"S_S_Sir?"
"Relax AJ, I'm just asking you kung susunduin mo ba ang anak ko sa school, bakit ka namumutla dyan?"
Sambit ni Edmund.
Katatapos lang ni AJ magreport kay Edmund at palabas na sya ng office ng bigla syang tanungin nito. Kinabahan si AJ kaya hindi kaagad sya nakasagot.
"I-I'm s-sorry Sir."
"Bakit ka nagso sorry AJ, susunduin mo lang naman ang anak ko sa school at tinatanong lang naman kita?"
"Sir, ayaw ko lang po na isipin nyo na .... sinasamantala ko ang pagiging magkaibigan namin ng anak nyong si Eunice."
Paliwanag ni AJ.
"Bakit ko naman iisipin yun AJ, may dahilan ba?"
'Jusko, bakit feeling ko iniinterogate nya ako?'
"Sir, pasensya na po pero ... ayaw nyo po bang makipag kaibigan ako kay Eunice?"
"I didn't say that! I just want to give you a warning."
'He didn't say that pero bakit may warning?!'
'Kinakabahan tuloy ako kung saan papunta ang usapan naming ito!'
"A-Ano pong ibig nyong sabihin Sir?"
"Jeremy is in that same university."
Sagot ni Edmund.
"Po?!"
Naguguluhan si AJ
"That is my warning."
Dugtong ni Edmund.
"Sir, forgive me pero hindi ko po naintindihan?"
"Alin ang hindi mo naintindihan AJ, ang alam ko na andun si Jeremy sa school kung saan nagaaral si Eunice o alam ko na may gusto ka sa anak ko?"
'Juskolord paano nya nalaman?'
Edmund: (rolled eyes)
"AJ, lalaki ako at ..... tatay din ako, of course I would know!"
Hindi alam ni AJ kung anong sasabihin nya.
"By the way, pag magkita kayo ni Jeremy, say "Hi" for me please."
*****
Sa school.
"Hahahaha!"
"That was a nice one Eunie!"
"Move on!"
"Hahahaha!"
"Stop laughing! both of you!"
"Oh Sissy, huwag kang mapikon, hindi ikaw ang pinagtatawanan namin, yung classmate mong hindi maka move on!"
"Hahaha!"
"Ewan ko ba, I'm trying my best naman na magpaka low profile but still.... ughh!"
"Haaay Sissy ko, mag relax ka nga!"
"Papaano mo ba kasi nagawa yun Ate Kate? Papano mo nagawang magpaka low profile?"
"Simple, I mind my own business and I don't care about the rest!"
"Yun din ang ginawa ko. In fact ngayon lang nila nalaman ang existence ko! Ang babaeng sumupalpal kay Ms. Valedictorian nung high school!"
"Eh, bakit mo kasi pinatulan Sissy?"
"Nakakapikon kasi eh! Feeling high school pa rin!"
"Exactly! Nakakapikon hindi mo na ma take kaya lumabas ang pagiging maldita mo."
Sabi ni Kate.
"Huh?"
"It's in you Eunie. Sabi ni Mommy, maldita daw si Ninang Nicole lalo na nung bata pa sila. So it means it's in your genes! Namana mo!"
"Hahaha!"
"Baliw! Sumbong kita kay Mommy eh!"
"But look at the bright side my dear cousin, dahil sa Math problem na yun, nalaman mo that your heart is playing tricks on you."
Paliwanag ni Kate.
"So ibig bang sabihin nun MyLabs, hindi rin maka move on si Sissy?"
"Malamang!"
Eunice: (rolled eyes)
"Klasmeyt! Klasmeyt!"
Napalingon ang tatlo sa tumawag.
"Sino sya?"
Tanong ni Mel.
"Malay ko, hindi ko classmate yan!"
Sagot ni Kate.
"Fredrick?"
"Hi Ms. Perdigoñez."
Kumakaway itong palapit kay Eunice.
"Hi din sa inyo! I'm Frederick but you can call me Freddie! Klasmeyt ako ni Ms. Perdigoñez!"
Bati nya kila Kate at Mel.
"Ahhhh!"
"Hi Freddie, I'm Mel and this is Kate MyLabs! Nice to meet you!"
Kinikilig si Kate.
'Ang sarap ng feeling pag pinapakilala nya kong MyLabs nya!eeeeeiiiiii!'
"Hi, pasensya kung naistorbo ko kayo, me itatanong lang kasi ako kay Ms. Perdigoñez."
"Please Freddie, Eunice na lang. Masyadong formal eh!"
"Okey Eunice! Uhm. kasi yung answer mo very complicated diko ma gets. Pwede bang paki explain please?"
Ipinakita nya ang kinopya nyang sagot ni Eunice sa Math problem kanina at tiningnan ito ni Kate.
"Complicated lang sya kasi shinorcut nya yung answer."
"Huh? Naintindihan mo din?"
Gulat nyang tanong kay Kate.
Hindi nya kasi maintindihan yung ginawang pag solve ni Eunice kaya nagulat sya.
"Mag pinsan kasi sila! Pareho sila ng genes kaya huwag ka ng magtaka! Hehe!"
Paliwanag ni Mel kay Freddie.
Well I'm not good at explaining things buti pa si Eunice ang mag explain sa'yo."
Sabi ni Kate.
Pero bago pa nya muling natanong si Eunice, may iniabot itong papel sa kanya.
"Here, this may help!"
"Wow! Ang galing mo ngang mag explain! Pwede bang in future pag magkaroon tayo ng group project or something, pwede bang ikaw na lang partner ko?"
"Ha?"
"I know Math but I'm not that good in Math at ayaw kong bumagsak sa subject na 'to!"
"Okey Freddie."
"Thank you! Saka .... pwede ba kitang maging seatmate sa lahat ng subject natin, forever? Promise mag be behave ako!"
"Hahahaha!"
"Sorry Freddie pero wala akong plan mag aral forever! Hehe!"
"Well ... someone is coming! Mukhang andyan na ang sundo mo Ms. Perdigoñez!"
Pabirong sabi ni Kate.
"Hi AJ Dude!"
"Hi Kate, Hi Mel Buddy! Kayo na ulit?"
"Nope!"
Sabay na sagot ng dalawa.
"WEH?"
"We're taking things slowly!"
"Okey! Sabi nyo eh! Hehe!"
"Hi Coffee!"
Bati ni AJ kay Eunice.
"Hi Milky!
Bati naman ni Eunice kay AJ.
"Hi din sa'yo! I'm Freddie klasmeyt ni Eunice!"
"Hi!"
"Ba't parang galing ka sa kugon?"
Tanong ni Mel.
"Nasiraan kasi ako dyan sa may kanto. Buti na lang may tumulong sa akin, student din sa university nyo but older. Second year, I think?"
"Anong name nya?"
"Jhake daw! Ayun sya oh!"
Sabay turo sa isang lalaki na kasama ang isang babae, pasakay ng sasakyan.
Sumeryoso ang mukha nila Mel, Kate at Eunice na ipinagtataka ni AJ
Sabay na napatingin si Kate at Mel kay Eunice na hindi pa rin inaalis ang tingin sa umalis na sasakyan.
'Jeremy ko!'