Ramdam ng lahat ang intensidad ng laban at ang ilan sa mga naririto ay nagpapanic na. Hindi rin nagtagal ay nagkagulo na.
Habang si Evor ay tahimik lang na nakatingin sa kalaban nito. Alam niyang hindi niya matatakasan ang problemang ito at kailangan niyang harapin ito.
"Bakit mo ginagawa ito? Hindi pa ba sapat ang pananahimik ng nayon namin upang masabi na hindi namin gusto ng gulo?" Seryosong wika ni Wong Ming na puno ng katanungan ang kaniyang sariling isipan.
Dahil kay Apo Noni? Dahil sa kanilang nayon? Napakababaw naman ata iyon upang paniwalaan niya na gaganti ang mga ito upang gawin ang kahindik-hindik na gawain nito.
"Dahil lang doon? Hindi mo alam ang sinasabi mo binata. Isang malaking hadlang ang Apo Noni na iyon noon pa man upang maisakatuparan namin ang matagal na naming plano. Ang aking master ang siyang may matagal ng layunin na pag-isahin ang buong nayon sa parteng iyon upang maging isang malakas na pwersa niya ngunit dahil kay tanda ay mukhang masisira ang plano namin. Ang pagpasok ng isa man lang sa inyo sa Azure Dragon Academy ay nangangahulugan lamang na mas hihirap pa ang sitwasyon ng pagsakop ng buong nayon maging ng nayon niyo. Kung sana ay hindi na lamang kayo sumaling dalawa ng pesteng kaibigan mo maging ng iba pa ay hindi tayo aabot sa ganito. Magiging huling hantungan mo na ang lugar na ito binata hahahahaha!" Malakas na wika ng nakaubeng maskarang kalaban ni Evor na nilalang habang mabilis nitong isinagawa ang huling proseso upang paganahin ang nasabing forbidden skill nito.
Mula sa himpapawid ay nakita ni Evor ang dambuhalang hibla ng kidlat na nasa porma ng isang higanteng blade na tila hahatiin nito ang buong lugar ng malaking field.
Kitang-kita niya kung paanong nahintatakutan ang lahat ngunit tinibayan ni Evor ang kaniyang sariling isipan maging ang paniniwala nitong makakaya niyang lampasan ang problemang ito.
Nakita niyang humandusay ang kalaban nito at tila nalagutan na ito ng hininga patunay na isang napakalakas na forbidden skill ito.
Wala man siya sa posisyon humusga muna at kailangan niyang iligtas ang buhay niya at ng karamihan sa forbidden skill na ito. Hindi lamang siya ang balak tapusin ng nilalang na ito kundi lahat silang naririto na hindi niya hahayaang mangyari.
Nagliwanag ang dalawang mata ni Evor at kasabay nito ang pagsagawa nito ng isang malakas na skill na alam niyang walang kasiguraduhan kung kakayanin nito ang nasabing skill na gagawin niya.
Fusion Skill!
Nakita na lamang ni Evor ang sarili niyang nakaharap ng malapitan sa kaniyang sariling summon na si Zhaleh. Ito ang unang pagkakataon na nakita o nasilayan niya ito ng malapitan. Ang nasabing nilalang na nasa harapan niya ay hugis tao ngunit ang kabuuang kaanyuan nito ay hindi maituturing na tao.
Kulay asul ang kaanyuan nito habang mayroong hugis bilog sa noo nito at parang hugis kidlat ang mga mata nito.
Ang katawan nito ay maituturing na isang babaeng summon ito na mayroong metal plates armor na kulay pilak sa mga sensitibong bahagi ng katawan nito maging sa mga edges ng katawan nito.
Kapansin-pansin ang metal plates sa mga kamay at mga paa nitong sobrang matatalim. Isa din siguro itong bagay upang mabilis itong makatawid sa iba't-ibang mga lokasyon na gusto nitong puntahan.
Hindi makapaniwala si Evor sa nakikita niyang buong kaanyuan ng Summoned Hero na pagmamay-ari niya. Kasabay nito ang pagdikit ng noo niya sa hindi gumagalaw na nilalang upang i-activate ang Fusion Skill.
Dito ay nakaramdam si Evor ng napakalakas na enerhiyang hindi niya inaasahan. Sobrang lakas kung maituturing niya dahil ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong klaseng enerhiya.
Zhaleh can lend him power ngunit iba pa din kapag fusion skill na. Ang kapangyarihan ng summon na pagmamay-ari mo at ikaw mismo ay mag-iisa ng diwa at katawan. Ang ganitong senaryo ay hindi pa inaasahan ni Evor na dito pa mismo mangyayari. Hindi na nito iniisip pa ang mismong balik ng gagawin niyang ito.
Ayaw niyang mamatay sa forbidden skill ng kalaban niya at kailangan niya pang mabuhay. Iyon ang pangunahing dahilan niya kaya niya ginawa ito.
Ramdam ni Evor ang pagbalot ng kakaibang lamig sa buong katawan niya ngunit parang parte ito ng katawan niya na hindi niya maintindihan.
Kasabay nito ang pag-iba ng kasuotan niya maging ng buong kaanyuan niya. Napakaganda sa pakiramdam na gusto ni Evor ang ganitong klaseng kaanyuan at kapangyarihan.
Ngunit hindi nagpadaig si Evor sa ganitong klaseng pakiramdam. Alam niyang masama ang maging ganid sa kapangyarihan at isa itong pagsubok upang ganap niyang makontrol ang sarili sa makamundong pag-uugali ng pagiging ganid.
Alam ni Evor na mayroon lamang siyang isang pagkakataon upang mapigilan ang nasabing kamatayang naghihintay sa kanila.
Walang pag-aalinlangan nitong sinalubong ang nasabing dambuhalang atake ng kidlat patungo sa kanila.
Skill: Thunder Hand Pillars!
Isang defensive thunder skill ang tanging ginawang skill ni Evor. Alam niyang hindi niya maaaring labanan ang forbidden skill na ito ng harap-harapan gamit ang offensive skill dahil hindi makakayanan ng karamihan ang bagsik ng kuryenteng maaaring tumama sa katawan ng mga ito.
Kitang-kita ni Evor ang pagbuo ng napakaraming Thunder Pillars sa iba't-ibang parte o direksyon ng malawak na field maging sa iba't-ibang parte kung saan ang mga manonood.
Kasabay nito ang pamumuo ng hugis kamay sa ere na gawa sa napakalakas na kuryente na siyang kumapit sa dambuhalang kuryenteng pabagsak at babagsak na sana sa kanila ngunit maigi itong kinapitan ng dambuhalang kamay na gawa ng pambihirang thunder skill ni Evor.
PUAH! PUAH! PUAH!
Kasabay nito ang sunod-sunod na pagsuka ni Evor ng sariwang dugo. Bago lang sa kaniya ang ganitong klaseng kapangyarihan at ang saluhin ang isang napakalakas na forbidden thunder skills ng kalaban niya ay alam niyang wala siyang laban rito.
Nakaramdam naman si Wong Ming ng labis ng panghihilo. Masyadong malakas ang forbidden skill ng nalagutan ng hininga na siyang kalaban niya idagdag pang hindi pa niya gamay ang abilidad at kapangyarihan ng summoned hero niya na si Zhaleh.
Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.
BANG!
Isang malakas na pagsabog ang naganap sa ere partikular na rito ang pabagsak na forbidden thunder skill ng kalaban ni Wong Ming at naglaho na lamang na parang bula kasabay nito ang paglitaw ng tatlong nilalang sa ere.
Pagkakita pa lamang ni Evor sa mga ito ay nakaramdam siya ng pangamba ngunit kaagad na nawala ito ng mapansin ang selyong nakaukit sa kaliwang mga dibdib ng mga ito.
Simbolo iyon ng Azure Dragon Academy kung hindi siya nagkakamali ngunit kasabay nito ang pagtindi ng sakit na nararamdaman ng buong katawan niya at pagbigat ng ulo niya.
Kasabay nito ang pakiramdam ng paghihina at pagkawala ng pakiramdam sa paligid maging sa katawan niyang tila nalalaglag sa ere.
Bahagyang ipinikit na lamang ni Evor ang mga mata niya dahil alam niyang sa mga oras na ito ay mismong katawan niya na ang sumuko kasabay ng pagkawala ng kamalayan niya sa reyalidad.