Since may meeting pala ang faculty, nag-ayos muna ako tapos dumiretso na sa coffee shop.
"uy! sissy!"
Ugh.
She's here again.
"ano na? ililibre mo na ako sa sinasabi ko sa iyo?" Elaine said.
"not now" sabi ko.
"why? di ba 'yun ang usapan natin?" tapos nagpout siya ng lips.
"yes, pero wala sa usapan natin kung kailan"
"ay grabe s'ya... why?"
"I'm busy."
"sus! sige na nga. By the way, ano nang balita? may nangyari na ba sa inyo?"
NANGYARI?
Peacock. Kung anu-ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig nito.
"what are you saying? stop it okay?"
"pakunwari pang ayaw pag-usapan...pero aminin mo, iniimagine mo rin iyon"
What? seriously?
Oo, iniimagine ko si Nathan but never sa nakakadiring part na iyon. Shocks Elaine.
"oy, napapaisip. Huwag kang mag-alala, normal lang iyan. Ako nga eh....nirerape ko na si Prince Markus sa isip ko"
"Elaine? " me. Hay naku, feeling ko maduduwal ako sa mga pinagsasabi niya. As in, yan talaga ang pag-uusapan namin sa biglaang pagsulpot niya?
"I'm just being honest with you. Alam mo Ms. Aikka Montero, sa pagmamahal..ganyan din iyan. You need to be honest para magwork ang relationship." her.
Well, hindi naman maililingid na may alam na siya about sa pag-ibig thing na iyan. May katuturan rin naman ang mga sinasabi niya. But sad to say, not applicable for me.
"eh wala namang kami eh, paano magwowork kung wala namang iwowork out?" me.
Umupo na siya sa tabi ko at binulungan ako.
"don't worry, kayang-kaya kitang tulungan d'yan. Believe me, magiging kayo ni Nathan"
Shocks! ang taas din ng confidence level n'ya pagdating sa ganyan huh.
"But may problema eh...." biglang serious mode niya.
Minsan, hindi ko rin maintindihan ang mood nito. Siguro nga, pwede rin kaming magkasundo sa part na iyon.
"what is it?" me.
Siyempre, curious din ako, that's why I asked.
"di ba I told you na may gusto si Jenna sa kanya? Siya ang magiging problema mo"
That witch? Tss. hindi ako natatakot sa kanya.
"well, hindi naman siya ang magdedecide eh...kundi si Nathan" nasabi ko.
"so.....inaamin mong crush mo nga ang pinsan ko????" masayang tanong ni Elaine.
"wait, pinsan mo si Nathan?" me.
Shocks! Bakit ngayon lang niya sinabi? Kaya pala over over ang confidence niyang matutulungan akong mapalapit kay Nathan.
dug dug....
dug dug...
dug dug...
Wait. Peacock, hindi ako makaget over.
"well, good news toh for him!"
"no! don't tell him about it Elaine."
"huh? but why?"
Shocks! shocks! shocks!
Ayokong malaman niya na crush ko siya. I don't want him to take advantage of me dahil alam n'yang gusto ko siya.
Gusto kong magustuhan niya ako in a way na nararamdaman niya iyon.
For a reason na gusto niya ako. Period.
"just don't tell him kasi....kasi hindi ako sure kung crush ko ba siya" me.
Wala na talaga akong ibang maisip na sasabihin eh. I'm good in hiding my feelings but I'm a terrible liar. Mas prefer ko kasing hindi umimik kesa ang magreason out.
"huh? ang gulo mo, what do you mean about it?"
"basta, just don't tell him okay?"
"okay?...but in one condition" sabi niya with pilyang smile.
Mukhang mapapasubo na naman ako nito.
"ano iyon?"
"bffs?" inoffer niya ang kamay niya.
Shocks, hindi pa pala siya tapos sa bagay na iyan?
"why do you want me to be your bestfriend?"
"hmmmm....mayaman ka kasi eh, siyempre, lagi akong magpapalibre sa iyo" her while smiling.
Ang babaw ng reason niya. Tsk.
Paano ba ito? Kapag hindi ko naman tinanggap ang offer niya...baka sabihin niya kay Nathan na crush ko siya.
Ayaw ko rin namang magbago ang samahan namin ni Nathan. For now, masaya ako sa kung ano ang meron sa amin.
"okay from now on, I'll be your bestfriend"
"really? thank you Aikka" bigla niya akong niyakap. Halata ko sa reaction niya na sincere naman ang kasiyahang ipinapakita niya. There's something about her na I need to know.
"Bestie, anong klaseng coffee ang gusto mong inumin? treat kita"
"akala ko ba, gusto mong ako ang manlibre sa iyo?"
"meroon pa naman akong pera eh kaya ako muna ngayon"
"seryoso ka?" me.
"of course, anong gusto mo?"
"hmmm.."
"Aikka, kanina ka pa dito?" Nathan.
May kasama siyang babae.
Di ba, tama ang decision ko? Tama lang na itago ko ang nararamdaman ko for him.
"ah, hindi naman masyado" me.
"sino iyang kasama mo?" biglang tanong ni Elaine.
"ah by the way, siya ang sinasabi kong tutulong sa atin para sa design ng Acquaintance Party, she is Lisa"
Tumabi sa akin si Elaine na kakatayo lang kanina para umorder sana.
"don't worry Bestie, mas maganda ka sa kanya. Huwag mo na lang tingnan ang katawan niya."
Wow. Naencourage ako doon. Salamat Elaine. Lalo mong ipinamukha sa akin na mas maganda ang katawan ni Lisa compared sa akin.
"Hi! so you're Aikka. Nice meeting you" nakipagshake hands siya sa akin.
"Bestie, ang bango niya" bulong ulit ni Elaine.
"bakit, mabaho ba ako?" pabulong na tanong ko naman sa kanya.
"hindi naman pero amoy lalaki ang perfume mo. Sa daddy mo ba iyan?"
"hindi ah, binili ko kaya ito sa La' Perfume."
"hindi naman mahalaga ngayon kung magkano ang bili mo dyan eh, the important thing is how to seduce him with your smmmmmmell..."
"sssh...para ka namang manyak sa pagsasalita mo eh" sabi ko.
"what? may sinasabi kayo about sa akin?" tanong ni Lisa.
"Assuming naman nito" react ni Elaine.
Pahamak talaga itong kasama. Paalisin ko nga muna ito sandali.
"ah, I'm sorry, tinatanong lang kasi ni Bestie kung ano ang gusto ninyong orderin, ililibre niya daw tayong tatlo" me.
"what? wala ak_"
"anong gusto mo Lisa at Nathan? sa akin, dark choco at pineapple pizza lang"
"ah...sa akin naman ay dark chocolate cake at yogurt, sa iyo Lisa?" Nathan.
"ah...hot coffee lang sa akin"
"narinig mo iyon bestie? magorder ka na muna doon. Thank you sa panlilibre. You're so bait talaga!"
"pambihira ka Aikka, bibili pa ako ng make up mamaya" bulong ni Elaine.
"di ba may money ka pa? okay na iyon." me.
Bwahaha. I'm sorry Elaine. Bumawi ka na lang next time. Tumayo na si Elaine at pumila na since marami na ring mga students dito sa loob.
"so while waiting her, let's discuss na muna 'yung about sa assigned task sa atin" me.
Sinenyasan ni Nathan si Lisa na siya ang magsalita.
Is there something between them?
"ah yes, so since 'yung theme is "Future time", we've decided na magpagawa ng time machine, tapos space ships with extraterrestrial beings" Lisa.
"extraterrestrial beings?" me.
"tama, di ba, possible namang magkasundo ang tao saka mga aliens, if ever they really exist?" Lisa.
"Ms. Lisa, may I remind you na Acquaintance Party ang dedesignan natin, hindi holloween party"
"I know, it doesn't mean naman na dahil may aliens eh halloween party na agad"
"yes, ang theme is future time. Ibig sabihin, kung ano ang possible na mangyayari in the near future. Don't add something na hindi related sa theme."
"pero di ba dapat mas vast ang imaginations natin, kaya for me...okay lang naman iyon" Nathan.
So mas kinakampihan niya ang babaeng iyon? sa bagay, mukha namang may namamagitan sa kanila. Tss.
"eh di fine, kung ipupush niyo ang concept na iyon. Then go" tumayo ako.
"where are you going?" Nathan.
"ah..... Kuya Edmundo texted me. Pinapauwi daw ako sa bahay. See you na lang mamaya, I'll text you if magtext na sa akin yung secretary."
"emergency ba iyan? Kumain ka na muna dito, sayang naman yung pagkaing inorder ni Elaine" him. Bakit niya ba ako pinipilit?
Nakakainis siya huh.
"oh, saan ka pupunta bestie? nakaorder na ako" nagtatakang sabi ni Elaine.
"home" tipid ko na sabi. Nakakapagod magexplain ulit. Gusto ko nang umuwi.
"Eto naman. Change mood agad? eh parang kanina lang, okay ka lang naman ah, may problem ba?" Elaine.