itong tahimik sa tabi, nang hindi na siya nakatiis at humarap sa binata. She caught him staring at her - nor did he flinch when she met his eyes. But there was a hopeful look in those, like the same way that he was hoping for her to notice him. He smiled when he got her attention.

"Bakit, Benjie?"

"Ah, kasi..."

"Kasi?" tanong niya rito.

"Busy ka?"

Ano naman kayang problema nitong taong 'to? Parang hindi mapakali at may gustong sabihin, e. "Hindi naman, nagco-collate lang ako ng notes para maging reviewer. Anong meron?"

"Ipapatingin ko sana' to sayo e," anito sabay turo sa ituktok ng ulo nito. Giving her his puppy eye look, he was like a puppy trying to get his master's attention. And boy, she must say that it was effective. And cute.

Hep! Mag hunus dili ka, Louisse. Umayos ka, nadala ka naman kaagad sa ginawa nya. Tigilan mo yan! Kontra ng kontrabidang parte ng isip nya. Baka naman nakalimutan mo ang purpose kaya ka nandito.

Tumikhim siya. Hindi niya alam kung kikiligin o matatawa sa inaasal ng binatang nasa harap niya, kahit pa nagtatalo ang utak niya.

"Patingin nga. "Yumuko ka nga." sumunod naman kaagad ang binata sa kanya. "Aba, ang dami. Ano bang ginagamit mong shampoo? Baka hindi ka hiyang kaya nagkakaganyan." tanong niya habang nanatiling nakayuko ito.

"Dove for men. Talaga? Marami?"

"Oo. Magpalit ka, ha?"

"Okay, sige."

Nakatuon ang pansin nya sa ginagawa nang narinig niya ang boses ng trainer nilang si Alex. May itinatanong ata na kung ano sa mga ka-wave mates nila.

"Yun, pwede yun. Teka, bat parang kanina ka pa tanong ng tanong ng tungkol dyan, ah. Meron ba dito?"

"Tingin tingin sa paligid," hirit naman ni Jaycee.

Naku, pinag-aasaran sila. Sabagay, mukha namang gusto nila ang isa't isa. Oh well. Bagay naman sila.

"E, teka, teka. Sino ba yang mga yan at nang mapapirma ng kontrata para hindi na makaalis?" pakikisali ni Franz, ang training manager nila.

"Sila Russel at Iris, po."

Kawawang Russel at Iris. Na-hotseat pa.

"E, hindi lang naman kami ni Russel, e. Ayan, o. Si Loui at Benjie din naman."

Ano? Sino daw?

"Uuy, dyan nagsisimula yan," simulang kantyaw ng mga ka-team mates nila sa kanilang dalawa ni Benjie.

"Okay lang naman 'yan," ani Daddy Robert. "Wala naman kayong masasagasaan. Pareho kayong single." panunudyo nito.

Ano daw? Hindi pa man siya nakakabawi sa pang aasar ng mga ito ay nilapitan naman siya ni Jaycee.

"Ay, ang haba ng hair mo, 'te. Baka maapakan natin 'yan." nakangising sabi nito at bumaling naman kay Benjie. Mag-rereact sana siya sa sinabi nito nang kunin ni Jaycee ang mga kamay niya at hinila rin ang mga kamay ng binatang nasa ha. Pinagsalikop nito niyon.

"Ayan." nanunudyong sabi nito. "Holding hands kayo para lalo pa kayong sweet."

Hindi niya alam kung paano magrereact sa sasabihin nito gayong umugong na lalo ang kantiyawan sa loob ng room, patungkol sa kanilang dalawa.

"Totohanin nyo na kasi!"

"Oo nga. Tapos i-celebrate dapat!

Nagkatinginan na lang sila at parehong walang nasabi sa mga nangyayari sa paligid. Namumula ang pisngi nito, gaya ng sa kanya ngunit abot tainga naman ang ngiti nito.

Aba't parang tuwang tuwa pa sya sa nangyayari e ako naman ay hindi alam kung paano mag-rereact sa pang-aasar ng mga kasama namin!

"Uuy, nag blush si Benjie!"

"Kiss!"

"Oy. Sobra na yan.. Mamaya nyo na ituloy." ani ng trainer nilang si Alex. Tumingin ito kay Benjie. "Mr. Gonzales, mamaya ka na manligaw. Bumalik ka na muna sa upuan mo."

Tumayo naman ito sa kinauupuan para bumalik sa station nito. Hahakbang na sana ito nang lumingon uli sa kanya.

"Loui,"

"O?"

Ngumiti ito. "Mamaya na lang uli,"

Hindi niya alam kung bakit tila nagririgodon ang puso niya nang nakita niyang ngumiti ito sa kanya at sinabi iyon. Warmth crept into the pit of her stomach.

Why do I feel like this? Hindi ko pwedeng maramdaman ito. We should be friends, no more, no less.