Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

🇵🇭MissKc_21
127
Completed
--
NOT RATINGS
344.4k
Views
Synopsis
A Story of Choice Imagine finding yourself at the crossroads of fate, torn between two paths. One leads to the person you love deeply—someone who has captured your heart and soul. The other path leads to the person who loves you more than anything, someone who would do anything to make you happy. What will you do if fate forces you to choose? Will you follow your heart, or will you choose the person who treasures you most? It's a story of choice, where love and loyalty collide, and no decision comes without sacrifice. A Story of Drama Trust is a fragile thing. What if the person you trusted with your life, turned out to be the one who wanted to end it? Betrayal cuts deep, and when it comes from someone you never expected, it shatters your world. What will you do when the mask comes off, and the truth is revealed? Will you confront them, or will fear keep you silent? This is a story of drama, where trust is broken, and survival depends on your next move. A Story of Action Learning to fight is one thing, but fighting for love is a battle of a different kind. When the world around you is in chaos, and your heart is caught in the storm, will you have the strength to hold on to love? Or will the struggles and dangers force you to let go? In this story of action, love is put to the ultimate test. The fight isn't just against the enemies outside—it's also against the doubts within. A Story of Love At the heart of it all, this is a story of love. Love in all its forms—complicated, beautiful, painful, and true. It's about the choices we make, the trust we give, the battles we fight, and the love we hold on to, no matter the cost. In the end, it's love that defines us and drives us, even when fate, betrayal, and danger stand in our way. Please enjoy reading!
VIEW MORE

Chapter 1 - LIFE OVER DEATH

AIKKA's POINT OF VIEW...

(Sa Forest Park ng --Santos Academy, where she is studying)

Nararamdaman ko ang pagdampi ng hangin sa aking balat

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa kung saan.

Napahinto ako saglit at pinagmasdan ang pagsayaw ng mga damo at pagsabay ng dahon ng mga puno sa pagihip nito. Nagdidilim na rin ang langit at naririnig ko na ang dagundong mula sa kalangitan.

Hindi ko alam ang aking gagawin.

Ako'y hinang-hina na at tila baga nabasa na ang aking damit dahil sa dugong nagmumula sa napuruhan kong braso. Tila baga naghahabulan ang aking paghinga at pintig ng puso habang aking pinipilit na lumaban at huwag sumuko sa pagbabasakaling may makatulong sa akin. Paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili na kaya ko ito....kaya ko ito...kaya ko ito. Hindi ko na pala namamalayan na nababasa na rin pala ng luha ang aking mga mata. Kusa itong tumulo at hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Wala nang tutulong sa akin.

Nobody really cared for me.

It seems like I don't exist in this world.

I feel like I'm.....

I'm fainting....

"Aikka" someone called my name.

"Aikka!"

Hindi ko matandaan kung kaninong boses iyon kaya minabuti kong kilalanin ang mukha n'ya but I failed. Nagblurred na ang aking paningin hanggang sa nagdilim ito.

"Aikka....." that voice again. It keeps from echoing on my mind.

"Aikka....."

At nagising ako sa aking panaginip ng imulat ko dahan-dahan ang aking mga mata.

"She's awake!" sabi nang babae na pamilyar sa akin ang boses.

Wait, where am I? Bakit parang nasa heaven na ako?

Inilibot ko pa lalo ang aking paningin. Nagulat ako nang mamukhaan ko si daddy.

"Dad?" nasambit ko.

Lumapit siya at niyakap ako.

But how?

"Are you alright?" he ask in a so worried voice.

"Anak, buti na lang at gising ka na. We're so worried about you." Elena acting like she really cared.

Then...I just realized na buhay pa pala ako.

(sighed)

I don't know but part of me seems disappointed.

Well, maybe because I'm so tired of my life. Even if dad is always here for me, I feel that its not enough. Part of me still feels empty.

Maybe, you're asking about my mom. Well, the one that I mentioned earlier, Elena, she's not my real mom. My real mom passed away giving birth to me. I don't actually consider Elena as my mom since kilala ko na siya. I know her personality, character and her real motive why she married my dad. This time, alam kong nagpapanggap lang siyang worried but I know, matagal na niyang gustong may mangyaring hindi maganda sa akin para mabura na ako sa buhay niya at ni dad. Tss. kung hindi dahil kay dad, matagal na akong lumayas sa mansion. Nagiging mabait lang kasi siya kapag andyan si dad at ibang tao. Pero kapag kaming dalawa lang, hindi niya ako kinakausap, ni tingnan nga sa mata, di nya magawa. Mas prefer  pa niyang kausapin 'yung aso namin kaysa sa akin.

"Pinag-alala mo kami ng mommy mo. Buti na lang nadala ka agad dito ni Nathan"

Wait. Sino naman iyon?

"Nathan?" me.

"Kaklase mo ata eh. Basketball player ng school n'yo. Nakauniform kasi sya ng dalhin ka dito."

Really?

Nathan huh.

"ano ba kasing nangyari sa iyo anak? nakilala mo ba ang gumawa nito sa iyo?" Elena.

"No, but malalaman ko rin iyon sa tamang panahon." I said while looking on the corner. Ayoko kasing makipagplastikan sa kanya. Not this time.

"Don't worry anak, pinapahanap na namin ang mga walang hiyang iyon. Hinding-hindi ko sila mapapatawad for causing harm to you" dad

Because of what dad said, medyo gumaan ang aking pakiramdam.

"Kailan daw po ako pwedeng lumabas dito?"

"Sabi ng doktor, makakalabas ka na dito bukas. Reresetahan ka na lang niya ng gamot then you can stay at home na" dad while gently patting my head.

"President" his secretary gave him the phone.

I think may problema na naman sa company ni dad. Wala talagang pinipiling oras 'yang company problems na iyan eh.

Kinuha ni dad ang phone and talk to someone for how many minutes. Then, he suddenly came near me after ng conversation nila.

"bakit daw honey?" Elena.

"something came up, I need to fix some mess. Ikaw na muna bahala kay Aikka, emergency lang"

"ah okay, don't worry. Hindi mo na kailangang sabihin iyon, its my responsibility as a mom to take care of our daughter honey. Pumunta ka na doon para maayos mo na ang problem."

Elena. Tss. Ang galing talaga niyang magsalita, parang gusto ko nang maniwala sa mga pinagsasabi niya.

"sige. Aikka, anak, pagaling ka ha? May problem lang sa company kaya di muna kita masasamahan ngayon. But don't worry, pag uwi ko, I'll buy you something okay?"

"okay dad"

"that's my girl" ginulu-gulo niya ang buhok ko tapos hinalikan niya ako sa noo before he left.

Then, yun na nga. Pagkalabas na pagkalabas ni dad, back to my usual life na.

Isang tahimik na paligid at tila mag-isang buhay.