Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 7 - HIDDEN FEELINGS

Chapter 7 - HIDDEN FEELINGS

Author's note: This part is NATHAN's POINT OF VIEW

Pinindot ko ang doorbell nila ilang beses na pero wala pa ring lumalabas.

Tama kaya itong napuntahan ko?

Eto rin naman kasi ang nasa papel na isinulat ni Vice Gov. eh, kaya malamang ito na iyon.

Pinindot ko ulit ang doorbell. Kapag wala pa rin, pupunta na lang ako ng gymnasium total may practice rin lang naman kami.

"ahm, sino po iyan?"

May isang lalaki ang papalapit. Nakablack suit siya. Napakaformal ng suot niya kaya malamang, kamag-anak ito ni Aikka.

Di kaya, kuya niya?

"ah sir...Nathan po, schoolmate ni Aikka. Andyan po ba siya?"

Kumuha siya ng cellphone at lumayo muna sa akin ng saglit.

"Nathan ba? tama?"

"opo"

"parang pamilyar ang pangalan mo, nagpunta ka na ba dito dati?"

"hindi pa po..pero ako po 'yung nagdala kay Aikka sa hospital"

"ah ganon ba?" may pinindot siya tapos automatic na bumukas yung gate nila.

"halika pasok ka. Tamang-tama, kaarawan ngayon ni ma'am"

"talaga? saka ma'am ang tawag mo sa kanya? hindi nyo po siya kaanu-ano?"

Ngumiti yung lalaki.

"eto naman brad, alam mo? gusto ko yang galawan mo huh? nanliligaw ka ba kay ma'am? kasi kapag oo, tutulungan kita..total naman, hindi pa siya nagkakajowa" sabi niya habang inaayos ang damit ko.

"bakit? maganda naman siya ah" sabi ko.

Nagsimula na rin kaming maglakad habang nagkukwentuhan.

Sa totoo lang, alam ko namang birthday ni Aikka ngayon eh kaya hiningi ko ang address niya kay Vice Gov.

Ngayong nagkaroon na ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya eh lulubusin ko na.

Matagal na kasi akong may gusto sa kanya. Simula 3rd year highschool palang kami eh..pinapantasya ko na siya kaso may pagkamasungit kaya mahirap lapitan.

Pero salamat kila Jordan at sa pinsan kong si Elaine, binigyan nila ako ng idea para mas makilala siya. At malinis naman talaga ang intensyon ko sa kanya. Siya nga ang dahilan kung bakit ako lumipat ng eskwelahan eh. Galing rin kasi ako ng NWA, varsity player din ako doon.

Actually, sa hindi pagmamayabang huh, pero maraming schools na ang nag-aagawan sa akin. Salamat sa matitinding trainings na dinanas ko kay tatang simula nung bata pa ako. At kaya pinili ko ang Santos Academy kasi alam kong doon din nag-aaral si Aikka.

(Siguro, nagtataka kayo kung paano ako nagkagusto sa kanya?)

Una ko kasi siyang nakita sa park at naglalaro ako ng basketball noon. Mag-isa lang siyang nakaupo sa bench dala yung libro niya habang nakaearphone siya. Tapos, may isang bata ang lumapit sa kanya, kapatid ata ng kalaro ko sa basketball. Napansin kong may tinuturo yung bata. Akala ko, hindi niya ito papansinin pero ngumiti siya at nilapitan niya yung manong na nagtitinda ng balloons, tuwang-tuwa yung bata dahil binilhan siya nito ng lobo.... hangang-hanga ako sa ginawa niya. Bukod sa maganda siya, alam ko namang mabait siya eh, may sumpong lang talaga minsan.

Kaya now, naglalakas-loob na akong gumagawa ng paraan para mapalapit sa kanya para mas makilala siya.

Ilang minuto pa ng paglalakad namin eh nakarating na kami sa pinto ng bahay nila.

Actually, hindi lang basta bahay....mansion naman talaga ang tinitirhan ni Aikka.

Napakayaman nga talaga ng pamilya nila.

Pinapasok ako ni Kuya, hindi ko alam ang pangalan niya kaya kuya na lang.

"maupo ka muna dyan at paparating na si ma'am..sasabihan ko lang si Manang na paghandaan ka ng makakain"

"Naku, huwag na po...katatapos ko lang pong kumain sa bahay. Mamaya na lang po siguro. Kakausapin ko lang muna si Aikka."

"Bah, siguradong usap lang huh?" pagbibirong sabi niya. Ngumiti lang ako, siyempre joke yun eh.

"Ano nga po pala ang pangalan n'yo?"

"Ah, ako pala si Edmundo..personal assistant ng dad ni ma'am. Pero kapag may kailangan ka, sabihan mo lang ako huh?"

Ang bait naman niya. Sige, sabi niya iyon eh.

"sabi n'yo po iyan huh? aasahan ko po iyan" ngumiti ako.

"oo basta't mapapagkatiwalaan ka!"

"bah, siyempre naman po Kuya Edmundo"

Ilang saglit pa...

Biglang bumukas ang pinto. Hinihingal na pumasok si Aikka.

Teka, ano ba ang dapat kong gawin?

Ah alam ko na, aarte na muna akong walang alam sa araw na ito.

"Birthday mo pala ngayon? Happy birthday!" bati ko agad sa kanya.

"Shocks! sino nagpapasok sa iyo dito?" nakasimangot niyang sabi.

Tsk..tsk..tsk..umagang-umaga.....nagsusungit na naman siya. Balak ko pa naman sana siyang yayain sa labas. Pinag-ipunan ko kaya ang araw na ito, hindi ko na nga ginagastos 'yung allowance na nakukuha ko mula sa scholarship program ng SA eh.

"Ah..pasensya na. Hindi ko naman alam na_" pageexplain ko.

"Naku, ma'am..ako po ang nagpapasok sa kanya. Di ba kaklase mo siya?" sabi ni Kuya Edmundo.

Tiningnan ko ang reaction ng mukha niya.

Pero tae, bakit biglang gumala ang mga mata ko sa buong katawan ni Aikka.

(napabuntong-hininga na lang ako)

Hindi lang talaga kasi siya maganda. Overall appeal at appearance niya, siya talaga 'yung ideal na girl ng mga lalaki.

Inialis ko na ang paningin ko sa katawan niya.

Pasensya na, lalaki eh. Mahirap talagang iwasan iyon.

At inaamin ko naman na hindi ako perpektong tao... pero ang itinuro sa akin ni tatang ay respeto para sa mga babae. Kasi doon daw makikita kung totoo at seryoso ba ang nararamdaman ko para sa kanya.

"ah...Manong Mike, asikasuhin n'yo muna si Nathan, maliligo lang po ako"

Dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya.

Kaya pinaupo muna ako ni Manong Mike sa napakalaki nilang sofa.

"narinig mo iyon ijo? umupo ka muna dyan. Magbehave ka huh?...behave"

"o_okay po" sabi ko. Hindi naman ako papalag kasi ang laki ng katawan ni Manong Mike. Grabe.

Matapos ang ilang minuto ng paghihintay, bumaba na siya.

Teka lang, aalis ba siya?

"tara na" sabi niya bigla

"saan?"

"ililibre mo ako ngayon, birthday ko di ba?"

Nang dahil sa sinabi niya, natuwa ako bigla. Seryoso ba siya? Niyayaya niya ako ngayon? Inig sabihin ba nito na magdedate kami?