Nang marinig niyang biglang tumahimik ang buong paligid ay saka niya sinimulan ang drama, kunwari ay mahina siyang napaungol.
"Zigfred...Zigfred..." anas niya sa pangalan nito.
Naramdaman niyang parang bata siyang binuhat ng lalaki. Napalunok siya. Sa takot na lumilis pataas ang suot na damit ay palihim niya iyong hinawakan ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata.
"I'm here, my Little Tulip,' usal ng lalaki.
Hindi niya mapigilan ang paninindig ng balahibo sa boses nito. Para iyong may kung ano'ng magnet na nag-uudyok sa kanyang kumapit sa batok nito.
"Gusto ko nang bumalik sa trabaho. Gusto ko nang makita ka lagi," mahina niyang saad sabay ungol.
Dahan-daha niyang iminulat ang mga mata, pero ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit.
Nang tuluyang tumambad sa kanyang piningin ang haggard na mukha ng lalaki na kahit bigote ay hindi pa yata naaahit ng ilang linggo ay awtomatikong napakunot ang kanyang noo. Subalit hindi pa rin maitago ang taglay nitong kagwapuhan.
Nahuli niya ang pigil na ngiti nito na ikinapagtaka niya.
"Ano'ng nangyari? Bakit ka nadulas at hinimatay?" usisa nito, lumungkot bigla ang mukha, sumabay ang mga labi ngunit bakit iba ang sinasabi ng biglang namungay nitong mga mata?
"Hindi ko alam," mahina niyang sagot. "Nagising na lang ako, nandito ka na." Itinodo na niya ang drama't napahikbi, saka isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
"Gusto ko nang magtrabaho, Zigfred. Ayuko nang makulong dito. Para akong mababaliw kapag lumipas na naman ang isang araw at hindi ko pa rin masilayan ang mukha mo," garalgal ang boses niyang tugon.
Lalong namungay ang mga mata ng lalaki, dahan-dahang binuksan ang pinto ng banyo, lumabas doon habang karga siya at sinenyasan si Jildon na nasa labas lang upang muling pumasok sa loob ng banyo.
Siya nama'y hinayaan lang ang anumang gawin ng lalaki hanggang sa maramdaman niya ang likurang lumapat sa malambot na kutson at ang hita ni Zigfred na dumagan sa kanyang kanang hita.
"It's just a slip of the tongue, I know," may kahalong pagtatampo sa boses nito.
Muli siya nagdilat ng mga mata at nag-angat ng mukha upang mag-blush sa nakitang ekspresyon ng mukha ni Zigfred.
Nakatukod ang isang braso nito sa tabi ng kanyang kanang balikat habang ang mapupungay na mga mata'y hindi inaalis ang titig sa kanya.
Napalunok siya sa hindi maipaliwanag na damdaming bigla na lang sumakop sa buo niyang pagkatao at tila namagnet ang kanyang mga matang walang kurap na nakatitig sa mga mata nitong naghahatid ng sari-saring mensahe sa kanyang utak at nag-uutos sa kanyang dibdib na kumabog nang matindi.
"What do you want, my Little Tulip?" usisa sa kanya.
Naramdaman niya ang isang kamay nitong humagod sa kanyang tyan, dumausdos sa kanyang tagiliran.
Muli siyang napalunok bago nagsalita.
"Gusto ko nang bumalik sa trabaho bilang secretary mo," mahina ngunit walang gatol niyang sagot.
"And?" Tumaas ang isang kilay nito, naghintay ng sunod niyang sasabihin ngunit ang isang kamay ay nagsimula nang maglikot, dumama sa kanyang lantad na hita, nagbigay ng init doon at tila libo-libong boltahe ng kuryente dahilan upang mapasinghap siya. Awtomatiko niyang hinuli ang pangahas na kamay na iyon, pinigilan sa anumang gusto niyong gawin.
Sumilay ang nanunuksong ngiti sa mga labi nito habang ang tingin ay hindi inaalis sa kanyang mga mata.
"And-?" muling tanong.
"G-gusto kong m-makita ka araw-araw," pautal niyang sagot.
Dahan-dahan nitong inilapit ang mga labi sa kanya, ngunit ano't tila siya nabato-balani't hindi makakilos upang pigilan ito sa gustong gawin.
"And what?" patukso nitong anas nang gahibla na lang ang lapit ng mga labi nito sa kanyang mga labi ngunit nanatiling nakapako ang kanilang paningin sa isa't isa.
Muli siyang napalunok, paano'y amoy niya ang mabango nitong hininga.
"And I want to make sure na--na wala kang ibang tititigang babae maliban sa akin." Hindi niya alam kung kasama pa rin iyon sa kanyang drama subalit nakita niyang ang lalong pamumungay ng mga mata nito hanggang sa dumantay sa kanyang mga labi ang mga labi nito.
Napasinghap siya bigla't nanlaki ang mga mata ngunit napapikit din nang maramdaman ang kakaibang sensasyong dulot ng halik na iyon. Pakiwari niya, bigla siyang naliyo, kahit nakahiga'y ramdan niya pa rin ang panlalambot ng mga tuhod.
Pinagsaklop nito ang kanilang mga palad, nagpatianod lang siya, hindi niya alam kung ano'ng gagawin nang mga sandaling iyon, hindi niya kayang labanan ang estrangherong sensasyong agad na lumukob sa kanya.
When his kiss depeened, a moan involuntarily came out from her mouth dahilan upang magkaroon ng lakas ng loob si Zigfred upang pakawalan ang kanyang kamay at ihagod ang palad nito sa nakalantad niyang hita, pataas sa kanyang kahubdan.
She could feel that inner heat coming from inside her body, that heat of pleasure--of lust. At nang tuluyan nang maglakbay ang mainit nitong palad sa kanyang binti, bigla siyang napaigtad, kagat-labing napaliyad, awtomatikong naihawak ang isang kamay sa batok nito, ang isa pa'y humimas sa dibdib nito.
"Ziggy..." she moaned as she called his name.
He responded with a loud moan and touched that soft and precious thing between her thighs.
'Ziggy, not there.'
Bigla iyong umalingawngaw sa kanyang pandinig kasabay ng paglitaw ng isang tanawin sa kanyang balintataw. Natigilan siya, dilat ang mga matang napatitig sa kawalan.
Kitang-kita niya ang sarili sa malaking bato sa dalampasigan ng dagat habang katabing nakaupo ang isang binatilyo. Marahan nitong hinawakan ang kanyang batok at unti-unti inilapit ang bibig sa kanya. Nang tuluyang mailapat ang mga labi nito at banayad na kumiskis sa kanyang mamasa-masang labi ay bigla siyang napapikit, ninamnam ang halik na iyon, pagkuwa'y ipinulupot niya ang dalawang kamay sa batok nito at hinayaan ang isang palad ng binatilyong dumama sa kanyang katawan, mula sa kanyang dibdib pababa sa kanyang tyan habang marubdob nilang pinagsasaluhan ang nakaliliyong halik na 'yon na pakiramdam niyang hindi lang noon nangyari. Ngunit nang bumaba ang kamay nito at dumama sa bagay sa pagitan ng kanyang mga hita ay bigla siyang huminto't pinigilan iyong pumasok sa loob ng knyang palda.
'Ziggy, not there,' pigil niya sa binatilyo.
Tila binuhusan ng yelo ang mukha nito, namutla bigla habang nagtataaas-baba ang dibdib.
'Ziggy, you have to marry me first.' Dinig niya ang sariling boses habang nakangiti sa nakayakap sa kanya.
'Oh, damn! I almost forgot, my little tulip.' Bigla siya nitong niyakap nang mahigpit.
Napasigaw siya sa sakit ng ulo na biglang umatake sa kanya, namilipit siya agad.
"Lovan?" Natigilan na rin ang lalaki, bahagyang inilayo ang katawan sa kanya.
Isa pang malakas na tili habang hawak na ng dalawang kamay ang ulo at nag-aalala nitong iniangat ang kanyang katawan at pinaupo sa headboard ng kama, nilagyan ng dalawang patong ng unan ang kanyang likod.
'Ziggy, let's get married na,' pakiusap niya sa lalaki, isinubsob ang mukha sa dibdib nito tulad ng lagi niyang ginagawa kapag naglalambing sa binatilyo.
Marahan itong tumawa, hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.
'We're just seventeen,' mahina nitong tugon, saka siya niyakap.
'Ziggy, please take me out from here. I can't take the pain anymore.'
Dinig niya ang sariling hikbi na lalong nagpaigting sa sakit ng kanyang ulo.
"No!" bulalas ni Zigfred nang akmang iuuntog niya ang ulo sa headboard ng kama, agad na iniharang nito ang palad nang tuluyan niyang iuntog ang ulo doon.
"Ang sakit!" sigaw niya, butil-butil na pawis ang lumalabas sa buo niyang katawan lalo na sa noo.
"Oh damn! Ano'ng nangyayari sa'yo?" taranta nang usisa ni Zigfred. Lalong nag-alala nang muli niyang iuntog ang ulo sa headboard.
Doon lang biglang bumukas ang pinto ng kwarto't iniluwa ang apat na tao.
"Lovan!" umalingawngaw bigla ang boses ni Lenmark.
Salubong ang kilay na bumaling si Zigfred dito, pagkuwa'y awtomatikong hinila ang kumot sa kanilang paanan at itinakip sa kanyang halos hubad na katawan.
"Get out all of you, dammit!" sigaw nito.