Lalo siyang namutla sa narinig, awtomatikong napatingin kay Lenmark na sa tumawag natuon ang pansin.
"Good evening, Mrs. Arunzado. Nice meeting you here," magiliw na bati ni Miss Chua, pagkuwa'y kay Lenmark naman bumaling.
"Hello, Mr. Villaloso," bati din sa binatang sa kanya nakatitig.
"What does she mean Mrs. Arunzado?" salubong ang kilay na usisa sa kanya ng kaibigan.
Kung kanina'y namumutla lang siya, ngayon nama'y sumabay na ang kanyang mga tuhod sa pangangatog, pati dibdib niya'y kumakabog sa kaba. Ngayon niya lang nakita si Lenmark na nagsasalubong ang mga kilay at halata sa naniningkit na mga mata ang pigil na galit. Napahawak siya nang mahigpit sa nakasukbit na shoulder bag at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa kung sino ang unang sasagutin at kakausapin.
"Hello, Miss Chua. It's nice to have you here!" May isang pamilyar na boses ang sumabad sa usapan, awtomatikong iniakbay ang braso sa kanyang balikat.
Lalong naging tila tambol sa pagkabog ang kanyang dibdib nang matitigan ang nakangiting si Zigfred habang makahulugang nakatitig din sa kanya, pagkuwa'y pasimpleng tinapik ang kamay ni Lenmark sa kanyang braso at magiliw na nakipagkamay kay Miss Chua.
"You two are really sweet," humahagikhik na puna ng bisita ngunit naging malikot ang mga mata sa kanilang tatlo, tila inaarok ang bawat emosyong nasa kanilang mga mukha at mata.
"Oh, sorry but did I scare you, Mrs. Arunzado?" baling sa kanya nang mapansin siyang tahimik lang sa kinatatayuan.
"Ha? Ah--"
"No, she's okay. She's just a bit tired. Am I right, my dear wife?" maagap na sagot ni Zigfred, marahan siyang hinalikan sa noo na lalo niyang ikinagulat, kita sa nanlalaki niyang mga mata.
Hindi siya makasagot. Tila siya lumulutang sa ere sa sari-saring emosyong nararamdaman. Hindi rin niya alam kung sino ang kakausapin sa tatlo. Wala sa hinagap niyang mangyayari ang ganito ngayon.
Ano'ng gagawin niya? Alam niyang nagulat si Lenmark sa nalaman. Pero wala siyang maisip na sabihin dito maliban sa 'sorry' dahil naglihim siya sa kaibigan.
"By the way, my mother is just right there," ani Zigfred sa dalaga sabay turo sa bulwagan ng bahay, saka tinapik sa braso ang tahimik na si Lenmark. Marahil ay naramdaman ng asawa ang panginginig ng kanyang mga tuhod sa hindi inaasahang pangyayaring iyon kaya't sumaklolo na ito.
"Hey, bro. Can you escort Miss Chua to my mother?" baling sa binatang kanina pa tahimik ngunit kunut-noong nakatitig sa mukha niya.
Siya nama'y gusto nang maglaho na lang bigla sa kinatatayuan. Ni hindi niya alam kung ano'ng sasabihin kay Lenmark pagkatapos nang nangyari ngayon.
Isang warning look ang ipinukol ni Zigfred sa pinsan na nagpabalik sa tila naglalakabay nitong isip.
Subalit, sa halip na sumunod ay hinablot ang kanyang kamay at hinila siya palayo kay Zigfred na ikinagulat ng lahat lalo na siya. Ngunit nakaisang hakbang pa lang siya'y sinalubong agad sila ng sunod-sunod na flash ng camera. Awtomatiko siyang napatalikod sa camera, eksaktong dibdib ni Zigfred ang sumalubong sa kanyang mukha.
"Hey, Little Tulip, It's okay. Ziggy is here," amo sa kanya nang maramdaman ang panginginig ng kanyang katawan.
Tila siya nakasumpong ng karamay nang mga sandaling iyon at hinablot ang kamay mula kay Lenmark, saka ipinulupot sa beywang ng asawa.
"Ziggy, I don't like cameras," sumbong niya, isinubsob na ang mukha sa lalaki.
"Miss Lovan Claudio. Is it true that you had an affair with the CEO of the CSD Bank kaya nagkunwari kang isang pangit ngayon matapos mong magpakasal kay Mr. Zigfred Arunzado dahil nalaman mong kumalat ang Sex scandal niyo sa social media?" Umalingawngaw sa buong kabahayan ang tanong na iyon ng isang reporter.
Lahat ay natuon ang pansin sa kanilang apat, agad na nagsilapitan ang mga bisita sa kanilang gawi.
Zigfred automatically clenched his fist and gritted his teeth upon hearing those words. He gave the unidentified visitor an evil look. Kung hindi lamang seguro ito nakayakap sa kanya'y kanina pa nito sinunggaban ang reporter na biglang umagaw sa atensyon ng lahat kasama ang cameraman nito.
Doon lang tila natauhan si Lenmark at ito na ang sumunggab sa dalawa't agad na pinakawalan ang isang malakas na suntok sa mukha ng unwanted visitor. Ngunit hindi nagpatinag ang cameraman at patuloy pa rin sa pagkuha ng video sa kanila.
"Guard! Drag them out!" sigaw ni Zigfred sa nagtakbuhang mga guwardiya palapit sa kanila.
Ang reporter namang nasuntok ni Lenmark ay hindi na nakabawi ng tayo, hinila na lamang ito ng mga gwardiya palabas ng gate.
"Oh, what a shocking news! Totoo ba, Senyorita Lovan? May sex scandal ka pala kasama ng CEO ng CSD Bank? Bakit hindi namin alam?" Mula sa kung saan ay biglang umeksena si Avril, agad na nakalapit sa kanila.
"Shut up!" magkasabay na hiyaw ng magpinsang Zigfred at Lenmark.
Nagsimula namang magbulungan ang mga naroong nanonood sa magandang eksenang iyon. Ang iba pa nga'y lihim na binuksan ang mga fb at ini-video sila live sa facebook.
"Hey, what's happening? Ano'ng gulo ito?" Noon lang takang lumapit ang ina ni Zigfred, pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo kasama na si Avril at si Miss Chua na kanina pa hindi makahuma sa nangyayari't nagulat din sa narinig.
"Oh my god! Is this really true, Mrs. Arunzado? You have an affair with another man?" bulalas ni Miss Chua.
"Of course it's not true!" Hiyaw ni Zigfred sa dalaga pagkuwa'y nakamamatay ang tinging ipinukol kay Avril na nakataas pa ang kilay na nakipagtitigan sa lalaki.
Doon lang din lumapit ang ama ni Zigfred kasama si Jildon at iba pang mga kamag-anak at pinaghiwa-hiwalay sila.
"This is my wife's birthday celebration! And yet, you made it a mess because of your damn personal intentions! How dare you do that to us!" Sigaw na ng chairman Arunzado Holdings Corporation, nanlilisik ang mga mata sa mga naroon lalo kay Avril.
"Mr. Arunzado, this is not just about Miss Lovan Claudio's issue but it's also about the reputation of our company knowing that the CSD Bank is one of the company's subsidiary and Miss Lovan Claudio is the CEO'S wife," sabad na ng isang direktor na naroon.
"Shut up! Lovan is an innocent woman! Hindi niya magagawa ang ibinibentang niyo sa kanya! I knew her since childhood, isa siyang malinis na babae!" pagtatanggol ni Lenmark sa kanya.
Siya nama'y lalong isiniksik ang mukha sa dibdib ni Zigfred.
"Zigfred, ilayo mo ako rito. Hindi ko alam ang mga sinasabi nila," pakiusap niya sa lalaki sa garalgal na tinig. Kung magpapatuloy pa ang usapang iyon, baka ipagsigawan na niyang hindi siya si Lovan Claudio. Lalo lamang lalala ang gulo. Baka mapahamak pa siya lalo at madamay pati ang kanyang pamilya.
Tinakpan ni Zigfred ng suot nitong coat ang kanyang ulo saka siya inilayo sa mga bisita. Inharang naman ni Lenmark ang katawan sa kanilang dalawa at sumunod sa kanila papunta sa kinaroroonan ng elevator.