Chereads / The Stolen Identity / Chapter 31 - Balatkayo

Chapter 31 - Balatkayo

"Really?!" Miss Chua exclaimed and stared at her in a confused manner.

"Oh, don't get confused with her looks. They're fake. Her hair is a wig and she put fake mole and pimples on her face to look ugly," maagap na paliwanag ni Zigfred sa kliyente.

Doon lang nawala ang pangungunot ng noo ng huli saka tinitigang mabuti ang kanyang mukha upang alamin kung totoo nga ang sinasabi ng nakaakbay sa kanya.

Pero nanatili siyang natitigilan at hindi makahuma sa narinig. Hindi pa rin siya makapaniwalang bigla siyang ipinakilala ni Zigfred bilang asawa nito. Why? Dahil ba sa pinuri siya ng kliyente nito?

Subalit ang higit na gumugulo sa kanyang utak ay ang nanonoot nitong pabango sa kanyang ilong at ang marahan nitong pagpisil sa kanyang balikat. Kasama ba 'yon sa pagpapakitang-tao ng lalaki?

'Malamang. Ano pa ba'ng valid explanation do'n? O para mawala ang doubt ni Miss Chua na playboy ang mayabang na 'to.' Siya na rin ang sumagot sa sariling tanong.

But at the back of her mind, "Maybe he's already falling for you,' shouted her hypothalamus.

Biglang kumabog ang kanyang dibdib sa naisip, agad na inihilig ang ulo upang iwaksi ang bagay na 'yon. But coincidentally, she tilted her head on his shoulder and gave the client's impression that they were a sweet couple.

"Hmmm. I never thought that you can be this sweet to your wife, Mr. Arunzado," komento ng bisita, may kahalong panunudyo sa tono ng pananalita nito saka pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Marahang tumawa si Zigfred, lalo pang hinigpitan ang pisil sa kanyang balikat.

Siya nama'y kunot-noong napatingin sa lalaki at noon lang napansing nakahilig pala ang kanyang ulo sa balikat nito. Bigla siyang nag-blush, ilalayo sana ang katawan mula rito subalit lalo siyang natigilan nang abutin nito ang kanyang mga labi't bigyan siya ng smack kiss. Kahit nang ilayo ang mga labi nito'y nanatili pa ring nakatitig sa kanya in an alluring gaze.

"Zigfred..." Kusang lumabas sa kanyang bibig. When he smiled, gosh, it was like he really was into her!

Tumikhim si Miss Chua dahilan upang matuon rito ang kanyang atensyon subalit nang makita ang nanunudyo pa rin nitong tingin sa kanila ng lalaki'y nahihiya siyang napayuko ngunit ang huli'y hindi pa rin inaalis ang makahulugang ngiti lalo na ang marahang pagpisil sa kanyang balikat.

"I think, I have to hurry signing the contract. Nakakainggit kasi ang sweetness niyo," pabirong saad ng kliyente na lalong ikinatuwa ni Zigfred, pagkuwa'y muling inilapit ang mukha sa kanyang ulo.

"Get the contract on your table," bulong sa kanyang tenga dahilan upang manindig bigla ang kanyang mga balahibo sa kakaibang sensasyong dulot niyon ngunit bago pa siya madala sa kung saan sa tila tuksong ginagawa ng lalaki'y agad na siyang kumawala sa yakap nito't nagmadaling hinanap ang kontrata sa kanyang mesa.

Nakaupo na si Miss Chua sa swivel chair ni Zigfred pagbalik niya. Ang lalaki nama'y sa bakanteng upuan sa harap ng mesa pa-de-kwatrong naupo.

Ibinigay niya sa lalaki ang hawak na mga papel. Isang minuto lang ang lumipas ay tapos na agad magpirmahan ang dalawa, pagkuwa'y tumayo si Miss Chua.

"I have to go now. Good luck to both of us, Mr. Arunzado," anang kliyente saka nakipagkamay sa lalaking lalong lumapad ang ngiti, halatang tuwang-tuwa sa naging resulta ng kakaibang meeting na 'yon.

"Let me accompany you to the parking lot, Miss Chua," boluntaryo nito, hindi na hinintay ang sagot ng kliyente at nagpatiuna nang naglakad sa may pinto.

Ang babae nama'y sandali munang lumapit sa kanya.

"Mrs. Arunzado, how are you being the CEO's mischievous wife?" curious sa kanya.

Muntik na siyang maubo sa narinig at agad iniiwas ang tingin rito pero hindi naitago ang pamumula ng magkabilang pisngi.

Pakiramdam niya, biglang may bumara sa kanyang lalamunan at nahirapan siyang magsalita. Why was she called a mischievous wife in the first place? Was she?

"F-fine, just fine." She stammered but chuckled to hide the tensed feeling within her.

"Anyway, nice meeting you." Nakangiti itong nakipagkamay sa kanya.

"But I'm really surprised knowing that you hid your beauty just to tail your husband's activity in his company," makahulugan nitong saad bago sumunod kay Zigfred palabas ng opisina.

Naiwan siyang tigagal. Ano'ng ibig nitong sabihin? 'Yon din ba ang iniisip ni Zigfred kaya galit na galit ang lalaki sa kanya?

Mayamaya'y ipinagkibit-balikat na lang niya iyon at bumalik sa trabaho. Subalit, agad siyang nakaramdam ng lungkot nang hindi man lang magpaalam ang lalaki sa kanya, ni hindi siya tinapunan ng tingin bago umalis.

Muli niyang ipinilig ang ulo. Hindi siya dapat nagpapaapekto sa mapanlinlang na kilos ni Zigfred. Alam niyang plano na nito iyon kaya sinadyang ilagay sa kanyang mesa ang kontrata kasama ng iba pa.

Ipinagpatuloy niya ang ginagawa habang naghihintay sa pagbalik nito.

Ngunit nang lumipas na lang ang ilang oras at hindi pa rin bumabalik si Zigfred sa opisina'y napagdesisyunan na niyang tapusin ang ginagawa at maagang umuwi.

Tumayo siya't dinampot sa ibabaw ng mesa ang itim na shoulder bag saka isinukbit sa balikat upang makaalis na ngunit saktong kabubukas lang niya ng pinto ng opisina'y biglang tumunog ang phone sa loob ng bag. Sandaling nangunot ang kanyang noo pero nang maalala ang bigay ni Lenmark at baka ito ang tumatawag ay yumuko siya't hinanap sa bag ang tumutunog kaya hindi niya napansin ang nakayuko ding naglalakad na si Zigfred habang inilalabas din sa bulsa ng slacks pants ang tumutunog din nitong phone.

'Lenmark is calling,' ang nakalagay sa screen ng phone.

Ini-tap niya ang 'Answer' saka idinikit ang phone sa tenga kasabay ng pag-angat ng kanyang mukha subalit ano'ng gulat niya nang mukha ni Zigfred ang biglang masilayan ng mga mata dalawang dangkal lang ang layo mula sa kanya.

Her eyes widened and jaw parted in shock. She felt her heart flutter as both cheeks turned pale with fear as if she had seen a daywalking vampire.

Then, in a blink of an eye, she saw him confused while staring at her round eyes. Suddenly, he lowered his gaze down to her parted red lips and uncontrollably gulped twice.

"Hello, Lovan?"

"Hello, Zigfred!"

Bigla siyang natauhan sa boses na iyon sa kabilang linya, lalo nang marinig ang boses ng tumatawag sa kaharap. Agad siyang umatras palayo rito ngunit ito'y tila naging tuod sa kinatatayuan pero biglang nawala ang pagkalito sa mga mata na kanina lang ay naghuhimiyaw sa mga iyon.

Sumeryoso din ang mukha nito.

"Narito ako sa parking lot. Ihahatid kita pauwi," pukaw ni Lenmark sa kabilang linya.

Hindi siya agad nakasagot, paano'y ayaw pa ring kumalma ng kanyang dibdib kahit isang metro na ang layo niya kay Zigfred.

"She's here. Okay, I'll give her the phone." Narinig niyang tugon ng kaharap sa kausap nito saka walang anumang tinawid ang pagitan nilang dalawa hanggang sa isang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.

Hindi siya nakaatras, ni hindi siya nakakilos lalo nang hablutin nito ang hawak niyang phone at ibigay sa kanya ang hawak nito.

"Mommy mo." Ang tangi lang sambit saka idinikit sa tenga ang inagaw sa kanya.

"She's busy right now," he muttered in a deadpan voice, pagkuwa'y pinatay ang tawag.

Wala siyang nagawa kundi sagutin ang nasa kabilang linya ngunit ang mga mata'y nakatitig sa phone na hawak ni Zigfred.

"Lovan, anak. Ba't ba ayaw mong magpakita sa'min? Gusto ko nang umuwi ng Sorsogon pero ayaw sumama nitong papa mo!" Malambing man ang boses ng nasa kabilang linya'y 'di pa rin maitago ang pagkaaburido sa tono ng pananalita nito.

Hindi siya agad nakahuma. Hindi niya kasi inaasahang ina pala ng totoong Lovan Claudio ang kausap ni Zigfred.

Nang hindi marinig ang sagot niya'y itinapon nito sa trash bin sa gilid ng pinto ang phone ni Lenmark saka inagaw na uli sa kanya ang phone nito.

"She'll come with me," turan nito sa kabilang linya bago pinatay ang tawag at isiniksik pabalik sa bulsa ng slacks nito ang phone.

"Ba't mo itinapon?" reklamo niya't akmang kukunin sa trash bin ang bigay na phone ni Leark ngunit agad siya nitong hinawakan sa siko saka pabalang na isinara ang pinto't hinila siya papunta sa elevator dahilan upang mapatingin sa kanila ang mga nasa HR department.

"Mr. Arunzado, nasasaktan ako!" angal niya nang maramdaman ang higpit ng hawak nito sa kanyang siko pero nakatiim lang ang bibig nito't hindi nagsasalita hanggang sa makapasok na sila sa elevator, saka lang din siya pabalibag na binitiwan.

"Ano ba'ng problema mo?" salubong ang kilay na singhal niya rito't hinimas ang namumulang siko.

"Do I have to tell you every minute not to flirt with someone else in front of me?" ganti nitong hiyaw, nagtatagis ang bagang sa galit.

Dismayado siyang napatingin rito, deretso sa namumula nitong mga mata sa galit.

"My gosh! I'm not flirting, okay! Lenmark is my bestfriend," pagtatanggol niya sa sarili ngunit pigil ang pagtaas ng boses, baka biglang bumukas ang elevator at may makakita sa kanilang nagtatalo, mapahiya pa silang dalawa.

"You have no right to tell me what to do. You don't even have the right to shout at me," she mumbled, kagat-labing hinimas ang namumula pa ring siko at pailalim na sinulyapan ang lalaking nakapameywang na ngunit sa halip na magsalita'y inilamukos na lang sa mukha ang isang kamay. Kung narinig man nito ang kaniyang ibinulong ay wala na siyang pakialam.

Pairap siyang tumalikod sa lalaking nakaharap sa pinto ng elevator. Ano ba'ng karapatan nitong magalit lagi sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama. Kahit hindi siya tinuturuan sa trabaho'y nagsasariling sikap siya para matuto.

At nang bumukas ang pinto'y muli siya nitong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa sasakyan nito.

When she saw the same car from yesterday, she panicked and fear suddenly shattered over her face as she began to tremble.

"No! Please!" Napakapit siya sa braso ni Zigfred habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kotse nito.

"Sinabi ko na sa'yo, hindi ako pwedeng sumakay d'yan." Nasa nanginginig niyang boses ang takot.

"Stop it Lovan, okay!" tumaas na naman ang boses nito.

"I'm already fed up with your dramas and hypocrisy!" matigas nitong sambit, ramdam sa nakakuyom na kamaong nagpipigil lang ito ng galit.

Salubong ang kilay na awtomatiko siyang napatitig dito.

"You mean, I'm just acting?" hindi makapaniwalang kumpirma niya sa ibig nitong sabihin.

Subalit sa halip na sumagot ay binuksan nito ang pinto ng sasakyan sa tabi ng driver's seat saka siya marahang itinulak papasok at agad na ibinalibag pasara ang pinto.