Mabilis na nilagay ni Evor ang naturang summoner ball niya sa kaniyang palapulsuhan kung saan ay muli nitong nakita ang pagrekober ng summoner ball niya mula sa naturang atake ng kalaban niya.
Walang pag-alinlangan na kinuha ni Evor ang kaniyang unang summoner ball at ibinato sa ere ng malakas.
Ilang minuto ang nakalipas ay walang nangyari. Tila namuo ang katahimikan na sinundan ng malakas na tawanan at paghagalpak sa tuwa ng halos lahat ng mga manonood maging ng mismong kalaban ni Evor.
"Nagpapatawa ba ang binatang iyan?! Hibdi ba't mas mainam na sumuko na lamang ito dahil higit na mas malakas ang nilalang na kalaban nito kaysa sa kaniya hindi ba?!"
"May punto ka sa sinabi mong iyan. Hindi mababalewala ang koneksyon nito sa mismong familiar nito."
"Mga kabataan nga naman, hindi nag-iisip ng ikabubuti nila sa harap ng panganib."
Marami pang naririnig na mga negatibong pahayag si Evor mula sa kinaroroonan niya. Halatang gusto ng mga ito na papanghinain ang loob niya sa naturang kasalukuyang labang ito.
Mabilis namang napalingon si Evor sa gawi ng kalaban niya nang magsalita ito mula sa napakalalim na boses nito.
"Gaya ng sinabi nila binata ay sumuko ka na kung ayaw mong ipalasap ko sa'yo ang pangunahing galit ko sa bayang kinabibilangan mo kagaya ng ginawa ko sa kasamahan mo!" Galit na wika ng kakaibang anyo ng kalaban ni Wong Ming.
Napangisi na lamang si Evor nang tumingin siya sa mga mara ng kalaban niya. Those deathly stares na pinapakita ng kalaban niya habang makikita ang galit sa mga mara nito ay siyang ikinasisiya ni Evor.
Mabilis siyang sinugod ng kalaban niya habang hindi ito iwinawala sa paningin nito habang ipakita nito ang naghahabang mga kuko nito patungo sa katawan mismo ni Evor.
"Mukhang nahuli kita sa bitag na inihanda ko para sa iyo estranghero. Mali ka ng kinalabang bayan!" Sambit ni Evor habang kitang-kita ang pagbuo ng isang maliit na magic circle sa paanan nito at mabilis na lumaki ng lumaki na siyang ikinagulat ng lahat.
Maging ang mga manonood ay tila gulat na gulat at napasinghap pa nang masaksihan ang malaking pagbabago sa tinatawanan lamang nila na binata kanina.
Nagbago ang kaanyuan ni Evor at tila nabalutan ang katawan nito ng kakaibang kulay pulang kasuotang gawa sa isang lobo habang mayroong tatlong naglalakihang buntot sa likuran nito na kahali-halinang tingnan.
Isang pabilog na bagay ang biglang sumabog mula sa katawan ni Evor dahilan upang umatras ng ilang metro ang paatake na sanang kalaban nito.
Labis namang natigilan ang kalaban niya habang makikitang hindi ito makapaniwala sa kaniyang sariling nasaksihan sa labanang ito.
"Paano'ng nangyari ito. Hindi ito maaari sapagkat alam kong ang pinakamalakas mong familiar ay ang Ice Type Summoned hero na pagmamay-ari mo!" Hindi makapaniwalang sambit ng kakaibang anyo ng kalaban ni Evor sa hindi kalayuan.
"Yan ang pagkakamaling nagawa mo hahaha!" Sambit ni Evor habang kitang-kita ang tila mabilis na pagtaas ng temperatura sa katawan nito dahilan upang ang lupang tinatapakan niya ay natuyot at makikita ang pamumuo ng mga bitak-bitak sa lupa dahil sa sobrang init.
"Hindi ako naniniwalang ang isang katulad mo lamang ang makakatalo sa akin!" Malakas na wika ng nakamaskarang nilalang habang mabilis itong naglakad patungo sa direksyon ni Evor.
Malaking nilalang man ito dahil sa pagsasanib ng naturang Dark Type Summoned Hero nito ay tila mabilis nitong natawid ang kinaroroonan ni Evor.
BANG! BANG! BANG!
Malalakas at mabibilis na pagsuntok ang ginawa ng nakamaskarang nilalang na kalaban ni Wong dahilan upang sumabog ang hanging natatamaan nito habang si Evor ay tila sumasayaw lamang sa hangin habang mabilis nitong naiilagan ang pambihirang atake ng kalaban niya.
"Hindi maaari ito, paano mo naiiwasan ang atakeng pinapalasap ko sa'yo?!" Angil ng kalaban ni Evor habang kitang-kita ang inis sa tono ng malalim na boses nito.
"Dahil sa estado ko ngayon ay walang saysay ang bilis mo sa liksi ng aking familiar!" Nakangiting sambit ni Evor habang kitang-kita na nasisiyahan ito sa naiinis niyang kalaban.
Alam ni Evor na hindi siya maaaring matalo o magpatalo dahil gusto niyang makapasok sa nasabing akademya ng mundong ito na kasalukuyan niyang kinaroroonan.
Kung mananatili lamang siya sa bayang kinaroroonan niya ay aabutin ng ilang dekada ang pamamalagi niya ay hindi man lang umuunlad ang kakayahan niyang taglay. Libre man ang pagkakaroon ng sariling summons na makukuha niya sa summoner's river ay wala namang pambihirang mga bagay na pwede niyang isuplemento kasabay ng mga pagsasanay at pag-unlad niya.
Matanda na si Apo Noni at baka ilang mga taon o mahigit na lamang ang nalalabi rito at nanganganib ang bayan nila. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mga taong galit na galit kay Apo Noni maging sa bayan nila at gustong mapabagsak ito.
Nagtaka naman si Evor nang bigla na lamang tumigil ang kalaban niya sa pagsunod sa kaniya upang atakehin siya ngunit kitang-kita ng mga mata niya ang pamumuo ng makapal na itim na enerhiya sa mga kamay ng misteryosong nilalang na kalaban niya.
Mula sa lupa ay umalpas ang naglalakihang mga kamay na animo'y nasa mga higante ngunit alam ni Evor na kahawig ito ng mga nagtatalasan at naghahabaang kamay ng familiar ng kalaban niya.
BANG! BANG! BANG!
Halos sabay-sabay na gumalaw ito at pabagsak na tumungo ito sa mismong pwesto ni Evor upang mabitag at mapinsala ito.
Nanlaki ang mga mata ni Evor sa bilis ng pangyayaring ito at nakita na lamang niya na bumagsak sa direksyon niya ang naglalakihang mga kamay na may nagtatalasang mga kuko ng summoned hero ng kalaban niya.
Ang tanging nagawa lamang ni Evor ay itaas ang kanang kamay niya bago ito tuluyang tabunan ng mga hindi mabilang na higanteng kamay ng halimaw.
Nakita ng lahat ang buong pangyayari at saksi sila sa klase ng pamamaraang ginamit ng mga kalaban nito. Kitang-kita ng lahat na minanipula ng nakamaskarang nilalang ang battle arena sa pamamagitan ng pag-ambush nito sa maaaring escape route ni Evor.
Napaniwala at napabilib nito ang madla habang bumakas ang malaking ngiti sa bibig ng misteryosong nilalang.
Namuo ang hiyawan ngunit natigilan ang lahat ng biglang umilaw at sumabog ang maraming mga higanteng kamay na tumakip sa pwesto ni Evor.
"Paano'ng nangyari ito? Hindi maaari!!!" Nanggagalaiting wika ng kalaban ni Evor habang kitang-kita ang labis na galit sa malalim na boses nito.
BANG! BANG! BANG!
Sumabog at nawala sa ere ang mga dambuhalang kamay kasabay nito ang pagsuka ng sariwang dugo ng kalaban ni Evor dahil sa hindi nito inaasahang balik ng ginawa nitong atake matapos pinsalain ito ni Evor gamit ang mainit na elemento ng apoy na taglay nito dahil sa familiar niyang isang Fire Fox.