Chereads / The Stolen Identity / Chapter 36 - The Scandalous Meeting

Chapter 36 - The Scandalous Meeting

It was one of the most crucial moment in Zigfred's life as the CEO of Arunzado Holdings Corporation. He sat next to his father's head chair to get acknowledgement as the Arunzado's only heir. Yet to him, it was like he was sitting in the court room, about to be examined of his crime. His crime--he was just an amateur in the business world, almost everyone in that room doubted his capability to manage the whole company. It had only been five months since he was appointed as the corporation's CEO but they already kept on blaming him for the 20 percent loss of profit for the whole year.

He leaned his back at the chair's backrest and coldly glanced at his parents as they enjoyed greeting everyone with warm and welcoming smiles.

Malamig ang tinging ipinukol niya sa bawat direktor na nakaupo sa rectangular meeting table na sa lawak niyon ay kasya ang tatlumpung tao.

Ngunit nakaagaw ng kanyang atensyon ang kinakapatid ni Aeon na patuyang nakangiti sa kanya. Umawang ang mapang-akit nitong mga labi nang magtama ang kanilang paningin ngunit walang lumabas na salita mula roon. Subalit sa mga mata'y nakadungaw ang seguridad na hindi magtatagal ay mapapatalsik din siya sa posisyong kanyang hawak ngayon.

Hindi niya ito pinatulan, panakaw na sinulyapan si Lenmark sa tabi nito na nagkakandahaba ang leeg kakatanaw sa may pinto.

Hindi niya mapigilang maningkit nang bahagya ang mga mata. Paano'ng nagkaroon ng intimate relationship ang lalaking ito at si Lovan gayo'ng ang alam niya'y ayaw ng babaeng 'yon sa antas ng pamumuhay ng una?

"Everyone is present, I guess. So shall we start with our meeting?" simula nang kanyang ama nang makitang naroon na lahat ng board of directors.

"Mr. CEO?" baling sa kanya ng inang nakaupo sa tabi ng ama niya.

Siya nama'y umayos ng upo at tiningala si Jildon na nakatayo lang sa kanyang tabi. Isinenyas niya ang kamay, tumalima naman ito.

Subalit hindi pa man ito nakakalapit sa computer sa ibabaw ng mesa sa tabi ng white table sa kanilang harapan ay biglang bumukas ang pinto ng conference room.

"Wait! Here's the agenda for this meeting!" Hiyaw ng pumasok na babae.

Lahat napatanga pagkakita rito.

--------

Five minutes bago mag-alas otso nang umaga, tapos nang mag-photocopy sa mga dokumento si Lovan. Minadali niyang ayusin ang mga papel sa bawat folder at patakbang tinungo ang kinaroroonan ng conference room, subalit natuliro siya bigla nang maalalang hindi pala niya alam kung saan iyon naroon kaya't bumalik siya sa 10th floor at hinanap si Miss Yhanie. Buti na lang, nakita niya itong nakaharap sa sariling computer.

"Miss Yhanie!" tawag niya, patakbong lumapit dito.

"Sensya na pero hindi ko kasi alam kung nasaan ang conference room, eh. Pwede bang ituro mo sa'kin?" pakiusap niya.

Hindi agad nakahuma ang kausap, nanatili lang nakatanga sa kanya.

Ang mga nakarinig nama'y nagsimulang magbulungan.

"Bakit siya pupunta sa meeting? Para maging clown doon?" narinig niyang usisa ng nasa kanyang likuran.

"Ang balita ko, ginawa daw uli siyang secretary ng CEO," sagot naman ng isa pa.

Doon lang tila natauhan si Miss Yhanie at mabilis na tumayo para alalayan siya sa ilang folder niyang dala.

"Lovan, marunong ka sa computer 'di ba? Nakita ko sa resume mo. Pwede ba'ng patulong naman sa desktop ko? Nagloloko kasi," anito't pati ang lukot na mukha'y nakikiusap.

"P-pero kailangan kasi ako ni Sir sa meeting. Nasa akin ang ire-report niya," alanganin niyang sagot.

Ngunit nang hinablot nito ang kanyang dala't bahagya siyang itulak paupo sa swivel chair ay hindi na siya nakatanggi.

Nabura daw ang files nito sa My Drive. Mabuti na lang at agad niyang naayos ang problema.

"Naku, salamat talaga, Lovan." Halos lumundag ito sa tuwa nang makitang okay na computer.

Siya nama'y alanganin ang ngiting kinuha sa dalaga ang mga folder.

"Nas 12th floor ang conference room. Deretso lang pagkalabas mo ng elevator," turo sa kanya.

Pagkarinig lang ay agad na siyang tumalima. Subalit pasado alas otso na nang mga oras na 'yon. Bahala na. Kailangan niyang dalhin kay Zigfred ang mga dokumentong iyon. Kahit na galit siya sa lalaki, kailangan niya pa ring gawin ang kanyang trabaho bilang secretary nito. Kaya nang makapasok sa loob ng conference room ay humiyaw na siya agad upang ipaalam sa amo ang kanyang pagdating.

Ngunit nang mapansing nagulat ang lahat pagkakita sa kanya't iba-iba ang naging ekspresyon ng mukha nang matitigan siya'y pinakawalan na niya ang pinakamatamis na ngiti saba'y yukod sa mga naroon.

"Good morning, po! Ako po ang secretary ng CEO," pakilala niya sabay kaway sa lahat at nagmadaling lumapit sa lalaking sandaling napatanga saka pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at sa HR manager na nawala rin sa huwisyo nang makita siya.

Nakangisi pa niyang ininguso sa manager ang kanyang mga dala saka confident na naglakad palapit sa mga naroon at bawat isa'y binigyan ng copy ng agenda ng meeting.

Nang mapadako kay Lenmark ay ang tamis ng ngiting kanyang pinakawalan dahilan upang marahang matawa ang binata.

Ang bawat bigyan niya ng folder ay nakaawang ang mga labi't kunot ang mga noong napapatitig sa kanya, pagkuwa'y ngumingiti na. Ang ila'y gustong matawa, 'tsaka sinulyapan si Zigfred na hindi malaman kung natutuwa o galit sa nangyayari. Pero nang mapatapat siya sa kinauupuan nito'y nagtama ang kanilang mga mata.

Biglang nagtagis ang bagang nito, patunay na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa. Nalito siya. Bakit? Dapat pa nga itong magpasalamat dahil nakaabot siya sa meeting.

Nagmadaling lumapit ang mangiyak-ngiyak na HR manager sa panggigigil sa kanya at pasimple siyang tinabihan sa pagkakatayo.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" bulong sa kanya habang ngising-asong nakamasid sa mga direktor na biglang napatakip sa bibig nang mabuklat ang folder na ibinigay niya. Lalo itong namutla.

Siya nama'y hindi pa rin inaalis ang ngiti sa mga labi, tila hindi pa rin pansin ang nanlalaking mga mata ng mga direktor. Paano'y nakatitig siya sa nakangiting mukha ni Lenmark na wari bang silang dalawa lang ang naroon.

"Dinala ko ang pina-photocopy niyo, sir," sagot niyang hindi inaalis ang mga titig kay Lenmark.

"'Di ba't ang sabi sa'yo, no need na?" nakakuyom ang palad nito habang nagtatagis ang mga ngipin sa gigil sa kanya na kung wala lang segurong tao'y baka masabunutan na siya.

Namutla ito bigla nang may mapansin sa mukha ng mga direktor.

Siya nama'y nawala ang ngiti sa mga labi nang mapansin ang pagkunot ng noo ni Lenmark pagkakita sa laman ng folder. Agad iyong tinakpan at nagmadaling tumayo.

"What the hell is this, Zigfred!"

Umalingawngw ang boses ng ginoong katabi ni Zigfred.

Gulat siyang napaharap dito, nagtatanong ang mga mata. Noon lang niya napansin ang tila iisang ekspresyon ng mukha ng mga naroon. Nakaramdam na siya ng pagkabahala. Ano'ng nangyayari?

Dali-daling hinablot ni Lenmark ang lahat mga folder sa mesa't pinaglalagay sa trash bin malapit sa may pinto.

"I'm so sorry for this, everyone. I'm sure it wasn't intentional," namumula ang magkabilang pisnging paghingi ng tawad ni Lenmark sa mga direktor.

"This is really disgusting, Mr. Arunzado! How could you do such a thing!" hiyaw ng isang direktor sa tabi ng isang babaeng nanatiling kalmado sa kabila ng paghehestirya ng lahat sa galit.

Namumutla siyang napatingin sa HR manager na nanlilisik na ang mga mata sa galit sa kanya.

"What have you done?"

Mabilis siyang umiling.

"Hindi ko alam. Gusto ko lang namang dalhin 'yong pina-photocopy mo sa'kin," katwiran niya ngunit nang muling makita ang sindak at galit sa mga mata ng lahat ng mga naroon maliban kay Lenmark at sa isang dalagang katabi nito'y tinakbo na niya ang laman ng basurahan, dinampot ang isang folder saka iyon binuklat.

"Gosh! What's this?" bulalas niya, gimbal na napalingon kay Zigfred na nakatayo na't nilamukos ang mukha sa tinitimping galit ngunit hindi makapagsalita sa pang-uusig ng lahat.

Paano'ng nakapunta roon ang picture ng nagtatalik na mag-asawa? Nakaharap pa man din ang babae sa camera.

Tila napasong binitiwan niya agad ang folder at mangiyak-ngiyak na lumapit kay Zigfred, hinawakan ang braso nito upang magpaliwanag.

"I swear, hindi 'yon ang laman ng folder kanina," paliwanag niya, garalgal na ang boses sa sobrang hiya.

Isang suntok ang pinakawalan ng ginoong humarap kay Zigfred.

Napahiyaw siya sa pagkagulat sabay hawak lalo nang mahigpit sa braso ng lalaki. Ngunit nakapagtatakang bumiling lang ang mukha nito at pinahid ang dugong namuo sa gilid ng bibig subalit hindi nagsalita.

"How could you do this to us, Zigfred!" umiiyak nang sambit ng ginang na nakayakap sa sumuntok sa lalaki. Kahit na hilam sa luha ang mga mata'y hindi pa rin matatawaran ang ganda nitong taglay.

"You're such an asshole! Pinagsisisihan ko kung bakit naging anak pa kita! Asshole!" sigaw ng nangagalaiti sa galit na ama.

Umiiyak niyang iniharang ang katawan sa lalaki nang akma na uli itong susuntukin ng ginoo.

"Kasalanan ko po ang lahat. Pero maniwala po kayo. Hindi po talaga iyon ang laman ng folder na dala ko kanina," paliwanag niya sabay hikbi.

Takot mang mabugbog pero hindi niya hahayaang ibang tao ang maparusahan sa kanyang katangahan.

"Tito, let's not make this a big deal, okay? I'm sure. Hindi alam ng secretary niyang gano'n ang laman ng folder."

Sa kabila ng takot na nararamdaman dahil sa nangyayari'y hindi niya mapigilang mapakunot-noo nang marinig ang sinabi ni Lenmark sa ama ni Zigfred.

'Tito?' Nagtatanong ang mga matang bumaling siya sa kaibigang inakbayan palayo sa mesa ang tinawag na tito saka humarap sa iba pang naroong nagbubulungan na sa isa't isa.

"Listen everyone! I'm warning you. What you saw today, what has happened just now will never be brought outside! Never! Should I hear anyone from you talking about this will be kicked from this company. Wala akong pakialam kahit ano pa ang posisyon niyo!" Sa tono ng pananalita ni Lenmark habang mahigpit na binabalaan ang lahat ng mga direktor, para bang ito ang may-ari ng kompanyang iyon.

Himalang lahat ay nagsitahimik, maya-maya'y isa-isang tumango sa sanabi ng binata.

"You can leave now!" utos ng ina ni Zigfred sa lahat.