Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 12 - THE PAST

Chapter 12 - THE PAST

"Eto naman. Change mood agad? eh parang kanina lang, okay ka lang naman ah, may problem ba?" sabi ni Elaine.

Actually, wala na talaga akong gana. Tuluyan nang nasira ang araw ko dahil sa kasama ni Nathan. Tss.

Lalabas na sana ako when someone entered the coffee shop.

"guys, tingnan ninyo sa labas. Someone is attempting suicide."

Suicide?.....

Dali namang kaming naglabasan.... to know kung sino iyon.

Shocks! She's on the top of admin. building.

"nababaliw na ba siya?" tanong nung lalaking kasama sa mga studyanteng nagkakagulo na dito banda sa oval.

Nagpapanic na ang lahat dito sa baba since nakatuntong na siya sa pinakaedge ng building. Pati mga teachers, naalarma na rin.

"tumawag kayo ng 911 dali!" sabi ni Mr. Ali.

Peacock...

Bigla tuloy nagflashback ang araw na iyon.

######

(Flashback, two years ago)

Umuulan. Natatakpan ng ulap ang kalangitan. Tanging ang pagbuhos lang ng ulan ang naririnig ko sa mga sandaling ito.

Nasa rooftop ako ng bahay. May flat area kasi sa edge nito at doon ko tiningnang mabuti ang paligid...

Ang ganda.

Ang lalago ng mga halaman.

Berde ang kapaligiran.

Namumukadkad ang mga bulaklak.

Napakaperpekto nilang tingnan. Para kang nasa paraiso. Hindi alintana sa akin ang ulan para maappreciate ko ang gandang ibinibigay ng kalikasan.

Sana nga, kagaya ng paligid....ganoon din kakulay ang buhay ko.

Sana katulad ng mga halaman, malago rin ang pagkatao ko. Malago sa pagmamahal, sa respeto at atensyon.

Sana tulad rin ako ng mga bulaklak na namumukadkad. Na napapansin. Na hindi isinasantabi. Na hindi binabalewala.

Huminga ako ng malalim.

"I'm sorry dad if I have to do this" humakbang ako papalapit sa pinakadulo ng roof.

Tumutulo na ang aking mga luha. Nanginginig na ang buo kong katawan. Then, I keep asking myself if kaya ko ba talagang gawin ang bagay na ito....if hindi ko ba pagsisisihang wakasan ang lahat.

Then, suddenly, naisipan kong mas makakabuti ito because I really hate this life. I'm really tired of this life. I just want to end it here.

"Aikka! no! don't do it anak ko!" napalingon ako sa kinaroroonan ni dad.

Akala ko ba, wala na siyang pakealam sa akin.

"d'yan ka lang dad!!! hayaan mo na ako" me while crying.

"anak! kung ano man ang nagawa ko sa iyo, I'll promise not to do it again. I'm so sorry...just don't do it please...please....don't leave me" he started crying na din.

Siguro.....

Last time na nakita ko si dad na umiyak is when lolo passed away. But now... kitang-kita nang dalawa kong mata na he's showing me his other side.

"dad, ayoko na sa buhay na ito. I really hate it! I'm just tired of giving my everything pero nobody wants to accept it. I'm tired of being rejected. And I am tired of seeing you like that! I'm tired of thinking na may pakealam ba kayo sa akin o wala!."

"Aikka, I know, I never been a good father to you. I know na masyado akong nagiging mahigpit sa iyo. Pero maniwala ka man o hindi, I'm just doing it because I love you. I don't want you to be hurt. Ayokong nakikita kang nasasaktan kaya I want you to be the best para makuha mo ang respect na you deserve. I'm so sorry if I let you feel that way. I just don't want to lose you Aikka. Wala na 'yung mom mo and hindi ko kakayanin if pati ikaw, mawawala sa buhay ko. So please Aikka, halika na. Bumaba ka na dyan."

"No...I don't want to believe you dad. I don't want to believe in your lies" me while sobbing.

"Aikka, my daughter, I love you. Just believe me okay? I swear! Everything I said was true. Please just don't leave me."

Dahil sa mga sinabi niya...nabunutan ng tinik ang aking puso. Binigyan niya ako ng chance na maintindihan siya.

Ipinaliwanag niya ang lahat sa akin kung bakit masyado siyang mahigpit. At ipinadama niya sa akin na importante ako sa buhay niya.

(end of flashback)

"Aikka ...Aikka, are you alright?" worried na tanong ni Nathan.

Tumingin ako sa paligid....nobody is trying to help. Pinapalala lang nila ang sitwasyon. Kapag hihintayin pa nila ang 911, magiging huli na ang lahat.

"She needs some help" dali na akong tumakbo sa entrance ng admin building.

"bestie? saan ka pupunta?" narinig ko pang tanong ni Elaine.

"Aikka! anong ginagawa mo?" sinubukan akong pigilan ni Nathan but nakapasok na ako sa loob.