Naunang lumabas ng suite ang ina ni Lovan Claudio kaya't nagkaroon siya ng time kausapin si Yaya Greta sa loob ng kusina habang si Zigfred ay pansamantalang nagbantay sa byenan nitong lalaki.
"Tell me, ano'ng ugali ni Lovan Claudio?" usisa niya.
Tinitigan siya nito nang mariin, mayamaya'y tumalikod, kumuha ng baso sa lagayan at nagsalin ng tubig sa dispenser saka nagmadaling uminom ng tubig.
Lumapit siya rito.
"Ba't ayaw niyong sumagot? Tama ba ang hula kong masama ang ugali niya? Na pera lang ang habol niya kay Mr. Arunzado?" sunud-sunod niyang tanong, ang mga mata'y naghahanap ng kasagutan sa gumugulo ng kanyang isip. Mabuti na lang pala at hindi siya nagsabi ng totoo na hindi siya ang anak ng ginang. Kung hindi'y baka napahamak na siya ngayon.
"Hindi. Maniwala ka, mabait ang totoong si Lovan Claudio. Hindi mo lang kasi maalala ang lahat," mangiyak-ngiyak na sagot sa kanya subalit lalo lang nagpagulo sa kanyang isip ang sinabi nito.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunut-noo niyang usisa ngunit wala na itong balak magsalita pa't tumalikod na sa kanya.
Hindi na lang siya nangulit.
"Ano nga pala ang full name mo at number? Para sakaling kailanganin kita rito'y alam ko kung sino ang tatawagan ko," tanong niyang nakahalukipkip habang nakamasid sa likod nito.
"Greta. Greta Arbante," tipid nitong sagot.
Umawang bigla ang kanyang mga labi sa pagkagulat.
"Ows, talaga? Arbante din ang Apelyido mo? Magkamag-anak ba tayo?" hindi makapaniwalang sambit niya.
Biglang nanginig ang kamay nito't nabitiwan ang hawak na baso, gumawa iyon ng ingay sa buong kusina. Mabuti na lang at himalamg hindi iyon nabasag, nagpagulong-gulong lang sa sahig hanggang sa huminto sa kanyang paanan.
"Lovan, what happened?" tumatakbong usisa ni Zigfred mula sa labas ng kusina, inilang hakbang lang ang pagitan nila.
"Nabitiwan 'yong baso--" sagot niya.
"Were you hurt?" Hindi siya pinatapos sa sasabihin at agad na hinawakan ang dalawa niyang kamay upang alamin kung nasugatan ang mga 'yon.
"Masyado kang paranoid," komento niya't natatawang tumingala rito ngunit natahimik din nang makita sa mga mata nito ang pag-aalala.
Nagtama ang kanilang paningin. His almond eyes were both worried and confused while hers was amazed by his sudden reaction. Marunong pala itong mag-alala? Pakitang-tao na naman ba iyon dahil naroon ang kanyang Yaya Greta? Para hindi malaman ng katulong na masama ang trato nito sa kanya?
Sadness became visible in her eyes as she took back her hands from him.
'Don't be too nice to me. Baka maniwala na ako't biglang mahulog ang loob sa'yo,' gusto niyang isigaw sa lalaki.
Ngunit sa halip na magsalita'y agad siyang tumalikod rito't muling dinampot ang baso't inilagay sa lababo.
Si Yaya Greta nama'y tahimik lang na nakatingin sa kanila habang marahang pinipisil ang sariling mga palad.
"Okay ka lang ba?" tanong niya rito.
Tumango lang ito't lumabas na ng kusina.
Kunut-noong sinundan niya ito ng tingin. Bakit magkaparehas ang kanilang apelyido? Magkamag-anak ba sila? Pero bakit bigla nitong nabitiwan ang baso, parang natakot sa tanong niya kanina?
Ang dami niyang tanong sa pamilya ni Lovan Claudio na hindi niya kayang sagutin. Subalit walang mahalaga sa kanya ngayon kundi ang mabawi ang kanyang kwintas at pagkatapos ay lalayo na siya sa lugar na 'yon.
---------
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ng natutulog na ama ni Lovan Claudio. Kahit saang anggulo niya tingnan, magkamukha talaga sila. Kahit ang tulis ng ilong niya'y kagaya nito maliban lang sa medyo makapal at mamula-mula niyang mga labing namana niya sa kanyang mama. Pero imposible namang magkamag-anak sila ng ama ni Lovan. Hindi kaya may kakambal siya tapos tulad ng napapanood niya sa k-drama at movie, ibinibenta ng mga magulang ang mga anak nila dahil walang maipakain sa mga bata?
Hindi kaya gano'n ang nangyari sa kanya?
Inihilig niya ang ulo, paruo't paritong naglakad sa loob ng kwarto, mayamaya'y muling huminto sa harap ng kama at tinitigan na muli ang ginoo.
Ano'ng gagawin niya ngayon? Hindi siya pwedeng tumira rito kasama si Zigfred at baka sa katagalan ay maging impyerno lang ang buhay niya sa masama nitong ugali. 'Tamo nga ngayo't hindi pa pumapasok sa kwartong iyon mula nang ihatid sa airport ang ina at yaya ng jowa nito.
Pero hindi niya pwedeng pabayaan ang ama ni Lovan. Paano kung hindi kumuha si Zigfred ng taga-alaga? Sino pala ang mag-aalaga dito?
Ang kinatatakutang pangyayari ay naganap nga nang bumalik na ang lalaki.
"It was your idea to let him stay here. Sinabi ko na sa'yo, ayukong may kasamang iba sa bahay ko," ang tugon sa kanya habang pa-de-kwatrong nakaupo sa L-shaped na sofa sa sala at siya'y nakatayo sa harap nito.
"Pero ang sabi mo kanina, maghahanap ka," angal niya, lukot ang mukha sa kunsumisyon.
Ang walanghiya! Sinasabi na nga ba't pakitang-tao lang ang kabaitan nito kaninang naroon ang ina ni Lovan.
Itinukod nito ang braso sa headboard ng sofa saka walang emosyong tumingala sa kanya.
"Did you hear me say that?"
"Oo. Ang sabi mo pa nga, you will take care of him," giit niya.
"Yes I did. But I didn't say personally that I'll get a nurse for him. Ikaw ang mayabang na nagpumilit na dito muna siya mag-stay," katwiran nito.
Lalong nalukot ang kanyang mukha, pagkuwa'y humaba ang ngusong tumalim ang tingin sa lalaki.
"What do you want me to do? Should I be the one to take care of him?" kumpirma niya.
Nang mapatayo ito sa kinatatayuan ay saka lang niya napatunayang tama ang hula niya.
"Exactly! Mayaman kayo. Isang click lang ang pagkuha ng nurse para magbantay sa papa mo." Pagkatapos sabihin iyo'y tumayo na ito't nagtungo sa saradong pintong kanugnog ng kusina.
"Pero Zigfred, wala akong pera. Hindi naman ako si Lovan Claudio! Mahirap lang kami!" habol niya ngunit hindi na ito lumingon pa.
Nagmamaktol na ibinigsak niya ang pwet sa malambot na sofa.
Ang sama talaga ng ugali ng mayabang na 'yon. Pagkatapos nitong sumang-ayon sa kanya kanina, bigla nitong babawiin ang sinabi, porke't sila na lang dalawa ang naroon!
'Tarantado! Mayabang! Conceited! Psycho!' sigaw ng kanyang isip.
"Grrrr!" nagdadabog niyang hiyaw saka sinabunutan ang sarili.
Bakit ba naman kasi nasabi niya 'yon kanina dahil lang sa naawa siya sa ama ni Lovan? Ano'ng gagawin niya ngayon? Hindi naman pwedeng dalhin niya ito sa trabaho. Hindi rin pwedeng mag-isa ito sa suite na 'yon at walang mag-aalaga.
Hindi niya mapigilang maglupasay sa kinauupuan sa sobrang inis kay Zigfred.
Nang mapagod sa ginagawa'y umayos siya nang upo saka nag-isip kung ano'ng gagawin subalit gano'n pa rin ang ending, wala pa rin siyang maisip gawin.
Hanggang sa muling bumukas ang pinto at iniluwa roon ang bagong ligong lalaki.
Lakas-loob niya itong nilapitan at iniharang ang katawan upang pigilan itong humakbang palayo sa kanya.
"Okay, fine. Ako ang mag-aalaga sa kanya after ng work ko sa kompanya. Pero kapag nasa office ako, kailangan mong kumuha ng nurse para alagaan siya for eight hours na wala ako rito." Kinapalan na niya ang mukha't nakipagdeal dito.
"Deal," tipid na sagot saka tinabig ang nakadipa niyang kamay at bahagya siyang itinulak, pagkuwa'y nagpatuloy ito sa paglalakad papasok sa kusina.
Huh? Deal agad? Hindi na ito nakipagtigasan sa kanya? Ano'ng nakain ng siraulong 'yon at bigla na lang pumayag sa gusto niyang mangyari?
Awang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin. Hindi niya talaga maarok ang nasa isip ng walanghiyang 'yon.