"Oh my!" bulalas ng HR manager nang excited siyang lumabas sa dressing room. Napanganga ito sa nakitang transformation niya.
Humagikhik siya sabay mabilis na umikot upang ipakita ang maganda niyang suot sa lalaki.
"Maganda ba?" usisa niya.
"Lovan! Ang sabi ko, magpaganda ka! Sinabi ko bang magpapangit ka pa lalo?" dismayadong singhal sa kanya at nagmartsang lumapit sa kanyang kinatatayuan.
"Ha? Maganda naman ang outfit ko ah," katwiran pa niya.
Maganda naman talaga ang kanyang suot, hindi malaswa tingnan, naka-boots din siyang bumagay sa kanyang damit.
Inayos na rin niya ng lagay ang kanyang wig, sinuklay kunwari para hindi iyon masyadong buhaghag at hindi magmukhang pugad ng ibon sa kapal. Binawasan niya rin kunti ang kanyang make-up at tinanggal ang iba pa niyang pimples sa mukha pero hindi niya ginalaw ang malaki niyang nunal.
"Mabubugbog ako ni Zigfred 'pag nakita ka!" Halos sabunutan siya sa sobrang inis.
Speaking of the devil, nakatayo ito bigla sa nakabukas na pinto ng kwarto, ang isang kamay ay nakahawak sa blue tuxedo nitong damit na lalong nagpadagdag sa taglay nitong kagwapuhan at ang isang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng pants nito.
Umaawang ang kanyang mga labi sa pagkamangha sa nakita. Biglang kumabog ang kanyang dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan lalo nang magtama ang kanilang paningin at matiim na uli itong tumitig sa kanya, hindi niya mawari kung galit ang salubong nitong mga kilay o sadyang sanay lang ito sa gano'ng gesture. Pero lalong sumasal ang kaba ng kanyang dibdib nang dahan-dahan itong lumapit sa kanila ng manager, parang gusto na tuloy niyang bumalik sa dressing room at itago ang sarili doon.
'Lovan, h'wag kang magkakamaling magkagusto sa kanya. Hindi mo siya pag-aari,' babala niya sa sarili saka iniyuko ang ulo, kunwari ay inaayos ang laylayan ng damit.
"Dude, dito ka na pala," alanganing bati ni Jildon ngunit walang narinig na sagot mula sa kausap.
Inaasahan na niyang hahawakan siya ni Zigfred sa kamay ngunit ano't nagulat pa rin siya lalo na nang mag-angat siya ng mukha't nakitang sila na lang dalawa ng lalaki, nawalang parang bula ang HR manager.
Mabalasik siya nitong hiwakan sa siko saka papilipit iyong itinaas.
"Aray! Nasasaktan ako!" Hindi niya napigilang mapasigaw sa ginawa nito ngunit sa halip na bitiwan ay pabalang siyang isinandal sa pader ng dressing room.
"I don'k know what's in your mind but let me warn you for the last time. This is my beloved mother's birthday. Don't ever make a scene here, or else, I'll surely kill you!" banta sa kanya, nanlilisik ang mga mata't nakakatakot ang pagtatagis ng mga bagang.
Hindi niya kayang salubungin ang galit nito, kaya't inihilig niya ang ulo at umiwas ng tingin.
"Ano ba'ng sinasabi mo? Bitiwan mo nga ako." Hindi niya mapigilang gumaralgal ang boses sa magkahalong kaba at sakit sa ginagawa nito sa kanya. Kulang na lang ay sakalin siya hanggang mawalan ng hininga.
Bakit ba bigla na lang itong nagalit? Kanina ay okay naman sila ah.
Napapikit siya nang marinig ang pagsasal ng hininga nito, patunay na hindi na ito makapagpigil ng galit sa kanya, tuloy ay napahikbi na siya.
Ngunit nakapagtatakang bigla siya nitong binitiwan at walang sabi-sabing lumabas ng silid.
Ilang beses muna siyang huminga nang malalim bago tuluyang nagmulat nang mga mata ngunit sa halip na si Zigfred ay ang HR manager ang bumulaga sa kanyang paningin.
Mangiyak-ngiyak niyang hinimas ang nasaktang siko.
"Psycho talaga 'yon. Kanina lang ay ang ganda ng usapan namin. Tapos ngayon, bigla na lang nagalit sa'kin," sumbong niya sa kasama.
"Gaga ka kasi! Alam mo naman kung ano'ng ginawa ng pagmumukhang 'yan sa meeting," nakairap na sermon ng kausap.
Hindi siya tumingin rito ngunit, napakagat-labi upang pigilan ang namumuong luha sa mga mata.
"Hindi mo ba alam na malaki ang epekto ng ginawa mo kay Zigfred? Baka bukas o makalawa, hindi na siya ang CEO ng kompanya. Kasalanan mo 'yon!" paliwanag sa kanya na may halong panunumbat.
Doon lang siya natahimik, itinigil ang paghikbi at nag-angat ng mukha upang titigan ang HR manager, alamin kung nagsasabi ito ng totoo.
Guilty naman kasi siya kung 'yon ang mangyayari kay Zigfred. Pero hindi lang siya makapaniwalang gano'n kalala ang magiging epekto ng nangyari kaninang umaga. Hindi naman niya alam 'yon eh.
"So, ano pala ang gagawin ko?" maang pa niyang usisa.
Lumapit na si Jildon at pinitik ang kanyang noo, nakairap ang mga mata.
"Tanga ka talaga." Pinaikot nito ang mga mata sa pagkadismaya. "Eh 'di syempre, amuin mo ang mga magulang niya para hindi na sila magalit sa kanya," pagbibigay nito ng ideya.
Maang na naman siyang napatitig dito. Paano? Paano niyang aamuin ang mga magulang nito?
Tumalikod si Jildon lumapit sa isa sa mga wardrobe na naroon.
"Ang alam ko, gustong-gusto ng mga magulang ni Zigfred ang asawa niya. Humingi ka kaya ng tulong kay Senyorita Lovan?" saad nito habang hawak ang isang pambabaeng jacket, pinagmasdan iyong mabuti ngunit muli ring ibinalik sa kinalalagyan.
Nagliwanag ang kanyang mukha sa narinig. Mayamaya'y nalungkot din agad. Hindi! Never siyang magpapanggap muli bilang si Lovan Claudio. Madami na siyang kasalanan sa babaeng 'yon. Baka hindi na siya patulugin ng kanyang kunsensya kapag ginawa pa niya ang nasa kanyang utak.
Ngunit nang biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang sinabi ng HR manager, takang napatitig na uli siya rito.
"Alam mong kamukha ko si Lovan Claudio?" bulalas niya, gustong kumpirmahin ang kanyang hula.
Napapihit ito bigla sa kanya, umawang ang bibig ngunit walang lumabas na salita mula roon, pagkuwa'y umiwas ng tingin saka iminuwestra ang isang kamay sa ere.
"Well--to tell you frankly, alam namin ni Zigfred na nagpapanggap ka lang bilang si Lovan Arbante," pag-amin nito, hindi makatingin sa kanya nang deretso.
"No! Ako talaga si Lovan Arbante. Napagkamalan lang niya akong asawa niya," paliwanag niya, kusa nang lumapit sa kausap upang kumbinsihin itong hindi siya nagsisisnungaling.
Alanganin itong ngumiti, pumungay ang mga mata.
"Naniniwala ako sa'yo. Pero hindi 'yon mahalaga ngayon. Kailangan mong pahupain ang galit ng mga magulang ni Zigfred para maniwala silang wala siyang kinalaman sa nangyari. Kahit ano'ng sabihin mong paliwanag, maniniwala sila sa'yo bilang si Lovan Claudio." Huminahon na rin ang boses nito habang nagpapaliwanag.
Kita sa kanyang mga mata ang pagkabahala nang yumuko siya. She nervously held her hands together, pinalagutok ang bawat daliri ng mga iyon at nagsimulang magparoo't parito, mayamaya'y huminto at humarap na muli sa HR manager.
"Sa tingin mo ba, uubra 'yon?" tanong niya, hindi segurado sa gagawin.
Matamis na tumango ang lalaki. "You can do it. Trust yourself," anito bago nagmadaling umalis.
Naiwan siyang naguguluhan. Ngunit sa huli'y napilitan na ring pumayag sa suhestyon ng HR manager.
------------
After half an hour of transformation, Lovan finally decided to come out from the dressing room. She coyly looked around as she rubbed her cold hands together. Inaasahan niyang naghihintay ang HR manager sa kanyang paglabas ngunit wala na ito doon.
Umaalingawngaw na sa buong bahay ang awiting 'Way Back Into Love' nang pumasok siya sa elevator at pababa sa ground floor. Sa loob pa lang niyon, pilit niyang pinakalma ang sarili at pinag-isipan ang sasabihin sa mga magulang ni Zigfred.
Ngunit nang paglabas sa elevator at pagkakita sa maraming tao sa halos lahat ng parte ng bahay ay gusto na niyang mag-back out at papasok na sana uli sa elevator nang marinig ang malakas na tawag sa kanyang pangalan.
"Lovan!"