Chereads / The Stolen Identity / Chapter 57 - Heartbroken

Chapter 57 - Heartbroken

'Zigfred!'

Sa namumutlang pisngi, ano't bigla iyong nagkakulay at namula habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mukha ng lalaking naniningkit ang mga matang sumulyap sa nakaluhod na si Aeon, pagkuwa'y pinunasan ang luhang bumasa sa kanyang kabilang pisngi.

Naramdaman niya ang pag-slide ng kamay nito sa kanyang likod dahilan upang mapasinghap siya.

"Zigfred. Mabuti't andito ka," ani Aeon na agad tumayo at kumapit sa braso ng lalaki. "Sabihin mo kay Lovan na layuan ang fiancé ko--" pakiusap nito sa garalgal pa ring boses.

Nagpantig bigla ang kanyang tenga, uminit sa narinig lalo nang makita ang dalagang mahigpit na nakakapit sa braso ng kaharap.

Kinabig siya ni Zigfred padikit sa katawan nito at hinawakan ang kanyang ulo upang halikan ang mabango niyang buhok, saka lang bumaling kay Aeon, pasarkastikong ngumiti sabay hawak sa kamay ng dalagang nakakapit sa braso nito at tinanggal iyon.

"No worries, Aeon. My wife is just a mischievous woman but she has no time seducing a baseborn man," patuyang saad, sa dalaga nakatingin pero tila sinadyang lakasan ang boses upang marinig iyon ng lahat.

Natigilan ang dalaga sa narinig, namumula ang magkabilang pisnging napatingin sa mga nakapalibot na patuloy sa pagbubulungan.

Siya nama'y lalong napako ang tingin sa lalaking hindi niya alam kung ano'ng nakain at nasabi iyon, ngunit hindi niya kayang itangging lumukso ang kanyang puso sa tuwa sa tinuran nito.

Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa pinsan bago siya hinawakan sa kamay at hinila palabas sa lugar na iyon.

Naiwang tigagal ang lahat, hindi makapaniwalang ipinagtanggol siya ng mismong CEO, o hindi makapaniwalang tinawag siya nitong asawa.

Wala na siyang pakialam anuman ang isipin ng lahat. Ni hindi nga niya naalalang pinagbantaan siya ng ina nitong huwag lalapit sa lalaki.

Ahh--paano ba sasagi sa kanyang isip ang bagay na 'yon kung ang tangi lang laman ng kanyang utak ay ang mukha ni Zigfred at kung paano siya nito ipinagtanggol sa ginawang pagpapahiya ni Aeon na akala niya'y mabait na babae ngunit mapagkunwari pala?

-----

Pabalibag na isinara ni Zigfred ang pinto ng opisina nang dalhin siya nito roon na ikinagulat ni Yahnie na noo'y nakaupo sa dati niyang cubicle. Agad itong tumayo pagkakita sa kanila at salubong ang kilay na napatitig sa kanya.

"Get out!" paasik na hiyaw ni Zigfred dito. Alanganin itong sumunod ngunit nang pukulan ng matalim na titig ng amo ay halos tumakbo na palabas ng opisina.

"Dammit, Lovan!"

Biglang nawala ang ngiti niya sa mga labi pagkarinig lang sa galit na boses ng lalaki.

"Are you really that cruel para ipahiya si Aeon sa harap ng mga empleyado at gawing masama sa paningin ng lahat ng nando'n?" akusa sa kanya.

"Ano?!" Ang kanina'y tuwang nararamdaman ay biglang naglaho't napalitan ng pagkalito.

"Don't pretend as if you're innocent! You knew Aeon very well. You knew why she approached you and brought you there pero nagkunwari ka pa ring walang alam dahil alam mong naroon ako upang ipagtanggol ka! It was all your scheme!" patuloy nito sa pang-aakusa.

Biglang namula ang kanyang magkabilang pisngi hindi sa kilig kundi sa galit. Ang labas ba ay kaya lang pala siya nito ipinagtanggol ay dahil ayaw nitong mapahiya si Aeon sa mga naroon? Ang babaw namang dahilan 'yon. Gaano ba siya kasama sa tingin nito upang gano'n ang gawin niya sa ibang tao?

"Can you hear what you're saying?" baling niya rito, mapaklang ngumiti, may halong panunumbat sa tono ng pananalita.

"Of course! Avril confessed me that you were just pretending all this time para lang mapalapit ako sa'yo! What's the point huh?" hiyaw nito sa naniningkit na mga mata sabay sunggab sa kanya at pabalya siyang hinawakan sa braso, nagtatagis ang mga ngiping matalim na nakatitig sa kanya.

"You were just using me para makuha mo ang yaman ng pamilya ko! Plano mo nang magkunwaring mabait sa'kin bago pa man ang kasal upang mahulog ang loob ko sa'yo. You made me believe na may amnesia ka, kinuntsaba mo pa ang pinsan ko at ang pamilya ni Lovan Arbante para lang mahulog sa bitag mo!" Nanggagalaiti ito sa galit habang patuloy ang akusa sa kanya.

Gusto niyang manginig ang kalamnan sa takot na nakabakas sa mukha ng lalaki subalit wala siyang maramdaman kundi galit para rito.

Siya pa ngayon ang masama samantalang ito ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay niya simula nang mapagkamalan siya nitong si Lovan Claudio.

"You really want to get me hooked by your wicked charm, then okay! You want me to have sex with you, fine! How much are you worth, Huh? A hundred million? A billion? A trillion? Just name your price!" lantaran nitong pang-iinsulto sa kanya sa matigas na boses, bumabaon sa kaibuturan ng kanyang puso ang bawat salitang binibitiwan nito, nag-iiwan ng sugat doon.

Agad namalisbis ang luha sa kanyang mga mata hindi sa takot kundi sa sama ng loob dito. Tumaas bigla ang isa niyang kamay, nagpakawala ng isang malakas na sampal dahilan upang sandaling tumabingi ang pisngi nitong natamaan ng kanyang palad.

"How dare you, Zigfred," halos hindi iyon lumabas sa kanyang bibig sa kabila ng kanyang galit para rito.

Kumuyom ang kamao ng lalaki, nagtagis ang bagang na matalim na tumitig sa kanya, lalong hinigpitan ang hawak sa kanyang braso ngunit mas masakit ang mga salita nito kaysa sa pagkakahawak sa kanya.

"It was you who dragged me in this situation and yet you're accusing me of something I can never do dahil lang ayaw mong maniwalang hindi ako si Lovan Claudio," umiiyak niyang sambit. Sa halip na sigawan ito'y hindi man lang niya mailakas ang boses habang nagsasalita.

"You bitch! Is this how you prove your innocence?" pang-uuyam sa kanya saka inilabas ang isang mini-recorder at ini-on iyon. Biglang umalingawngaw sa buong opisina ang tinig ng isang babaeng kasing-boses niya.

"Don't worry, Mommy. May naisip na akong paraan para mapaikot sa aking palad ang pinakamamahal kong fiancé. Magkukunwari akong mabait sa lahat ng tao kahit sa mga pinsan niya at makikipaglapit ako kay Lenmark. Alam kong ayaw niya sa lalaking iyon. Gagawin ko ang lahat ng paraan para mahulog ang loob ni Lenmark sa'kin at mapasunod ko siya sa lahat ng gusto kong mangyari. Tignan natin kung hindi magselos si Zigfred at mahulog ang loob sa'kin," anang boses.

Natigilan siya sa narinig. Kilala niya ang sariling boses. Alam niyang hindi siya 'yon pero bakit kahit sa boses ay magkaparehas sila?

Lito siyang napatitig kay Zigfred na lalo lang atang nanlitid ang mga ugat sa leeg dahil sa galit.

"What about Aeon?" tanong ng isa pang boses.

Tumawa ang babaeng kaboses niya.

"Aeon is just a woman with full of hypocrisy. Lumalapit lang sa kanya si Zigfred dahil ang alam niya, may sakit ang babaeng 'yon at mahina ang puso. Madali lang magkunwari kay Zigfred na ako ang biktima kapag si Aeon ang kumalaban sa'kin," paliwanag ng boses.

Ilang beses siyang umiling.

"Zigfred, hindi ako 'yan. Maniwala ka, hindi ako 'yan," pagtatanggol niya sa sarili, tila ulang rumagasang pumatak ang kanyang mga luha.

Pabalya siyang binitiwan ng lalaki, ngunit naniningkit pa rin ang mga matang nakatitig sa kanya.

"Iha, don't forget na si Avril ang totoo mong kalaban. Siya ang tunay na Arunzado. Paano kung mapapaniwala niya ang kanyang mga kamag-anak na nagkukunwari ka lang?"

Humalakhak nang malakas ang babaeng kaboses niya.

"Papatayin ko siya!" mariing sambit.

Nahintakutan siya sa narinig, ilang bese na umiling habang nakaharap kay Zigfred.

"Pakinggan mo ako, Zigfred. Hindi ako 'yan, maniwala ka," kumbinsi niya sa lalaki, kusa nang hinawakan ang braso nito upang mapapaniwala niyang hindi nga siya iyon.

Subalit sa nakikitang galit sa mukha nito, himalang paniwalaan siya nito kaya't wala siyang nagawa kundi ang mapakagat-labi na lang.

Alam niya sa sarili niyang inosente siya sa nangyayari, ngunit wala siyang kakayahang kumbinsihin ang lalaki lalo na't hindi maitatanging kaboses niya ang nagsasalita sa recorder.

Kaya't napayuko na lamang siya at hinayaang maglandas ang mga luha sa mga mata.

Ibinalik nito sa bulsa ang recorder pagkatapos iyong i-off.

"Tell me, ano'ng gagawin ko upang layuan mo ako?" mayamaya'y tanong, wala na ang galit ngunit halata sa boses ang matinding pagkamuhi sa kanya.

Napadiin ang kagat niya sa sariling labi hanggang malasahan niya ang likidong biglang lumabas mula roon.

"Ibalik mo sa'kin ang kwintas ko at tuluyan na akong lalayo sa'yo," wala sa sariling saad niya.

Katahimikan...

"Huwag ka nang magpapakita pa sa'kin kahit kelan," mayamaya'y wika nito.

Nang iangat niya ang mukha ay inilalahad na ng kamay nito ang kanyang kwintas.

Lalong nag-unahan ang kanyang mga luha sa pagpatak, lakas-loob na tumitig sa mukha nitong nakabaling pakaliwa, ang kabilang pisngi lang ang natitigan niya subalit sapat na iyon upang maiukit niya sa isip ang itsura nito.

Noon lang niya napansing makinis na uli ang mukha nito, wala nang begote at balbas.

Dahan-dahan niyang kinuha ang kwintas at isinuot sa sariling leeg. Pagkuwa'y muling bumaling sa lalaking nakatalikod na sa kanya.

Pinahid niya ang luha sa mga mata at inayos ang sarili bago tumalikod at mabilis ang mga hakbang na lumabas ng opisina.

Nakasalubong niya ang nag-aalalang si Jildon.

"Lovan--" tawag nito ngunit hindi niya pinansin, patakbong tinungo ang elevator upang umalis agad sa lugar na 'yon.