Tahimik si Eunice habang nasa sasakyan sila ni AJ papuntang kompanya ni Edmund, iniisip pa din nya si Jeremy.
"Eunice!"
"Huh?"
Nagulat si Eunice. Nagulat sya ng tawagin sya ni AJ sa totoong pangalan nya. Hindi na sya sanay.
"Bakit?"
"Sorry, kanina pa kasi kita tinatawag. Are you okey?"
"Yes Milky, I'm okey!
Drive!"
Nangiti si AJ.
"So how's your day, Coffee ...?"
Naalala nya ang first time na tinawag nya si Eunice na "Coffee", napikon ito at bilang ganti tinawag sya nitong "Milky" dahil sa paborito nyang candy.
'What can I say, this beautiful girl besides me has temper and me like it! Hehe!'
She love everything about Eunice pero hindi nya sinubukan na ligawan ito dahil ramdam nyang hindi pa ito nakaka move on.
"Well, gaya nga ng nadinig mo sa mag jowa na hindi daw mag jowa, not good!"
Sagot ni Eunice kay AJ
"Ha ha!"
"At least you got a new friend, Freddie!"
"Yeah, Freddie!"
"So what's up with Ms. Prettyful Kate and Mr. Friendship Mel, "Taking things slowly", pero panay naman ang PDA?"
"Hahahaha!
Malay ko sa dalawang yun!"
Pero may kutob si Eunice na isa sa dahilan ay ang Daddy nya at ang pangalawa ay ang sandamakmak na suitors nya.
After kasi mag debut ni Kate, lalo itong gumanda, parang isang modelo. Pero dumami din ang umaaligid sa kanya kaya siguro si Mel panay ang PDA.
Malaki din naman ang pinagbago ni Eunice, tumangkad ito at gumanda rin, parang carbon copy na sya ng Mommy Nicole nya. Hindi na sya singtaba ng dati medyo chubby na lang ng konti, masarap kasing kumain. Di tulad ng Ate Kate nya na super slim kahit anong gawing lamon hindi nataba.
Haaay sana all!
Sa kanilang dalawang mag pinsan mas pansinin ang ganda ni Kate pero hindi sa mata ni AJ.
'Oh, she's so adorable wearing that smile!'
Pero kanina ... sa coffee shop may napansin sya ng ituro nya ang taong tumulong sa kanya. Si Jhay.
And he felt that there is something different kay Eunice.
'She looks sad kanina, bakit kaya?'
"Coffee, can I ask you something?"
"Oo naman Kuya Milky, tungkol ba saan?"
May halong birong tanong ni Eunice.
Nangiti si AJ.
Minsan lang sya tinatawag na KUYA ni Eunice, pag may kailangan ito at naglalambing.
"Kanina kasi, ng ituro ko yung guy na tumulong sa akin, napansin ko, you look .... sad, more than sad! May I know why? Kilala mo ba si Jhay?"
Natahimik si Eunice.
Hindi nya inaasahang napansin pala sya ni AJ
'Ganun ba ako ka obvious!'
"Uhm, may problem ba Coffee, may nasabi ba ako? Kung ayaw mong sagutin ....."
Hinawakan ni Eunice ang balikat nya.
"Yeah Milky, kilala ko sya. .....
Sya si Jeremy."
"Ahh, sya pala."
Tila may kirot na naramdaman si AJ ng malaman nya.
*****
Kanina.
"O bakit ngayon lang kayo?"
Tanong ni Jericho sa mga anak nya.
"Sorry Papa, si Kuya po kasi, saan saan na naman po nagpupunta, hinanap ko pa!"
"Asus, sandali lang naman ako nawala, saka may reason po kaya ako na late!"
Pinakita nito ang mga kamay nya.
"Bakit ang dumi ng mga kamay mo anak? Eto wipes!"
"Thanks po Papa! May tinulungan po kasi ako kanina na nasiraan ng sasakyan. Binigyan ko po ng calling card nyo Papa! Malay nyo tumawag magpa upgrade!"
"Salamat anak! Bilisan na natin at mag isa lang si Mama nyo sa bahay!"
Pero pagdating sa bahay, may isa pa pala na nag aantay sa kanila.
Si Lemuel.
***
"Sweetie andito na kami ng mga anak mo! Bumili na din ako ng hapunan para hindi ka na magluto!"
Pero nagtataka sila bakit hindi sila sinalubong ni Elsa.
Kinabahan sila.
Hindi pa gaanong magaling si Elsa. Nakakatayo na ito at nakakalakad pero dahan dahan. Kaya lang si Elsa sobrang sipag kaya bigla silang nagalala ng hindi ito sumagot o sumalubong sa kanila baka kung napano na ito sa kasipagan nya.
Kaya napatakbo sila.
"Elsa?"
"Mama?"
Napahinto sila ng makita si Lemuel na nakaupo sa sala.
"Mabuti naman at dumating na kayo! Kanina pa ako nagaantay, antagal nyo!"
Napansin nila si Elsa palabas ng kusina at may dalang tray na may lamang meryenda, hirap na hirap sa paglalakad at sa dala nito.
"ELSA!"
"MAMA!"
Sabay sabay ang tatlo na lumapit kay Elsa.
Kinuha agad ni Jeremy ang tray na hawak nito at kinarga naman ni Jericho ang asawa nya habang si Elaine ay kumuha ng ibang upuan at unan para sa Mama nya.
Sa espesyal na silya kasi na ginawa ni Jericho para sa asawa nya, nakaupo ang magaling nyang ama.
Tok! Tok! Tok!
Tinuktok ni Lemuel ang tungkod nya para makuha nito ang atensyon nila.
Napipikon sya dahil hindi man lang sya binatin ng mga ito.
"Anong po bang kailangan nyo sa amin Papa?"
"Ganyan na ba ang natutunan nyo, ang mawalan ng modo? Kanina pa ako dito ah!"
Kinabahan si Elaine kaya pasimple syang nag message kay Tita Ames nya.
Ito ang pinagaalala ni Ames kaya nagbilin sya kay Elaine.
"Papang, hindi nyo na po ako mapapabalik sa mansyon nyo!"
"Sinong may sabi sa'yo na kailangan kita? Andito ako para kunin ang apo ko!"
Dumadagundong ang puso ni Jeremy, pakiramdam nya aatakihin sya sa puso. Alam nya na ang tinutukoy ng lolo nyang apo ay .... SIYA!