Chereads / The Stolen Identity / Chapter 40 - Pieces Of Memories

Chapter 40 - Pieces Of Memories

Ayaw sana niyang humawak sa kahit saang parte ng katawan ni Zigfred subalit nang bigla itong bumuwelo at paharurotin ang motorsiklo'y awtomatikong tila pugitang pumupulot sa tyan nito ang kanyang mga kamay.

"Dahan-dahan lang. Baka madisgrasya tayo!" malakas niyang turan, nakadikit na ang mukha sa balikat nito.

Hindi ito sumagot ngunit nagpasalamat na rin siya't medyo bumagal ang patakbo nito sa motor.

Ayaw man niyang pansinin, tila tuksong nanonoot sa kanyang ilong ang gamit nitong pabango dahilan upang mapasinghap siya ngunit hindi naiwasang ilapit ang bibig sa suot nitong damit. Ang bango ng lalaking ito, sarap pugpugin ng halik lalo sa leeg. Napangiti siya pero pinagkasya ang sarili sa paghalik sa likod nito, kunwari ay nakadikit lang ang kanyang mukha roon. Ngayon lang naman niya gagawin 'yon. Wala nang kasunod at hindi naman din niya alam kung kelan mauuntog ang hinayupak na 'to sa pader at kelan magiging mabait na uli sa kanya.

Subalit hindi niya kayang ignorahin ang nakakakiliting pakiramdan na biglang nagising sa kailaliman ng kanyang dibdib, pakiwari niya, magatal na niyang gustong gawin iyon sa lalaki--ang yakapin ito, ang isandig ang ulo sa likod nito, ang paulit-ulit na halikan ang leeg nito at sabihing; 'Ziggy, when we grow up, can I still hug you like this?'

Then, he would smile. 'Of course! You'll be my wife in the future, right?'

Muntik na siyang mawala sa huwisyo't biglang napalayo ang mukha sa likuran nito. Ano 'yon? Bakit parang totoo ang narinig niyang usapan nila?

Sinaway niya ang sarili. Hindi niya dapat bigyan ng malisya ang sitwasyon nila ngayon. Dapat niyang itanim sa isip na hindi siya ang totoo nitong asawa. Substitute lang siya. Hindi siya maaaring magkagusto sa lalaki.

--------

"Akala ko ba uuwi na tayo?" untag niya nang pagkatapos ng halos kalahating oras na biyahe ay huminto ang motorsiklo ni Zigfred sa tapat ng isang mala-higanteng gate. Nang bumusina ang motor ay saka lang bumukas ang gate, iniluwa roon ang naka-unifrom na guard, kargado ng baril at mga bala ang beywang nito, maliban sa mahabang shotgun na bitbit.

"Good afternoon po, sir!' bati agad ng guard at nagmadaling niluwagan ang bukas ng gate.

Doon lang tumambad sa kanya ang mala-mansyon sa laki at luwang ng bahay, french renaissance style, sa taas ng malaking main door ay nagyayabang ang isang maluwang na balcony.

Umawang ang kanyang bibig sa paghanga. Nakakita na siya ng naggagandahang bahay sa Bacoor ngunit naiiba pa rin ang ganda ng nasa kanyang harapan. Para siyang bida ng beauty and the beast at iyon ang bahay ng beast. Kaso nga lang ay siya ang beast, si Zigfred naman ang beauty.

Sa layo ng narating ng kanyang isip, muntik na siyang mapasubsob sa likod ng lalaki nang bigla na uli nitong paharurotin ang motor sa loob ng mansyon. Ceramic outdoor tiles pa naman ang kanilang dinaraanan hanggang sa makarating sa garage sa kaliwang bahagi ng harapan ng bahay.

Tila sinadya nitong kumambyo kaya't tuluyan na siyang napangudngod sa likod nito sabay kapit nang mahipit sa beywang ng lalaki sa takot na mahulog.

'Hey, Ziggy! Nananadya ka na!'

Biglang kumabog ang kanyang dibdib kasabay ng tila pag-ikot ng kanyang paningin nang umalingawngaw ang boses ng isang dalagita sa kanyang pandinig. Lalo siyang napakapit nang mahigpit sa lalaki.

Ngunit nagulat pa siya nang bigla itong humalakhak sa binatilyong tinig, iyong kasisimula pa lang maging baritono ang boses.

'I like the way you hug me when you're afraid.'

"Ahh!" napasigaw siya bigla sa sakit ng kanyang ulo, para iyong binibiak sa sakit.

"Hey, what's wrong?" takang usisa ni Zigfred, gustong bumaba sa motor ngunit hindi magawang kumawala mula sa pagkakayakap niya.

'Ziggy! Make sure to marry me when we grow up. Promise, ikaw lang ang yayakapin ko nang ganito.' Muling umalingawngaw ang boses na 'yon sa kanyang pandinig na lalong nagpatindi ng sakit na nararamdaman kaya't naihawak niya ang isang kamay sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo. Sinamantala naman iyon ni Zigfred at bumaba ng motor, saka siya hinawakan sa magkabilang balikat.

"What's wrong, Lovan?" nag-aalalang tanong nito.

Ngunit sa halip na sumagot, napakapit siya sa dibdib nito.

"Ang sakit!" angal niya at wala sa sariling nag-angat ng mukha subalit nagulat siya sa nakita.

Isang binatilyo ang tumambad sa kanyang harapan, nakangiti, tinutukso siya at paulit-ulit na kumakambyo sa gamit nilang motor habang nag-i stroll sa baybayin ng dagat.

'Ziggy, stop it!' sigaw niya ngunit tawa nang tawa.

'Zigfred!' tawag ng nasa kanilang likuran.

'Lenmark! Help me!' sigaw niya sa binatilyong tumatakbong palapit sa kanya.

"Damnnn! Did I scare you that much?" baritonong boses ni Zigfred ang tila nanggising sa kanya mula sa panaginip na iyon.

Nanlalaki ang mga matang itinulak niya ang lalaki, mabuti na lang, malakas ito't nanatiling nakahawak sa kanya. Kung hindi, nalaglag sana siya mula sa pagkakaupo sa motor.

Nang mapansing hindi pa rin siya bumabalik sa katinua'y buong lakas na siyang binuhat at parang batang binitbit hanggang sa tumapat sila sa pinto ng bahay, saka lang siya nito itinayo.

Lutang pa rin siya nang mga sandaling iyon ngunit himalang nawala na ang pananakit ng kanyang ulo. Wala na rin ang eksenang iyong biglang lumitaw sa kanyang balintataw.

"Hey, talk to me. Do I have to bring you to the hospital?" aburido nang usisa sa kanya, ngunit pansin pa rin ang pag-aalala sa tono ng pananalita nito.

Tinitigan niya ito nang mariin. Imposibleng ito ang binatilyong nakita niya! Pero bakit tinawag itong Zigfred ng isa ring binatilyo? At bakit Lenmark ang narinig niyang pangalan ng huli?

Imposibleng si Lenmark ang isang binatilyong 'yon. Nagkakilala lang sila ni Lenmark noong maging magkapitbahay sila sa Bacoor.

"N-nagkita na ba tayo noon? Pati si Lenmark, magkakasama tayo?" wala sa sarili niyang tanong habang mariing nakatitig sa kaharap.

"Of course! We even had a picture at the seashore," kumpirma ng lalaki, sa mukha ay puno ng pagtataka kung ano'ng nangyayari sa kanya.

Lalo siyang napanganga. Imposible 'yon! Ngayon lang niya nakilala si Zigfred. Ten years ago lang din niya nakilala si Lenmark.

Nanghihina siyang napailing. Kinakarma na yata siya dahil hindi niya hinahanap ang totoong si Lovan Claudio at inililihim niya sa pamilya nito ang lahat. Paano kung namatay na pala ang babae, tapos sumanib sa kanya ang kaluluwa nito kaya niya ito nakita at si Lenmark?

"Zigfred!" naagaw ng tawag na iyon ang kanilang atensyon.

It was Aeon in a dazzling spaghetti strap cocktail dress. Even Lovan couldn't resist from gazing at the latter while walking like a fashion model on a TV show. Every curve of her body were being emphasized on that heart-shaped collar dress specially the alluring collarbone which Lovan would surely agree that it was the latter's hottest asset.

Napako ang tingin niya sa maputi nitong mga tuhod na hindi natakapan ng above the knee nitong damit at binagayan ng cream pointed heels na sapin sa paa.

Ngayon lang siya nakaramdam ng panliliit sa sarili lalo na nang makita si Zigfred na walang kurap na nakatitig sa dalaga.

"Aeon! Wow! Yu look stunningly georgeous!" bulalas pa ng lalaki, kita sa mga mata ang paghanga sa dalaga.

Napakagat-labi siya lalo na nang makita ang dalawang nagyakapan. Ngayon lang siya nakaramdam ng insecurity habang palihim na sinipat ang sarili.

Kutis pa lang niya, talbog na sa kutis porselana nitong balat, huwag nang idagdag ang maliit ngunit makinis nitong mukha.

Nakaramdam siya ng inis nang mapansing nakaakbay si Zigfred sa beywang ng babae habang masayang nakikipag-usap dito. Kung pwede lang niyang hilain ito palayo sa huli ay ginawa na niya.

Tumalikod siya kunwari upang ilayo ang paningin sa mga ito ngunit ibang babae naman ang nakita niyang papalapit sa kanila, ang nang-insulto sa kanya doon mismo sa conference room!

Huwag sabihing pati ito'y isa rin sa mga kabit ni Zigfred?

Matalim ang tinging nilingon niya ang lalaking hindi pa rin inaalis ang kamay sa beywang ni Aeon.

'Gggrrrr! Hinayupak na 'to. Ako ang asawa pero sa iba nakapulupot!' Hindi niya mapigilang magmaktol.