Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 27 - SHE's A FIGHTER

Chapter 27 - SHE's A FIGHTER

Pumasok na ako sa Audi niya.

"Fasten your seatbelt" she said before niya paandarin ang kanyang car.

Nagseatbelt naman ako for safety purposes.

"So...how sure are you na may alam rin si Miss Campo sa mga nangyayari?" biglang ask niya while driving.

"Of course, she's the victim kaya malamang, namukhaan niya ang gumawa nun sa kanya" me.

"Okay?... kindly explain to me everything para makarelate ako sa mga sinasabi mo" her.

"Honestly, nakausap ko si Miss Quin kanina. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya sa rooftop that time, at bakit kusa na lang siyang umalis" me.

"then?"

"She explained na natakot lang talaga siya that time since nagwawala nga si Miss Campo. Tapos may ipinakita siyang medical records ni Miss Campo...positive siya sa substance abuse"

Napatingin siya saglit sa akin.

"Well, its not drugs but stimulants....para sa may attention-deficit syndrome"

"So you mean, nilaklak niya ang kanyang gamot hanggang sa naging ganon ang result?"

"Yun sana ang iisipin ko eh kung di nabanggit ni Miss Quin na walang ganong syndrome si Miss Campo. That's why, I want to ask her personally to know what really happened"

"Ibig sabihin, may suspect ka na talaga sa may gawa nito?" her.

"Hmm.. not yet sure" me.

"Okay, pero teka nga lang muna...alam mo bang na-aamazed ako kasi may progress na agad ang pagiinvestigate mo sa mga kaguluhan dito sa academy? ang KASO....bakit ngayon mo pa lang ito sinasabi sa akin? Alam mo bang mapanganib yang ginagawa mo?" her na may pagtatampo.

"That's the reason why, ayaw ko lang kayong madamay okay?"

"Ases! eh di ikaw na ang mapag-alala....gagawaran na kita ng award" sabi nya.

"Elaine, I'm telling the truth. Ayaw ko talagang may mangyaring masama sa inyo because of me"

"Alam mo Aikka, puro ka talaga ka-negahan. Gusto mo kurutin kita sa singit? huh? Tandaan mong hindi ka ipinanganak dito sa mundo para pasanin lahat ng problema dito. Besides, andito kami as friends mo, handa kang tulungan sa ano mang mga bagay-bagay na iyan. Kaya bestie, huwag mong solohin okay?"

This time naman, nakikita ko ang character ni Lawrence sa kanya. Minsan may pagkakalog pero pag sa time na nagiging seryoso'y may laman ang mga sinasabi.

Ilang minuto ang lumipas, nakarating na rin kami sa Northwoods. Nagtanong kami sa mga taga-roon if alam nila kung saan mismo ang apartment ni Georgia Campo. Unfortunately, may nakapagsabi sa amin na lumipat na daw siya.

"So bestie? anong balak mo ngayon?"

"Shocks" bumaba kami sa tapat ng apartment ni Miss Campo to confirm. Wala na ngang tao sa apartment.

" Itanong na lang kaya natin ang full address na nilipatan niya." her.

Tama si Elaine. Inilibot namin ang aming paningin sa paligid to ask again. May nakita kaming ginang na nagwawalis, then we asked her. Buti na lang at magkamag-anak sila ni Miss Campo at ibinigay niya ang complete address nito.

"So saan na siya nakatira this time?" ask ni Elaine.

Ipinakita ko ang papel na sinulatan ng address nung ginang.

"Sa Villa Ricafort? ba't parang ang layo na nyan? bandang dulo na iyan ng town natin ah"

"Nagbabalak kaya siyang lumipat ng academy?" ask ko.

"Maybe, dahil ba naman sa nangyari sa kanya" her.

Napasigh na lang ako. Nagsayang lang pala kami ng oras dito.

"Let's go na, umuwi na tayo" sabi ni Elaine at sumakay na siya sa kotse.

Sumunod na rin ako.

While on our way home, may mga grupo ng guys ang humarang sa dinadaanan namin kaya napabreak bigla si Elaine. Medyo dumidilim na kaya walang ibang tao sa daanan na ito. May mga talahib pa sa gilid at malimit daanan ng sasakyan since wala ditong street lights.

"Shocks, mga gangsters ba iyan?" me.

"Aikka, huwag kang lalabas ng kotse" she said while opening her car door.

"Wait, anong gagawin mo?" ask ko naman.

Kinakabahan ako bigla sa mga sinasabi niya eh. Saka huwag nya sabihing_

Bumaba na siya ng kotse niya.

"Wait! Elaine? what do you think you're doing?"

Hindi na niya ako narinig.

Now..... nasa panganib ang buhay namin. Tatawag muna ako sa emergency hotline before ko siya sinundan.

"Bestie? di ba sabi kong huwag kang lumabas?"

"Pero Elaine.."

--

"Bah! magaganda nga sila sa personal mga pare!" biglang sabi nung matabang may bigote.

"Sino ang nag-utos sa inyo nito?" ask ni Elaine.

Shocks! sobra nang bilis ng tibok ng heart ko. Kinakabahan na ako ng sobra. Naku Elaine...marami sila...hindi natin sila kaya!

"Miss beautiful, hindi naman kami bobo para sabihin kung sino ang nag-utos sa amin nito...haha!...pero huwag kang mag-alala, wala naman kaming balak na patayin kayo agad eh"

"Hoy matabang manyakis! lubayan nyo kami sa mga kalokohan niyo huh? kasi kung hindi! pagsisisihan niyo ito" inis na sabi ko.

Shocks talaga! dumagdag pa tong mga kumag na ito sa problema ko.

"Miss barbie doll, huwag kang mag-alala, ikaw ang uunahin namin...mukha ka namang masarap!" sabi nung manyak na payatot.

"Masharap? talaga? masharap? sige, halika dito at babaliin ko yang mga buto mo" nilapitan siya ni Elaine.

"Uy teka lang, Mike oh!" sumbong niya sa isa pang kasama nya after niyang magtago sa likod nito.

"Baliw ka ba brad? bakit mo binanggit ang pangalan ko? mabuti pang iligpit na natin ang dalawang iyan"

Shocks, mga addict nga talaga ang limang ito. Di man lang naawa sa mga babaeng katulad namin.

We're dead! We're totally dead.

"Dalian niyo na!" Elaine.

Sumugod yung mataba sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, sinubukan kong iassist si Elaine pero agad niyang napatumba ang mataba through her fist.

"Peacock Elaine! how did you?"

"Dyan ka lang muna Aikka, ako na dito...just trust me" seryoso niyang sabi.

Shocks! yung dating kalog na Elaine, super duper galing na fighter this time. I can't believe what I'm seeing right now.

Pinatumba niya yung manyak na payatot by pulling his hand backwards making him scream for help.

"Magsorry ka kay Aikka!" Elaine.

"Huwag na huwag mo iyang gagawin!" sumugod yung isa pang kasama nila pero sinipa lang ni Elaine ito sa sikmura kaya napaupo ito sa sakit.

"Ano! magsosorry ka o babaliin ko itong kamay mo?"

"Sori na...sori...bitawan mo na ako please"

"Magsosorry ka rin naman pala eh" tinulak niya ito at sumubsob siya sa kalsada.

Sumugod naman yung dalawa pa, inilagan lang ni Elaine yung suntok nung lalaking may kulay ang buhok, tapos sinipa niya ito sa ibaba kaya nawalan ito ng lakas. Sinuntok naman ni Elaine sa mukha yung isa pa ngunit lumaban din ito at hinila niya si Elaine papalapit sa kanya. Buti na lang at mabilis si Elaine, naitulak nya yung guy na medyo malaki ang katawan papalayo sa kanya. With all her force, she tried to kick him but magaling din makipaglaban yung lalaki. Nahawakan niya ang paa ni Elaine but she managed to counter attack his defense. Para lang akong nanonood ng karate movie dahil sa mga nangyayari ngayon, gusto ko sanang sumigaw sa nerbyos kaso baka makadistract lang ako sa kanya kaya quiet na lang ako dito kahit feeling kong sasabog na ang dibdib ko sa kaba.

Elaine punched him in the face then kick his egg. Kaya napaupo rin ito sa sakit.

"Andaya mo! bakit lagi mong tinatarget ang baba?!" galit na sabi nung huling guy na nakalaban niya.

"Eh bakit mga babae ang tinatarget nyo?" inis ring ask ni Elaine.

Lumapit na ako tapos sinampal ko 'yung guy.

"Aray naman"

"Sino ang nag-utos sa inyo nito?" ask ko.

Ayaw niyang magsalita. Malaki siguro ang ibinayad sa kanila't nakatikom pa rin ang mga bibig nila.

"Okay ayaw nyong magsalita, sa bagay paparating na ang pulis ngayon. Sa pulis na lang kayo magpaliwanag."

Buti na lang at nakatawag talaga ako sa pulis kanina.

Siguro, 30 minutes din bago nahuli ang limang kumag na ito. Then, tumawag sa akin bigla si dad.

"Dad....I'm okay. Hindi ako nasaktan."

"Umuwi ka na ngayon. Kung saan-saan ka kasi nagpupunta eh. Buti na lang at may kasama ka"

"Sorry na dad. Hindi ko naman alam na tatambangan nila kami eh"

"Di ba I told you na kapag may pupuntahan ka, lagi mong isasama si Mike?"

"Okay po dad"

Ibinaba na ni dad ang phone. Paano naman niya nalaman agad ang about sa nangyari?

Anyways, nilapitan ko si Elaine.

"Are you okay? may masakit ba sa iyo bestie?" ask ko.

"Bestie?" then nagsmile siya. Ano na naman ang nangyayari sa kanya? From serious to kalog ulit.

"Bestie? as in tinatawag mo na akong bestie? so totoong bffs na talaga tayo?" palakpak pa niyang sabi.

"Oo, you heard it right? saka di ba matagal ko nang tinanggap ang friendship natin? "

"My G! I'm so happy bestie! at least may assurance na akong itinuturing mo talaga akong bff!" niyakap niya ako.

Tss.

Eto ang Elaine na kilala ko. May pagkachildish pero honestly, mas gusto ko ang ganitong mood niya kesa kanina. Shocks! until now, hindi pa rin ako makapaniwalang magaling din pala siyang makipaglaban.

Ang dami talagang mga nakakagulat na pangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o kakabahan sa kung ano pa ang malaman ko sa susunod na kabanata ng aking life. Peacock.