Chereads / The Stolen Identity / Chapter 35 - Ang Saradong Silid

Chapter 35 - Ang Saradong Silid

Tunog ng alarm clock ang umistorbo sa masarap na tulog ni Lovan. Tumihaya siya ng higa at balak uling matulog habang hindi pa rin nagmumulat ng mga mata. Subalit ayaw tumigil ng bwisit na alarm clock kaya't napilitan siyang bumangon at hinanap ang tumutunog pero napatayo bigla mula sa kama nang makitang alas-syete na nang umaga.

Patay! Mali-late siya sa trabaho. 8AM ang pasok niya, maliligo pa siya, magmi-make up at ilalagay ang pampa-pangit niya sa mukha tsaka magbibiyahe pa papunta sa kompanya.

Patakbo siyang lumapit sa pinto ng kwarto subalit napahinto rin nang mahagip ng tingin ang bed ng ama ni Lovan Claudio. Pagkuwa'y awang ang bibig na napatingin naman sa isa pang bed kung saan siya nahiga.

Bakit dalawa na ang bed sa silid na 'yon? Naalala niya kagabi, tumabi siyang natulog sa ginoo.

Wala na sa kama si Mang Marcus, iyon ang natandaan niyang tawag dito ng asawa nito noon.

Iniikot niya muna ang tingin sa buong palibot, baka nahulog lang ito sa bed ngunit walang tao roon maliban sa kanya.

Nagmadali siyang lumabas ng kwarto at nagulat na uli nang makita ang isang babaeng nakadamit pang-nurse habang nakaupo sa sofa, pinapakain sa harap nito ang nasa wheel chair na ama ni Lovan.

Nang maramdaman ng babae ang kanyang presensya'y agad itong lumingon sa kanya hawak ang plato ng pagkain.

"Good morning po Mrs. Arunzado. Pinapasabi po pala ni Mr. Arunzado na nakahanda na ang banyo at damit niyo po sa kwarto niyong dalawa," anito sabay turo sa pintong kanugnog ng kusina.

"Kwarto naming dalawa!?" bulalas niya kasabay ng pamumula ng magkabilang pisngi saka sinundan ng tingin ang itinuturo nitong kwarto.

"Opo, Ma'am. 'Yon po ang sabi ni Sir kanina," kumpirma ng kausap. "Ako nga po pala ang nurse na mag-aalalaga kay Mr. Claudio hanggang 4PM po," pakilala nito ngunit tila wala siyang narinig at dere-deretsong tinungo ang itinurong kwarto ng babae.

Subalit namangha siya sa nakita nang malamang hindi iyon isang kwarto lang, kundi maluwang ding sala. Kung ano'ng nakalagay sa unang sala ay gano'n din ang ando'n. May sarili rin iyong kusina. Nang ikutin niya ang buong paligid ay saka niya nakita ang nakabukas na pinto ng isang kwarto. Sa tabi niyo'y tatlo pang magkakatabing silid.

Curious niyang tinungo ang isang saradong pinto. Gym iyon ng lalaki. Naroon ang iba't ibang gamit nito sa pag-eehersisyo. Naroon ang treadmill, rowing machine, elliptical trainer, exercise bikes, smith machine, barbell at iba pang hindi niya alam ang mga pangalan. Kasinglawak yata ang gym na 'yon sa sala.

Isinara niya ang pinto niyon saka binuksan na uli ang pangalawang kwartong kanugnog ng gym. Mini-library iyon ng lalaki. Naroon din ang work table nito at mga nagpakasalansan na mga folder. Iyon marahil ang nagsisilbing office nito sa loob ng suite.

Sunod niyang pinuntahan ang pangatlong pinto subalit kahit ano'ng pihit niya sa door knob ay ayaw niyong bumukas. Bakit naka-lock ang pintong 'yon?

Naalala niyang sinabi nito noong bawal siyang pumasok sa kwarto nito lalo na sa library. Pero bukas ang pinto niyon. Bakit ang nasa harapan niya'y naka-lock? Ibig sabihin, iyon ang pinakabawal niyang pasukin?

Hindi na siya nagpilit na alamin kung ano'ng meron sa silid na iyon. Tinungo na niya ang kwarto ng lalaki't agad na nakita ang isang set ng office attire sa ibabaw ng kama nitong tila sa sobrang unat ng beddings ay walang maniniwalang hinigaan iyon no'ng gabi. Pero wala siyang balak mag-explore sa kwarto nito. Nagmadali niyang dinampot ang kanyang isusuot na damit pati underwear saka patakbong bumalik sa kwartong hinigaan niya kagabi't sa banyo niyon naligo. After thirty minutes, nakaayos na siya't lahat nang may kumatok sa pinto't pumasok ang nurse tulak-tulak ang wheelchair kung saan nakaupo ang alaga nito.

Bumukas ang bibig ng ginoo pagkakita sa kanyang suot na lavender bow tie long sleeved satin blouse na naka-tucked in sa itim na slacks pants. Ngunit napangiti ito nang masilayan ang kanyang pangit nang mukha habang ang nurse ay biglang natigilan sa nakita.

"Maganda ho ba ang suot ko?" tanong niya sa lalaking agad na tumango at akmang iaangat ang braso.

Kusa na siyang lumapit rito't lumuhod sa harap nito at tinulungang ipatong ang kamay sa kanyang siko.

"Ako pa rin 'to, si Lovan." Sinabayan niya ng hagikhik ang sinabi saka marahan itong hinalikan sa noo.

"Magwo-work lang po ako, tapos babalik din agad after ng trabaho," paalam niya't isang tapik sa balikat nito't nagmadali nang umalis upang hindi ma-late. Sa lahat ng ayaw niya'y ang nali-late sa trabaho.

Mabuti na lang at nang paglabas niya ng hotel ay may humintong motor ng Angkas. Agad niya iyong tinawag saka nagpahatid papunta sa Makati kung saan siya nagwo-work.

Subalit sinalubong na naman siya ng kamalasan nang pagpasok pa lang sa loob ng opisina'y naratnan niya si Zigfred na nakapamulsang nakatayo sa kanyang cubicle kaharap ang HR manager na si Jildon. Magkasabay pang napatingin sa kanya ang mga ito nang alanganin siyang lumapit.

"Good morning po--"

"You're an hour late, Miss Arbante! Is this your way of impressing your boss?" sermon agad ng manager.

"Ho?" Napamulagat siya bigla, mabilis na sinipat ang suot na wristwatch. Quarter to eight lang naman ah. Pa'no siyang na-late samantalang ang alam niyang pasok niya'y 8AM. Iyon ang naka-incode sa USB na ibinigay ni Zigfred sa kanya noong isang araw lang.

Inilang hakbang lang ng kausap ang pagitan nilang dalawa saka nakapameywang na tinitigan siya nang pailalim, pagkuwa'y itinaas ang noo, nakataas pati kilay.

"Mag-i-start na ang meeting in ten minutes pero 'yong mga document na pinapa-photocopy ko sa'yo kahapon pa'y hindi pa rin nagawa!" singhal na uli nito, halos magtalsikan ang laway sa panggigigil sa kanya.

"Meeting?!" bulalas na uli niya, sabay sulyap sa nakatalikod na si Zigfred. Wala namang sinasabi ang hinayupak na 'yon na may meeting ito ngayong umaga.

Nahagip ng kanyang paningin ang sampung folder na nakasalansan sa ibabaw ng kanyang mesa. Sino ang naglagay niyon doon? Wala naman 'yon kahapon bago siya umalis.

"P-pero, Sir. Wala naman pong nagsabi sa'kin--" katwiran niya.

"Shut up! You're not just an ordinary employee here, but the CEO's secretary! You should know everything specially about his appointments and meetings!"

Namula siya sa pagkapahiya sa lakas ng hiyaw ng manager. Para bang ito ang kanyang amo samantalang si Zigfred ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nila habang inaayos ang mga folder sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Good morming, Mr. Arunzado and Mr. Gayola. I have been asked to inform you that the Chairman is already in the conference room," anang pumasok.

Nag-angat siya ng mukha upang sulyapan ang bisita pero nahiya siya bigla nang malamang nakatingin din pala ito sa kanya. Kimi siyang yumukod at bumati ngunit seryoso pa rin ang mukha nito, parang 'di yata narinig ang kanyang sinabi.

"We'll be there in a minute," walang emosyon ding sagot ni Zigfred sa di-kalayuan.

Nang masulyapan niya ang kaharap na manager, nagtaka pa siya nang makitang bigla itong namutla, dalawang beses ding napalunok ng laway na tila may nakabara sa lalamunan nito.

Yumukod lang sa CEO ang bisita saka walang sabi-sabi nang lumabas ng opisina.

Nang muli niyang sulyapan ang manager, nandidilat na ang mga mata nito, nagtatagis ang bagang sa panggigigil sa kanya.

Namula bigla ang kanyang pisngi sa magkahalong hiya at kaba ngunit agad siyang tumalilis at malalaki ang mga hakbang na lumapit kay Zigfred saka dinampot sa mesa ang mga folder upang ipa-photocopy sana lahat ngunit hinawakan nito ang kanyang kamay upang pigilan siya.

"No need," tipid na sagot, lalong lumamig ang boses sa sobrang kaseryosohan.

"Pero kailangan mo ang mga 'to," dahilan niya.

Isang buntunghininga ang pinakawalan nito saka mariing tumitig sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin. Noon lang niya nakita sa mga mata nito ang tila pag-aalala.

'Para saan? Para kanino? Bakit?' Mga katanungang agad na sumiksik sa kanyang utak. Ngunit sa halip na sumagot ay tumalikod na ito't nagmadaling lumabas ng opisina, sumunod ang HR manager.

Siya nama'y curious na binuklat ang isang folder at inalam kung ano'ng laman niyon.

Agenda iyon ng board meeting na dapat sana ay naipa-photocopy niya kahapon pa kung ibinigay 'yon sa kanya bago siya nakauwi.

Sinipat niya ang suot na relo. May oras pa naman siya, bakit hindi niya gawin ngayon? Napangiti siya sa naisip at nagmadaling lumapit sa photocopy machine sa tabi ng kanyang cubicle.