Fear started to control her again. Niyakap niya ang sarili nang magsimulang humarurot ang sasakyan.
'Lovan, you can overcome it. Trust yourself!' Her mind kept encouraging her but her weak body was trembling involuntarily.
Gusto na niyang mapaiyak sa takot lalo na nang magsimulang mangatal ang kanyang bibig habang yakap ang sarili. She managed to hold tight at the seatbelt. Pakiramdam niya, anumang oras ay tataob ang sasakyan at mahuhulog siya mula sa pinakamataas na bangin.
Awtomatikong kumawala ang dalawang patak ng luha sa kanyang mga mata habang tahimik na nilalabanan ang takot na nararamdaman.
"Lovan?" Sa wakas, litong napatingin si Zigfred sa kanya, napansin agad ang pangangatal ng kanyang mga labi. Dahan-dahan itong nagpreno hanggang huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada ilang metro pa lang ang layo mula sa inalisang building.
"Lovan," nag-aalalang usal ng lalaki, tinanggal ang seabelt sa sariling katawan at agad siyang niyakap nang mahigpit.
"Lenmark, sinusumpong ako," awtomatikong lumabas sa kanyang bibig.
Sandaling nagsalubong ang kilay ng kasama ngunit lalong hinigpitan ang yakap sa kanya saka hinagod ang kanyang likod.
"It's okay, my Little Tulip. Don't be afraid. I'm here." Natigilan si Zigfred pagkarinig sa sariling boses. For ten long years, noon lang siya nito uli tinawag nang ganoon.
Pagkarinig lang niyon, tila nagkaroon ang kanyang mga kamay ng sariling utak at agad na yumakap sa lalaking nalito bigla sa tawag sa kanya.
"Zigfred, Zigfred! I'm afraid! They're gonna kill me!" She cried hysterically. Napapikit siya sa sobrang takot.
Pakiramdam niya, ang paulit-ulit na bangungot na sa panaginip lang nakikita ay muling nanariwa ngayon.
She was at that car, screaming for help.
"Zigfred! Zigfred!"
"Shhh, I'm here. Noone's gonna kill you. Ziggy is here," pag-aalo sa kanya.
Lalo siyang napahagulhol nang iyak habang mahigpit na nakayakap rito. Ang boses nito, ang paraan ng pag-aalo sa kanya, tila malamyos iyong awiting dinadala ng hangin papunta sa kanyang nakaraan. Sa kanyang nakaraan...
Ano ba ang kanyang nakaraan? Bakit tila narinig na niya ang boses na iyon? Ang paraan ng pagtawag sa kanya...Little Tulip...
'Lenmark! Lenmark!' hiyaw ng kanyang isip. Mula nang magising siya mula sa aksidente at makilala si Lenmark, ito lang lagi ang nasa kanyang tabi para damayan siya sa kalungkutan. Ito palagi ang umaalo sa kanya lalo kapag nakikita siyang umiiyak sa takot.
"Little tulip... My little tulip."
Pero never siya nitong tinawag na little tulip.
Natigilan siya't tumigil sa pag-iyak, tila natauhan bigla mula sa paghi-hysterical.
"Don't be afraid. I'm here," ang narinig niyang boses.
Wala sa sariling napatingin siya sa rearview mirror. Noon lang sumagi sa kanyang utak na naroon siya sa loob ng sasakyan ni Zigfred at wala itong balak na pababain siya sa kabila nang pagtanggi niyang sumakay roon.
Subalit nagulat pa siya nang makita ang sariling nakayakap nang mahigpit rito.
Buong lakas niya itong itinulak saka nagmadaling binuksan ang pinto ng sasakyan, lumabas mula roon at nagtatakbo palayo.
Hindi siya dapat nagpatangay sa panlilinlang ng lalaking iyon. Ito ang dahilan kung bakit muntik na siyang sumpungin kanina. Kung hindi marahil niya naramdaman ang yakap ni Lenmark, baka tuluyan na siyang nagpadala sa takot.
"Little tulip..."
Bakit nagpapabalik-balik sa kanyang pandinig ang mga salitang iyon?
Nagpatuloy siya sa pagtakbo sa takot na baka hinahabol siya ni Zigfred kaya't ano'ng gulat niya nang biglang bumangga ang katawan sa matigas na bagay.
"Lovan?"
Awtomatiko ang pagtaas ng kanyang mga kamay saka pinagbabayo ang dibdib ng akala niya'y si Zigfred.
"Hindi ako sasama sa'yo! Hindi!"
"Hey, it's Lenmark. Lovan!"
Awang ang mga labing napatingin siya sa bumangga sa kanya, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nang masegurong si Lenmark nga iyon.
"Lenmark!" bulalas niya't agad na yumakap rito habang pigil ang mapahikbi. Sa wakas, nasa harap na rin niya ang kanyang bestfriend.
Nagtataka ma'y gumanti na rin ng yakap ang binata, pagkuwa'y marahang hinagod ng palad ang kanyang likod.
"Ano'ng nangyari? Ba't ka tumatakbo?" usisa nito nang mayamaya'y kusa siyang kumawala sa mga bisig nito.
"Akala ko kasi'y hinahabol ako ni Francis," paliwanag niyang nakayuko. Hindi niya kayang ipagtapat dito ang totoo.
Hinawakan siya nito sa kamay.
"You have nothing to be afraid of anymore. Na-confirm ko na ang lahat. Wala na si Francis sa Pinas. Nasa New York na siya," pagbibigay nito ng assurance.
Nanlaki ang mga mata't muli siyang napatitig sa binata.
"Talaga? Totoo ba 'yan?" Gusto niyang makaseguro.
Nakangiti itong tumango.
"But I'm still confused. Bakit nakasulat din ang pangalan--" Seryoso itong gumanti nang titig sa kanya, hindi itinuloy ang sasabihin. Sa mga mata'y naroon ang pagkalito.
"Bakit?" maang niyang usisa.
Agad itong umiling. "Nothing," maagap na tugon.
"Come with me. Ihahatid kita sa tinitirhan mo," yaya sa kanya.
Nagpatianod naman siya't sumunod dito hanggang makita niya ang motor nito sa gilid ng kalsada.
Pero bago umangkas, humugot siya ng isang malalim na paghinga saka nakikiusap ang mga matang bumaling sa binatang titig na titig pa rin sa kanya.
"Pwede ba'ng ihatid mo ako sa City Garden Hotel?" aniya.
Hindi agad ito nakahuma, tinitigan lang siya nang mariin.
"Why?" Ang tanong nang walang makuhang sagot sa kanyang mga mata.
"May kaibigan kasi ako roon, nakiusap sa'king doon ako matulog. Wala kasi siyang kasama ngayon," pagdadahilan niya ngunit isinabay ang pag-angkas sa motor nang hindi nito mahalatang nagsisinungaling siya. Bakit ba hindi niya masabi ang totoo tungkol kay Zigfred?
---------
"Dammit!" Zigfred muttered impatiently. He felt like he was burning with rage when he saw Lovan and Lenmark hugging each other.
Hindi siya sanay na nakikipag-flirt ang asawa sa ibang lalaki lalo na kay Lenmark. Why all of a sudden did they become bestfriends?! Of all men, bakit kay Lenmark pa?
Wala sa sariling naisuntok niya ang nakakuyom na kamao sa manibela. Alam niyang matagal nang nawala ang pagmamahal niya kay Lovan. Pero bakit pakiramdam niya, nagseselos---
"Oh, shut up, Zigfred! It's impossible!"
No! Hindi siya nagseselos. Natamaan lang ang kanyang ego. Bakit kay Lenmark pa? O baka sinasadya ng asawang papagselosin siya para mahulog muli ang kanyang loob dito at makuha nito ang kayamanan ng Arunzado na alam niyang habol lang ng babae?
Nailamukos niya sa mukha ang isang palad nang makitang hinawakan ni Lenmark sa kamay si Lovan at nagpatianod lang ang huli.
Pakiramdam niya, lalong nagliyab sa galit ang buo niyang katawan. Gusto niyang sugurin ang dalawa at lumpuin ng suntok ang lalaki. Subalit para na rin niyang sinabing natalo siya nito.
"Dude! Zigfred!" Marahang katok sa pinto at tawag sa kanyang pangalan ang nagpabalik sa kanyang huwisyo.
Ilang beses siyang nagpakurap-kurap nang makita sa labas ng pinto ang kanyang HR manager. Hindi pa man siya nakakapagsalita'y nakaupo na ito agad sa likod ng driver's seat at naisara na pabalik ang pinto sa gilid nito.
"Dude, she's telling the truth," anito't ibinigay sa kanya ang hawak na papel.
He grabbed the paper and read everything in it with his eyes full of curiousity.
"Dude, totoo ngang may Lovan Arbante at nakatira sa Bacoor Cavite. Coincidentally, magkatabi pa ang bahay nila ni Lenmark. Mag-bestfriend nga sila, Dude," kumpirma ni Jildon hindi pa man siya natatapos magbasa.
Matalim ang tinging ipinukol niya rito mula sa rearview mirror, dahilan upang mapalunok ito sa kaba, subalit mayamaya'y nakangisi na.
Salubong ang mga kilay na itinapon niya sa upuan ang binabasa. Nang makita sa unahang humarurot ang motor ni Lenmark ay pinatakbo na rin niya ang sasakyan upang sundan ang dalawa.
"Dude, bakit ka pala curious sa pagkatao ni Miss Arbante? Don't tell me, nagkakagusto ka sa kanya?" panunudyo ng kaibigan.
Muli niyang dinampot ang mga dokumento kanina't inihagis sa mukha ng nagsalita. Ngunit malibang umilag ito'y tila pa nananadyang ngumisi.
"Tinamaan ka ng lintik, Dude. Hindi ka nga nagkagusto sa mapang-akit na ganda ng iyong newly bride, nahumaling ka naman sa kapangitan ni Lovan Arbante. Masama 'yan, Dude," pangungunsensya sa kanya na may halong panenermon, iminuwestra pa ang kamay habang nagpapaliwanag at tumataas-baba ang mga kilay.
Lalo lang siyang nanggigil sa inis, mangani-nganing ihinto niya ang sasakyan at sipain ito palabas.
Huminga siya nang malalim upang payapain ang sarili. Si Jildon lang ang makakatulong sa kanya sa pagkakataong 'yon.
"Sa tingin mo, may gusto ba si Lenmark sa kanya?" deretsahan niyang tanong habang nasa kalsada ang tingin.
"Well, yes," walang gatol nitong sagot.
Bigla ang pagpreno niya ng sasakyan pagkuwa'y inambahan ng suntok ang lalaki sa kanyang likuran.
Mabuti na lang at ilong lang ang nahagip nito ngunit napahiyaw pa rin sa pagkagulat.
"What the-!" bulalas nito.
"Gago! Hindi mo man lang nilagyan ng suspense! Yes agad?!" singhal niya saka umayos na uli ng upo't muling pinaharuro't ang sasakyan, sa tila isang linya na lang na mga kilay at nakatiim na bibig ay hindi maitago ang panggigigil sa kaibigan.
"Eh 'di sana sinabi mong 'no' ang gusto mong isagot ko! Tatanong-tanong ka tapos magagalit naman 'pag sinagot ka!" pairap na katwiran nito.
Itinaas niya ang nakakuyom na kamao't tinitigang nang matalim sa rearview mirror ang kasama.
"Isa na lang at tatamaan ka na sa'kin!" pagbabanta niya.
Bigla itong tumahimik, itinikom nang mabuti ang bibig saka umiwas nang tingin.
Matagal na katahimikan.
"Pero Dude, bakit curious ka sa pagkatao ng babaeng 'yon?" seryoso na nitong tanong nang basagin ang katahimikang namayani sa kanila.
Hindi siya agad nakahuma't nanatiling nakatingin sa sinusundang motor. Kilala niya si Lenmark, nakikipagkarera pa ito sa mga kaibigan nila noon at laging ito ang nananalo subalit ngayo'y bakit ang bagal nitong magpatakbo ng motor? Dahil ba angkas nito ang kanyang asawa?
Lovan Arbante's identity was real. Kay Jildon mismo nanggaling na totoo ngang mag-bestfriend ang dalawa't kapwa nakatira sa Bacoor Cavite.
But why? Bakit nagtatago ang asawa sa katauhan ni Lovan Arbante? Nasaan ang totong Lovan Arbante?
"Dude?" pukaw ni Jildon sa naglalakabay niyang isip.
"She's my wife, dude. She's Lovan Claudio," pag-amin niya.
"What?!" sambulat ng kaibiga't wala sa sariling napatayo sa pagkagulat ngunit nauntog ang ulo sa tuktok ng sasakyan.