Gaya ng inaasahan nila, bumalik nga si Cong. Mendes ng Hacienda Remedios para puntahan si Leon.
Si Leon lang ang nakakaalam ng plano nyang pasabugin ang buong hacienda kasama ang lahat ng taong naroon.
Ibig sabihin, hindi lang yung mga nasa loob ng mansyon ang puntirya ni Cong. Mendes, pati na rin ang lahat ng magsasaka at pamilya nito.
Gusto nyang i wipe out lahat at palalabasin na si Leon ang may pakana nito tapos ay isisi ni Cong. Mendes ang lahat ng nangyari kay AJ.
Gagawa sya ng kwento na kung hindi nya pinakialaman ang Hacienda Remedios hindi mapapahamak ang mga magsasaka, mga trabahador at lahat ng bisita na naroon.
Sasabihin nyang kung hindi pinaalis ni AJ si Leon, hindi makakaisip ng ganun ito. Masisira ang pangalan ni AJ at maraming magagalit sa kanya, tapos ay mapupunta ang karapatan ng Hacienda Remedios sa gobyerno.
At sya ... si Cong. Mendes, babango ang pangalan nya. Maraming makakaalala sa kanya.
Gagawin nya ang lahat para mailagay sa pangalan nya ang Hacienda Remedios at pagnangyari yun, sya na ang may ari ng buong probinsya ng Quiñoza Valley, makikilala ng lahat ang pangalan nya, tamang tama sa darating na presidential election.
Maganda sana ang plano ni Cong. Mendes. Makakatakas na sya sa krimen, mapapasakanya pa ang Hacienda Remedios.
Ngunit hindi nya kilala ang mga bisita ni AJ. He under estimated them.
And never pumasok sa isip nya na makikilam ang isang bata na nagngangalang Eunice at gugulo sa plano nya.
Walang alam si Eunice, kung ano ang kabuuan ng plano ni Congressman, pero tyak nyang si Cong. Mendes ang utak ng lahat.
At sa lahat ng ito, ang tanging kinakabahan ay si Edmund.
'Jusko, nasobrahan ba ako sa training ko kay Eunice at ganito na katapang ang anak ko?'
"Anong iniisip mo dyan? Bakit ganyan ang pagmumukha mo?"
Tanong ni Belen sa pamangking si Edmund.
"Wala po kinakabahan lang!"
Sagot ni Edmund.
"Saan ka kinakabahan sa plano ni Eunice o sa pagiging dragon ni Eunice?"
Hindi makasagot si Edmund.
"Kasalanan mo 'to! Gala kasi kayo ng gala tapos iiwan nyo ang kompanya kay Eunice!
Ayan! Ayan ang resulta ng training mo!"
Sermon ni Belen.
May katwiran si Belen.
Sa business world, kung mahina ka, kakainin ka ng buhay ng mga kalaban mo. Pero walang takot na hinarap lahat ito ni Eunice.
Ilang buwan pa lang si Eunice na nakaupo bilang CEO, pinangingilagan na sya ng ilan.
***
Gramps, they are moving very fast po!"
Sabi ni Eunice kay Gene na kausap nya sa telepono.
Nasa party si Eunice, habang nasa bahay naman ni Jose sila Gene at Fidel, minomonitor ang mga kaganapan at hinihintay ang pagdating ni Cong. Mendes.
"Sige, iha, sasabihan kong iclear ang dadaanan nila para wala silang madisgrasya!"
Sagot ni Gene.
"Papaano nalalaman ni Eunice ang bawat kilos ni Cong. Mendes?"
Nagtatakang tanong ni Fidel.
Hindi sya sinagot ni Gene.
Paano ba nya sasabihin sa taong ito na marunong mag hack ang apo nyang si Kate at malamang na hack na nila ang cellphone nito, kaya alam nila ang location ni Cong. Mendes.
Ang hindi alam ni Gene, hindi lang si Kate, pati si Nadine. Magkatuwang silang hinahack si Cong. Mendes, hindi lang ang phone nito ang hinahack nila pati ang lahat ng transaksyon nito legal man o hindi.
Tapos na ang programa sa party kaya nagkakasayahan na lang ang lahat.
*****
Ano ba Sendong, bilisan mo pa!"
Sigaw ni Cong. Mendes kay Sendong.
Humaharurot na sa bilis at halos lumipad na ang sasakyan nila pero gusto pa ni Cong. Mendes na bilisan pa nya.
'Grabe itong si Boss, nakalayo na nga kami sa bomba tapos gusto nya lumapit ulit kami!'
'Akala ko ba ayaw nyang malaman ng lahat na nasa Hacienda Remedios sya?'
"Hmp! Hindi ko naman kasi gustong bumalik!"
Bulong ni Sendong.
"Ano yun Sendong, may sinasabi ka?"
"Wala po Boss, yung tyan ko po kasi, kumakalam pa!"
Kauumpisa pa lang kasi ni Sendong na kumain ng mag aya agad itong si Congressman na umalis.
"Huwag kang magalala, pakakainin kita pagkatapos nito! Ngayon mag concentrate ka na at bilisan mo pa!"
Sabi ni Congressman.
Napabuntung hininga na lang si Sendong.
Mabuti na lang at wala silang nasasalubong na kahit ano, na ipinagtataka nya pero hindi nya sinabi sa boss nya.
***
Andito na po tayo boss!"
Sabi ni Sendong.
Pinagpawisan ito sa pagmamaneho, akala nya madidisgrasya sila sa bilis ng patakbo nya. Nagawa nilang makarating sa loob lang ng trenta minuto.
Hindi pa humihinto ang sasakyan bumababa na agad si Cong. Mendes.
Sa di kalayuan, may nakatanaw sa kanila. Mga sundalong inatasan ni Gene na magbantay at kanina pa sila naghihintay sa pagdating nila.
"General, dumating na po ang suspect!"
Nireport nya kay Gene
"Okey you may proceed to the next step!"
Sagot ni Gene.
"Nasan! Nasan sya?!"
Tanong ni Cong. Mendes ng makitang walang laman ang kubo.
"Nasaan si Leon? Akala ko ba dito mo pinadala si Leon?"
Singhal nya kay Sendong.
Nagulat din si Sendong.
"Yan po ang alam ko Boss! Yan po ang pinagusapan!"
"PERO. NASAN. NGA. SYA.!"
Inakyat ni Sendong ang kubo at luminga linga na parang may hinahanap.
Hindi sya kasama ng dinala nila at itinali si Leon dito sa kubo, kaya hindi sya aware kung saan nila ito banda iniwan.
Hangang sa may makita ito sa tabi ng poste.
"Boss, tingnan nyo! Ito yung taling ginamit nila kay Leon. Ako ang naghanda nito kaya natitiyak kong ito yun! Dito nga nila dinala si Leon, pero nasan sya?"
Isa lang ang naiisip ni Cong. Mendes, may nakakita kay Leon at tinulungan syang makatakas.
"Diba sabi nyo, hindi pinupuntahan ng tao ang kubong ito?"
Tanong ni Cong. Mendes
"Yun po ang alam ko Boss!"
"Kung ganun, MALI ang alam mo! Tyak na may nakakita dun kay Leon at tinulungan syang makaalis dito!"
"Ibig pong sabihin natakasan kayo ni Leon?"
Napakunot ang noo ni Cong. Mendes.
'Bwisit itong taong 'to, ipagdiinan pa talaga na natakasan ako!'
"Walanghiyang Leon yan, mukhang sya ang nagsumbong dun kay Aaron tungkol sa mga plano ko!
Kahit kailan Leon, duwag ka!
Pwes, wala akong pakialam sa inyo, bahala kayong malitson dyan! Ginusto nyo yan!
Tara na Sendong, babalik na tayo ng Maynila!"
Pabalik na sila ng sasakyan ng may humarang sa kanila at binitbit sila.