"Anyare sa'yo Jeremy?"
Tanong ni Ames sa pamangkin.
"Wa.... wala po Tita Ames!"
Pero kita ang bigla nyang panlalata
"Umayos ka nga, baka madatnan ka ng Mommy mong ganyan!"
Sa other side.
Busy si Nicole kakatawag sa parents ni Miles pero hindi nya makontak ito kaya naisipan nyang tawagan na lang muna si Nadine.
Pero laking gulat nya pag baba nya ng phone sumulpot agad si Nadine.
"Kakatawag ko lang sa'yo ah?"
"Nagmadali ako! Super worried kaya ako!"
Sagot ni Nadine sa kanya
"At nakuha mo pang isama si Eunice! Why do I feel na kanina pa kayo dito?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Nasaan na ang anak ko?"
"Nandun, kasama si Ames at Jeremy!"
"At nagawa mo pa talagang magayos ha! Hindi ka talaga ready ha!"
Sita nito kay Eunice.
Tumahimik lang si Eunice, ayaw nyang mapagalitan.
"Huwag mo syang pagalitan! Ako ang nagpumilit sa kanya na sumama!"
Hindi na nakasagot si Nicole, takot lang nya sa ate nya.
Hindi na sila katulad ng dati na kaya nyang paikutin at sagutin ng pabalang si Nadine. Malaki na ang takot niya dito dahil siguro sa nagi guilty pa rin sya sa mga pinag gagagawa nya sa Ate Nadine nya nung bata pa sila.
Nang makailang ulit ng hindi makontak ni Nicole ang parents ni Miles, tumigil na ito at sumunod na sila kung saan naroon sila Ames.
Samantala, habang ginagamot sa clinic si Miles, tinext nito ang Mommy nya.
[Mom, if someone try to contact you about me, please ignore! It's just a prank call]
[I'm still here po sa JS Prom]
Iniwan na nila Ames, Jeremy at Kate ang silid at lumipat na lang sa ibang silid. Dito sila dinatnan nila Nicole, Nadine at Eunice.
"Good, andito na si Nadine, si Elsa natawagan mo ba?"
Oo, padating na! Yung Mommy na lang ni Miles ang hindi ko makontak, ayaw akong sagutin!"
"Kate!"
Nilapitan agad ni Nadine at inakap ang anak
"Anong nangyari sa buhok mo ha? Patingin nga, parang nakalbo ka ah!"
"Mommy! Huhuhu! Masakit nga po dito!"
Napataas ang kilay ni Nicole.
'Grabe, nagsumbong ba talaga! nasaktan sya ha! Hmmm!"
"Kate bakit mo ba kailangan pang sipain si Miles?"
Tanong ni Nicole.
"Kasi po ang kulit, gusto pang bumalik at lusubin ako kaya sinipa ko na lang!"
"Sino bang magulang ng Miles na yan?"
Galit na tanong ni Nadine.
"Eto tinatawagan ko na, huwag na kayong highblood na magkapatid at kanina pa ako natataranta sa inyo!"
Sambit ni Ames.
*****
Ang mother ni Miles na si Mildred Bernardino ay isang taong simbahan.
Isa syang leader ng isa sa pinaka malaking grupo ng kababaihan para sa simbahan kaya may pagka strikto ito at perfectionist.
Ayaw nya ng basta basta nagkakamali ang isang tao ng walang dahilan, at bawat pagkakamali ay may parusa.
Puno ito ng authority pag nakita mo at nakausap, at maraming ipinagbabawal. Gaya ng huwag malakas ang boses, huwag masyadong tumawa ng malakas, laging mahinahon at bawal na bawal ang makipag boyfriend.
Daig pa ang batas militar sa bahay nila.
Kaya si Miles ay lumaking malaki ang takot dito. Si Miles ang pangatlo sa limang anak ni Mildred at nagiisang babae pa.
Ang gusto ng kanyang ina ay pumasok ito sa kumbento at magmadre pagka graduate ng High School. Kaya sobrang higpit nya dito.
Kanina, ng makatanggap sya ng message sa anak na baka may tumawag daw na prank call, hindi na nito sinasagot ang mga dumarating na tawag nya na hindi nya kilala kaya hindi sya makontak ni Nicole.
Pero may paraan si Ames para makausap nya si Mildred na hindi nya ito tinatawagan.
Si Chief Morales.
"Chief kailangan ko po ng tulong nyo!"
Kaya si Mildred, hiyang hiya ng biglang may mobile patrol car sa harap ng bahay nya.
*****
Sa event hall.
Sa clinic kung saan naroon si Miles.
Nag aalala ito na baka makontak nila ang Mommy nya kaya plano nyang tumakas para makauwi na, pero pano? May guard sa labas.
'Kailangan makagawa ako ng paraan para makaalis dito!'
Tinawagan nya ang mga ka grupo nya pero lahat ay hindi sumasagot.
"Lintek na mga yun! Sino ba sila sa akala nila!"
"Hindi ko sila kailangan! Mga walang silbi!"
'Kaya ko 'to! Kaya kong umalis dito na hindi humihingi ng tulong sa kanila!'
Sinubukan nyang sumilip sa labas. Naroon ang dalawang guard na nagdala sa kanya.
"Uhm... Mamang Guard, kailangan ko pong pumunta ng CR!"
Sa itsura ni Miles, naintindihan ng guard kung bakit gusto nitong mag CR.
"Okey sige samahan na kita!"
"Huwag na po! Kaya ko na po!"
"Hindi, samahan na kita! Para sigurado!"
At sinamahan sya ng isang guard
Pagdating ng CR, hindi nito alam ang susunod na gagawin.
Naiinis na sya dahil hindi sya makapagisip.
Bumalik sa memory nya lahat ng nangyari at hindi nya mapigilang kaawaan ang sarili nya lalo na ng makita ang itsura nya sa salamin. Wala sa direksyon ang buhok hulas na rin ang make up.
Unti unting pumapatak ang luha nya habang tinatanggal ang make up nya ng biglang... madinig nya ang pag bukas ng lock ng cubicle.
'Huh? May tao pala dito.
Pinahid nya ang luha nya at ng muli syang tumingin sa salamin, nagdilim ang paningin nya ng makita nya kung sino ang nasa loob ng cubicle.