Chereads / The Stolen Identity / Chapter 51 - Ang Pilyang Prank

Chapter 51 - Ang Pilyang Prank

Ilang minuto nang tinititigan ni Zigfred ang dokumentong hawak ngunit walang pumapasok sa kanyang utak sa mga nakasulat doon. Ilang beses na rin siyang nagpakurap-kurap at hinilot ang noo subalit hindi niya mai-focus ang sarili sa trabaho.

He anxiously dropped the document on the table and leaned back against the headrest of the swivel chair.

Dalawang linggo na ang dumaan na pinilipit niyang abalahin ang sarili sa pagpinta at sa trabaho ngunit tila kidlat na bigla na lang lumilitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Lovan. No! It wasn't just her face but her whole body while she unconscioulsy pulled up her loose t-shirt and exposed that boyshorts which for two weeks had been torturing him.

Dalawang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin niya iyon makalimutan.

Before their wedding, Lovan stood in front of him--naked. He felt as if he loathe her even more instead of feeling lust.

But two weeks ago, when he saw her like that in front of him, he felt, suddenly his manhood came to life which for ten years he had not felt at all with any woman.

But it hurt him so much that she admitted his hug was suffocating compared to Lenmark's. Sobra siyang nainsulto sa sinabi nito, nanliit sa kanyang sarili. Ilang beses niyang sinubukang magpinta subalit kahit iyon ay hindi nakatulong para makalimutan niya ang sinabi nito.

Pakiramdam niya tuloy, isa lang siyang langgam sa harap ni Lenmark, wala siyang kalaban-laban sa binata kahit saang anggulo tingnan.

Naisuntok niya ang nakakuyom na kamao sa ibabaw ng mesa.

How could that damn words affect him so much? It was just Lovan's stupidity that she uttered such words to mock him.

"S-sir, hindi ka pa ba uuwi sa suite mo?" alanganing untag ni Jildon na kanina pa tahimik na nakatayo sa gilid ng kanyang mesa at nababahala na sa kanyang ikinikilos.

Muli siyang napasandig sa headrest ng swivel chair at salubong ang kilay na ipinatong sa armrest ang kanyang siko't hinimas ang medyo mahaba nang bigote.

"Do I have to call for another girl for your unifinished--" suhestyon ng kaibigan.

"No!" matigas niyang tutol, napatayo na't inis na ginulo ang sariling buhok.

"Umuwi ka na lang kaya sa suite mo at kausapin si Lovan. Dude, sa totoo lang nag-aalala na ako sa'yo. Two weeks ka nang ganyan. Pati trabaho mo apektado na. Tuloy ay gusto ng mga direktor na ipalit sa pwesto mo si Lenmark." Hindi na napigilan ni Jildon ang maglabas ng saloobin.

Biglang nagsalubong ang kanyang kilay, tumiim ang bagang na tumingin nang matalim sa kaibigan.

"Don't mention his name in front of me ever again! Understand?" hiyaw niya sa nagtatagis na mga ngipin.

Tumahimik bigla ang kaibigan, nakaramdam ng takot sa galit na nakabakas sa kanyang mukha.

Speaking of the devil, walang paalam na pumasok si Lenmark sa kanyang opisina. Hindi rin ito nagpaawat kay Jildon nang iharang ng kaibigan ang katawan upang huwag itong makalapit sa kanya.

"This is the proof that Lovan is not your wife, you moron!" matigas ang boses na simula nito, unang hirit pa lang ay tila naghahamon na ng away habang ipinapakita ang hawak na sliding folder at gusto yatang ihampas sa kanyang mukha kung hindi lang nakaharang si Jildon.

"Lenmark, this is not the time to argue with him," pakiusap ng kaibigan ngunit tila wala itong narinig, itinulak palayo ang huli gamit lang ang isa nitong kamay.

Nang tuluyang makalapit ang pinsan ay inihampas nga sa kanyang dibdib ang hawak na folder.

Huminga siya nang malalim upang pigilan ang galit na nararamdaman. Subalit hindi niya mapigilang pagmasdan ang buong katawan nito kung saang parte niyon ang nagustuhan ni Lovan na kung tutuusin ay mas gwapo siya rito.

'Dammit!' hiyaw ng kanyang isip, awtomatikong kumuyom ang mga kamao ngunit nagpigil pa rin siya't hinablot ang slider folder sa kamay nito.

"Your wife was at the airport with another man the day after your wedding," turan ni Lenmark sa matigas na boses.

Hindi siya nakahuma, nagulat sa nakita. Mga litrato iyon ni Lovan kasama ang isang lalaki sa mismong airport.

"I told you, the woman that you're hiding from me is my bestfriend and not your wife!" kumpirma nito sa paasik na tono.

Napakamot sa ulo si Jildon sa nangyayaring alitan nilang magpinsan dahil lang sa babae.

Kinuwelyuhan siya ni Lenmark, nanlalaki ang mga butas ng ilong nito sa galit sa kanya habang nakipagtagisan sa kanya ng matalin na titig. Siya'y gano'n din ang ekspresyon ng mukha.

"Where did you hide her?" mahina ngunit maawtoridad na tanong nito.

"It's none of your business," patuya niyang sagot, pilit nilalabanan ang selos na matagal nang lumulukob sa kanyang dibdib para rito.

Nanlisik bigla ang mga mata at akma nang susuntukin siya nang biglang tumunog ang kanyang phone sa loob ng bulsa ng sariling pantalon.

"Mr. Arunzado, Sir! Si Ma'am Lovan, nadulas po sa loob ng banyo at hinimatay!" natatarantang balita ng nurse na kasama ng asawa.

"What?!" bulalas niya sa gulat, biglang kinabahan sa narinig at malakas na itinulak si Lenmark saka walang sabi-sabing lumabas ng opisina. Sumunod si Jildon sa kanya.

Si Lenmark ay naiwan sa opisina, nagtaka kung ano'ng nangyari ngunit nang maisip na baka tungkol iyon kay Lovan ay agad na humabol sa kanila.

---------

Hindi na mapakali si Lovan sa loob ng kwarto nila ng ama ni Lovan Claudio na ngayo'y pinanindigan na niya't itinuring itong tunay niyang ama at sa loob ng dalawang linggong nakakulong sila sa suite ni Zigfred ay walang sawa niyang inalagaan at binatayan kahit sa pagtulog nito.

Pero ngayon, pakiramdam niya, sakal na sakal na siya roon at gusto na uling pumasok sa trabaho ngunit ayaw sagutin ni Zigfred ang kanyang tawag sa loob ng dalawang linggo.

"Ma'am, pakakainin ko na po ba ng tanghalian ang ama niyo?" tanong ng nurse na si Ivory nang lumapit sa kanya pagkatapos nitong paupuin sa wheelchair ang ginoo.

"After 30 minutes," sagot niya't hinawakan ito sa braso saka marahang hinila palapit sa kanya.

"'Di ba, may number ka kay Zigfred?" tanong niya. Tumango ito.

"Tawagan mo. Sabihin mo'ng nadulas ako sa banyo at hinimatay," kaswal niyang utos rito.

Kung siya ang tatawag ay alam niyang hindi siya nito sasagutin, lalo lamang siyang magngingitngit sa galit sa lalaki. At hindi iyon makakatulong upang mapapayag niya itong bumalik na siya sa trabaho bilang secretary nito.

Kaya naisipan niyang si Ivory ang patawagin.

"Po? Naku Ma'am, baka magalit sa'kin si Mr. Arunzado 'pag nalaman niyang prank lang 'yon. Baka paalisin ako bigla sa trabaho. Laki pa naman ng sahod ko rito, at may OT pa," tanggi nito.

"Ako bahala sa'yo. May bunos ka pa sa'kin. Gagawin na kitang full time nurse ni Papa kapag nagtagumpay ang plano ko. Basta kapag andito na siya, lakasan mo ang hiyaw mo nang marinig ko sa loob ng banyo," pangungumbinsi niya sabay kindat dito.

Sa wakas pumayag ito sa gusto niyang mangyari.

Siya nama'y nagmadaling tinungo ang kwarto ng lalaki, kumuha roon ng maluwang na puting t-shirt at boxer shorts at patakbong pumasok sa banyo doon.

Ang hula niya, nagalit ito sa kanya dahil sa sinabi niya sa loob ng kanyang kwarto noon. At para mawala na ang galit nito'y kailangan niyang umarteng nadulas at totoong hinimatay para 'pag nagising siya'y anuman ang sabihin niya't ipakiusap ay seguradong susunod ito.

Naligo muna siya upang kapani-paniwala ang kanyang arte subalit katatapos lang niyang magbanlaw sa may sabong buhok ay sumisigaw na si Ivory mula sa labas.

Nataranta siya bigla. Ang bilis namang dumating ng asungot na 'yon. Wala pa nga siyang sampung minutong naliligo'y naroon na ito agad?

Hindi na siya nagbuhos ng tubig, hinila na lang agad ang nakasampay na towel sa dingding at ipinulupot sa ulo ngunit nang maisip na mas kapani-paniwala kung hahayaan niyang nakaladlad ang buhok ay tinanggal niya iyon.

"Ayy, Sir. Bilisan niyo po! Andito po si Ma'am Lovan sa loob ng banyo! Hinimatay po!" Hindi pa man niya naisusuot ang damit ay sigaw na ni Ivory sa labas.

Nataranta na siya, pagkasuot ng bra't damit ay nakalimutan na niyang isuot ang boxer shorts at patakbong lumabas ng shower room saka biglang tumihaya sa tiles na sahig, kunwari ay hinimatay talaga, subalit nang makapa ang hita ay agad siyang natuliro. Wala siyang suot sa baba!

"Sir, bubuksan ko na ang pinto!" muling sigaw ni Ivory.

Wala siyang choice kundi hilahin ang laylayan ng damit na suot upang takpan ang nakadungaw niyang kahubdan at ituloy ang drama.

Isang hinga lang ang ginawa niya'y dinig na agad niya ang pabalyang bukas ng pinto.

"Lovan!"

Biglang nagrigodon ang kanyang dibdib sa kaba. Aminin man niya o hindi, na-miss niya ang baritonong boses na iyon. Pero hindi siya pwedeng kumilos. Kailangan niya itong mapapaniwalang wala siyang malay. Kung hindi, baka maloka na siya sa loob ng suite na 'yon ngunit hindi pa rin siya nito palabasin at papagtrabahuin sa opisina nito.

"Ano'ng nangyari?" tarantang hiyaw nito kay Ivory.

"Ewan ko, Sir. Basta narinig ko na lang po siyang sumigaw tapos pagbukas ko ng pinto ay nakahilata na po siya sa sahig, wala nang malay," tarantang sagot ng babae.

"Lovan," tawag sa kanya, mabilis na iniangat ang kanyang ulo, tiningnan kung duguan iyon ngunit wala.

"Lovan," muling tawag sa kanya sa sobrang pag-aalala ngunit nang mapadako ang tingin sa nakabukas na shower room ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito't matalim ang tinging ipinukol kay Ivory.

Eksakto namang pagpasok ni Jildon sa loob. Magsasalita sana ito sa pagkabahala nang makahulugang sumenyas si Zigfred dito. Mabilis nitong hinila si Ivory palabas ng banyo at isinara ang pinto.