Chapter 4 - Chapter 1.3

BANG! BANG! BANG!

Kapwa nagpakawala ng sunod-sunod na atake si Marcus Bellford at ang magandang babaeng tila hindi magpapatalo ang mga ito sa bawat isa. Halatang may ibubuga talaga ang mga ito na siyang pansin rin ni Evor. Halata rin na kalmado lamang na nag-oobserba si Evor maging ang iba pang mga kalahok ay ganon din ang ginagawa katulad niya.

This will be their reference kung sakaling makalaban nila ang mga ito. Seeing how intense the fight, one could only imagine if they will be on the field fighting to their strong opponents like this. Sa pagkakataong ito ay aware ang lahat sa maaari nilang labanan o hindi.

"Bata, masyado ka atang maangas sa iyong inaasta. Hindi ko aakalaing ikaw ang makakalaban ko sa oras na ito hahaha!" Tila mapang-uyam na sambit ng magandang babaeng halos nasa singkwenta na ang edad nito ngunit ang mukha nito ay hindi mababakasan ng pagtanda.

Talaga nga namang mahihimigan ang tila may laman nitong mensahe sa mga katagang ginamit nito.

"Ano ang iyong pinapahiwatig ginang? Meron ba akong dapat malaman sa iyong sinabi? Sa asta mo ngayon ay mukhang kilala mo ako!" Rinig na tanong ni Marcus Bellford na tila may halong pagtataka.

Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Evor ang mga katagang ito. Sa kilos pa lamang ng nasabing ginang ay mukhang may alam ito sa mga nangyayari lalo na kay Marcus Bellford.

"Hindi ba halata na kilalang-kilala kita Marcus Bellford? At sino nga ulit yung isa mong kasamahan na sumali rito upang maging kalahok? Mukhang hindi ako nagkakamali na may ibubuga ka pala hahaha!"Nang-iinsultong wika ng magandang babaeng tila ba hindi ito basta-basta lamang nagsasabi.

Nagulat naman si Evor sa narinig niya lalo na at mukhang nakakalap ang nasabing ginang ng impormasyon patungkol sa kanila o mas mabuting sabihing napaghandaan niya na at inaasahan ang paglahoo nila sa elimination round na ginaganap sa kasalukuyan sa loob ng Dragon City.

"Paano mong nalaman ang bagay na ito? Mukhang hindi ka lamang isang ordinaryong ginang kundi pinlano mo na ang lahat ng ito!" Nanggagalaiting saad ni Marcus Bellford halatang hindi nito nagustuhan ang katusuhan ng magandang babaeng tila ba nautakan sila.

Hindi siya tanga upang hindi malaman na may plano na ito noong una pa lamang. Tila ba inalam na ng Binibining ito ang maaaring masagupa nito noon pa lamang.

"Hahahahaha... Hindi na importante iyon dahil sa oras na ito ay nasisiguro kong ako ang mananalo laban sa'yo at wala ka ng magagawa pa!" Malademonyong sambit ng magandang babae na mabilis na umilaw ang mga mata nito.

Sa isang iglap lamang ay mabilis nitong ibinato sa ere ang nasabing summoner's ball nito na siyang naglalaman ng pagmamay-ari nitong familiar niya.

"Liberius, I summon you!"

Unti-unting lumiwanag ang buong field na siyang ikinagulat ng lahat lalo na at kitang-kita nila kung paano lumabas ang dalawang magkakasunod na pabilog na bagay sa himpapawid.

POOF!

Lumabas ang dambuhalang halimaw na hugis tao na siyang kilala bilang isang uri ng cyclops.

Iisa lamang ang mata ng nasabing summoned hero habang makikitang tila malakas ang nilalang na ito.

Hindi naman nagpasindak si Marcus Bellford sa labang ito at nakita ni Evor kung paanong nagalit ang inaanak ni First Former Aleton.

GRROOOAAARRRR!

Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Marcus Bellford at mabilis na nitong isinagawa ang atake niya laban sa kalaban nitong tila ba gusto siyang insultuhin at inisin pa lalo.

PENG! PENG! PENG!

Mabilis na nakipagbuno ang golden tiger na siyang familiar ni Marcus Bellford sa familiar ng kalaban nitong isang malakas na cyclops.

Sa unang pagdakma ng malaking cyclops sa katawan ng golden tiger ay tila nabigo ito habang mabilis itong sinagpang sa kamay ng dambuhalang tigre na siyang alaga ni Marcus Bellford.

Walang gustong magpatalo sa dalawang panig at kitang-kita kung paano nagsukatan ng tingin si Marcus Bellford at ng magandang babaeng tila wala ring balak makipagtalastasan pa sa nasabing binata.

Tssscchhh! Tssscchhh! Tssscchhh!

Hindi pa nakontento si Marcus Bellford at mistulang hindi ito magpapatalo lalo na ang agresibo ngunit maliksing pagkalmot ng golden tiger sa mismong balat ng dambuhalang cyclops.

Grroaarrr!

Tumalsik at bakas na bakas ang masaganang dugo ng dambuhalang cyclops habang kitang-kita kung paano ito nagwawala at pinipilit na ilayo ang bibig ng dambuhalang ginintuang tigre sa kamay nitong kagat-kagat pa rin ng nasabing halimaw na tigre.

PAH! PAH! PAH!

Sunod-sunod na suntok at tadyak ang iginanti ng nagwawalang cyclops sa gitna ng field kung saan ay makikitang tila ba baliktad ang naging resulta ng labanan na siyang labis na ikinapagtataka ng lahat.

Halos hindi makapaniwala ang lahat sa naging resulta ng labanang ito. Kung gaano kabilis na nagshift ang laban ay ganon din kabilis na bumaliktad ang sitwasyong kinakaharap ng mga ito. Sino ba naman kasi ang hindi makapaniwala sa sitwasyong muntik na silang mag-expect sa mananalo ngunit tila ba nagbago ang ihip ng hangin.

Mabilis na tumahimik ang buong arena sa resultang hindi nila lubos na maisip.

TAH! TAH! TAH!

Sunod-sunod na marahas na suntok ang pinakawalan ng dambuhalang halimaw na cyclops sa dambuhalang katawan ng golden tiger na sa huling pagkakataon ay hindi maganda ang lagay nito hanggang sa bumalik ito sa pagiging summoner's ball.

Mabilis na napaluhod si Marcus Bellford at lumagapak sa lupa. Halos lahat ng naririto ay hindi makapaniwala sa naging resulta ng laban.

"Paano'ng nangyari ito? Hindi, hindi mo ako matatalo!" Malakas na sigaw ni Marcus Bellford habang nakatingin ito sa direksyon ng magandang babaeng nakalaban njyo

Ang lakas kasi ng apog mo bata. Masyado ka pang mahina upang manalo ka sa katulad ko. Hindi mo mapapantayan ang lakas na taglay ng aking familiar!" Sambit ng magandang babaeng ginang na tila ba gusto nitong isampal sa katotohanan kay Marcus Bellford.

"Hindi! Mas malakas ako sa inyo! Pwede pa akong lumaban!" Seryosong saad ni Marcus Bellford habang kitang-kita na hindi nito matanggap ang pagkatalong nangyari sa kasalukuyang laban.

"Tapos na bata. Masyado kang kampante sa sarili mo kaya naman natalo ka. Siyempre ay dahil rin iyon sa aking sariling taktika. You are too numb and dumb to feel it!" Mapanghamak na wika ng magandang babaeng habang nakatingin sa nakasalampak na pigura ng lalaking si Marcus Bellford.

THUD!

Maya-maya pa ay napasinghap ang lahat ng mawalan ng malay si Marcus Bellford at sumalampak ito sa lupa ng marahas.

A poisonous gas spread into Marcus Bellford's body na siyang ikinabahala ng lahat. Halos lahat ay nagbulong-bulungan sa pangyayaring ito.

"Oppps... Pasensya na bata. Nakalimutan kong sabihin sa iyo na makamandag ang dugo ng cyclops. At ikaw naman ay nagpabitag sa sarili kong patibong" Simpleng sambit ng magandang babaeng ginang habang mabilis itong naglakad palabas ng field.