Chereads / The Stolen Identity / Chapter 25 - Ang Mapanglait Na Mga Empleyado

Chapter 25 - Ang Mapanglait Na Mga Empleyado

Namula bigla ang magkabilang pisngi ni Lovan sa sobrang hiya nang marinig ang tawanan ng mga empleyado sa HR department pagkakita sa kanyang tulak-tulak ang bucket ng mop.

Simula nang makapagtrabaho pagka-graduate ng college, naging computer programmer agad siya sa GIO ENTERPRISE. Hindi kailanman pinagbasehan ng manager ang kanyang kapangitan kundi sa Transcript of Record na kanyang dala at sa ganda ng kanyang resume. Pero dito, walang halaga ang mga iyon, lalo na kung ang CEO mismo ang magtapon sa kahit sino sa trabaho.

Subalit walang makapagpapabago sa naging desisyon niyang magtrabaho sa kompanyang iyon. Tulad ni Crissy, wala siyang dapat ikahiya sa pagiging janitress dahil marangal iyong trabaho.

Kaya't nang makasalubong si Miss Yhanie sa lobby habang papalapit siya sa opisina ni Zigfred ay nakangiti siyang yumukod dito upang magbigay galang. Matamis naman din ang iginanti nitong ngiti habang nakataas ang kilay, tila napakagiliw na empleyado.

Nakalabas siya sa maluwang na glass door ng HR department at sandaling huminto mismo sa tapat ng opisina ni Zigfred saka tiningnan ang buong paligid. Mula sa kanyang kinatatayuan pakanan ay mayroong maluwang na pasilyo papunta sa Admin department at sa kanyang kaliwang bahagi ay ay karugtong na pasilyo papunta naman sa elevator. Kung titingnang mabuti, pwede naman siyang hindi pumasok sa HR department para lang makarating sa opisina ng mayabang na lalaki at mula elevator, bagtasin lang niya ang lobby pakaliwa niya ay maaari na siyang dumiretso roon. Pero bakit kailangan pa rin nitong pumasok sa HR department kung pwede naman nitong gamitin ang pasilyo mula sa elevator papunta rito?

Humugot siya ng isang malalim na buntunghininga saka nilingon ang nilabasang glass door. Masasanay din siya sa mapanglait na tingin ng mga empleyado sa loob niyon.

Nagsimula na siyang mag-mop ng tiles na sahig nang bumukas ang pinto ng opisina ni Zigfred. Sandali siyang tumigil sa ginagawa at yumukod sa harap nito ngunit para lang siyang hangin sa paningin ng lalaki, ni hindi siya sinulyapan, dumeretso lang ang lakad papunta sa Admin department.

Nagkibit lang siya ng balikat pagkatapos, at least hindi ito nagalit sa kanya. Mabuti na lang at sinabi ni Crissy kaninang bawal ang manggaya sa kulay ng suot nito, kaya nanghingi na siya ng uniform sa una upang takpan ang kulay ng suot niyang damit. Binigyan na rin siya ng dalaga ng locker kung saan niya ipinasok ang kanyang bag.

Natapos na siyang mag-mop sa buong lobby pero hindi pa rin bumabalik sa opisina nito si Zigfred. Pumasok kaya siya sa loob at doon hanapin ang kanyang kwintas? Subalit bigla niya iyong iwinaksi sa isip. Hindi naman siya nagmamadali. Kailangan muna niyang makuha ang loob nito at magkaroon ng tiwala sa kanya. Sa ganoong paraan ay madali niyang matatagpuan ang kanyang kwintas.

"Lovan, could you please buy me a large cup of milk tea? 'Yong mocha flavor ha?" Maya-maya'y dumungaw si Miss Yhanie mula sa pinto, malambing ang boses habang nagsasalita at nakikiusap ang mga mata, 'yong tipong hindi kayang tanggihan ang utos.

Matamis siyang ngumiti. "No problem po, Ma'am," saad niya saka ibinalik sa bucket ang mop at itinabi iyon sa gilid ng opisina ni Zigfred.

Pagkarinig lang sa kanyang sagot ay lumingon ang babae sa loob ng department. "Guys, sino magpapabili ng meryenda? Andito si Lovan, bibili ng milk tea sa labas!" anunsiyo nito.

Napaawang na lang ang kanyang bibig sa narinig lalo nang makita mula sa glass wall ang nagtayuang mga empleyado at halos sabay-sabay na nagpabili sa kanya ng meryenda.

Pero 'di siya makapagreklamo lalo't baguhan lang siya. Kaya wala siyang choice kundi maghanap sa labas ng building, mabuti na lang at may malapit na fast food at Praffe sa malapit.

Halos isa't kalahating oras marahil ang kanyang iginugol mabili lang ang lahat ng ipinabibili ng mga taga-HR department.

Pagkapasok ng building ay tiningnan lang siya ng nanitang guard kanina pero hindi na pinigilang makapasok. Marahil ay kilala na siya nito.

Bitbit ang anim na malalaking supot ng mga pinamili at hawak sa isang kamay ang milk tea ni Miss Yhanie ay patakbo niyang tinungo ang halos puno nang elevator at bago iyon sumara ay naisiksik na niya ang sarili sa loob. Sa kabila ng naririnig na bulungan sa kanyang likod dahil sa pangit niyang mukha'y nagawa pa niyang lingunin ang mga ito't gantihan ng isang matamis na ngiti ang panlalait sa kanya, dahilan upang mapansin siya ng babaeng katabi.

"Hi, bago ka dito?" baling sa kanya.

Sandali muna niyang pinagmasdan ang makinis nitong mukha na kahit isang pimple ay nahiyang tumubo roon.

"Opo, bago lang po ako," sagot niya sabay ganting ngiti.

"Ang sipag mo ha? Saan kang department?"

"Sa janitorial po," pakaswal niyang sagot.

"Hmmm..." narinig niya lang na saad nito.

Eksakto namang bumukas ang pinto saka ito lumabas ngunit nilungin muna siya't nagpakawala ng ngiti sa mga labi bago nagpatuloy sa paglalakad.

Sa wakas ay bumukas ang pinto sa 10th floor kung kelan siya na lang ang nasa loob ng elevator. Nagmadali siyang lumabas at tinakbo na uli ang pasilyo makabalik lang agad sa HR department. Malayo pa lang, kita na niya sa salaming na dingding ang mga empleyadong nagkakandahaba ang leeg pagtanaw sa kanyang kinaroroonan, nagpakasimangot na.

"Ano ka ba? Kunti lang pinabibili sa'yo pero mag-a-out na lang, ngayon ka lang nakabalik!" salubong agad ng isang babae sa kanya saka hinablot ang mga supot sa kanyang kamay at inilapag sa ibabaw ng mesa nito.

Nagpantig bigla ang tenga niya sa narinig. Imbes na magpasalamat ay nagalit pa sa kanya. Sobrang kapal ng mukha. Subalit, pinigilan niya ang sariling damdamin at lumapit dito.

"Akina 'yong pinabili ko, Lovan!" tawag ng isang lalaking malapit sa pinto ng department. Buti na lang at naisaulo niya ang pinabili ng bawat isa kaya't siya pa ang kusang nagdala ng meryenda sa mga cubicle nito. Subalit si Miss Yhanie lang ang narinig niyang nagpasalamat sa kanya at hindi nagreklamo sa tagal niyang makabalik.

Isang buntunghininga na lang ang kanyang pinakawalan nang makitang hindi na siya pansin ng lahat.

Tahimik na lang siyang lumabas sa lugar na iyon at tinungo ang kinaroroonan ng mop niyang gamit kanina pero wala na iyon sa kanyang pinaglagyan.

"Lovan!" Naagaw ng tinig na 'yon ang kanyang atensyon kaya't agad siyang napabaling sa may elevator. Nang makita ang nakangiting si Lenmark ay napahagikhik na siya.

"Lenmark!" ganti niyang tawag.

Ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagkunot ng noo ng babaeng kasama nito. 'Yong babae nakausap niya kanina sa loob ng elevator!

"Hey, are you hiding something from me?" panunukso nito sa lalaking natawa lang nang marahan ngunit sa kanya nakatingin.

Patakbo na siyang lumapit sa dalawa upang sana'y umabrasete sa matalik na kaibigan nang mawala ang pagod niya sa araw na iyon. Subalit bago pa niya magawa'y may isang maawtoridad na tinig ang umlingawngaw sa buong pasilyo.

"Lovan! Come here!"

She suddenly pivoted towards the owner of that harsh and yet cold voice and saw his rigid posture with intent gaze of those venomous cold eyes and mouth thinning with displeasure.

Hindi niya napigilang mapalunok sa nakitang mukha ng lalaki. Why all of a sudden was he calling fo her?

Napatingin siya kay Lenmark, humihingi ng tulong subalit lalo siyang nalito nang makitang nawala ang ngiti nito sa mga labi pagkakita sa CEO ng kumpanya.

Hindi tuloy siya makatinag sa kinatatayuan, hindi gumana ang kanyang utak kung ano'ng sunod na gagawin.

"Good afternoon, Sir!" ang babaeng kasama na ni Lenmark ang bumasag sa katahimikang biglang namayani nang mga sandaling 'yon.

Sa halip na sumagot ay nanatili lang nakatayo sa may pinto ng opisina nito si Zigfred habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa kanila ni Lenmark, inaantay ang kanyang paglapit.

Bago pa siya nakahakbang palapit sa CEO, hinawakan na siya sa kamay ni Lenmark.

"Aantayin kita mamaya sa rooftop. Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi," anitong ibinalik ang matamis na ngiti sa nga labi.

"Ah, okay sige." Hindi siya makahindi. Sabagay, mas maganda nang ihatid siya ng kaibigan sa kanyang boarding house nang malaman nito kung saan siya nakatira.

"We'll have an overtime today, Lovan," sabad ni Zigfred dalawang metro ang layo sa kanila.

"Ha?" tangi niyang nasambit, litong napabaling dito, awang ang mga labi at nagtatanong ang mga mata sa ibig nitong sabihin.

"Overtime, Sir? You mean, she's your new secretary?" ang kasama na ni Lenmark ang gulat na nag-usisa at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Zigfred saka makahulugang tumitig kay Lenmark.

"Yes."

"Ha?!" bulalas niya, napanganga nang bumaling sa hambog niyang asawa subalit walang sabi-sabi itong pumasok sa loob ng opisina.