Subalit tila walang narinig si Lenmark at patakbong lumapit sa kanila. Itinulak nito ang nakaharang na katawan ni Zigfred saka siya niyakap nang mahigpit, isiniksik ang kanyang mukha sa dibdib nito.
"It's okay, Lovan. Andito na ako. Huwag ka nang matakot," pag-aalo sa kanya habang paulit-ulit na hinahagod ang kanyang likod.
Umalingawngaw ang boses ng kaibigan sa lugar kung saan siya naroon, ramdam niya ang tila kamay na humablot sa kanya mula sa bangungot na iyon.
Nang tuluyan siyang mahimasmasan at iangat ang ulo ay mukha ni Lenmark ang bumungad sa kanya. Nang maramdamang muli ng pananakit ng ulo'y saka lang niya naalala kung ano'ng nangyari. Agad siyang gumanti ng yakap sa kaibigan.
"Lenmark, sinusumpong na naman ako," sumbong niya sa pagitan ng pag-iyak.
Si Zigfred na napatayo sa gilid ng kama nang itulak ni Lenmark ay hindi maiwasang malito sa sinabi niya sa kabila ng makulimlim na mukha dahil sa 'di-maipaliwanag na galit sa pinsan.
"Forget what you saw. It was just a dream," anang binata.
Natigil siya sa pag-iyak, pilit na binalikan sa isip ang nakita, mayamaya'y nakaramdam ng hiya't kumawala sa pagkakayakap dito.
Noon lang pumasok sa kanyang isip ang nangyari bago siya sumpungin ng sakit ng ulo, hinanap ng paningin ang mukha ni Zigfred at nang makita ito sa likod ni Lenmark ay nahila niya pataas ang kumot na nakatakip sa kanya.
Si Zigfred nama'y buong lakas na hinila palayo sa kama ang nakaluhod na si Lenmark sa ibabaw niyon at ito naman pumalit sa binata.
"What did you see?" Did you see us?" tanong ng lalaki.
Namutla siya, kunut-noong napatitig rito ngunit agad ding nakabawi't iniiwas ang tingin.
Pa'no ba niya sasabihin sa harap ng dalawa ang kanyang nakita? Nakakahiya lalo't hindi niya alam kung sino ang binatilyong iyon.
Nang masilayan ang mukha ng itinuring nang ama sa wheelchair, bigla siyang namula sa hiya, idagdag pa ang naninising mga titig na ng HR manager sa kanya, tila ba sinasabing, 'Ito ang napala mo sa drama mo.'
Kung hindi mabilis na kumilos si Zigfred at mahigpit na hinawakan sa braso si Lenmark saka itinulak palabas ng silid dahilan upang mag-unahang lumabas din ang manager at si Ivory kasama ang kanyang ama'y baka humagulhol na siya ng iyak sa sobrang hiya.
Ini-lock agad ng lalaki ang pinto ng silid habang nagtataas-baba ang dibdib at ilang beses siyang sinulyapan, pagkuwa'y nagparoo't parito sa harap ng kama, tila malalim ang iniisip. Nang huminto sa ginagawa'y lumapit sa kanyang hindi pa rin tumitinag sa kinauupuan.
"What had happened, Lovan? Tell me honestly." Hindi ito galit, hindi rin naman malumanay magsalita. Mas tamang sabihing humihingi ito ng paliwanag sa mahinahong paraan.
Hindi siya kumibo, hinigpitan lang ang hawak ng kumot saka nagpadausdos sa may gilid ng kama pababa doon hanggang sa sumayad ang mga paa sa sahig. Kumaripas na siya ng takbo palapit sa closet, naghanap agad ng maisusuot na panloob.
"Hey, hey," awat ng lalaki, hinabol na siya't itinulak pasara ang nabuksan na niyang pinto ng closet at nakahalukipkip na iniharang nito ang katawan doon.
"I'll not let you do what you want unless you tell me what happened awhile ago," pigil sa kanya sa pakaswal na tinig.
Napangiwi siya sabay lingon sa nakasarang pinto ng kwarto.
"Zigfred, ano ba? Kukuha lang ako ng undies," lakas-loob niyang sambit sa pigil na boses upang hindi marinig sa labas ang kanyang tinig.
Ngunit tila nananadyang itinakip na nito ang katawan sa pinto ng kabinet.
"I told you, not unless you tell me what happened awhile ago. Ano'ng nangyari sa'yo?" He insisted for an explanation.
Nakaramdam na siya ng pangggigil dito ngunit hiyang pinagkrus ang mga binti at itinakip ang dalawang kamay sa kanyang harapan nang sadya nitong titigan ang parteng iyon at nakakalokong ngumisi.
"Besides, this is not your closet but mine. There's no lingerie here but my belongings," tudyo sa kanya.
Namula ang magkabila niyang pisngi ngunit kung hindi niya ipipilit ang gusto ay lalo siyang mapapahiya hindi lang dito kundi sa apat na nasa labas ng kwarto.
Muntik na siyang mapalundag sa gulat nang kalabugin ni Lenmark ang pinto ng silid na iyon.
Mabilis niyang nahawakan ang braso ni Zigfred.
"Zigfred, pahiram ng boxer mo, bwisit ka. Alam mo namang wala kang ibinigay sa'king damit maliban do'n sa isinuot ko noon. Kahit panty, hindi mo ako binilhan," nanggigigil niyang sambit ngunit pigil pa rin ang paglakas ng boses.
Biglang umubo ang lalaki sa halip na humulagpos ng tawa, ngunit kitang kita sa mga mata nitong gusto nitong humalakhak nang malakas.
"Lovan! Zigfred, open the door, you fool! Let Lovan out!" sigaw ni Lenmark sa labas habang binabayo ang pinto.
Lalo siyang natuliro, sinubukan itong itulak ngunit sinadya nitong patigasin ang katawan, hindi lang iyon, kinabig pa ang kanyang beywang. Muntik pa nga siyang mapasigaw nang ilapat nito ang isang palad sa nakaumbok niyang dibdib.
"What did you see, Lovan? Did you see us against that big rock? Did you see me kissing you there?" Pangungulit nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat, napahawak ang kamay sa dibdib nito upang itulak sana ang lalaki ngunit hinawakan nito ang kanyang kamay, pinisil-pisil iyon.
Paano'ng nalaman ng lalaki ang ganoong senaryong bigla na lang lumitaw sa kanyang balintataw kanina? Hindi! Imposible 'yon. Iba ang mukha nito sa binatilyong kasama niya sa dalampasigan.
Mabilis siyang umiling.
"Hindi iyon ang nakita ko," pagsisinungaling niya, iniyuko ng ulo upang iiwas ang tingin rito.
Niyakap siya nito nang mahigpit.
"Liar," mahinang usal.
Kumabog na naman ang kanyang dibdib subalit may kung ano'ng damdaming biglang nabuhay sa kailaliman ng kanyang puso.
"You have seen us there, I knew it. You had an amnesia because of that car accident, right?" kumpirma ng lalaki sa lihim niya.
Natigagal siya lalo. Paano nito nasegurong may amnesia nga siya dahil sa isang car accident? Huwag sabihing iyon din ang nangyari kay Lovan Claudio?
Kapwa sila napatingin sa pinto nang malakas iyong sipain ni Lenmark.
"Zigfred please," pakiusap na niya habang nakatingin sa pinto. "Nakakahiya kung makita ako ni papa sa ganitong ayos. Alam mo namang wala akong undies."
Tinitigan siya nito nang mariin nang magtama ang kanilang paningin.
"Tell me, did Lenmark see you wearing like this?" usisa nito sa seryosong boses.
Umiling siya agad. "I-ikaw pa lang," pag-amin niya sabay kagat-labi.
"Good," anito, saka lang siya binitiwan at ito na ang kusang naghanap ng pwede niyang isuot, isang small size na brief at jogging pants nito.
Ngunit bago siya pinalabas ng kwarto'y muli itong nagsalita.
"Make sure to turn off the faucet after using it," paalala nito, pigil ang isang ngiti sa mga labi.
Taka siyang napalingon dito? Bakit nito nasabi iyon?
Kahit nang buksan ang pinto ay lito pa rin siyang nag-iisip. Nawala lang iyon nang bumungad sa kanyang harapan ang nag-aalalang si Lenmark.
"Are you alright? What did he do to you?" sunod-sunod nitong tanong, nang hindi mapigilan ang sarili'y niyakap siya nito ngunit awtomatiko niyang naiharang ang mga siko sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang naasiwa sa ayos nila ng kaibigan.
Nang makita ang ama sa may sala kasama sina Jildon at Ivory ay nakaramdam siya agad ng hiya't kumawala sa pagkakayap ng binata.
"Okay lang ako," tipid niyang sagot, pilit din ang ngiting kumawala sa kanyang bibig at agad na iniiwas ang tingin dito.
"Lovan, I know Zigfred. She's not a gentleman type," paalala muli sa kanya.
"I know," agad niyang sagot, matamis na ang ngiting pinakawalan. "But I'm okay. Wala siyang ginawa sa'kin," paliwanag niya saka hinawakan ito sa kamay at hinila palapit sa kanyang itinuring nang ama.
"Papa, this is Lenmark, my bestfriend," pagpapakilala niya sa binata.
Ngumiti naman ang ginoo dito, pero ramdam niyang kilala na ng ginoo ang lalaki.
Luluhod sana siya sa harap ng ama nang mapansin si Ivory na palihim siyang kinakampayan.
Takang napatingin siya rito. Kumibot-kibot ang bibig nito ngunit wala siyang maunawaan sa ibig nitong sabihin.
Nang bumaling siya sa HR manager ay naniningkit ang mga mata nito, 'di malaman kung galit o natutuwa sa kanya, pagkuwa'y tinapik ang ibabaw ng sofa, meaning umupo siya sa tabi nito.
Eksakto namang paglabas ni Zigfred sa kwarto, iba na ang suot na damit ngunit haggard pa ring tingnan sa kapal ng bigote.
Palihim siyang binulungan ni Jildon.
"Nagtatanga-tangahan ka lang ba o sadyang engot ka? Hindi mo alam na puno pa ng sabon 'yang buhok mo?"
Natigagal siya, tila naging estatwa sa kinauupuan.
"Tsaka kung magdadrama ka rin lang, pakipatay naman ng shower, sayang 'yong tubig," patuyang bulong uli sa kanya.
Namula agad ang kanyang magkabilang pisngi sa pagkapahiya, mayamaya'y nakangising bumaling rito at pasimpleng hinawakan ang buhok. Hindi ba niya iyon nabanlawan kanina?
Humaba ang nguso nito, pasimpleng ininguso ang kwarto ng kanyang ama sa likod nila.
Sobrang kahihiyan ang bumalot sa kanya nang magtama ang paningin nila ni Zigfred. Ibig sabihin, kanina pa alam ng lalaking hindi pala siya hinimatay? Na drama niya lang ang lahat?
Nakakahiya! Sabihin pa lang nitong totoo 'yong mga sinabi niya kanina.
Bago tuluyang nakalapit ang lalaki sa sala ay mabilis na siyang tumayo't kumaripas ng takbo papasok sa kwarto nila ng ama.
"Where are you going?" habol ni Lenmark.
"Hindi pa pala ako nagsipilyo," pagsisinungaling niya.