Sa building na iyon, tanging ang rooftop lang ang tila naging puntahan ni Lovan kapag malungkot. Napakapit siya sa barandilya sa gilid niyon habang iwinawaksi sa isip ang nangyari kanina.
She took a deep breath. Kailangan niyang paluwagin ang dibdib. She shouldn't be affected by bad circumstances. Toxic lang 'yon sa buhay.
Iniikot niya ang tingin sa buong paligid. Maliban sa malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat at tila nagbibigay sa kanya ng comfort, wala na siyang ibang maramdaman sa lugar na iyon, ni wala siyang makitang tao sa palibot. Tila ba may bumubulong sa kanyang utak, 'You can cry here if you want. Nobody can hear you.'
Napahikbi siya ngunit agad ding pinigilang pumatak ang namumuong luha sa mga mata. No! She must be strong enough to control her feelings.
Isa pang hinga nang malalim at nagawa na niyang ngumiti. Ganyan nga. Sa mundong kanyang kinalalagyan, wala dapat puwang ang takot sa kanyang puso. Sanay na siyang nilalait dahil sa kanyang kapangitan. Dapat masanay na rin siyang sinisigawan ni Zigfred dahil sa kasalanan ng babaeng kanyang naging kamukha't kapangalan.
Pinalipas muna niya ang limang minuto bago bumaba sa 10th floor gamit ang elevator. Ngunit pagkalabas lang roon ay tinawag na agad siya ni Miss Yhanie. Sa hula niya'y kanina pa ito naghihintay sa kanya.
"Lovan, halika! Pakilinis ng cubicle ko, andumi kasi," pakiusap na pautos.
Tahimik siyang sumunod nang pumasok ito sa HR department at nagtungo sa sarili nitong cubicle.
"Pakilinis niyan. Tumilapon kasi ang iniinom kong kape, nabasa pati 'yong drawer ko. Paki-tanggal na rin ng mga gamit ko sa drawer. Tingnan mo kung ano pa ang mga nabasa sa loob." Sa dami ng sinabi nito, maniniwala ba siyang nakikiusap pa ang babae?
Talagang janitress ang turing nito sa kanya. Balak pa ata siyang gawing personal nitong tagalinis.
"O bakit hindi mo isinuot ang uniform mo? Mamaya may bisitang pumasok, mapagkamalan ka pang empleyado rito. Walang pangit sa'min. Magsuot ka ng uniform!" Palabas na siya ng department nang sitahin ng isang empleyado.
Napahinto siya sa paglalakad. Inalam agad ang pangalan ng babaeng sumita sa kanya. Marvick ang nakasulat sa ID nito.
"Sensya na po, Ma'am," tangi lang niyang nasabi nang bumaling dito't nagmadali nang lumabas sa lugar na iyon.
Isang hinga nang malalim bago pumasok sa store room at kinuha ang basahan upang linisin ang cubicle ni Miss Yhanie.
Pagbalik niya, humahaba na ang nguso ng dalaga, halatang kanina pa naiirita.
"Lovan, pakibilis naman oh. Kailangan ko na kasing magtrabaho. Baka mapagalitan na ako ni Sir Jildon," nakikiusap man ay halata pa rin sa mukha at boses ang pagkaaburido nito.
At dahil ayaw niyang madagdagan pa ang sama ng loob sa kanyang dibdib, tahimik na lang siyang sumunod hanggang sa wakas ay malinis na niya lahat ng dumi sa cubicle nito at natanggal ang nabasang gamit sa loob ng drawer. Ngunit hindi man lang niya narinig na nagpasalamat ang babae.
Napabuntunghininga na lang siya. Hayaan na. Pasasaan ba't masasanay din siya sa ugali ng mga ito.
"Lovan, pakibili naman ng milktea sa labas," tawag sa kanya ng isa pang empleyado hindi pa man siya nakakalabas sa department. Gusto na niyang magreklamo. Hindi na siya janitress doon, gusto niyang ipangalandakan sa mga ito. Subalit naisip niyang 'pag ginawa iyon, lalong darami ang magagalit sa kanya kaya tahimik na naman siyang sumunod hanggang sa magsitayuan na ang mga ito't bawat-isa'y nakahanda na ang iuutos sa kanya.
Tulad kahapo'y inabot siya ng mahigit isang oras sa labas ng building, mabili lang ang mga inuutos sa kanyang bilhin.
Halos hindi na niya makita ang daraanan sa dami ng kanyang bitbit. Pinagtitinginan na nga siya ng ibang mga empleyado lalo na sa loob ng elevator dahil nasakop na niya ang halos kalahating espasyo roon sa dami ng kanyang dala.
Ngunit nang makarating sa HR department at maibigay sa mga ito ang mga pinamili, wala man lang ni isang nagpasalamat sa kanya. Hindi niya akalaing may ganoon palang mga tao. Hindi niya iyon naranasan sa GIO ENTERPRISE. Doon, humingi ka lang ng pabor sa iba, salamat agad ang sunod na sasabihin mo.
Ni wala ngang pumansin na sa kanya kahit nang lumabas siya ng department at nagtungo sa loob ng opisina ni Zigfred.
Wala roon ang binata na ikinapagpasalamat niya. Kahit papaano'y walang maninigaw sa kanya.
Tinungo niya ang sariling cubicle at napansin ang nakasalansan na mga folder sa ibabaw ng mesa. Nasa sampu iyon. Nagmadali siyang umupo sa swivel chair at binuksan ang mga iyon isa-isa.
Kontrata 'iyon ng iba't ibang kompanyang sakop ng Arunzado Holdings Corporation. Ngunit wala namang nakasulat man lang sa papel kung ano'ng gagawin niya sa mga 'yon.
Hinintay niyang dumating si Zigfred pero nagtanghali na lang ay hindi pa rin ito pumapasok sa opisina.
Kaya wala siyang choice kundi simulang i-encode sa google drive ang bawat mahahalagang detalye ng mga kontrata. Sinimulan sa pinakalumang kontrata hanggang sa pinakabago.
Alas dos nang hapon nang makaramdam na rin siya ng pagkalam ng sikmura. Balak sana niyang kumain sa labas ngunit nang maalalang may baon pala siyang pagkain sa bag ay inihinto niya ang ginagawa't inilabas sa bag ang lunchbox kasama ang kutsara't tinidor na nakabalot sa tissue saka binitbit sa loob ng kusina. Naghanap siya ng upuan at doon mag-isang kumain sa marmol na kitchen island.
Ngunit nakaka-dalawang subo pa lang siya'y biglang kumalabog ang pinto ng opisina. Gulat siyang napatayo kasabay ng pangangatog bigla ng kanyang nga tuhod.
Baka mainit na naman ang ulo ng lalaking iyon at siya ang mapagbuntunan ng galit. Nagmadali siyang tumayo at tinakpan ang lunchbox. Ngunit nang palabas na siya sa kusina'y narinig niya ang hagikhik ng isang babae na tila aliw na aliw sa nangyayari.
Kunut-noo siyang dahan-dahang naglakad palapit sa nakabukas na pinto ng kusina at dumungaw roon.
'Gosh!' her mind screamed when he saw Zigfred and his companion kissing on the leaf of the closed door, the woman wrapped around the neck of the latter.
"You're a good kisser, huh. I'm really curious kung ilang babae na ang napapirma mo ng kontrata gamit ang 'yong karisma ." She commented in a sexy and seductive tone, her finger was touching his pinkish lips. Ang katawa'y nakadikit sa katawan ng lalaking nakasandal sa pinto.
Zigfred laughed softly, stared at her intently and slowly slipped out of her embrace and went to the front of the table to sit on its side .
Nanlalaki ang mga mata niyang nanatiling nakamasid sa dalawa. Pang-ilan kayang kabit 'yan ng hambog na lalaki? 'Di niya maiwasang magbilang, ngunit 'di pansin ang paghaba ng nguso.
Muling lumapit ang babae kay Zigfred, sa suot nitong bodycon dress na tatlong pulgada yata ang ikli mula sa tuhod at halos iluwa na ng damit ang dibdib, imposibleng hindi iyon patulan ng mayabang na lalaki.
Ngunit nagtaka siya nang makitang bago ito mahalikang muli ng babae'y naiharang na ni Zigfred ang palad kung saan nakasuot ang wedding ring nito, pagkuwa'y nangingiting umiling.
Mahinang tumawa ang babae upang itago ang pagkapahiya saka dahan-dahang umatras mula sa lalaki.
"I wonder who the unlucky woman is," pabiro nitong sagot saka iniikot ang tingin sa palibot hanggang sa muntik na siyang makita kung hindi agad ikinubli ang buong katawan sa pinto ng kusina.
Natawa ang lalaki, tila ba nakiliti sa narinig mula sa kausap.
"Wanna drink a cup of cappuccino at least?" yaya nito sa malambing na boses habang ang mga mata'y malagkit na nakatitig sa bisita.
Napahagikhik uli ang babae saka humarap dito.
"Is this how you treat your mistress? A cup of cuppuccino would do?"
Napaubo nang marahan ang lalaki.
"Lovan, give her a cup of cappuccino!"
Muntik na siyang mapalundag sa pinagtataguan sa pagkagulat pagkarinig lang sa tawag ni Zigfred.
Alam na nitong nasa may pinto lang siya't naninilip sa mga ito?
"Lovan!"
"Yes, Sir!" Napilitan siyang sumagot at tinakbo na ang kinalalagyan ng sachet ng cappuccino saka tinimpla iyon, this time nilagyan na niya ng non-dairy milk na nakita sa loob ng kabinet saka nagmadaling ipinatong sa platito ang tasang may kape.
"Whoa!" Nagulat man sa nakitang mukha niya'y hindi pa rin nakalimutan ng bisita ang composure nito sa pagsasalita maging sa tindig. Halatang isa itong sophisticated na businesswoman, huwag lang isama ang damit na suot.
"Hello po, Ma'am. I'm Mr. Arunzado's secretary," pagpapakilala niya, sabay abot ng platito kung saan nakapatong ang tasa ng kape.
Sa halip na sumagot ay pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa ulo.
"Hong long have you been working here?" tanong sa kanya, kinuha ang tasa ng kape saka sumimsim sa laman ng tasa.
Sumulyap muna siya sa among tahimik na nakaupo sa gilid ng mesa ngunit ang isang paa'y nakaapak sa sahig.
Nang hindi ito sumulyap man lang sa kanya'y saka siya sumagot habang hawak ang platito.
"Just yesterday."
"Have you been treated well?" muling tanong ng babae, pagkuwa'y ibinalik sa kanya ang tasa at nakataas ang kilay na hinintay ang kanyang sagot.
Hindi siya nakaimik, tila may bumara sa kanyang lalamunan at bigla siyang napalunok. Ano'ng isasagot niya? Na minamaltrato siya roon?
"Well, as a woman who has a face like this, do you expect that they'll treat me well? But as you can see, I'm the CEO's secretary--a confident secretary." Hindi niya alam kung saan humugot ng lakas ng loob para sabihin 'yon sa mismong harapan ng dalawa.
The woman became speechless for a second or two. Tinitigan siya nito nang mariin at muling sinuri mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa.
Dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang hawak upang itago ang kabang bumalot sa dibdib.
"Can you give me an assurance that this contract signing would be beneficial to both parties?"
Napantanga siya sa tanong na 'yon, kunut-noong napatitig sa babae. Noon lang sumagi sa isip niyang baka si Miss Dorothy Chua ito, ang ka-appointment ni Zigfred mamaya sanang 4PM ngunit nakapagtatakang sa mismong opisina ng lalaki nakipagkita.
Bakit siya nito tinatanong sa seryosong bagay na 'yon? Paano kung hindi nito magustuhan ang kanyang sagot at hindi ito pumirma sa kontrata? Lalong magagalit si Zigfred sa kanya.
Namumutla siyang napalunok ng laway. Ano'ng pwede niyang isagot? Hindi ba pwedeng hindi siya sumagot? Subalit nang masulyapan niya ang seryoso nitong mukhang naghihintay ng kanyang sasabihin, humugot siya ng isang buntunghininga.
"You already have that assurance, Ma'am. But the question is, why are you eager to meet our CEO inside his office when you can meet him outside? It's because you're doubtful if he really has the guts to manage this whole company considering the rumors that he's a playboy type." Napilitan siyang sabihin ang laman ng isip base sa napansin niyang kilos ng babae. Pero hindi niya akalaing mapapatanga ito lalo sa kanyang sinabi.
"A playboy type, yes. But as the company's CEO, he's more than capable of such position. Judging his capability by nonsense little-tattle is a bit unfair to him," dugtong niya.
Sa kabila ng ginawa ni Zigfred sa kanya, hindi pa rin niya pwedeng ipahamak ang lalaki sa client nito. Personal ang issue nilang dalawa. Pero ang issue ng babaeng ito'y tungkol sa business. Kanina pa niya napapansing sophisticated itong kumilos at magsalita ngunit tila sinadyang ganoon ang damit na isuot upang patunayan ang isang bagay na gumugulo sa isip nito.
Matagal na katahimikan...
Bigla siyang kinabahan at agad iniyuko ang ulo. Paano kung magalit ang babae sa sinabi niya at 'di pumirma sa kontrata? Bakit ba kasi pumasok sa utak niyang sinadya ng bisitang i-seduce si Zigfred kung totoo ang mga bali-balitang nakikipagrelasyon ito sa iba't ibang babae? Pero kahit totoo pa 'yon, ano naman ang koneksyon no'n sa pagiging CEO nito?
Tuluyan na yata siyang mapapaalis sa pagkakataong iyon. Napakagat-labi siya. Isipin pa lang na maghahanap na naman siya ng trabaho, nakapanlulumo na.
"Mr. Arunzado," baling ng babae kay Zigfred, nawala na ang mapang-akit nitong mga titig at biglang sumeryoso ang tawag sa lalaki.
"You have a brilliant secretary, don't you know that?" sambit nito.
Malakas ang tawang pinakawalan ni Zigfred saka inayos ang tayo at lumapit sa kanya.
Siya nama'y awang ang bibig na napatitig sa babae. Hindi ito nagalit! Sa halip ay pinuri pa siya!
"She's not my wife for nothing, Miss Chua," pagmamalaki ng lalaki saka siya inakbayan at marahang hinalikan sa buhok na lalo niyang ikinagulat.