Nataranta si Kate. Kita ang takot nito sa mukha nya ng banggitin ng Tita Ninang nya ang buong pangalan nya.
Ganito sya tawagin ng Mommy nya pag galit ito at may ginawa syang kasalanan. Lalo na kapag binanggit nya yun na kasama pa ang apelyido, kumakaripas na sya ng takbo!
Kaya natakot sya ng tawagin sya ng Ninang nya, hindi sya nakapagsalita.
"Tita, wala pong kasalanan si Kat Kat! Self defense lang po ang ginawa nya!"
"Nagsasayaw lang po kami dito tapos dumating si Miles at hinila ang buhok nya. Ayaw sya nitong bitiwan kaya pinagsusuntok nya at nasipa pa!"
"Totoo ba ito Miles?"
Tanong ni Ames sa kanya.
Naiiyak sa sakit na nadarama si Miles, hindi lang dahil sa sakit ng katawan kundi sa sakit ng puso.
'Kat kat? Ganun na ba talaga sila ka close?'
"Hindi po! Hindi po Ms. Ames!"
"Aaahh.. masakit! tulungan nyo po ako! Huhuhu!"
"Kailangan ko po ng duktor!"
Nagmamakaawa na si Miles at sinamahan pa ng drama para lalong kaawaan sya.
Gusto na nyang umalis sa lugar na ito hindi na nya makakaya ang heartbreak na nadarama, lalo na ang unfair treatment sa kanya ni Jeremy.
Gusto pang magtanong ni Ames pero kita na nito na namimilipit na si Miles di nya alam kung sadyang sobrang sakit o nagdadrama na lang ito.
"Guard, dalhin nyo sya sa clinic at sabihin nyo sa nurse tumawag ng duktor! At huwag nyo syang iwan dun! Susunod ako dun!"
"Kayong dalawa sumunod kayo sa akin!"
Baling nya kila Jeremy at Kate.
"Principal Cole pakitawagan ang mga magulang ng mga bata!"
Inaalalayan na si Miles ng nga security palabas ng Hall ng madinig nya ang sinabi ni Ames.
Kinabahan sya.
'Jusko baka tawagan nila si Mommy!'
Pipigilan na sana nya si Ames para tawagan ang Mommy nya pero binuhat na sya palayo ng dalawang security.
"Te...teka! Antay lang, kakausapin ko lang si Ms. Ames!"
"Miss akala ko ba namimilipit ka sa sakit?"
"Huwag kang magaalala susunod sa clinic si Ms. Ames!"
Kinabahan lalo si Miles.
'Jusko sana hindi nila makontak si Mommy!'
Dasal ni Miles habang dinadala sya sa clinic.
Samantala.
Dinala nya sa isang silid ang dalawa. Nagtataka naman si Ames kung bakit may nagbabantay sa silid na ito.
'Malamang ito ang silid na tinutukoy ni Kate na ni request ni Miles para sa kanila ni Jeremy!'
"Anong ginagawa ninyo dito? Bakit nyo binabantayan ang room na yan?"
"Po? Ms. Ames, napagutusan lang po kami!"
"Anong year kayo?"
"Grade 10 po!"
"Alam ba ng mga magulang nyong tatlo na andito kayo? Sinong advicer ninyo?"
"Si... Sir Dom po!"
Nataranta ang dalawa.
Ang usapan nila ni Lena ay pwede silang umatend ng prom basta magbantay lang sila ng room ni Miles. Pag dumating na si Miles ay pwede na silang umalis.
Nagulat ang adviser nila ng bigla syang ipatawag ni Ames.
"Teacher Dom, estudyante mo ba ang tatlong ito?"
"Anong ginagawa nyo dito?"
"Your not allowed to be here unless may date kayo, at nagpaalam kayo sa mga magulang nyo!"
"Ipatawag mo ang mga magulang ng mga batang yan! At alamin mo kung bakit sila andito at nagbabantay!"
Utos ni Ames
Sinubukan nyang buksan ang silid pero naka lock ito.
Bakit ito naka lock? May tao ba sa loob?"
Sabay tingin sa tatlo.
"Hindi po namin alam!"
"Kanina pa po kami ditong 6 pm pero wala po kaming nakitang pumasok dyan!"
"Kumain na ba kayo?"
Hindi pa po!"
"Sige Teacher Dom, pakainin mo muna sila!"
"Madam ito na po ang susi!"
"Buksan mo!"
"Teka Tita Ames, huwag po muna kayong pumasok!"
"Bakit?"
"Kinakabahan po ako, parang may something!"
At nilagay ang dalawang daliri sa bibig saka pumito.
"Miss, ano po yun?"
Nagulat ang lahat ng biglang lumapit ang isang lalaki sa kung saan nanggaling hindi nila alam.
"Paki check nyo nga po yung room!"
"Yes, Miss!"
May idea na si Ames kung sino ito pero nagtatanong ang tingin ni Jeremy.
"Personal bodyguard ko! Pinagbawalan ko lang silang pumasok sa loob ng Hall kaya hindi sila agad naka response kanina ng sabunutan ako ni Miles!"
"Personal bodyguard...???"
"Oo! Kilala mo ang tatay ko!"
Lumabas na ang bodyguard nyang inutusan.
"Miss, may mga camera po sa paligid saka mga rosas na nasa kama! Meron rin pong wine, at mukhang may drugs yun wine!"
Pinakita nya ang picture ng silid.
"Buti pa po huwag kayong pumasok, ipapaimbestigahan ko munang mabuti!"
"May kama sa loob? Paano nagkaroon ng kama sa loob? Events hall ito hindi hotel?!"
Naiinis na tanong ni Ames.
Kinilabutan si Jeremy.
'Ibig sabihin totoo ang sinabi ni Kate, gusto akong pikutin ni Miles?!'
'Jusko! Pano na lang kung nagtagumpay si Miles? Malamang masisira ang kinabukasan ko sa gagawin ng babaeng iyon!'
Nanghina ang mga tuhod ni Jeremy at napaupo sya sa malapit na bench.