Nasa dressing room na ako. Well, isa ito sa pinakafavorite place ko dito sa bahay. Bukod sa maaliwalas ang loob nito dahil sa glass window na nakatapat mismo sa sikat ng
araw at marble designs nitong room, I also enjoy seeing my collection of clothes inside the long, narrow walk-in closet na halos punuin ang buong dressing room.
"ma'am, ano po ba ang susuotin nyo ngayon?" ask ni Manang Rose after niyang iopen ang tatlong partition ng closet para sa dress, blouses and pants.
"hmm...." nag-iisip pa ako since ang theme ng party is pangfuture.
Shocks, dapat bumili na lang rin ako ng susuotin ko kanina.
Ipinaopen ko pa ang ibang closet. Until, may nakita akong gray stretch-knit turtleneck top na galing pa sa France na gift ko for myself. Kinuha iyon ni Manang Rose.
Binalikan ko naman yung pants section, may nakita rin akong gray-colored na pambaba na may silver line from waist to edge ng silky pants. Just simple outfit for tonight.
"Okay na ito." me.
Hindi naman talaga kasi kailangang super duper bongga eh because I'm sure na papatulungin rin ako ni Jordan para iassist siya.
Pumunta na ako sa make-up section.
"tatawagan ko po ba yung make-up artist mo?"
"huwag na po Manang, I can do simple make ups." sabi ko. Para naman magmukha akong aattend ng acquaintance party.
"paano po 'yung hairstylist nyo?"
"hmm. sige Manang. She can be here within 20 minutes right?"
"20 minutes po? imposible po ma'am, malayo pa po sila dito eh." medyo kabadong sabi ni Manang. Iniisip siguro niyang baka magalit ako. Well, I'm trying to control my temper this time kaya she don't need to worry.
"ah, huwag na lang po Manang. Hahayaan ko na lang na ganito ang hair ko, susuklayan ko na lang"
"ah..ako na po ma'am" dali niyang kinuha ang hairbrush ko then, she combed my hair.
Siguro, after an hour natapos na rin ako sa pagbibihis at pag-aayos.
-----°°-----°°------
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(this portion will be NATHAN's POV)
Lahat ng mga students ay abala na sa pagpunta sa mga booths at pakulo ng SA. Andito lang ako sa gilid, nakaupo. Hinihintay ko si Aikka, asaan na ba kasi siya?
"Nathan" biglang lumapit sa akin si Jenna.
"bakit? akala ko ba, sasama ka sa mga kaibigan mo"
"Honestly, I just want to watch the band with you kaya kita hinanap" tapos hinawakan niya ang kamay ko.
Tae. Ang awkward naman nito, bakit ba siya ganyan?
"ah...pasensya na kung hindi na muna kita masasamahan ngayon" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"why?" nagpacute siya.
Sasabihin ko sanang hindi bagay sa kanya ang magpacute eh..lalo na sa suot niya. Mukha siyang alien.
"may usapan kami ni Elaine at hinihintay ko siya ngayon"
"sinong Elaine? nililigawan mo?" nakaekis na ang kilay niya.
"pinsan ko siya Jenna." mahinahong sabi ko.
"ganon ba? okay, babalik na lang ako doon" ngumiti siya saka na umalis.
Mabuti naman at madali lang siyang kausap.
(phone's beeping)
•••••••
From: Insan Elaine
Huy, asaan k n ba? nagtxt c Aikka. Papunta n cya
•••••••
Dali na akong umalis sa kinaroroonan ko.
Hinanap ko kung nasaan si Elaine at nasa main gate na ako ngayon.
••••••••
From: Insan Elaine
ppunta n rin ako. w8.
•••••••••
Ilang sandali pa't may humintong itim na sasakyan.
Si Aikka na kaya iyon?
Bumukas ang pinto sa harap. Lumabas ang driver ni Aikka at pinagbuksan siya.
Woah!
"Nathan? kanina ka pa dyan?"
Ang ganda lang niya.
Bumabagay ang bagsak niyang buhok sa kanyang kasuotan.
Para siyang diwata na nagkatawang tao.
Maganda na nga siya kahit hindi nag-aayos..lalo na ngayon.
Naiiba talaga ang ganda niya.
"bestie!" niyakap siya ni Elaine. Kanina pa ba siya dyan?
"ano ba iyan..parang ang tagal nating hindi nagkita ah" then she smiled.
With her red lips and beautiful smile, saka mga mata na tila ba nagningning at nagbibigay liwanag sa madilim kong gabi, (sounds cheesy pero totoo ang mga sinasabi ko)kinompleto niya ang gabi ko.
"huy, Nathan! pupunasan ko na ba ang laway mo?" birong sabi ni Elaine.
Ngumiti na lang rin ako at inoffer ko ang aking kamay kay Aikka to escort her.
Sabay kaming pumunta sa gymnasium. Para lang kaming nasa mamahaling hotel dahil sa ambiance nitong loob.
"so anong dahilan at nagbago ang isip mo bestie?" tanong ni Elaine kay Aikka.
"hmm..nafeel ko lang na may point ka sa mga sinabi mo sa akin kanina"
"talaga? I feel so proud!" tuwang sabi naman ni Elaine.
"well, how about you Nathan? kanina ka pa tahimik ah" tumingin siya sa akin.
Ewan ko pero, nakaramdam ata ako bigla ng kaba.
"wala, sobrang namesmerized lang ako sa ganda mo ngayon"
Napaubo siya bigla. Siguro, iniisip niyang nagbibiro lang ako. Hay! Hindi na nga ako makapaghintay na sabihin sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin eh.
"Ah..Aikka, pwede ba kitang makausap saglit? May gusto lang akong sabihin sa iyo" lakas loob kong sabi.
"si_sige, saan mo ba gustong sabihin iyan?" tanong niya.
"sa_"
"Aikka! girl! andito ka lang pala! kanina pa kita hinahanap!" biglang singit ni Jordan.
"Jordan?" sabi naman ni Elaine. Akala ko ba, okay na ang lahat? Mukhang masisira pa ang plano namin ni Elaine.
"oo, ako nga si Jordan, hindi mo na ako nakikilala Elaine?"
"siyempre, kilala kita baklesh! bakit bigla ka na lang sumusulpot? halika nga dito" hinila niya si Jordan.
"hoy girl! gagahasain mo na naman ba ako? saan mo ako dadalhin?"
"assumera ka talagang baklita ka, gusto mong totohanin ko?"
"no!!! virgin pa ako noh, ayaw kong masayang ang virginity ko, kaya Aikka, tulungan mo muna kami sa pakulo mo, di ba idea mo iyon...so come" hinila niya si Aikka.
"Jordan! wait! actually, free ako ngayon kaya ako na ang tutulong sa iyo. Huwag mo nang abalahin pa si Aikka. Dali na"
Medyo, nagkakagulo ngayon pero nanaig din si Elaine. Nahila niya si Jordan papalayo sa aming dalawa ni Aikka.
Kaming dalawa na lang ang magkasama ngayon sa iisang table.
"feeling ko, magkakatuluyan talaga ang dalawang iyon." ngiting sabi niya.
Napapansin ko lang na madalas na ang pagngiti niya. Mukhang hindi siya sinusumpong ngayon ah.
"yun nga rin ang hula ko eh." support ko naman sa kanya.
"ano nga_"
"hi Nathan!!! pwedeng magpapicture?" biglang lapit nung junior student sa akin kasama ang dalawang kaklase niya.
Tss. Naputol ulit ang usapan namin ni Aikka.
Ano ba iyan.
"ah..sige mamaya na lang, after nitong program. Isama mo na rin yung mga kaibigan mo" sabi ko.
"sige!! ayiie....makakapagpapicture na rin ako kay Nathan Alejandro!!" tapos nagsialisan na rin sila.
"ano sana ang sasabihin mo Aikka?" biglang tanong ko sa kanya, baka kasi magtampo.
"ah...itatanong ko sana kung ano yung gusto mong sabihin" sabi niya habang nilalaru-laro ng kamay niya yung ilaw sa gitna ng table.
Hinga ng malalim.
"di ba nabanggit ko na dati sayo na may isang tao akong gustong makita kaya ako lumipat ng SA?"
"Y_yes?"
"Alam kong....naging magkaibigan na tayo...ngayon....magaan ang pakiramdam ko sa iyo, siguro ganon ka rin naman di ba?" sabi ko.
"hmmm...maybe?" hindi ko alam kung masaya ba siya sa mga sinasabi ko o naguguluhan siya. Basta, ang goal ko ngayong gabi ay masabi ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Aikka, seryoso itong sasabihin ko sa iyo, gus_"
"Aikka..." napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa pangalan niya.
"Spade?" tanong ni Aikka.
"let's talk for five minutes" hinila niya si Aikka papalayo sa akin.
Tae. Lagi na lang nauudlot ah.
Pipigilan ko sana sila kaso mabilis silang nakaalis.
Iginala ko na lang ang aking paningin. May nakita akong nagdidisplay ng mga bulaklak.
Tiningnan ko ang relo ko.
4:15 pa lang?
Nasira na ata tong relo ko.
Lumapit na lang ako sa may nakadisplay na mga bulaklak. Bibilhin ko sana kaso sabi nung babaeng officer na kumuha na lang daw ako.
May tulips akong nakita pero mas gusto kong ibigay kay Aikka ang three red roses. Mas ramdam kong magugustuhan niya ang mga bulaklak na ito.