Kahit na mahal ni Cong. Mendes ang pamilya nya, mas mahal pa rin nya ang sarili nya at mas mahalaga pa rin ang reputasyon nya.
Pwede naman sya ulit makagawa ng panibagong pamilya, pero ang reputasyon nya, pag nabahiran iyon ng hindi maganda, mahirap na iyon maibalik.
Kaya sa pagkakataong ito, sa tingin nya mas makakabuting lumuwas na lang sya ng Maynila para takasan ang lahat ng ito at saka na lang nya hahanapin si Leon.
Pero pag balik nila ni Sendong ng sasakyan, hinarang sila ng mga naka unipormeng sundalo.
"Cong. Mendes?"
"Hindi ko kilala ang hinahanap nyo! Tara na Sendong!"
Sumenyas ang pinaka leader ng grupo sa mga kasama nya at nilapitan nila ang dalawa.
"Teka! teka! Ano ba?"
Singhal ni Cong. Mendes pero hindi sya pinakinggan ng mga ito.
"Ano ba, bitiwan nyo nga ako! Hindi nga ako yung hinahanap nyo!"
Nagpupumiglas si Cong. Mendes kaya binitbit siya at si Sendong ng mga sundalo.
Pero si Sendong ay sumama na lang ng kusa, mga naka uniform ito anong laban nya sa mga ito.
Kahit na nagwawala si Cong. Mendes, wala syang nagawa ng isakay silang dalawa sa magkaibang sasakyan.
*****
Sa Mansyon.
"Na-Nasaan ang asawa ko at bakit nyo ako dinala dito?"
Kinakabahan tanong ni Leon ng dumating sila sa mansyon at hindi nya makita ang asawa.
Kumpara kay Cong. Mendes, mahal na mahal ni Leon ang mabait nyang asawa.
"Andun sa may tent iniistima si Madam Irma!"
Sagot ni Fidel.
Hanggang ngayon, iniisip pa rin ni Fidel kung ano ba ang sinabi ni Eunice kay Irma nung nag video chat sila, para magawa nitong pasunurin ang asawa ni Leon na parang alalay nya.
Pero wala naman talagang sinabi si Eunice, nagpakilala lang ito at sinabing aasahan nya ang pagdalo nya sa party.
At syempre si Irma, nagfe feeling important.
"Imagine, Aaron and Eunice chatting with me and inviting me personally! Hihihi!"
Kaya ng makita nya ang asawa ni Leon na pakalat kalat sa palengke ng madaan sila, inaaya nya itong dumalo sa party .... para maging alalay.
"Fidel, pakiusap, gusto kong puntahan ang asawa ko, gusto ko syang makita! Palabasin mo ako dito!"
Pagmamakaawa ni Leon.
Pero kita ni Leon ang takot sa mga mata nito.
"Nardo, bakit tila, naiihi ka na sa takot dyan? Diba gustong gusto mong bumalik dito sa mansyon, ngayon andito ka na hindi ka mapakali dyan at gusto mo agad lumabas! Dahil ba ..... dito?"
Ipinakita nya ang bomba sabay itsa kay Leon.
Na ikinataranta naman nito at naihagis ang bomba.
"Hahaha! Sa itsura mo mukhang alam na alam mo ang tungkol sa bomba na yan. Ikaw ba ang naglagay nyan dito sa bahay?"
"Hi-Hindi ako, maniwala ka, hindi ako! Wala akong kinalalaman dyan! Bakit naman ako maglalagay ng bomba dito sa bahay na ikakapahamak ko at ng asawa ko?"
Nanginginig si Leon.
"Well, malalaman natin, mamaya pagkatapos ng party! Sa ngayon ikukulong ka muna namin dito, sabi ni General. Pagkatapos daw ng party saka kanya kakausapin! Kaya manahimik ka dyan!"
Sabi ni Fidel.
"Pero, pero. ..."
"Huwag ka ng makulit dyan, hindi kita pwedeng palabasin dito sa bahay, saka hindi na raw gumagana yung timer nyan, hindi na raw yan sasabog.
Pwera nga lang kung may iba pang bomba!"
Biro ni Fidel.
Namutla si Leon.
"Bakit ka namumutla? Huwag mong sabihin na may iba pang bomba maliban dyan?"
Seryosong tanong ni Fidel.
Hindi sumagot si Leon at nanginginig pa rin ito.
"Walanghiya ka Nardo, umamin ka nga, may bomba pa ba maliban dyan? Sumagot ka!"
"Ewan ko hindi ko alam! Hindi nga ako ang naglagay nyan!"
Natatarantang sagot ni Leon.
"Kung hindi ikaw, eh SINO?!"
Singhal ni Fidel.
"S-Si Congressman!"
"Sinong Congressman?"
"Si Mendes!"
"Sinong Mendes?"
"Si Cong. Arturo Mendes Jr.!"
"Yung anak ng dating governor ng bayan ng Quiñoza Valley?"
"Oo syanga! Sya din ang nagtali sa akin sa kubo at iniwan ako!"
"Bakit naman nya gagawin ang lahat ng ito?"
Dahil si Cong. Mendes ang boss ko, sya ang tunay na nagpapatakbo ng Hacienda Remedios at puppet nya lang ako!
Sinabi nya sa akin kagabi na matagal na nyang itinanim ang mga bomba dito sa bahay! Sabi nya para daw sa akin yung bomba! Plan B daw nya yun para sa akin kung sakalaing idouble cross ko sya!"
"Seryoso ka ba, Nardo? Isang Congressman ang pinararatangan mo!"
"Aminado akong wala akong ebidensya pero buwan buwan nagkikita kami para mag report ako sa kanya! At lahat ng kita dito sa Hacienda Remedios ay sa account nya napupunta! Pero iba ang pangalan nung account na yun!
Ngayon nasabi ko na ang dahilan, pwede bang palabasin mo na ako? Kailangan kong makita ang asawa ko at mailayo dito!
Hindi ako sigurado kung meron pa dito sa loob ng bahay pero sa bukid, alam ko meron! Planong pasabugin ni Cong. Mendes ang buong Hacienda Remedios!"
Hindi nakaimik si Fidel, halatang kinabahan ito.
Tinalikuran nito si Leon, humakbang paalis at isinara ang pinto.
"Fidel! Fidel! Utang na loob, palabasin mo ako dito! Ayoko pang mamatay!"
Sigaw ni Leon.
Pero wala na si Fidel, tumakbo ito sa sasakyan at humarurot palayo.
*****
Pagkaalis ni Fidel, muling bumukas ang pinto ng mansyon.
Nadinig ito ni Leon na kasalukuyang naghahanap ng malalabasan, pero nakapinid lahat.
Pumunta sya sa sala para malaman kung bumalik si Fidel pero laking gulat nya ng makita si .....
"Congressman! Walanghiya ka!"
Nilusob ni Leon ng suntok si Cong. Mendes at ikinatumba nila pareho.
"Ikaw ang walanghiya! Ikaw marahil ang nagsumbong sa akin kay Aaron?"
Sabi ni Cong. Mendes.
"Anong ako? Sa tingin mo ba ikukulong nila ako dito sa mansyon kung ako ang nagsabi ng tungkol sa plano mong pasabugin ang buong Hacienda Remedios?"
Galit na sagot ni Leon.
"Kung hindi ikaw, sino?"
Galit na tanong ni Cong. Mendes. Hindi ito naniniwala sa mga sinasabi ni Leon.
"Aba malay ko! Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo, baka may alam sya?"
Sarkastikong sabi ni Leon.
"Anong kinalalaman ng asawa ko? Walang may alam sa pamilya ko na plano kong pasabugin ang buong Hacienda Remedios, ikaw lang at ang mga tao ko!"
Sagot ni Cong. Mendes.
"Pwes, hindi ako, kaya malamang isa sa mga tao mo!"
Iritang sagot ni Leon.
'Nalintikan na, may espiya sa mga tao ko? Pero sino sa kanila?'
Naalala nya si Sendong kanina. Sa iba nila ito isinakay at tila mabait ang mga sundalo sa kanya.
"Hindi kaya si Sendong?"
Syempre hindi si Sendong, sadyang mapagduda lang ang isip ng mga taong katulad ni Cong. Mendes na walanghiya.
"Leon anong oras na?"
"Bakit mo ako tinatanong? Ayun yung orasan, tingnan mo!"
Tumingin ito sa itinurong orasan.
"Quarter to twelve?"
Muli sana syang susunggaban ni Leon para suntukin pero nakailag ito.
"Leon ano ba? Tumigil ka na nga! Hindi ako ang kalaban mo ngayon, oras ang kalaban natin!"
"Wala akong pakialam sa sinasabi mo!"
"Leon makinig ka, yung bomba na sinasabi ko sa'yo, yung matagal ko ng itinanim para sa'yo, naka set na syang sumabong ng alas dose, kaya tara na, umalis na tayo dito!"
"Yun ba ang bombang tinutukoy mo?"
Itinuro nya ang initsang bomba ni Fidel sa kanya kanina.
"Nakita nila Fidel yan at napatay na raw nila ang timer, kaya tumigil ka na!"
Inundayan nya ulit ito ng suntok pero muling nailagan ni Congressman.
"Leon ano ba? Sa tingin mo ba isang bomba lang ang iilagay ko sa ganitong kalaking mansyon?"
Namutla si Leon.
"Bakit, i-ilang bomba ba ang nilagay mo dito sa mansyon?"
"Dito sa loob ng bahay pito, duon sa laban ng mansyon nasa sampu plus yung mga nasa bukid .... siguro may 100 na bomba. masyado kasing malaki ang mga bukirin!"
Nanlaki ang mga mata ni Leon at tila naubos ang kulay nito sa mukha.
"Baliw! .... Isa kang BALIW!!!"
"Oona baliw na ko, pero gusto pa ring mabuhay ng baliw na 'to at umaandar ang timer kaya kailangan mo akong tulungan na makaalis dito!"