Taliwas sa inaasahan niyang kukutyain siya ng mga empleyado sa IT department, naging mainit ang pagtanggap sa kanya roon bilang computer programmer. Pinaghandaan pa siya ni Crissy ng cake as a welcome present. Doon na pala ito nagtatrabaho bilang computer scientist.
Pinilit niyang maging masaya nang araw na iyon, iwinaksi sa isip ang ginawa ni Zigfred at ini-focus ang sarili sa pagtatrabaho. Subalit hindi pala gano'n kadaling tanggaping basta na lang siya nitong itinapon bilang secretary. Hindi man lang siya binigyan ng clue na gano'n pala ang gagawin sa kanya.
Gusto niya itong sugurin sa mismong opisina ng lalaki, itanong kung bakit kahit pansinin siya nang umagang iyon ay hindi nito ginawa? Kaya ba siya binilhan ng motor at madaming kasuotan, suhol sa pagpaaalis sa kanya sa opisina nito?
Napakagat-labi siya habang iniisip ang bagay na 'yon ngunit hindi napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mata.
"Lovan, may problema ba?" Hindi niya namalayan ang pagdungaw ni Crissy sa kanyang cubicle.
Agad niyang pinunasan ang nabasang pisngi at pilit na ikinubli ang nararamdamang sakit ng dibdib sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti.
"Masaya lang ako kasi andami ditong empleyado pero walang isang kumutya sa itsura ko samantalang sa labas, halos 'di ako pansinin at titigan dahil sa kapangitan ko," turan niya na may katotohanan naman.
Napahagikhik si Crissy. "Hindi mahalaga dito ang itsura o estado mo sa buhay. Ang mahalaga dito utak," paliwanag nito, initapat ang hintuturo sa sentido, pagkuwa'y nagpalinga-linga. "Bawal dito ang bobo," bulong nito't napahagikhik uli.
Napagaya na rin siya, marahang tumawa saka ito sinaway. "Tama na ang kwentuhan, baka masita tayo ng manager," awat niya't inayos ang sarili't nagsimulang mag-type sa keyboard ng computer.
"Miss Arbante!"
Napatingin siya agad sa pinagmulan ng boses.
"Ma'am?" aniya nang makita ang manager na nakatayo sa harap ng kanyang cubicle kasama si Lenmark.
"Gusto kang kausapin ni GM," anang kausap, sumulyap kay Lenmark na ang lapad ng ngiti sa kanya.
Sinikap niyang pakawalan ang matamis ding ngiti upang itago ang lungkot sa kanyang mga mata, saka siya tumayo't lumapit sa dalawa.
Walang sabi-sabing hinawakan siya ni Lenmark sa kamay saka binulungan sa tenga.
"Come with me. Tita Carla wants to see you," usal sa kanya, hinila siya agad palabas ng department.
Nilingon niya si Crissy upang magpaalam sana pero isang nanunudyong ngiti ng ipinukol nito dahilan upang mag-blush siya.
Wala atang balak ang kaibigan na bitiwan siya kahit madaming mga empleyado ang nakakasalubong nila sa pasilyo hanggang sa loob ng elevator kahit nang ando'n na sila sa 16th floor kung saan naroon ang opisina ng mama ni Zigfred.
Saka lang siya naglakas-loob na hilahin sa kaibigan ang kanyang kamay nang makita niyang bumukas ang pinto ng opisina.
Pumasok sila sa loob. Nakaramdam agad siya ng kaba pagkakita lang sa pormal na mukha ng ina ni Zigfred, halos hindi inaalis ang tingin sa kanya lalo na nang lumapit sila dito.
"She's here, Tita. You can check her if she's really Lovan Claudio, Zigfred's wife," saad ng binata sa tyahin na marahang tumayo mula sa pagkakaupo sa swiverl chair nito at lumapit sa kanila, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Kunut-noo siyang napatingin sa kaibigan. Ano'ng ibig nitong sabihin? Na pinapunta lang siya do'n para amining hindi siya si Lovan Claudio? Paano kung magalit ito sa kanya. Paano kung--?
"You can leave us first," anito kay Lenmark.
Kinabahan siya lalo, hinawakan ang sariling mga palad, hinimas-himas ang mga iyon sa nerbyos lalo na nang tumingin siya kay Lenmark at walang mababakas na pag-aalinglangan dito. Desidido talaga itong patunayan sa lahat na hindi siya si Lovan Claudio.
"Don't be afraid. Hindi ka n'ya sasaktan," anang binata, hinagod ang kanyang balikat saka lumabas ng opisina.
Naiwang siyang nanlalamig ang mga kamay sa kaba. Marahang umikot ang ginang sa kanya, pinagmasdan siya nang mariin mula sa harapan at likuran, mula sa ulo hanggang paa, pagkuwa'y humarap sa kanya.
"You lied to me," kaswal na sambit sabay halukipkip.
Napakagat-labi siya, saka yumuko. Hindi niya alam ang isasagot.
"Tell me the truth. Are you Lemmark's bestfriend, Lovan Arbante?" mayamaya'y pormal na tanong sa kanya.
Marahan siyang tumango habang nakayuko ngunit ramdam ang panginginig ng mga tuhod. Hindi niya alam kung mabait ba talaga ito o nagkukunwari lang.
"Then, are you Zigfred's wife?" tanong uli.
Napahawak siya sa suot na slacks. Ano'ng isasagot niya? Siya nga'y hindi segurado kung asawa ba talaga siya ni Zigfred o hindi dahil siya naman ang humarap sa altar kasama nito sa pangalang Lovan Claudio. Pero segurado siyang hindi siya si Lovan Claudio.
Mas minabuti niyang hindi sumagot.
Katahimikan...
"Don't you know that identity fraud is a crime and punishable by law?"
Namutla siya sa narinig, napatingin sa ginang na pormal pa rin ang mukha o mas lalong sumeryoso ang mukha ngayon.
"Totoo pong hindi ako si Lovan Claudio. Napagkamalan lang po ako ni Zigfred sa araw ng kasal nila at kinuha sa'kin ang kwintas ko. Hindi po ako pwedeng lumayo sa kanya hangga't hindi ko nakukuha ang kwintas ko," pagtatapat na niya. Seguro nga'y tama si Lenmark. Kailangan na niyang ipagtapat ang totoo at ipaalam sa lahat na biktima lang din siya sa mga nangyari. Hindi niya sinasadyang mapagkmalan ni Zigfred bilang si Lovan Claudio.
"You mean, this?" anang ginang hawak na sa kamay ang kanyang kwintas.
Nanlaki agad ang kanyang mga mata. Paano'ng napunta rito ang bagay na 'yon?
Tumango siya agad. "Bigay po 'yan ng mama ko bago siya namatay. May initials pa nga po kaming dalawa sa picture ko sa loob ng locket," pag-amin niya.
Bumakas sa mukha nito ang pagkalito saka siya mariing tinitigan, pagkuwa'y sinulyapan ang pendant locket ng kwintas kung saan nakadikit ang pink diamond.
"Saan niya nabili ang pendant na 'to?" usisa nito.
"Sa ibang bansa po."
Katahimikan.
"Segurado ka bang bili 'to ng mama mo?" paniniyak nito.
Tumango siya uli, unti-unting nawala ang panlalamig ng mga kamay, naging kampante sa kausap.
Subalit biglang nanlisik ang mga mata nito sa galit at agad siyang sinunggaban at hinawakan sa braso.
"Tell me, you theft! Ano'ng ginawa mo kay Lovan? Nasaan siya? Bakit mo inagaw ang mukha niya?" pang-aakusa nito.
Agad namalisbis ang nga luha niya sa takot na biglang lumukob sa kanya. Paulit-ulit siyang umiling.
"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo. Hindi ko po ninakaw ang kwintas na 'yan. Talagang regalo 'yan ng mama ko noong 18th birthday ko," lumuluha niyang paliwanag. "'Tsaka wala po akong kinalaman sa pagkawala ni Lovan Claudio. Maniwala po kayo sa'kin. Ni hindi ko nga po alam na magkamukha po kami at parehas din ng pangalan," pagtatanggol niya sa sarili habang walang tigil sa pagpatak ang nga luha.
Pabalya siyang binitiwan ng ginang ngunit halata sa mukha ang pagkalito.
"I will surely sue you for identity fraud," banta nito sabay duro sa kanya. "Hangga't hindi bumabalik si Lovan sa'min ay hindi ka pwedeng lumapit kay Zigfred at magkunwaring asawa niya ngunit hindi ka pwedeng umalis sa kompanyang ito! Kapag hindi mo siya nahanap at nadala sa mismong harapan ko sa loob ng isang buwan, idedemanda kita ng identity fraud dahil sa pagnanakaw mo sa identity niya!"
Nangatog bigla ang kanyang mga tuhod sa takot, nanghihinang napaatras at paulit-ulit na umiling. Hindi! Paano siyang naging kriminal samantalang wala siyang alam sa nangyari? Hindi niya ginustong mapagkamalan siya ni Zigfred na si Lovan Claudio. Hindi niya ginustong maging magkamukha sila. Biktima lang siya kung tutuusin.
Noon lang bumukas ang pinto ng opisina, iniliuwa si Lenmark na nagulat nang makita siyang umiiyak. Inilang hakbang lang nito ang pagitan nila.
"What happened, Tita?" Tumaas ang boses nito sa tyahin.
"Make sure to find the real Lovan Claudio and bring her in front of me, Lenmark. Kung hindi, idedemanda ko ang babaeng 'yan dahil sa pagnanakaw ng katauhang hindi kanya para lang mapalapit sa anak ko!" banta ng ginang sa pamangkin.
Agad nagsalubong ang kilay ng binata, nang-uusig na nilapitan ang ginang.
"This isn't what you've promised me, Tita. Ang sabi mo tutulungan mo kaming mapapaniwala si Zigfred na hindi siya si Lovan Claudio. Lovan is the true victim here! Why are you accusing her instead?" panunumbat ng binata sa kausap.
Siya nama'y yakap ang sarili habang impit na umiiyak.
"And what about Avril's testimony? You mean, basta ko na lang ibabasura 'yon? What if she's true na ninakaw ng babaeng 'yan ang katauhan ni Lovan Claudio upang samsamin ang yaman namin at pinapatay niya pala ang manugang ko?" banat ng tyahin habang nakaduro ang hintuturo sa kanya.
"I don't care about her testimony!" paasik na sagot ng binata na ikinatahimik ng ginang, nagulat marahil sa nakitang galit sa mukha ng una.
"I already told you, Tita. Lovan has nothing to do with anyone in your husband's family, even with your own son!" matigas na sambit ng binata't litid ang ugat sa leeg na tumalikod rito't hinawakan bigla ang kanyang kamay saka siya hinila palabas ng opisina.