Chapter 10 - Chapter 1.9

Kasalukuyan naririto sa loob ng pagamutan ang tatlong nilalang na naghatid sa loob ng pagamutan ang walang malay na binata. Kitang-kita nila na wala parang natutulog lang ang binata. Nasaid talaga ang lakas nito sa nasabing labanan.

Kakaiba ang kasuotan ng tatlong nilalang lalo na ang kaniya-kaniyang mga disenyong nakaburda sa kanilang suot-suot na roba. Halatang may mataas na katungkulan ang mga ito sa loob ng Azure Dragon Academy.

Hindi nila batid na makakaligtas pa ito matapos ng matinding sagupaan at naghihintay na panganib kanina. Alam nilang nahuli na sila sa pagpunta at iyon ang isa nilang malaking pagkakamali.

"Saan nagmula ang binatang iyan? Hindi ko kailanman nasaksihan na mayroong nilalang na kayang kumontrol ng ganon kalakas na kidlat!" Saad ng isang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na mayroong selyo sa kaliwang dibdib nito ng Azure Dragon Academy.

"Kakaiba talaga ang lakas na pinamalas niya. Kita niyo naman kung paano'ng nagfusion skill ito sa summoned hero nito at nalagutan ng hininga ang kalaban nito!" Sambit ng babaeng nilalang na kulay dilaw ang robang suot nito.

"Wag tayong magpakasigurado dahil hindi natin napanood ang buong labanan. Kailangan nating matyagan ng maigi ang binatang yan." Sambit naman ng isang lalaking medyo may katandaan na nakasuot ng kulay ubeng roba. Mayroon na ring puting buhok na ulo nito.

"Mas mabuti siguro kung alamin natin ang puno't-dulo ng lahat ng kaganapan kanina. Panigiurado ay mayroong malaking bagay ang nagpasimula ng lahat kanina." Sambit ng babaeng nilalang na nakasuot ng kulay dilaw na roba.

"Talagang sobrang laking problema ito dahil nabulabog ang buong Dragon City sa nangyari kanina. Bawal na bawal ang manggulo o maglikha ng hidwaan sa mismong siyudad na ito. Napakalakas naman ng loob nila na maglaban sa harap ng pampublikong lugar!" Asik naman ng lalaking nakasuot ng kulay puting roba.

"May punto kayo sa mga sinabi niyo. Kailangan nating imbestigahan at malaman ang tunay na nangyari bago tayo magpasya. Batid ko ring may kakaibang nangyayari na hindi natin alam." Makahulugang wika ng nakakulay ube na roba na halatang kumbinsido sa nangyayari.

Napatangon na lamang ang dalawang kasamahan nito na nakatingin sa gawi ng walang malay na binata.

Matapos nito ay mabilis na lumabas ang mga ito lalo pa't may kaniya-kaniya pa silang mga gagawin sa mga oras na ito.

....

Nagising si Evor at mabilis nitong iniunat ang mga kamay at paa niya. Tila pakiramdam niya ay napakasarap ng pagkakatulog niya.

Isang napakagandang umaga ito at mabilis niyang naalala ang Elimination Round na mangyayari kaya nanlaki ang mga mata niya.

Kasabay niyon ay biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang isang magandang binibini.

"S-sino k-ka?!" Nauutal na tanong ni Evor at dito niya napagtanto na hindi pala ito ang inuupahan niyang inn.

"Ano ka ba binata. Ako lang ito, si Gira, ang inatasan ng Azure Dragon Academy na alagaan ka." Wika ng dalaga habang nakangiti.

"Alagaan? May sakit ba ko? Ngunit maraming salamat po sa pag-aalaga sa akin. Babayaran na lamang po kita. Kailangan ko pang sumalang sa Elimination Round para makapasok sa inyong akademya." Seryoso ngunit may paggalang na sagot naman ni Evor sa nasabing dalaga.

Mabilis na nakalabas si Evor ngunit nagsalita muli ang nasabing dalaga.

"Elimination Round? Mukhang huli ka na ata binata. Isang buwan na ang nakalilipas at sa panahong iyon ay wala ka----!" Sambit ng nasabing dalaga ngunit agad na naputol ito.

"Ano?!!! Isang buwan? Pero paanong---- ahhh paano na to?!" Tila histerikal na sambit ni Evor na natataranta na. Disappointment written on his face.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig niya. Paano na iyon? Parang ngayon ay nagsisisi siyang pinatulan at nilabanan ang nilalang na iyon na mas malakas pa sa kaniya ng di hamak.

"Kumalma ka binata. Hindi makakatulong ang pagkakataranta mo diyan. Nakalipas na ang panahon. Mas mabuting pakalmahin mo ang emosyon mo, pwede?!" Seryosong turan ng dalagang nagngangalang Gira.

Agad namang bumalik si Evor sa loob ng kwarto. Mabuti na lamang at walang katao-tao sa hallway kung hindi ay mapagkakamalan na siyang baliw nito.

Sino'ng mag-aakalang sobrang bigat pala sa pakiramdam ang ganitong senaryo ng buhay niya. Pakiramdam niya ay binigo na niya ang mga taong umaasa sa kaniya.

Ano na lamang ang mukhang ihaharap niya sa tatlong elders, sa mga ka-nayon lalong-lalo na kay Apo Noni?! Isang malaking kapalpakan ito at sinayang niya ang isang buwan na nakalipas dahil lamang sa maling desisyon niya.

Isa na itong malaking aral kay Evor. Masyado niyang minaliit ang kakayahan ng nilalang na iyon. Alam niyang wala na siyang maaasahan pa kundi ang sarili niya lamang.

Ikinalma ni Evor ang sarili niyang emosyon at umupo ito sa higaan niya.

"Makinig ka sa akin Evor, isa akong mag-aaral ng Azure Dragon Academy. Hindi kailanman solusyon ang pagkakataranta mo. Paumanhin sa sinabi ko dahil ginawa ko lamang iyon upang di ka mapahamak kapag lumabas ka sa pasilyong ito ng hindi nag-iingat." Seryosong pahayag ni Gira.

"Ano'ng ibig mong sabihin?!" Tila muli na namang nagtataka si Evor sa pinagsasabi ni Gira.

"Nasa teritoryo ka ng paaralan kaya hindi ka dapat basta-bastang gumagala-gala kung ayaw mong maging target ng mga estudyante rito." Makahulugang saad ni Gira habang nakatingin ito ng seryoso kay Evor.

Tila medyo nabingi si Evor sa kaniyang narinig at nanlaki ang mga mata nito ng mapagtanto nito ang ibig sabihin ng sinabi ng magandang dalagang nasa harapan niya.

"Nasa loob ako ng Azure Dragon Academy? Totoo ba ang sinabi mong to binibini?!" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Evor habang halo-halong emosyon ang nararamdaman nito.

"Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo? May mapapala ba ko pag ginawa ko yun?! O siya, aalis na ko at ihanda mo na ang sarili mo sa susunod na mga araw." Makahulugang wika ng dalaga habang tiningnan muli ang binatang bagong gising lamang mula sa mahimbing nito pagkakatulog isang buwan na ang nakakalipas.

"Anong ibig mong sabihin, Binibining Gira?!" Tanong ni Evor na animo'y nagtatakang muli. Masyadong marami siyang di alam at talagang gusto niyang malaman kung ano ito.

"Wag kang mag-alala dahil ang muli mong paggising ay isang magandang pahiwatig sa napipinto mong pagkahirang." Makahulugang sambit ni Gira kasabay nito ang makahulugang ngiting nakapaskil sa mapula nitong mga labi. Halatang iniba nito ang direksyon ng sagot sana sa tanong ng walang kaalam-alam na si Evor.

Criiiiii... Tap! Tap! Tap!

Rinig na rinig ni Evor ang tunog ng pagbukas ng pinto maging ang bawat tunog ng hakbang ni Binibining Gira. Masyado siyang naninibago sa lugar na ito.

Wala siyang mapapala kung dito lamang siya. Mabilis niyang inayos ang sarili niya at napangiti siya ng makita nito ang isang robang kulay puti. Ganitong-ganito ang robang suot ng mga estudyante.

Namangha siya lalo na at mayroong isang maliit na selyo na nakakabit sa kaliwang dibdib niya, isang patunay na isa siyang estudyante ng Azure Dragon Academy?! Nagtataka si Evor nang malaman ang ganito. Paano'ng nangyari isa na siyang estudyante ng Azure Dragon Academy?!