Chereads / The Stolen Identity / Chapter 37 - Selos

Chapter 37 - Selos

Pulang-pula ang nanlilisik na mga mata ng ama ni Zigfred sa galit habang nagtatagis ang bagang na sumugod uli sa huli't kinuwelyuhan ito.

"Listen to me, you asshole!" matigas nitong sambit. "If this is your way of telling me that we're at fault when we forced you to marry Lovan, then you must be ready to be kicked out from my own company!" pagbabanta ng ginoo sa anak na kanina pa hindi makatinag o ayaw lang na patulan ang galit ng ama't nanatiling walang walang imik habang nakikipatitigan sa una.

Si Lovan nama'y hindi inaalis ang braso sa lalaki sa takot na masuntok na naman ito ng ama.

"Sir, kasalanan ko po ang lahat. Hindi po alam ni Zigfred na pupunta ako rito. Maniwala kayo," garalgal ang boses na pagtatanggol niya sa asawa.

Nanlilisik pa rin ang nga matang napatingin ang ginoo sa kanya, nagtaka sa paraan ng pagtawag niya sa anak nito.

Napasulyap siya kay Zigfred nang may maisip na ipagtapat. Baka kapag malaman ng ama nitong siya ang manugang na si Lovan ay huminahon ang ginoo.

"She's right, David. Walang kasalanan si Zigfred. There might be someone who wanted to frame him. Let's investigate this first," sabad ng inang pinipigalan din ang asawa habang hawak ang isang braso ng huli.

"Tito, I swear. Lovan is innocent. She's just a naive lady who wanted to help her boss. Wala siyang kasalanan." Pati si Lenmark ay lumapit na rin sa kanila't hinawakan siya sa kamay habang siya'y nakahawak sa braso ni Zigfred.

Pagalit na binitiwan ng ama si Zigfred na kanina pa hindi makaimik, ngunit nang makita ang ginawa ni Lenmark sa kanya'y biglang tumiim ang bagang.

Ang ginoo nama'y hindi inaalis ang mapanuring titig sa kanya, tila ba inaalam kung sino siya.

Bahagya siyang hinila ng kaibigan palapit dito saka inakbayan.

"She's my bestfriend, Tito. Trust me, she didn't know anything about what happened," pagtatanggol sa kanya.

Doon lang huminahon ang ginoo sabay pakawala ng isang buntunghininga.

"Help your cousin to investigate this matter, Lenmark. I have to know who's behind this damn incident!" matigas na utos sa binata saka nagmadaling umalis at lumabas ng silid na iyon kasama ang asawang tinapunan muna ng tingin si Zigfred.

Natigilan siya sa narinig, maang na napabaling sa kaibigan, pagkuwa'y kay Zigfred. Magpinsan ang dalawa? Bakit wala man lang sinasabi si Lenmark tungkol doon?

"What a romantic scene, though." Biglang sabad ng babaeng kanina pa nakatayo sa di-kalayuan at nakikinig lang sa usapan ng lahat.

Sa maganda nitong mukha'y makikita ang isang sopistikadang awra na hindi mawala-wala ang composure kahit nang lumapit sa kanila at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo, huwag nang isali ang HR manager na namumutla pa ring nakatayo sa kanilang likuran ni Zigfred.

"Who's this beautiful lady here that our very timid Lenmark has to step forward just to defend her?" Puno ng pang-uuyam na sambit nito habang sinisipat siya mula ulo hanggang paa at nang magtama ang kanilang paningin ay patuyang ngumiti sa kanya.

"Is this your so-called bestfriend, Lenmark? How come that she became the CEO's bitch?" walang gatol nitong wika, hindi pa rin inaalis ang makamandag na ngiti sa mga labi, kahit ang salita ay makamandag din.

Nagpantig bigla ang kanyang tenga sa narinig, taas ang kilay na tumalim ang tingin sa babae. Sino ba ito't gano'n kung makapagsalita? Sa sinabi nito'y lantaran nang-iinusulto sa kanya.

"Watch your word, Lavina! She's as pure as water. Don't you ever dare compare her to you." Tumigas ang tono ng salita ni Lenmark kasabay ng pagpisil nito sa kanyang balikat.

Nalito siyang sumulyap rito. Nagtama ang kanilang paningin. Why did Lenmark suddenly become aggresive? Sabagay, ganito naman talaga ito kahit noong nasa college pa sila. Pero with this lady in front of her? Para bang may mas malalim pang kahulugan ang sinabi nito, kesa sa ipinagtatanggol siya.

Subalit naagaw ng kanyang atensyon ang paghablot ni Zigfred sa kanyang kamay at paghila sa kanya palabas sa kwartong iyon.

Hindi siya nakapalag. Ni hindi siya nakapagsalita at nakapagpaalam sa kaibigan. Hinayaan lang niyang hawakan nito nang mahigpit ang kanyang kamay at magpatianod sa gusto nitong mangyari nang hindi umaangal na lalong ikinagulat ng babaeng nang-insulto sa kanya.

Wala ding salitang sumunod sa kanila ang HR manager.

-------

"Zigfred, maniwala ka. Hindi talaga 'yon ang laman ng folder na hawak ko kanina," muli niyang paliwanag sa lalaki pagkapasok lang nila sa loob ng opisina nito.

Pabalibag nitong binitiwan ang kanyang kamay at nagtatagis ang bagang na nilamukos ang mukha habang ang isang kamay ay nakapameywang.

He shot her a poisonous look. She felt she was just an ant that can be trampled on at any time.

Napaatras siya sabay yuko. Hindi niya kayang gantihan ang nang-aakusa nitong mga titig. Alam niyang walang ano mang salitang pwedeng makapagpalubag ng loob nito sa tinamong kahihiyan dahil sa kanya. Pero biktima lang siya sa nangyari. Wala siyang kasalanan.

He heard his footsteps towards her. Biglang kumabog ang kanyang dibdib sa matindi pang kaba. Baka kung ano'ng gawin ng lalaki sa galit sa kanya. Or worst--baka masampal na siya, o 'di kaya'y kaladkarin na naman palabas.

Subalit bago pa siya makagawa ng anumang hakbang upang iwasan ang lalaki'y nahablot na nito ang kanyang braso. Gulat siyang nag-angat ng mukha habang dinig ang tila tambol na kabog ng kanyang dibdib.

Nakakapaso ang mga titig ng lalaki ngunit aminin man niya o hindi, meron ding tila magnet ang mga mata nitong sa tingin pa nga niya'y lalo itong nagiging gwapo kapag nagagalit.

"Tell me. What made you suddenly like him, huh? What made him better than me!" He shouted. Jealousy scattered over his face.

"What?" gulat niyang sambit, maang na napatitig lalo sa lalaki. Kanina pa niya inaasahang sisigawan siya nito, panggigigilan at kakaladkarin palabas ng opisina nito sa sobrang galit sa kanya. Pero wala sa hinagap niyang magagalit ito dahil kay Lenmark.

Gusto niyang humagalpak ng tawa sa narinig. Huwag sabihing nagseselos ito dahil inakbayan siya ni Lenmark at ipinagtanggol sa ama nito? No! It wasn't like that. Pero hindi niya mapigilang matawa nang pagak nang makita sa mga mata nito ang selos.

Oh! How could this cold man come up with such a stupid idea na may relasyon nga sila ng kanyang matalik na kaibigan? Was he really jealous of her bestfriend?

Subalit napangiwi siya nang humigpit lalo ang hawak nito sa kanyang braso na halos bumaon ang kamay nito sa kanyang manipis na balat.

"Zigfred, what are you thinking? We're just friends." pigil ang emosyong sagot niya.

"Friends! But you used to cling onto him whenever he's around! Is he really that good in bed para makalimutan mong ayaw mo sa mga patay-gutom?" His voice became more fierce while he clinched his jaw.

"What?!" she exclaimed with disgust. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at pilit na hinablot ang kanyang braso subalit tila iyon nakapako na sa matigas na kamay ng lalaki.

"Look here, you psycho!" pigil ang galit niyang sambit. "I can accept it if you scold me because I ruined your reputation during the meeting. But I can never take your accusation of me and my bestfriend!" Naniningkit ang mga matang tinapatan niya ang galit na mga titig nito habang nagtataas-baba ang dibdib sa panggigigil sa lalaki.

"I'm never accusing you! I'm telling you about your betrayal! Everyone can tell that he likes you so much!" Lalo lang itong nanggigil sa kanya.

Lalo namang nagkaroon siya ng dahilan para patulan ang lalaki. Hindi siya papayag na yurakan ng sinuman ang kanyang pagkababae dahil wala siyang ginagawang masama.

"Well, it's not my fault if he really likes me!" she yelled sarcastically. Ngunit agad din siyang natigilan sa lumabas sa sariling bibig.

Ang gusto lang niya'y ipagtanggol ang sarili mula sa marumi nitong pag-iisip sa kanila ni Lenmark. Ngunit sa kanyang sinabi'y parang siya pa ang nagbigay dito ng dahilan para lalong magalit sa kanya.

Napalunok siya nang lalong bumaon ang mga daliri nito sa kanyang balat at nakita sa mga mata nitong hindi na biro ang galit na nararamdaman.

Doon lang siya nagbaba ng tingin lalo na nang malanghap ang mabango nitong hininga. In that very moment, sa halip na galit ang maramdaman niya'y unti-unti nang umiiba ang kabog ng kanyang dibdib. Bakit pakiramdam niya, habang tumatagal ang titig niya sa mukha nito'y lalo itong nagiging attractive na para bang kinikiliti ang kanyang puso sa katotohanang matindi nga ang selos nito kay Lenmark.

Subalit kung kelan gusto na niyang sumukong makipagsigawan dito'y saka naman nito biglang kinabig ang kanyang beywang dahilan upang mapasigaw siya sa gulat lalo nang magdikit ang kanyang katawan at agad siya nitong siniil ng mapagparusang halik sa mga labi.