Chereads / The Stolen Identity / Chapter 43 - Ang Karma Ng Pagpapanggap

Chapter 43 - Ang Karma Ng Pagpapanggap

"Lovan! At last, you're here!"

The woman's voice were penetrating deeply into her ears and mind, as if it wasn't the first time that she heard the latter calling her name with that kind of tone.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa tumawag sa kanya. At nang magtama ang kanilang mga mata'y biglang nagregodon ang kanyang dibdib sa kaba.

Ang ina ni Zigfred!

Agad itong yumakap sa kanya nang makalapit at humawak sa kanyang braso, marahan iyong hinimas na tila ba mannerism na nito iyon kapag nagkikita sila.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Alam mo ba'ng nag-alala kami no'ng mawalan ka ng malay sa simbahan sa mismong araw ng kasal niyo ni Zigfred?" Sa boses nito'y halata ang pagtatampo sa kanya maging ang paghaba ng nguso na parang bata pero sa tantya niya'y kasing edad lang ito ng kanyang madrasta.

Alanganin siyang ngumiti pero hindi alam ang isasagot. Ano'ng itatawag niya rito? Mommy ba, Mama, o Tita na lang kaya? Pero byenan na ito ng totoong Lovan Claudio, natural na Mama ang tawag ng babae sa huli.

"Okay lang po ako. Sensya na po kung pinag-alala ko kayo. P-pero gusto ko po kasing humingi ng tawad sa ginawa ko sa nangyari sa conference room kanina," alanganin niyang sinimulang magpaliwanag habang hinihimas ang sariling mga kamay sa kaba.

Tinitigan siya ng ginang--matiim, matagal, pagkuwa'y matamis na ngumit saka umabrasete sa kanya.

"Oh, nasabi na pala 'yon ng asawa mo sa'yo. Don't worry about that, walang kinalaman si Zigfred sa nangyari. Ipatatanggal na lang namin ang kanyang tangang secretary," kaswal na sagot nito't balak na sanang igiya siya papunta sa sala kung hindi tumigas ang kanyang katawan sa pagtutol kumilos.

Paano'y natigagal siya sa narinig. Siya pala talaga ang sinisisi ng mga ito sa nangyari, tinawag pa siyang tanga.

"What's wrong?" usisa ng ginang, kunut-noong bumaling sa kanya.

Ilang beses siyang lumunok, para kasing biglang may bumara sa kanyang lalamunan pagkarinig sa balak nitong gawin sa kanya.

"M-mama, iyon nga po ang d-dahilan kung bakit ako nagpakita sa inyo," mangiyak-ngiyak niyang pautal na paliwanag, lakas loob na hinawakan ang dalawa nitong kamay.

Taka namang napatitig sa kanya ang byenan.

"A-ko po kasi ang secretary ni Zigfred," nauutal pa rin niyang pag-amin.

"What?!" sambulat ng kausap, nanlaki ang mga mata sa narinig, lalo pang dumiin ang titig sa kanya, mayamaya'y lumayo mang bahagya, saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa ulo.

Siya nama'y hindi alam kung ngingisi o iiyak habang pinipiga ng utak kung paano niya ipaliliwanag ang lahat.

"A-alam niyo naman pong madaming umaaligid na babae sa asawa ko, ka-ya nagpanggap akong pangit para tanggapin niya ako sa trabaho. Kaso hindi ko po talaga alam kung paanong napunta ang larawang iyon sa mga folder na ibinigay ko sa mga direktor," mahaba niyang paliwanag, pinagaralgal pa ang boses upang maawa ito sa kanya't makumbinsing totoo ang mga sinasabi niya.

Napanganga ito sa pagkagulat, lalong nanlaki ang mga mata habang 'di pa rin makapaniwalang nakatitig sa kanyang mukha.

Naglakas-loob siyang lumapit na uli rito't hawakan ito sa balikat.

"Mama, please, 'wag niyo akong ipatanggal sa trabaho lalo na ngayo't nasa suite ni Zigfred si papa. Gusto ko lang po makasama sa trabaho si Zigfred." Pinilit niyang papatakin ang namuong luha sa kanyang mata upang maawa ito sa kanya. Nang wala pa ring reaksyon mula sa ginang ay humikbi na siya, iniyuko ang mukha saka nagtaas-baba ang balikat na tila totoong umiiyak.

Sa wakas, niyakap siya nito nang mahigpit.

"Silly girl," anito sabay hulagpos ng halakhak.

Napahagikhik na rin siya. Salamat naman at naniwala na ito sa paliwanag niya.

Pagkuwa'y inilayo nito nang bahagya ang katawan saka natatawang tinitigan na uli siya sa mukha.

"You really are a silly girl. Manang-mana ka talaga sa mama mo." Sinabayan ng tawa ang sinabi nito saka siya hinampas sa braso't muling umabrasete sa kanya upang yakagin siya papunta sa bulwagan.

"Mama, hindi niyo na ako ipatatanggal sa trabaho? Hindi na rin mapapatalsik si Zigfred?" paniniyak niya.

"Don't worry, you have my word. 'Pag nalaman ito ng papa mo, seguradong matutuwa pa 'yon," nakangiting baling sa kanya habang naglalakad sila sa pasilyo.

Sa wakas nakahinga siya nang maluwang, isang matamis na ngiti agad ang iginanti sa ginang sabay hilig sa balikat nito.

"Love talaga ako ng mama ko," lambing niya sabay hagikhik, gano'n din ang ginawa ng ginang.

Kung kelan pakiramdam niya nasa alapaap siya sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay solved na ang problema nila ni Zigfred, saka naman tila sinasadya ng pagkakataong makasalubong nila si Lenmark.

.

Namutla siya bigla nang matama ang kanilang paningin lalo na nang kumunot ang noo nito, huli na para magkunwari siyang hindi niya ito nakita. Sana lang ay huwag siya nitong makilala.

"Oh, Lenmark. It's good that you're here," anang ginang sa binatang sandaling natigilan pagkakita sa kanya.

"Y-eah. May hinahanap po kasi akong bisita. Hindi niya alam ang pasikot-sikot sa loob ng bahay," sagot ng binata, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Siya nama'y nagkunwaring tumingin sa malayo upang iwasan ang nanunuring titig ng binata.

"Okay, go ahead. Hinahanap din namin si Zigfred," nakangiting tugon ng kanyang kasama.

Halos mapugto na ang kanyang paghinga nang hawakan ni Lenmark ang kanyang kamay at halikan iyon ngunit ang mga mata'y nanatiling nakatitig sa kanya.

Siya nama'y nagpatianod lang ngunit hindi makatingin nang deretso dito.

"Good evening, Senyorita Lovan," bati sa kanya.

Lalo siyang namutla. Kung sasagot siya'y malalaman nitong siya ang kaibigan nito. Kaya tumango lang siya't agad na hinablot sa binata ang kanyang kamay, saka inaya na ang ginang na magpatuloy sila sa paglalakad.

Subalit--

"Tita!" tawag ng isang boses babae, nang tingnan niya kung sino iyo'y bigla siyang napairap. Ang kapatid iyon ni Aeon, kung makatingin sa kanya'y tila laging nang-uuyam.

Lalo na seguro ngayong lantad na sa paningin nito ang mukha ni Lovan Claudio.

"Happy birthday, Tita," bati nito sa kanyang kasamang agad na kumawala sa pagkakaabrasete sa kanya at nakipagbeso-beso sa una.

"Thank you, my dear Avril," magiliw na tugon ng ginang.

"Oh, Senyorita Lovan. It's good to see you here." Nakangiti ma'y halata pa rin ang pasarkastiko nitong pananalita. Para bang sinasabi sa kanyang, 'Ang kapal talaga ng mukha mo't may gana ka pang magpakita rito.'

Isang tipid na ngiti lang ang kanyang isinagot. Wala siyang balak makipagplastikan sa babae.

"By the way, have you seen Zigfred?" usisa pagkuwan ng ginang sa dalawa.

"Yes, Tita Carla. Kasama po niya si Aeon sa may pool." Si Avril ang sumagot, nakakalokang ngumiti habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Lenmark.

Eksakto namang nagsilapit ang mga bisita sa kanila upang bumati sa ginang kaya nawala sa kanya ang atensyon nito.

Pasimple siyang lumayo sa karamihan ngunit sumunod si Avril.

"I really admire you, Senyorita Lovan," habol sa kanyang likuran, idiniin pa ang salitang 'senyorita'.

Napilitan siyang huminto sa paglalakad at hinintay itong makalapit.

Ngunit nang humarap sa kanya'y nakakalokang sinipat ang kanyang kulay rose pink na halterneck mini dress, limang pulgada ang taas mula sa kanyang tuhod. Binagayan niya iyon ng teardrop earrings at sa paa'y rose pink ding three inches chunky heel shoes.

"Hmm, nakasal ka lang kay Zigfred, nagbago na agad ang taste mo sa damit?" puna sa kanya.

Hindi siya nakaimik. Ano ba ang taste ng damit ni Lovan Claudio? Hindi niya 'yon naisip.

"Why? Dahil ayaw mo nang makipaglaro ng apoy sa mga lalaki?" pasarkastikong tanong sa kanya sabay pakawala ng isang pagak na tawa, pagkuwa'y inilapit ang mukha sa kanyang tenga.

"Or ayaw mong malaman na naman ng asawa mong bago ka ikasal ay nakipag-one night stand ka sa isa sa mga client niya," lantarang pang-iinsulto sa kanya.

Napanganga siya sa nalaman. Totoo ba 'yon? No! Hindi naman yata gano'n si Lovan Claudio. Baka gumagawa lang ito ng kwento.

"Hindi ko alam ng sinasabi mo," Kunwari ay malamig niyang sagot, pero ang isang kamay ay nakahawak sa gilid ng kanyang damit. Paano kung mapansin nitong hindi siya si Lovan Claudio?

Nagpakawala ito ng isang malutong na halakhak.

"C'mon, Senyorita Lovan. You knew what I mean. Or--" Sinadya nitong putulin ang sasabihin at muling inilapit ang bibig sa kanyang tenga.

"Nagka-amnesia ka bigla kaya hindi mo maalala ang isang shot sa 10th floor," malamyos nitong bulong sa kanyang tenga sabay patuyang tumawa.

Kahit nang lumayo ito'y patuloy pa rin sa pagtawa.

Naiwan siyang tigagal. Ano'ng ibig nitong sabihing isang shot sa 10th floor?

Hindi kayang tanggapin ni Lovan ang kahihiyang kanyang narinig mula kay Avril nang gabing iyon kaya agad siyang bumalik sa wardrobe room upang papangitin na uli ang mukha at ipinalit ang suot na damit nang magpunta sila rito. Never na siyang magpapanggap na si Lovan Claudio. Baka sa sunod, hindi lang ang kapatid ni Aeon ang magpahiya sa kanya.

Bitbit ang shoulder bag ay pumasok siya uli sa evelator upang pumuslit pauwi sa suite ni Zigfred. Hindi na siya magpapaalam sa lalaki tutal ay galit naman ito sa kanya.

Pagkalabas ng elevator, dere-deretso siyang naglakad papunta sa may main door ng bahay. Mabuti na lang at walang nakapansin sa kanya sa mga bisitang naroon, subalit kung kelan isang metro na lang ang lapit niya sa pinto ay saka naman may biglang humawak sa kanyang braso, buti hindi siya napasigaw sa pagkagulat.

'Lenmark!'

Nanlaki agad ang kanyang mga mata kasabay ng pamumutla ng kanyang mukha pagkakita sa kaibigan.

"Kanina pa kita, hinahanap," nakangiting saad sa kanya.

"Ah-ano kasi, nag-CR lang ako kanina. Eh wala naman akong kilala rito 'tsaka busy na rin si Sir Zigfred kaya uuwi na lang ako," nang makabawi'y sagot niya pero iwas ang tingin sa binata.

"Don't worry, I'm here. Come, ipapakilala kita sa Tita ko," anang lalaki pero agad siyang pumalag.

"Hindi! H'wag na!"

"Hey, relax. Mabait ang Tita Carla ko, seguradong magugustuhan ka no'n," patuloy nito sa pangungumbinsi.

Alanganin siyang ngumiti pagkuwa'y kunwaring naghikab. "Ano kasi, antok na ako. Gusto ko na sanang umuwi," alibi niya.

"Mrs. Arunzado, hi!"

Umalingawngaw sa buong paligid ang boses na iyon, dahilan upang mapako ang tingin ng karamihan sa kanila.