Chereads / The Stolen Identity / Chapter 41 - Ang Birthday Party

Chapter 41 - Ang Birthday Party

Compared to Aeon's simple and yet gorgeous outfit, the other woman's black deep plunge bodycon dress revealed her seductive cleavage that no man could resist from staring at.

Lovan unconsciously opened her mouth in wonder as the woman elegantly walked towards them. Being also a woman who used to disguise as an ugly one, she couldn't help but praise the latter's beauty. Para niyang nakikita ang young version ni Jennifer Garner sa katauhan ng babae. While at the conference room, the woman was wearing a sophisticated offce suit that no one would dare to trample on, now she was wearing that hot, fitted and above the knee dress as if she deliberately wanted everyone's attention.

Pero ang higit na nakaagaw ng kanyang pansin bilang babae ay ang heart-shaped nitong mga labi na binagayan ng red glossy liptick. Pakiwari niya, lagi iyong nag-aanyaya ng isang maalab na halik.

"Hi Zigfred!" tawag ng babae kay Zigfred in a seductive way sabay kaway sa lalaki.

Namula agad ang magkabila niyang pisngi sa narinig sabay lingon na uli sa lalaking dahan-dahan kumawala kay Aeon saka nagkamot ng batok nang makita ang papalapit na babae.

Tumaas bigla ang kanyang mga kilay, nawala ang anumang paghanga sa dumating at lumapit kay Zigfred na dumistansya nang bahagya kay Aeon at ipinamulsa ang dalawang kamay sa suot na pantalong maong.

Nakaramdam siya ng matinding inis. Kung pwede lang niyang takpan ang mga mata ng lalaki, o 'di kaya'y itago ito sa kanyang likuran upang huwag makita ng mapang-akit na babaeng iyon, ginawa na niya seguro kung hindi nanaig ang wala siyang pakialam.

'Landiin niya ang lahat ng mga babae sa mundo, wala akong paki!' nakairap niyang hiyaw sa sarili sabay halukipkip at kunwa'y naglakad papunta sa nakitang pool sa kanang bahagi ng bahay kung saan madaming taong naroon at kanya-kanya ng talon sa tubig.

"Oh, I almost didn't see you, my dear sister," tila nananadyang pang-iinis ng babae kay Aeon sa malambing na boses.

Napahinto siya sa paglalakad sabay gulat na lingon sa tatlo.

Wew! Magkapatid pala ang dalawa? No wonder, nag-uumapaw sa kagandahan ang mga ito. Subalit bakit sa tingin niya'y may alitan sa pagitan ng dalawa lalo na nang kumapit si Aeon sa braso ni Zigfred.

"I'm waiting for Lenmark. He'll come soon," malamig na sagot ni Aeon, sa gate ng bahay nakatingin ngunit mahigpit na nakakapit sa braso ng lalaki.

Napasimangot siya sa nakita. Kung makapulupot ang dalaga'y parang linta, nakakapagpakulo ng dugo.

'Ang walanghiya, tuwang-tuwa naman!' gigil niyang sigaw sa isip nang hindi man lang tuminag sa kinatatayuan si Zigfred, tila pa nga nananadyang tipid na ngumiti nang mapadako ang tingin sa kanya, para bang sinasabi sa kanyang madami ang babaeng naghahabol dito.

'Manyak!' Inirapan niya ito't nagmartsang lumayo sa tatlo papunta sana sa kinaroroonn ng pool nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Lovan!"

Gulat siyang napabaling sa may gate at agad na kumawala ang isang hagikhik nang makita si Lenmark na halos tumakbo makalapit lang agad sa kanya.

"Hi! Nandito ka rin?" salubong niya sa kaibigan.

Bago ito sumagot ay inakbayan agad siya.

"Yes! I should be here. It's my Tita's birthday, actually," nakangiting sagot sa kanya.

"Your Tita's birthday?" takang pag-uulit niya sa sinabi nito.

"Ahm, oo. Hindi ba sinabi sa'yo ni Zigfred?" Ito naman ang nangunot ang noo.

Umiling siya, nakakunut-noo pa rin, saka sinulyapan si Zigfred na sa kanila pala nakatanaw at--huh? Bakit salubong ang mga kilay nito? Hindi ba't kanina lang ay halos lumundag ito sa tuwa dahil napapalibutan ito ng dalawang naggandahang babae?

"Wala siyang sinasabi. Nagulat nga ako, akala ko, uuwi na kami pero dito niya ako dinala," maang niyang sagot, ibinalik ang tingin sa kaibigan pagkuwa'y ngumiti.

"Uuwi kayo?" litong usisa nito.

Namutla siya. Ba't niya nasabi 'yon?! Ang tanga niya naman. Walang alam si Lenmark na magkasama sila ni Zigfred sa iisang bahay!

Natawa siya, pilit nga lang. "O-oo. Uuwi kami. Nagpresenta siyang ihatid ako sa boarding house. Akala ko kasi uulan kanina kaya pumayag na ako," todo paliwanag niya ngunit kapansin-pansin ang namuong butil ng pawis sa kanyanh noo.

Lalong nangunot ang noo ng binata, kumawala sa pagkakaakbay sa kanya, pagkuwa'y sumulyap kay Zigfred, tapos sa kanya uli.

"He really did that?" Mas lamang ang pagtataka nito, para bang ayaw maniwala sa sinabi niya, o nagulat lamang sa narinig mula sa kanya.

Kinabahan tuloy siya.

"Why?" litong tanong niya, mayamaya'y iniiwas ang tingin sa binata nang mapansin niyang nang-aarok ang mga titig nito.

"No, nothing. I just wonder what made him do that. Knowing him, he's not a gentleman type," malamig ang boses na saad nito.

Tumaas bigla ang kanyang kilay.

'Not a gentleman type eh halos idikit na nga niya ang katawan sa dalawang magkapatid! Hindi lang siya gentleman type! Manyakis pa!' gusto niyang isigaw sa kaharap sa inis niya ngunit nagpigil siya't iniiwas na lang ang tingin.

'Ano ba'ng definition mo sa gentleman, malibog? My dear, nagseselos ka lang,' tudyo ng kanyang isip.

Lalong humaba ang kanyang nguso sa inis.

"Come, I'll introduce you to my Tita," yakag ng kaibigan, biglang sumigla ang boses, saka siya hinawakan sa kamay subalit hindi pa man siya nito nahihila ay may bigla nang humawak sa isa pa niyang kamay at mabilis siyang hinatak palapit dito.

"Don't bother. I can do it myself."

Nagulat pa siya sa kasinlamig ng yelong boses na iyon. Lalo siyang nagulat nang masilayan sa malapitan ang mukha ng nagsalita, isang dangkal lang ang layo sa mukha niya.

Huh? Ambilis naman ng manyakis na 'tong nakalapit sa kanila, samantalang sampung metro yata ang layo nila sa isa't isa kanina, ngayon ay magkadikit na ang kanilang mga braso. Ramdam pa nga niya ang mainit nitong balat, tila kumukuryente sa kanya.

Bago pa siya makapag-react, hila na siya nito papasok ng bahay. Wala siyang nagawa kundi magpatianod na lang ngunit nakairap pa rin sa lalaki.

"Do I have to remind you everytime not to flirt with anyone specially with Lenmark?" Mahina lang ang boses nito ngunit naroon ang diin sa bawat salita, tila nagbabanta sa kanya.

Gigil niya itong hinampas sa balikat at sasagutin na sana kung hindi niya nakita ang madaming taong pumuno yata sa maluwang na bulwagan ng mansyong 'yon.

Ang kamay na inihampas sa kasama'y naihawak rin niya sa braso nito.

"Kaninong bahay 'to?" Bakit wala ka man lang sinasabing dito mo pala ako dadalhin?" usisa niya rito.

Mabuti na lang, walang nakapansin sa kanila sa dami ng mga taong naroon kaya malaya silang nakatawid sa bulwagan papunta sa malapit na pasilyo hanggang huminto sila sa isang elevator.

'Iba talaga ang mga mayayaman,' sa isip niya. Meron kahit elevator.

"Dude! Ngayon lang kayo?" salubong bigla ng HR manager sa kanila galing sa dulo ng pasilyo.

"Sir, andito ka?" bulalas niya sa pagkagulat ngunit hindi ito nagsalita't inagaw bigla ang kamay niya kay Zigfred saka ipinasok siya sa bumukas na pinto ng elevator. Naiwan si Zigfred na nakatitig sa kanya, mariin, nang-aarok, nagtatanong. Bakit?

"Saan tayo pupunta, Sir?" maang niyang tanong, humulagpos mula sa pagkakahawak nito.

"Gaga! Nagtanong ka pa!" singhal sa kanya.

Natahimik siya bigla, natakot sa boses nito.

"Tignan mo nga 'yang itsura mo. Nagpapagandahan ang lahat ng mga bisitang babae sa kanilang suot, samantalang ikaw, dadalo sa birthday ng naka-casual lang? Nakakahiya ka!' sermon nito, halos magtalsikan ang laway sa inis sa kanya.

Natameme siya, ngunit humaba ang nguso at tila nagtatampong sumulyap dito.

"Malay ko bang dito pala ako dadalhin ni Sir," mayamaya'y nakaingos niyang saad.

Pagkalabas nila ng elevator ay nakabukas agad na pinto ng kwarto ang bumungad sa kanila. Nagpatiunang lumabas ang HR manager papasok sa naturang silid. Tahimik lang siyang sumunod ngunit nang tuluyang makapasok sa loob ng silid ay nagulat siya sa lawak ng wardrobe room na iyon, buong kwarto'y puro damit ang makikita, iba't ibang klase ng pambabaeng damit, sapatos at sandals.

"Wow! Ang ganda naman dito!' bulalas niya sa pagkamangha, tumakbo na sa kinaroroonan ng mga bodycon dress na gustong-gusto niyang isuot kapag tumatakas noon mula kay Francis, iyon kasi ang magaang dalhin at mabilis isuot. Pero ngayon, magsawa siya sa iba't ibang klase ng damit, ang gaganda pa ng mga kulay. Pati mga sapatos, iba't ibang klase rin.

Napahagikhik siya sa sobrang tuwa.

"O, ayan. Pili ka na ng gusto mo," nakahalukipkip na wika ng manager.

Dinampot niya sa rack ang isang red lace halterneck dress at isinukat sa katawan kung hanggang saan ang haba, above the knee iyon. Simple lang pero masyadong manipis, kita ang kanyang panloob. Ibinalik niya iyon sa kinalalagyan.

Muli niyang hinugot ang isang dotted black long sleeve velvet dress, hanggang tuhod niya ang haba. Turtleneck iyon, kaya't walang makikita sa kanyang dibdib. Mas pormal iyong isuot.

Hmm, pwede na, babagayan na lang niya ng boots, mas maganda 'yon ipares sa gano'ng damit.

"Kapag nakapili ka na, buksan mo ang dressing room sa kanan at doon ka mag-ayos ng mukha," utos ng manager at nagmadaling lumabas ng silid. Isang tango lang ang kanyang isinagot, hindi na inalam kung kanino ang wardrobe na 'yon, nagmadali na ring pumasok sa dressing room at inayos ng mukha.

Tiyak na magugustuhan ng HR manager ang kanyang outfit ngayon.