Hikbi ni Lovan ang tangi lang maririnig sa loob ng elevator habang tahimik namang nakayakap sa kanya si Zigfred. Si Lenmark nama'y nag-aalalang panay ang sulyap sa kanya ngunit nakakuyom ang mga kamao, tila galit sa kung kanino.
Nang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok sila sa wardrobe room ng bahay na iyon ay saka lang nagsalita si Lenmark.
"Zigfred, she's my bestfriend, Lovan. She's not your wife," pagkumbinsi nito sa lalaki sa mahinang boses.
"Oh, shut that damn mouth of yours," malamig namang saway ni Zigfred, tinapunan ang huli ng matalim na tingin.
Nang akmang ipapasok na siya ng lalaki sa isang kwarto sa loob ng wardrobe ay biglang hinawakan ni Lenmark ang braso nito.
"I said she's not your wife. She's Lovan Arbante, my bestfriend, dammmit!" hiyaw na ng binata.
Tuluyan na siyang napahagulhol habang nakayakap pa rin kay Zigfred.
"I don't care if she's Lovan Arbante or Lovan Claudio, you idiot! She's my wife now and she would be my wife until my last breath!" paasik na turan ni Zigfred bilang sagot sa sinabi ng pinsan at malakas na tinabig ang kamay ng huling nakakapit sa braso nito.
"No! She's not yours. She'll never be yours. I won't allow it, Zigfred," mariing wika ni Lenmark, nasa bawat diin ng salita ang kaseguraduhan sa sinasabi.
Doon na nagngitngit sa galit ang lalaki, kumawala sa pagkakayakap niya't pinakawalan ang isang malakas na suntok sa mukha ng binata.
Tamang-tama namang pagtanggal niya ng coat ni Zigfred sa kanyang ulo ay iyon agad ang kanyang nakita.
"No!" pigil niya ngunit huli na ang lahat, sumubsob na si Lenmark sa tiles na sahig.
Lalo siyang humagulhol sa takot nang makita ang dugo sa bibig ng kaibigan.
Nang makatayo ito'y si Zigfred naman ang sinunggaban at nagpakawala ng isang suntok sa huling biglang bumalandra sa sahig, dumugo agad ang ilong.
Lalong nanginig ang buo niyang kalamnan sa takot.
"Tama na! Tama na!" awat niya, pumagitna na sa dalawa. Ngunit ayaw paawat ng mga ito, tinabig lang siya ni Lenmark at susunggaban na uli nito Zigfred nang ang huli naman ang gumanti't pinatid ang binti ng binata dahilan upang madapa ito sa sahig.
"Zigfred! Lenmark! Tama na!" Sigaw niya uli ngunit wala nang makarinig sa kanyang tinig. Nagbugbugan na ang dalawa.
Hindi niya kayang pagmasdan ang eksenang iyon kaya't patakbo siyang lumabas ng silid, hindi alam kung saang dereksyon pupunta, ang mahalaga'y makaalis siya sa lugar na 'yon.
Iyon naman ang tagpong nadatnan ng ina ni Zigfred. Nahihintakutan nitong pinaglayo ang dalawa. Umawat na rin ang ama ng lalaking patakbong pumasok sa silid.
"Stop this damn fight, you morons! Para kayong mga batang nag-aagawan sa isang laruan!" nanlilisik ang mga matang sigaw nito sa dalawang noon lang tumigil sa pagbubugbugan.
"Ano ba'ng ginagawa niyo? Magpinsan kayo! Dapat ipinagtatanggol niyo ang isa't isa, hindi 'yong kayo lang din lang ang nagsasakitan!" umiiyak na sermon ng ginang sa dalawa.
"Lovan is not Zigfred's wife, Tita. I can assure you that," pagkumbinsi ni Lenmark sa tyahin nito, hinawakan pa ang magkabilang balikat ng ginang.
"No. He's lying! She's my wife. She has been with me since our wedding day. How can't she be my wife?" giit naman ni Zigfred sa matigas na boses.
"Dammit, Zigfred! You knew very well that Lovan is very different from your wife." Lalong tumigas ang boses ni Lenmark.
"And what about this, huh?" Biglang inilabas ni Zigfred ang kwintas na nasa leeg nito, hinablot ang locket pendant na naroon, binuksan at ipinagduldulan sa pinsan.
"Don't you recognize this picture, ha? This is your bestfriend's necklace. This is her picture, and it was you who took this picture for us twelve years ago!" ganting hiyaw ng lalaki.
Natigilan si Lenmark. Hindi makapaniwala kung bakit napunta sa pinsan ang kwintas na 'yon.
Lalo lang nagtagis ang bagang ni Zigfred sa naging reaksyon ng binata, hindi na napigilan ang sarili't muling sinugod ang huli at kinuwelyuhan. Napasigaw naman sa pagkagulat ang ina.
"What are you hiding from me Lenmark? What are you hiding from me!"
Natameme ang binata, hindi makapagsalita at hindi rin inilagaan ang malakas na suntok ni Zigfred, tila nawala sa sarili.
Bumagsak ang binata sa sahig, dahilan upang mapasigaw si Ginang Carla.
"Stop it Zigfred! Stop it!"
Ang ama naman ni Zigfred ay mabilis itong pinigilan nang akmang susuntukin uli si Lenmark, saka ito binigyan ng isang malutong na sampal.
"Tarantado! Pinsan mo 'yang gusto mong patayin!" paasik na sigaw ng ama.
Doon lang tila natauhan ang lalaki, nang mag-angat ng mukha'y agad na napaharap sa kanina'y kinaroroonan niya ngunit nang hindi siya nakita'y bumakas ang pagkabahala sa mukha nito.
"Where's Lovan?" ang agad na tanong, mabilis na inikot ng tingin ang buong paligid.
"Ma, where's Lovan?" baling sa ina.
"I don't know. Nang pumasok ako rito, wala na siya," garalgal ang boses na sagot ng ina.
---------
Sa isang maliit at tahimik na isla sa liblib na pook ng Pilipinas ay may isang nag-iisang resthouse na gitna niyon. Walang ibang maririnig sa buong paligid kundi ang huni ng mga ibon at kulisap. Sa 'di-kalayuan ay ang malakas na salpukan ng alon sa baybayin.
Sa mga taong walang ginawa kundi ang igugol ang oras sa trabaho, ang lugar ay isa nang napakagandang paraisong pwedeng gawing getaway sa stress at pressure at ingay ng mga lungsod.
Subalit para kay Lovan Claudio, isang kulungan ang lugar na 'yon.
Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay tanaw niya ang bughaw na dagat sa 'di kalayuan ngunit walang anumang bagay na naglalakad doon maliban sa mga along hindi nagsasawang magsalpukan sa dalampasigan at sa mga ibong malayang nakakapamasayal sa tahimik na baybayin.
Nakaramdam siya agad ng galit sa hayup na dumukot sa kanya at nagdala sa kanya rito. Mula nang dukutin siya nito sa mismong araw ng kasal niya kay Zigfred ay agad siyang dinala sa New York at doon ay pinilit siyang pakasal rito sa pangalang Lovan Arbante sa kabila ng pagmamakaawa at pangungumbinsi niyang hindi siya si Lovan Arbante kundi si Lovan Claudio.
Subalit pagkatapos lang ng kanilang kasal ay bumalik sila sa Pinas at dito siya dinala ng lalaki sa liblib na lugar na ito na kahit TV ay wala roon. Ni hindi siya makahawak ng cellphone man lang upang matawagan ang alam niyang nag-aalala na niyang mga magulang at fiancé na dapat ay asawa na niya ngayon subalit ibang lalaki ang umangkin sa kanya.
"Lovan, honey!"
Awtomatikong naningkit ang kanyang mga mata sa galit pagkarinig lang sa boses na iyon.
Nagmadali siyang lumapit sa pinto ng silid upang i-lock iyon ngunit nakapasok na ang hayup na lalaki.
"Halika na, Hon. Nakapagluto na ako ng pagkain natin, ginataang alimasag. Masarap 'yon," excited na yaya sa kanya.
Tumaas bigla ang isa niyang kilay. Hindi ba nito alam na sa lahat ng seafoods ay ang pagkaing 'yon ang pinakaayaw niyang kainin?
"Hindi ako kumakain ng cheap na pagkaing 'yon!" singhal niya rito.
Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha nito, nanlisik agad ang mga mata sabay isinabunot ang kamay sa kanyang buhok.
"Huwag mong sasagarin ang pasensya ko. Kahit nangako ako sa'yong magbabagong-buhay na at habambuhay kitang pagsisilbihan, wala kang karapatang salungatin ang gusto ko!" pabulyaw na turan sa kanya, pinanggigilan ang kanyang buhok at hinila siya papunta sa kusina ng bahay.
Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw sa sakit at galit. Gano'n ang ginagawa ng hayup na lalaki kapag nagagalit sa kanya, basta na lang siyang sinasaktan kapag niya sinusunod ang gusto nito.
"Magpasalamat ka't mahal na mahal kita! Kung hindi'y itinapon na kita sa dagat at ipinakain sa pating!" patuloy nito sa panggagalaiti saka siya pabalyang inihagis sa kusina. Mabuti na lang at nakakapit siya sa gilid ng lamesa.
Ang kanyang pinakaiingatang mukha, muntik nang masugatan dahil sa baliw na lalaking ito!
Lahat na ng paraan ginawa niya upang pakawalan siya ng lalaki ngunit bigo pa rin siya. Humagulhol na siya at nagmakaawa, sumigaw na't nagwala sa galit ngunit tila wala itong pakialam sa nararamdaman niya.
Ilang segundo lang ay inaalalayan na siya nitong makatayo nang maayos.
"Sorry, Hon. Ikaw kasi. Ang tigas pa rin ng ulo mo. Sinabi ko naman sa'yo na ayaw ko nang sinisigawan ako eh," paghingi sa kanya ng paumanhin.
Hindi siya kumibo, matalim lang ang tinging ipinukol dito sabay piglas.
Isang buntunghininga ang pinakawalan ng lalaki saka malungkot na umupo sa isang silya sa harap ng lamesa at inilapag sa ibabaw niyon ang smartphone nitong hawak kanina pa.
Nanlaki bigla ang kanyang mga mata sa nakita. Kailangan niyang magamit ang phone na iyon.
Inayos niya ang tayo at sinuklay ang magulong buhok dahil sa nangyari, saka tumabi ng upo sa katabing silya ng lalaki.
"Kapag ba sinunod ko ang gusto mo, hindi mo na ako sasaktan? Pwede na akong makapamasyal kahit saan ko gusto?" mahina niyang tanong, nananantya kung ano'ng isasagot nito.
Biglang nagliwanag ang mukha ng lalaki, umakbay sa kanya. Kahit nandidiri sa malamsa nitong katawan ay napilitan pa rin siyang ngumiti at mapungay ang mga matang tumitig dito.
"Oo. Kahit ano'ng gusto mo, ibibigay ko sa'yo, mahalin mo lang ako. Magiging uliran akong asawa at tatay sa magiging anak natin," masayang sagot nito sabay pakawala ng isang malutong na halakhak.
Mangani-ngani niya itong pukpukin ng porselanang pinggan sa ibabaw ng mesa upang makatakas na siya sa lugar na iyon ngunit nagpigil siya. Mas mahalaga ngayon ay magamit niya ang phone nito upang makatawag kay Zigfred.
Inihilig niya ang ulo at kunwari'y inamoy-amoy ang malansa nitong leeg dahil katatapos lang maligo sa dagat.
"Sige, promise, hindi na ako magpapasaway. Pero gusto kong uminom ng buko juice. Umakyat ka muna sa puno ng niyog bago tayo kumain," lambing niya, dahan-dahang hinawakan ang kamay nito, pinisil-pisil iyon.
Lalong na-excite ang lalaki, agad na tumayo, eksaktong tumunog ang phone nito, facebook agad ang lumantad sa screen.
Kinabahan siya bigla lalo nang pindutin iyon ng lalaki at tingnan ang nasa timeline nito ngunit bago pa iyon kalikutin ay hinawakan niya uli ang kamay nito. She seductively kissed it and gave him that alluring smile.
"Sige na, gusto kong uminom ng buko juice. Magtatampo ako kapag hindi ka sumunod," lambing niya sabay kindat dito.
Lalo itong kinilig at hinalikan siya sa mga labi, pagkuwa'y nagmadaling lumabas ng bahay.
Siya nama'y sinamantala ang pagkakataon. Tiningnan agad ang timeline ng lalaki ngunit nagulat sa bumulaga sa kanyang mga mata.