Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 26 - MISSING HER

Chapter 26 - MISSING HER

Nasa hallway ako ngayon at nakasalubong ko si Abby.

"Abby...." sambit ko sa pangalan niya.

Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Habang tinatanaw ko siya papalayo, naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko.

I just really missed my bestfriend.

Hindi ko talaga aakalaing aabot kami sa ganito. Nangako pa naman kami sa isa't-isa noon na no matter what happens, we only choose each other kasi we have each other's back. But now? Yung sakit na naidulot ng pagkasira ng friendship namin...andito pa rin.

Abby Francisco.

Siya 'yung taong kaya kang ipagtanggol kahit kanino. She's smart and very pretty. Noong okay pa ang pagkakaibigan namin, siya ang SG-Governor nitong academy. Marami ang humahanga sa kanya dati..but now, she's losing everything. Her popularity, achievements and happiness. Sa tuwing nakikita ko siya sa malayo, I never saw her smile like before. Masyado siyang nagpaapekto sa pagsubok na dinanas naming magkakaibigan.

~~~~~~~~~~

(flashback)

Saturday...

"Aikka, bagay sa iyo ang dress na ito" isinukat niya sa akin ang isang simpleng blue dress.

Nasa bedroom niya ako. Nakaupo ako sa bed habang busy siya sa paghahalukay ng mga damit sa closet niya.

"blue?" me

"yes, bakit..maganda naman ang kulay na iyan ah." nagpout siya ng lips.

"I know, kaya nga favorite color mo iyon di ba? actually, bukas pumunta ka sa bahay namin. I'll show you something na sigurado akong ikatutuwa mo" me.

Ngumiti siya tapos inakbayan ako.

"ano iyon bff?" excited na tanong niya.

"secret muna para masurprise ka" sabi ko.

"alam ba ito ni Lawrence?" curious pa ring tanong niya.

"hmm..hindi. But sinabihan ko na siyang pumunta rin bukas para makita niya ang magiging reaction mo sa surprise ko for you" then I smiled.

"sus, may pasurprise ka pang nalalaman. Anyways, ayokong maunahan mo ako sa pasurprise mo na iyan kaya..." may kinuha siya sa cabinet niya.

May isang maliit na box ang iniabot niya sa akin.

"what's this?" excited na tanong ko.

"just open it" she smiled.

Dali ko namang binuksan ang maliit na box, may gold bracelet with heart-shape design ang bumungad sa aking mga mata.

"Tiffany and Co.? shocks! Abby?" amazed na sabi ko kasi alam ko kung magkano ang price ng bracelet na iyon.

"you like it?" nakangiting sabi niya.

"paanong? saka hindi ko naman birthday ah"

"bah, siyempre as my bff, I just wanted to make you smile saka isang buwang baon ko rin iyan Aikka. Well, alam ko namang matutuwa ka kaya worth it naman ang pagbili ko nyan"

Me in a teary eye.

"thank you bff. Alam mo bang matagal ko na itong pinag-iisipang bilhin?" sabi ko.

"I know, that's why I bought it kaya huwag mo iyang iwawala huh" tapos she lightly pinched my cheeks.

"of course! shocks, ang ganda talaga bff. Sobrang pinasaya mo ako" sabi ko.

"eto naman. Maliit na bagay." tapos napatawa ako dahil sa facial expression niya. Yung expression na ironic sa sinabi niya.

(may kumatok)

"pasok" her.

"girls, kain na sa baba, ready na ang lunch" nakangiting sabi ni tita.

"sige po mom, susunod na kami ni Aikka"

"okay, bilisan nyo huh" then she closed the door

"I'll just turn off my PC Aikka" sabi ni Abby tapos lumapit siya doon.

(notification tone)

Binuksan ni Abby ang message na natanggap niya. May short video clip ito.

"what's that?" lumapit naman ako sa kinaroroonan ni Abby.

"I don't know" she pressed the play button. Nagulat ako kasi ako pala ang nasa video.

Pinapagalitan ako nung babaeng nakabanggaan ko sa paglalakad.

"when did it happen?"

"Abby, don't worry. Tapos na iyon and I'm fine" sabi ko.

"that's not my question Aikka" her in a serious mode. Tiningnan ko siya....hindi na siya masaya.

"ah..kahapon iyan, during lunch. I accidentally bumped her kaya natapunan yung Prada niyang bag, that's why she's so mad at me" explain ko.

"do you know her?"

"No Abby." sabi ko.

"how did you let her hurt you?" worried na sabi niya nang mapanood niya sa video na nasampal ako.

"it's my fault naman that's why I let her do that to me and hindi naman masakit eh kaya okay lang ako" tanging sinabi ko na lang para hindi na siya mag-alala.

"if okay lang sa iyo ito, sa akin hindi. I'll report her to SAO so that she can be disciplined. I won't tolerate those kind of acts and besides, you're my bestfriend....you're important to me kaya hindi ko hahayaang ganun-ganunin ka na lang."

Those words?

Mas lalo nitong pinatulo ang aking mga luha.

Until now, umaasa pa rin akong magkakaayos kami ni Abby. Umaasa pa rin akong babalik ang Abby na nakilala ko.

(end of flashback)

~~~~~~~~~~~~~

"bestie! ayos ka lang?"

Napatingin ako kay Elaine.

I don't know but napayakap ako sa kanya bigla. I want to be comforted.

Nalulungkot na naman kasi ako.

Abby always remind me of the pain when I lose her.

She always make me cry and want her to come back even if the reality tells me that she hated me so much.

She always make me feel like this.

"bestie, are you crying?" tiningnan ako ni Elaine sa mga mata. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"di ko alam ang reason kung bakit ka umiiyak, but you can tell me if you want, so as to ease your burden" sincere niyang sabi.

Tiningnan ko lang siya at pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. Thankful ako kasi she's here for me. At least....gumaan na ang pakiramdam ko.

"ayos ka lang?" ask ni Elaine.

"yes, I'm okay."

"talaga? as in okay na okay?" her.

I nodded.

"so ano iyon? sasali ka ba ng drama club?" biro niya.

"sira may naalala lang ako"

"anong naalala mo?"

"nevermind..... Ano, free ka ba ngayon? magpapasama sana ako eh" sabi ko na lang.

"saan ba tayo pupunta?"

"sa Northwoods"

"huh? anong gagawin natin doon?"

"Gusto ko lang makausap si Georgia Campo"

Napakunot ang noo ni Elaine.

"why would you do that? I mean, di ba siya yung nagtangkang magsuicide sa admin building?"

"yes, kaya gusto ko siyang kausapin. So... sasamahan mo ako?"

"My G! kapag yun nagwala ulit, hahampasin ko talaga siya ng kahoy"

"Ano ka ba, she's fine now. Saka, ang gumugulo sa SA ang may gawa nun sa kanya. I'm sure makakahanap tayo ng lead after natin siyang makausap"

"okay? sa parking lot na tayo...hindi ba natin isasama si Nathan?" ask niya.

"he has a practice kaya hindi siya makakasama so...let's go?" hinila ko na siya't pumunta na kami sa parking lot.