"Hi! kilala mo pala si Lenmark?" muling untag ng kasama ni Lenmark sa katahimikan nang pagkapasok lang ni Zigfred sa opisina'y kapwa sila natahimik ng kaibigan.
Sumulyap muna siya sa binata bago ngumiti at tumango sa babae.
"Opo, Ma'am. Bestfriend ko po siya," pagtatapat niya sabay baling kay Lenmark.
"Sensya ka na. Bukas mo na lang ako ihatid pauwi," aniya rito.
"No! I can wait," maagap nitong sagot saka mabilis na hinugot sa loob ng bulsa ng suot na slacks pants ang smartphone saka ibinigay sa kanya.
"Here, take this. Naka-phonebook na d'yan ang name ko. Aantayin kita mamaya sa rooftop," anito saka siya marahang tinapik sa balikat bago nagpatiunang maglakad papunta sa Admin department.
Hindi na siya nakatanggi pa lalo't nanibago siya sa kaibigang ngayon lang nangulit nang gano'n sa harap pa man din ng isang babae.
Ang kasama naman nito'y tila nalilito pa rin sa ipinakitang concern ng binata sa kanya. Pagkatapos siyang titigan nang mariin at tipid na ngitian ay humabol na ito sa huli.
"Hey, you really are something. I mean, you've known her for so long and I don't even know a bit," narinig niyang saad nito sa binata.
"She's my bestfriend," kumpirma ng huli.
Naiwan siyang nahihiwagaan sa babaeng kasama ng binata. Iyon ba ang girlfriend nito? Marahil nga. Kung hindi'y bakit tila nagtampo ang una nang malamang magkaibigan pala sila ng lalaki pero walang sinasabi si Lenmark about sa kanya?
Kibit-balikat na lang niyang tinanaw ang mga ito hanggang sa makapasok sa Admin department.
Biglang sumagi sa kanyang isip ang sinabi ni Zigfred kanina lang. Na mag-o-overtime daw sila ngayon. At inamin nitong siya ang bago nitong secretary samantalang kanina lang ay naglilinis siya ng lobby pero hindi man lang siya pinansin. For what reason na biglang nagbago ang ihip ng hangin at naging secretary na siya nito in an instant pagkakita lang na magkausap sila ni Lenmark kasama ng girlfriend ng kaibigan?
Lito pa rin siyang napatingin sa saradong opisina ng hambog na lalaki. O marahil ay may gusto ito sa girlfriend ni Lenmark at pinagseselos lang 'yong babae kaya siya biglang ginawang secretary? Kaya ba galit si Zigfred sa totoong si Lovan dahil iba ang mahal nito? O pinikot lang ito ng babae kaya lahat ng galit ay ibinato sa kanya sa pag-aakalang siya nga ang tunay na Lovan?
Hmmm... Nai-intrigue tuloy siya sa love story ng tatlo. Pero sa ngayon ay kailangan niyang puntahan ang bruskong iyon at seguraduhing hindi na magbabago ang desisyon nito.
Kumatok muna siya sa pinto, nang malamang bukas iyon ay saka siya pumasok sa loob at ini-lock iyon.
Nakita niyang pa-de-kwatrong nakaupo si Zigfred sa swivel chair at may kausap sa telepono.
Lumapit siya rito't tahimik na tumayo sa harap ng mesa kung saan ay seguradong makikita siya subalit ni hindi man lang siya tapunan ng tingin.
"Okay, I'll pick you up at nine in the evening." Narinig niyang sambit nito sa kausap sa banayad na boses.
Sino ang nasa kabilang linya, kabit nito? Pang-ilang kabit?
Wala sa sarili siyang napaismid at matalim na napasulyap sa lalaki. Seguro andami nitong kabit-- baka aabot ng sampu. Playboy!
"I didn't give you the right to stare at me like that." Sa wakas ay nagsalita ito, pabalang nga lang, saka ibinalik sa ibabaw ng lamesa ang telepono.
Inayos niya bigla ang mukha saka pinakawalan ang isang matamis na ngiti.
"Thank you for accepting me again as your secretary," nakangiti niyang saad nang mawala ang inis nito pero agad na yumuko nang maalala ang sinabi ni Crissy na bawal makipagtitigan sa lalaki.
Simula ngayon, pananatilihin niya ang matamis na ngiting iyon upang hindi na siya patalsikin pa sa trabaho.
"Tell me, what can you do as my secretary?" pormal na tanong, inayos ang upo at humalukipkip habang ang mga mata'y mariing nakatitig sa kanya.
"I can be an efficient and reliable one. Sabihin mo lang sa'kin kung ano'ng gagawin ko everyday para magka-ideya ako at kung ano'ng ayaw at gusto mo sa isang secretary nang hindi mo ako napapagalitan palagi." Sinamantala na niya ang pagkakataong makapagsalita at inilabas ang laman ng kanyang utak habang nakayuko.
Ilang segundo siyang naghintay ng tugon nito pero kalampag ng isang maliit na bagay sa ibabaw ng mesa ang tangi niyang narinig dahilan upang mapabaling siya roon. Isa pala iyong USB.
"Take that thing. Memorize them by heart. I don't want any mistakes when it comes to work," anito sa maawtoridad na boses.
Tumango siya agad bilang tugon ngunit nanatili pa ring nakayuko. Iyon ang pakatatandaan niya, bawal ang tumitig dito lalo kapag magkaharap sila.
"See that cubicle there? Iyan ang uukupahan mo." Itinuro nito ang maluwang na cubicle malapit sa may pinto.
Siya nama'y panakaw na sumulyap rito't sinundan ng tingin ang itinuturo nitong cubicle. Kumpleto iyon sa gamit, mayroong rectangular shaped na mesang nakadikit sa dingding ang kabilang dulo. Sa likod niyon ay isang swivel chair at katamtaman lang ang laking kabinet. Sa tabi ng swivel chair ay may maliit na sidetable kung saan nakalagay sa ilalim niyon ang CPU ng desktop at sa ibabaw ay printer.
Sa ibabaw ng mesa'y naroon ang telepono, desktop, nakasalansan na mga folder at sa kanang bahagi ay isang maliit na flower vase kung saan nakalagay ang isang pink tulip flower.
Maang siyang napatingin sa lalaki, hindi sinasadyang mapatitig dito. Paano nitong nalamang favorite flower niya ang pink tulips? O siya lang itong nag-a-assume na alam nito ang kanyang paboritong bulaklak?
Ngunit nang bigla itong tumayo'y agad siyang nagbaba ng tingin, parang maamong tutang nakayuko.
"Start working," utos sa malamig na boses.
Tumalima siya, nagmadaling dinampot sa ibabaw ng mesa ang USB, tinungo ang kanyang pwesto saka umupo sa swivel chair at isinalpak agad sa CPU ang hawak upang alamin kung ano'ng laman niyon.
Ngunit nalula siya sa dami ng folder na nakalagay sa USB.
'My gosh! Kailangan ko bang i-memorize lahat 'to?' 'di makapaniwalang hiyaw ng kanyang isip, inis na tinapunan nang matalim na sulyap ang amo, pagkuwa'y nanlulumong ibinalik ang tingin sa nasa screen ng computer.
Binuksan niya ang isang folder. Mga rules and regulations ng kompanya ang naroon pati mission at vision. Pati ba naman 'yon, kailangan niyang isaulo? Doon pa lang naghihimutok na ang kanyang kalooban. Dapat kasi, naging janitress na lang siya. Wala nang kuskos balungos, maglilinis lang siya ng lobby at mga department. Pero ayaw niyang laitin lagi ng mga nasa HR department kaya kailangan niyang tanggapin ang hamong iyon bilang secretary ng mayabang na lalaki.
Sunod niyang binuksan ang pangalawang folder. Personal rules and regulations naman nito ang naroon, lahat ng gusto nito't ayaw. Naroon ang daily outfit nito at kung ano'ng kulay ang mga 'yon. Nakalagay din ang mga bagay na ipinagbabawal nito.
'I never take "No" as an answer.' Iyon ang unang nakalagay sa part na 'yon.
Naroon ding bawal siyang tumitig dito lalo kapag nagsasalita ito. Bawal ang pakikipag-usap sa phone lalo kapag nasa trabaho.
Dalawang folder pa lang ang nabubuksan niya, inaantok na siya sa kababasa. Pero kailangan niyang manatiling gising para lang malaman ang lahat ng laman ng mga nakapaloob sa folder hanggang sa 'di niya namalayang alas singko na pala nang hapon. Nagsimula na siyang maghikab at wala sa sariling nilingon ang lalaking nakaupo pa rin sa swivel chair nito, tila malalim ang iniisip habang mariing nakatitig sa kanya.
Their eyes met. She innocently stared at those used to be cold eyes but on that moment, she saw confusion, sadness and his longing for something--for someone.
Natigilan siya. Bakit gano'n ang nakikita niya sa mga mata nito? Kasing lungkot ng tahimik na opisinang 'yon.
Ngunit agad nitong iniiwas ang tingin saka nagmadaling tumayo.
"That's it for today," tipid na wika at nagtuluy-tuloy na palabas ng opisina.
Naiwan siyang nakatanga. Namalikmata lang ba siya kanina o talagang nahuli niya itong nakatitig sa kanya na as if, nami-miss siya nito? O mas tamang sabihing nami-miss nito ang totoong si Lovan Claudio.
Sino ba ang lalaki't bakit tila malungkot ang buhay na meron ito sa kabila ng pagiging arogante?