Namutla si Miles ng marinig ang sinabi ni Jeremy.
Matagal na nyang pinaniwala ang sarili nya na meron "SILA"! Pero mukhang sya lang pala ang nagiisip nun.
"Hindi! Hindi ito maari! Bakit nya sinasabi yun?"
Paulit ulit nyang usal.
Nagulat din ang mga ka grupo ni Miles na sila Brenda, Lena at Pam.
Sabay sabay silang napatingin sa direksyon ng pinto at nagulat sila ng makitang nakatayo duon si Miles.
Iniwan nila ang kanikanilang boyfriend at patakbong nilang nilapitan si Miles.
Tulong tulong nilang nilabas ito sa lobby bago makagawa ng hindi maganda.
"Miles huminahon ka! Ayusin mo ang sarili mo!"
"At bakit ako hihinahon! Ako ang dapat na andun! AKO!"
"At ano ang gusto mong gawin Miles, ha? Lumusob ka dun mageskandalo ka at ipagsigawan mong "ikaw ang girlfriend ni Jeremy!"
Pero hindi papigil si Miles, gusto pa rin nitong bumalik sa loob at lumusob.
"Miles, ano sa palagay mo ang gagawin sa'yo ni Jeremy?!"
"Mga bwisit kayo!"
"Bakit nyo ba ako pinipigilan?!"
"Magsitabi kayo! Mga walang kayong silbi! Anong pinag gagawa ninyo at hinayaan nyong mangyari ito?!"
Sumisigaw na si Miles at pinagtitinginan na sya ng mga nasa paligid na kanina pa curious sa nangyayari.
"Miles, ano pa ba ang gusto mong gawin namin! Kasalanan ba namin kung ever since walang gusto sa'yo si Jeremy?!"
Galit na galit na rin si Lena
"Walanghiya ka! Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo! Kung hindi, isusumbong kita sa Daddy ko!"
"Eh di magsumbong ka! Wala ka naman magagawa kung ayaw sa'yo ni Jeremy!"
"Miles, Lena ano ba! Tama na yan! Magkakaibigan tayo dito!"
"Kaibigan? Kelan tayo tinuring na kaibigan nyan?!"
"Ni minsan hindi tayo tinuring na kaibigan ni Miles! Simula pa nun ang turing nya sa atin ALIPIN!"
"Tama si Lena! Nagpunta tayo sa kanya para damayan sya dahil inaalala natin sya! Dahil kaibigan ang turing natin sa kanya!"
"Pero tingnan mo, wala naman syang pakialam sa atin ah!"
"Bakit pinilit ko ba kayo na makipagkaibigan sa akin?"
"Hindi ba't kaya kayo lumalapit sa akin dahil sumisipsip lang kayo?!"
"Kaya anong kaibigan ang pinagsasabi nyo?!"
Nagpantig ang tenga ni Lena.
"Sorry pero ayaw ko na!"
"Hindi ko na kayang makisama sa kanya!"
Sabay talikod ni Lena sa kanila.
Si Brenda ng makitang umalis si Lena ay nakapagisip na rin. Close kasi silang dalawa.
"Me too I quit!"
"Wait Lena!"
At hinabol na nito si Lena.
"Magsilayas kayo! As if I care!"
At dahil si Pam na lang ang natira, nagawa na nitong itulak sya at patakbong bumalik sa loob ng Hall.
Pagpasok ni Miles, kasalukuyang nagsasayaw si Kate at Jeremy.
Kumulo ang dugo ni Miles.
'Hindi maari ito! Hindi pwedeng mapunta sa kanya si Jeremy!'
Galit itong nilusob si Kate sa dance floor. Agad nitong dinakma ang buhok ni Kate.
Napatigil ang lahat ng nagsasayaw sa paligid at pinalibutan sila.
Sila Nadine at Eunice na kanina pa dumating at nasa taas at pinanood ang pagsasayaw ni Jeremy at Kate ay nagulat sa biglang pagsulpot ni Miles.
"Teka sino yun?! Bakit nya sinabunutan ang anak ko?!"
Bababa na sana ito para tulungan ang anak pero pinigilan sya ni Eunice.
"Teka Tita huwag mo na po kayong bumaba! Tingnan nyo po!"
At ng madama ni Kate na may humila sa buhok nya, agad nya itong siniko pero hindi pa rin binibitawan ni Miles ang buhok nya. Sobrang higpit ng hawak nito.
Kaya sa inis nya pinagsusuntok nya si Miles para bitiwan sya nito.
At pagka bitiw, agad nya itong tinadyakan kaya tumilapon palayo si Miles.
Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi kaagad nakakilos si Jeremy. Kaya ng makawala ito kay Miles agad nya itong nilapitan.
"Kat kat, okey ka lang?"
"May masakit ba sa'yo?"
Nagaalalang tanong ni Jeremy kay Kate.
Nafufrustrate na si Miles.
'Ako ang mas nasaktan bakit sya ang inaalala ni Jeremy? Huhuhu!'
Namimilipit sa sakit sa sahig si Miles.
"Ahhh.... ahhh..."
Hinaing ni Miles. Iniinda ang kirot at sakit ng katawan.
"Help Jeremy tulungan mo ako... please! Huhuhu!"
Pero hindi sya pinansin ni Jeremy.
"JEREMY PLEASE HELP ME!"
Tiningnan sya ng matalim ni Jeremy.
"At bakit kita tutulungan?"
"Who do you think you are?!"
"Pwede bang gumising ka na sa bangungot mong ikaw lang din ang may gawa!"
Iritadong sagot ni Jeremy kay Miles.
Lalong naiyak si Miles sa sinabi ni Jeremy.
"Huhuhu! Help me!"
Pero walang gustong tumulong kay Miles.
"Anong kaguluhan ito?"
Biglang dumating si Ames at Nicole.
Nakakita naman ng pagasa si Miles.
"Ms. Ames, tulungan nyo po ako! Pinagsusuntok po ako at tinadyakan pa ni Kate! Huhuhu!"
"KATHERINE MARIE!!!"
Galit na sigaw ni Nicole.