Chereads / The Stolen Identity / Chapter 49 - Ang Simpleng Yakap

Chapter 49 - Ang Simpleng Yakap

"Anak, totoo ba na asawa mo siya?" usisa ng madrasta nang magkasarilinan sila sa loob ng kwarto ni Lovan.

Hindi siya makatingin man lang nang deretso dito, inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanyang kobre-kama.

"Lovan, totoo ba?" pangungulit nito sa mahinang boses, hinawakan na ang kanyang braso upang itigil niya ang ginagawa.

Sinulyapan lang niya ito, pagkuwa'y napayuko. Nahihiya siya dahil sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kung sasabihin niyang napagkamalan lang siya ni Zigfred bilang asawa, baka kung ano'ng isipin nito kaya minabuti niyang tumango dahil siya naman talaga ang aksidenteng humarap sa altar sa araw ng kasal ng lalaki.

Parang dalagang humagikhik ang madrasta, tila kinikilig na marahan siyang hinampas sa balikat.

"Sabi na nga ba't asawa mo talaga 'yon. Ang lambing niyo kasi sa isa't isa habang nakasubsob ang mukha mo sa dibdib niya," tukso nito, nanunukso rin ang tinging ipinukol sa kanya nang mag-angat siya ng mukha at gulat itong titigan.

Umawang ang kanyang bibig upang tumanggi ngunit nang maalala ang kanyang ginawang pagsubsob sa dibdib ng lalaki at ang pag-akbay ng huli sa kanya, namumula ang magkabilang pisngi na ngumisi na lang siya.

'Pakitang-tao lang po 'yon, Ma. Magaling kasi siyang magkunwari,' gusto niyang isagot dito ngunit nagpigil siya.

"Anak, alam mo, bagay kayo. Kahit mahirap lang siya, ang mahalaga mahal niyo ang isa't isa," komento nito, bahagyang lumayo sa kanya at tinulungan siyang mag-ayos ng kobre-kama.

Lalong nangamatis ang magkabila niyang pisngi, muling bumaling sa ina at umawang ang mga labi.

'Naku, Ma. Nagkakamali kayo, wala kaming relasyon. Ni hindi nga siya nanliligaw sa'kin. Tsaka hindi namin mahal ang isa't isa. Magaling lang talaga siyang magkunwaring sweet pero ang totoo, pangit ang ugali niya,' gusto na uli niyang sabihin, ngunit tila ba nahihiya siyang magsalita kaya't minabuti niyang ngumiti na lang bilang tugon, at ngumiti pa nang matamis hanggang mapahagikhik na siya at panakaw na tiningnan ang madrasta subalit mukha ni Zigfred ang agad na sumalubong sa kanya.

Tila palakang lumundag sa kaba ang kanyang puso nang magtama ang kanilang paningin.

Nanlaki ang kanyang mga mata, taliwas sa mga mata nitong mariin lang na nakatitig sa kanya. Hindi niya alam kung ilang segundo o minuto sila sa ganoong ayos pero napansin niyang lumapit pa ito lalo, halos idikit ang mukha sa kanya.

"What are to trying to imply with such gesture, my tulip?" usal sa kanyang tenga na naghatid ng tila milyon-milyong boltahe ng kuryente sa buo niyang katawan.

"W-what do you mean?" She stammered and blushed.

Bahagya nitong inilayo ang mukha, sandaling pinagmasdan ang namumula niyang pisngi at ang mga labing bahagyang nakaawang, nagtagal ang mga titig nito roon, saka tila tuksong ngumiti ang mga mata at ibinaba ang tingin sa kanyang suot na damit.

Nang sundan niya ng tingin ang pinagmamasdan nito'y saka lang niya napansing sa halip na bedsheet ang hawak ng kamay ay ang kanya mismong sariling damit, nakalilis iyon hanggang sa kanyang beywang, lantad sa paningin nito ang suot niyang boyshorts at ang nakaumbok niyang---

Lalong nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkapahiya't biglang tumalikod dito.

"Bastos! Ba't ngayon mo lang sinabi?" singhal niya sabay bitaw sa damit.

Dinig niya ang marahan nitong pagtawa, lalo tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Paano nga'y kahit si Lenmark ay hindi pa siya nakita sa gano'ng ayos. Ngayon lang siya nagsuot ng gano'n, sa totoo lang. Ang akala kasi niya'y tahimik siyang makakatulog at walang anumang insidenteng mangyayari. Malay ba niyang biglang darating ang asungot na ito't gagawa ng eksena sa bahay nila.

Napapitlag siya nang ipulupot ni Zigfred ang dalawang kamay sa kanyang beywang at yakapin siya sa likuran.

"Let me hug you in front of your step-mother," bulong nito, humalo sa pabangong gamit ang mabango nitong hininga na nagpatindig ng kanyang mga balahibo.

Sumasal lalo ang tibok ng kanyang dibdib sa 'di maipailiwanag na dahilan.

"Baka nakakalimutan mong may kontrata tayong pinirmahan," pagpapaalala niya, pilit nilalabanan ang kabang nararamdaman, kunwari'y galit siya sa ginawa nito.

"Hindi nakasulat sa kontratang hindi kita pwedeng yakapin nang ganito," mahina nitong usal, hindi niya halos marinig iyon.

Ewan, pakiramdam niya, para siyang posporong ikinikiskis sa bahay niyon upang mag-apoy. Ang init ng kanyang pakiramdam dahil sa yakap na iyon lalo na nang tila ito nanunukso't hiningahan siya sa likod ng tenga. Wala sa sarili siyang napapikit at hinawakan ang dalawa nitong kamay upang kalagin ang mga iyon.

"Hindi rin nakasulat doon na pwede mo akong yakapin nang wala akong pahintulot," katwiran niya, pigil ang mapasinghap.

"Oh?" tudyo nito. "Why don't you refuse then?" anito, marahang hinalikan ang likod ng kanyang tenga.

Hindi sinasadyang mapadiin ang hawak niya sa mga kamay nito nang maramdaman ang nakaliliyong sensasyong iyon pagkadantay lang ng labi nito sa kanyang tenga. Pakiramdam niya, unti-unti siyang idinuduyan sa ere sa simpleng halik lang na 'yon.

'Gosh, Lovan. Hindi ikaw ang asawa niya. Hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya,' saway niya sa sarili.

Lakas-loob niyang siniko ang tagiliran nito't gusto sanang kumawala mula rito ngunit hinigpitan pa ng lalaki ang yakap sa kanya.

"Anak, aalis na muna ako," biglang paalam ng madrasta na nakangiting nakatunghay lang sa inaakalang lambingan nila.

Bago siya nakasagot ay narinig na niya ang pagsara ng pinto.

Pumiglas siya. "Bitiwan mo nga ako."

"Why. Ayaw mong niyayakap ka ng asawa mo?" malamig nitong saad.

"Hindi kita asawa," pambabara niya.

"Really? Or is it Lenmark's hug that you want?" pasarkastiko nitong usal.

"Of course. Yours is suffocating." Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga salitang iyong bigla na lang lumabas sa kanyang bibig. Ang gusto lang niya'y bitiwan siya nito ngunit hindi inaasahang maririnig ang pagtatagisan ng mga ngipin ng lalaki, saka siya biglang binitiwan at walang anumang tumalikod sa kanya.

"You'll come with me wether you like it or not," turan sa malamig na boses, kasinlamig yata ng yelo.

Sa halip na matuwa't binitiwan siya nito, bakit tila pa siya nalungkot, dama ang munting kirot sa kanyang dibdib?

Kagat-labi siyang humarap at hinabol ito ng tingin ngunit hindi man lang siya nilingon, dumeretso lang sa labas ng bahay, naiwan sa sahig ang putik na bakas ng sapatos nitong suot.

Nagmadali siyang sumunod dito pagkatapos hablutin ang shoulder bag sa ibabaw ng tokador. Hindi na nagpalit pa ng damit.

Naabutan niya si Zigfred sa may sala kausap ang kanyang madrasta, tila nagpapaalam dito ngunit hindi na niya makita ang kanyang papa at si Madison o ang babaeng kasama niya sa kwarto kagabi.

Ang tangi lang naroon kasama ng dalawa ay si Jildon na naka-shorts lang din at T-shirt na itim ngunit pansin ang mga putik din na kumalat sa damit nito't sapatos.

Nagtaka tuloy siya kung ano'ng nangyari sa dalawa.

Sumulyap lang sa kanya ang madrasta at ngumiti sabay sabing, "tatawagan kita mamaya anak, ha?"

Tumango siya agad ngunit inagaw ni Zigfred ang kanyang atensyon nang bigla na lang nitong hablutin ang shoulder bag sa kanya at hawakan siya sa kamay nang makita si Lenmark mula sa may pinto, humihingal na patakbong lumapit sa kanila.

"Lovan." Iyon lang ang nasabi nito't hindi nakahuma nang makita siyang hawak sa kamay at hila ni Zigfred palabas ng bahay.

Nagpatianod lang siya't bahagyang yumukod sa kaibigan nang magtama ang kanilang paningin.

Tahimik lang na sumunod sa kanila ang HR manager.

Nang makalabas sila at huminto sa mismong harap ng sasakyang nakaparada sa tapat ng kanilang gate ay saka lang bumaling si Zigfred kay Jildon, salubong ang mga kilay habang hindi binibitiwan ang kanyang kamay.

"Are you sure your damn car's tank is full?" aburidong tanong sa kasamang ilang beses na tumango pagkuwa'y nagpakawala ng isang ngising-aso.

"Dalawang libo na ang ipinakarga kong unleaded d'yan. Full tank 'yan, Dude. Hindi na tayo titirik pa sa daan," nakangising tugon ng manager.

Taka naman siyang napatingin sa nagsalita, nagtatanong ang mga matang tumitig dito, isinenyas pa ang kamay kung ano'ng nangyari sa mga 'to.

Pasimple siyang binulungan ni Jildon habang binubuksan ni Zigfred ang pinto sa tabi ng driver's seat.

"Tumirik ang kotse sa daan kakasunod namin sa inyo ni Lenmark."

Napanganga siya sa narinig, eksaktong bahagya siyang itinulak ni Zigfred papasok sa kotse. Nagpatianod lang siya kahit lito at hindi makapaniwala sa sinabi ni Jildon.

Ang dalawa nama'y mabilis ding nakapasok sa kotse. Nang maseguro ni Zigfred na nakaseatbelt na siya'y agad nitong pinaandar ang makina at pinaharurot ang sasakyan.

Hindi na nakahabol pa si Lenmark na patakbo na uling lumabas ng bahay.

Tahimik siyang nakaupo sa tabi ni Zigfred ngunit panakaw ang sulyap sa lalaking salubong ang kilay at tikom ang bibig na nagmamaneho, hindi pansin ang marumi nitong damit at pantalon.

Ano kaya ang nangyari nang tumirik ang sasakyan ng mga ito, paano'ng halos maligo ang dalawa sa putik?

"You'll take a leave for two weeks," untag ng lalaki sa malamig na boses, bahagya lang sumulyap sa kanya.

"Ha? P-pero bakit?" bulalas niya sa pagkadismaya ngunit hindi na ito nagsalita pa.

Isang kibit-balikat lang din ang isinagot ng HR manager nang lingunin niya ito.