Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 5 - HELPING HAND

Chapter 5 - HELPING HAND

After ng ilang oras, natapos rin sa wakas ang discussion. Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko when Ms. Quin called me.

"Bakit po ma'am?"

"Jordan told me na dumiretso ka daw sa Faculty office, may sasabihin sa iyo ang kapatid ko"

"Okay ma'am"

Dali ko nang ipinasok sa bag ko ang aking mga gamit at pumunta na ako sa faculty.

"You want to say something?" ask ko sa kanya after ko siyang makita.

"well, its a good news for you" nakasmile na sabi nya.

"really?" then I tried to focus sa sinasabi nya since good news daw iyon for me.

"someone offered me to help you para sa preparations ng acquaintance party. Siya daw ang bahala sa pagkukunan ng materials para sa design na plano"

"wait, what? akala ko ba programs lang ang care of ko? bakit ngayon, pati designs na?"

"Ms. Montero, girl.....alam mo namang busy din ang Supreme body para sa presentations at mga booths na gagawin. Tapos may upcoming pang interschool competition next month, siyempre..ngayon pa lang, naghahanda na kami since dito ang venue so we need your cooperation girl. Sa lahat kasi ng classroom president, ikaw lang talaga ang maasahan namin."

"Shocks, oo na. Paulit-ulit mo na iyang sinasabi sa akin."

"so okay na sa iyo yung about sa design?" him with a big smile.

"do I have a choice" mahinang sabi ko.

"thank you Ms. Montero, maasahan ka talaga! don't worry, sa next election..

I'll help you with your campaign. I'm sure mananalo ka"

"as if naman na tatakbo ako. Okay na ako sa class president. Besides, gusto kong magfocus sa academics kaysa sa mga bagay na iyan."

"sus naman, anyways, hindi ka naman magsisisi sa pagpayag mo this time eh"

"How sure are you saka sino ba 'yung anghel na nagoffer sa'yo para tulungan ako?"

"Attend ka ng meeting ngayon, halika na" hinila niya ako.

"Peacock, agad-agad?"

"oo, since tinanggap mo ang offer ko, may part ka na rin sa meeting"

"so noon, hindi pa pala ako part ng brainstorming nyo?"

"huwag ka na ngang magsungit dyan. Kaya ka hindi nagkakajowa eh."

"Shocks, Jordan. Talaga? kailangang ipamukha mo sa akin iyan?"

"sshhh. Andito na tayo" binuksan niya ang glassdoor.

(Since nasa gilid lang naman ng faculty 'yung office nila.)

Nagtinginan ang lahat ng mga taong andoon.

Pati si Nathan.

Oo....

WAIT....

si NATHAN?

Namulagat ang aking mga mata. Anong ginagawa niya dito?

"Umupo ka muna dyan" pinaupo niya ako sa tabi ni Nathan.

Bwiset. Nauutot ako. Air conditioned pa naman dito.

dug dug....

dug dug....

dug dug...

Naririnig ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"okay ka lang?" biglang tanong ni Nathan.

"ah...yes, of course. Okay lang ako"

"masakit pa ba 'yung sugat mo?"

Tumango na lang ako since magsisimula na rin ang meeting. Kami na lang pala ang inaantay.

"Good afternoon everyone, since andito na lahat ng officers, ididiscuss ko lang ang mahahalagang bagay para sa Acquaintance party and sa upcoming na interschool competition na rin. So may I call on, Ms. Eldaine, our secretary para isulat sa white board ang mga lists ng pwedeng gawin and mga suggestions na rin." sabi ng SG- Governor namin.

"wait, ipakilala muna natin ang dalawang kasama natin ngayon" insert naman ni Jordan.

"ah.. okay, you're right. Let's acknowledge our newbies, Ms. Montero and Mr. Alejandro. They voluntarily help us para sa Acquaintance Party, palakpakan muna natin sila."

Nagpalakpakan naman sila. Well, ang ganda sa feeling na someone appreciated my effort. Well, I think..I need to give my best na talaga for this.

"Wow, Mr. Alejandro, hindi lang pala basketball ang binibigyan mo ng time but also this?" sabi nung isang babaeng officer.

Ngumiti lang si Nathan. (Ugh, with his smile. Shocks naman!)

Ayoko na nga siyang tingnan, bumibilis ulit tibok ng heart ko eh.

Landi ko talaga.

"Guys, mamaya na iyan okay, so let's go back sa ating pinag-uusapan. Acquaintance Party muna tayo ngayon, so Ms. Montero, may idea ka na ba sa program ng Acquaintance Party?"

"ah..yes" dali-dali kong kinuha ang notebook ko sa bag.

"can you share it with us?"

"of course, well, I made a list sa mga possible na magaganap sa acquaintance party. Number 1 sa list ko is "Party theme"

"ah, that one, we already decided na ang magiging theme is "Future Time" sabi ni Gov.

"okay, so hindi na ito kailangan, the second one is about sa Musicians, I decided to invite "Syntax Band"

"wait, Syntax? 'yun ba iyong nagtutugtog sa Restobar malapit sa school natin?" tanong nung secretary

"yes, bakit..what's wrong?"

"seriously? a person like you, gustong maginvite sa mga cheap na iyon?" react niya.

"bakit, ano bang masama sa pagtangkilik sa music na iniooffer nila?"

"Ms. Montero, I think its not a good idea. Ibang banda na lang ang iinvite mo. You can invite the "Beats and M"

"Yes, I would prefer to hear from them." sabi naman ni Jordan.

Peacock, okay bahala kayo dyan. Nakakapagod makipagtalo.

"well, since yun ang gusto nyo, fine. The next is the "Pakulo" and I planned to segregate it from the booths"

"okay? so anong pakulo iyan?" ask ni Gov.

"the thought is like "Kidnap for Ransom" para na rin makapagraise ng funds para sa upcoming pa na events" me.

"woah! Interesting, parang gusto ko iyan!" react nung isang officer na guy.

"well, of course may mga assigned na tao ang magkikidnap kunwari, they are wearing uniform t-shirts para maidentify natin sila, tapos dapat somebody would claim the one being kidnapped within an hour kasi kapag wala, yung kinidnap will take the punishment"

"I like it, isama natin iyan sa list" sabi ni Gov.

Buti naman at may pakinabang ang mga ideas na pinagsasabi ko kanina.

Well, designs na lang ang problem ko ngayon since yung apat na nasa list ko is okay na. Sila na rin kasi ang bahala sa iba.

"how about yung sa designs?" ask naman nung isa pang officer.

"well, kanina ko lang sinabi sa kanila ang about doon but don't worry, kaya na iyon ng mga newbies natin, pede nila iyong magdamag na pag-usapan, yung silang dalawa lang" sabi naman ni Jordan.

Ano? Mukhang_

Aha. ngayon ko lang narealized na ito pala ang sinasabi niyang good news para sa akin.

Peacock!

Humanda siya mamaya, alam kong sinulsulan siya ni Elaine eh.

Pinagtitripan na naman nila ako.

Natapos ang meeting and nilapitan ko si Jordan paglabas namin.

"Hoy, Jordan." hinampas ko siya.

"Ouch, girl! bakit ba?"

"anong trip nyo ni Elaine?"

"huh? ano bang pinagsasabi mo dyan?"

"stop acting like you_"

"know my pain? stop acting like you own it? Familiar line ah"

Hinampas ko ulit siya. Bwiset. Nang-iinis na naman 'tong baklang ito.

"Aray! Nathan oh! Nathan!"

"Shocks, shut up!" sabi ko.

Wala talaga tong awa.

Lumingon si Nathan.

"Halika dito! gusto kang kausapin ni Ms. Montero, about daw sa design ng Acquaintance party"

So lumapit nga si Nathan. Peacock, ipapakulam ko talaga ang baklang iyan para maging lalaki eh.

"bye Ms. Montero" dali-daling siyang umalis at iniwan kaming dalawa ni Nathan.

Peacock.

Natatae tuloy ako bigla.

"so, may idea ka na about sa magiging design?"

Tiningnan ko ang kanyang tila malambot at mapupulang labi.

Teka, naglilipstick ba siya?

"kung wala pa, huwag mo muna masyadong isipin."

Hindi ako umimik, hindi ko rin naman alam ang aking sasabihin eh.

"Siya nga pala, di ba nabanggit mo yung about sa "Syntax"? sa totoo lang, paborito ko rin ang bandang iyon"

Weh? Feeling ko nagsisinungaling siya. Matanong ko nga kung anong kanta ang paborito niya doon.

"What is your favorite song from them?"

"Dapit-hapon"

Really? that's my favorite song too. Masyado kasi akong nake-carry over sa mga linya ng kanta.

especially doon sa First Stanza

"Tayo'y nagkita sa lugar na di inaasahan

Mga oras na palubog na ang araw

Mga oras na pasalubong ang kadiliman

Puso ko'y naantig, iniisip ay ikaw

Pangalan mo ay tinatanong

Sa dapit-hapong pagkakataon"

"Shocks," nasabi ko.

"Ah, bakit? pasensya na kung hindi kagandahan ang boses ko huh?"

"Hindi, gusto ko ang boses mo. I like the way you sing it."

"Talaga?" ngumiti ulit siya.

Peacock. Yung_

"ah...Nathan"me

blush.

Paano ko ba ito sasabihin. Nakakahiya.

"bakit?" tinitigan niya ako sa mata.

Those brown eyes. Pointed nose.

Ano ba ito?

"Ah, yung..."

"ano?" him

"Yung tae ko lalabas na" then dali akong tumakbo outside.

Shocks!

Why this time?

Nakakahiya!