The way he clenched his jaws while glaring at her, hindi niya maarok kung gaano ito kagalit sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok sa takot at lalo pang napahigpit ang hawak sa hindi pa rin niya binibitawang door knob ng pinto.
Kelan pa nito nalamang siya ang nag-apply bilang secretary nito? Ewan, bigla siyang nalutang nang mga oras na iyon. Hindi siya makapag-isip nang tama lalo na nang makitang inilang-hakbang lang nito ang pagitan nilang dalawa saka pagalit na itinukod ang mga kamay sa taas ng magkabila niyang balikat.
"Do you think you can fool me with your tricks?" pang-aakusa sa malamig na boses.
Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin pero bakit pakiramdam niya guilty siya at takot na takot na ni isang salita ay hindi niya mabigkas upang ipagtanggol ang sarili.
Napapikit na lang siya, baka sakali makaisip siya ng isasagot. Subalit lalo lang siyang natuliro nang malanghap ang mabango nitong hininga na kahit nagtataas-baba ang dibdib nito sa galit ay tila balewala iyon sa kanya. Mas sumisiksik pa nga sa kanyang utak ang nangyari sa kanila sa suite nito noong halikan niya upang mabawi lang rito ang kanyang kwintas.
Napalunok uli siya, inihilig ang ulo upang iwaksi ang naiisip.
"W-ala akong alam sa sinasabi mo. Ni hindi ko nga alam na ikaw ang magiging boss ko," sa wakas ay paliwanag niya matapos na ilang beses lumunok at huminga nang malalim upang payapain ang sarili.
Natawa ito nang mapakla.
"Tell me, who told you this brilliant idea, huh? Ang papa mo? O ang mama mo." Puno ng pang-aakusa sa tono ng pananalita nito.
Biglang nagpantig ang kanyang tenga pagkadawit lang sa kanyang mama. Gigil din siyang nagmulat ng mga mata't tiim-bagang na itinulak ito palayo.
"H'wag mong idadamay ang mama ko rito't matagal na siyang patay!" hiyaw niya, walang pakialam kung ano'ng sunod na mangyayari sa kanya.
Tatanggapin niya ang lahat ng salita, kahit gaano man iyon kapangit basta huwag lang madadamay ang kanyang pinakamamahal na ina. Wala pa siyang taong pinayagang gawin iyon at lalong hindi niya papayagan ang walahiyang itong pambintangan ang huli.
"You damn-" pagmumura nito sa galit at biglang itinaas ang kamay upang sampalin sana siya subalit buong tapang siyang nakipagtitigan dito, tinatapatan ang talim ng mga tingin nito at hindi man lang iniyuko ang ulo upang ipaalam ditong hindi siya natatakot sa sampal nito.
Ngunit ang totoo, nanginginig na ang kanyang mga binti sa takot. Ngayon lang siya nakaranas ng gan'to, ang makipagmatigasan sa lalaki maliban kay Francis. Sabagay, nang makilala niya ang psycho na 'to, halos lahat yata ng kanyang karanasan sa piling nito ay ngayon lang nangyari sa tanang buhay niya.
"Dammit!" Muli itong nagmura bago siya mabagsik na hinawakan sa braso saka hinila palayo sa may pinto.
Wala siyang nagawa kundi ang mapatili sa magkahalong gulat at kaba. Bago siya muling nakasigaw ay nakabukas na ang pinto at naitulak na siya ng lalaki palabas ng opisina. Muntik nang tumilapon ang kanyang shoulder bag sa lakas ng pagkakatulak sa kanya, mabuti na lang at mahigpit niya iyong nahawakan at agad ding naibalanse ang katawan mula sa pagbagsak sa sahig.
"Walanghiya! Hambog! Psychopath!" halos umusok na ang bumbunan niya sa galit habang isinisigaw ang mga katagang 'yon nang pumihit paharap sa opisina. Hindi pa nakuntento't tinadyakan pa niya ang sarado niyong pinto.
"Hambog na 'yon, ang sakit tuloy ng braso ko," reklamo niya sa sarili saka napasandal sa pinto subalit natigilan din nang makita ang mga empleyadong nag-uumpukan sa kanyang harapan, nagpakanganga habang nakatitig sa kanya.
Nakaramdam siya ng awa sa sarili pagkuwan. Pakiramdam niya, napahiya na nga siya sa tarantadong si Zigfred, pahiyang-pahiya pa siya sa mga empleyadong nasa kanyang harapan. Tama ang mga ito, hindi pa nga siya nagsisimula sa trabaho, pinatalsik na agad siya ng kanyang magiging amo.
Bigla siyang mapahikbi.
"Ano'ng ginagawa niyo rito! Magsibalik kayo sa trabaho!" boses ng HR manager ang umalingawngaw sa buong paligid.
Nag-unahan naman ang empleyado pabalik sa kani-kanilang trabaho.
"I'm sorry. Hindi ka pumasa kay boss," nakikisimpatyang baling ng HR manager sa kanya nang maiwan silang dalawa sa labas ng opisina, tila ba inaasahan na nitong gano'n nga ang mangyayari sa kanya, ibig sabihin, hindi siya pumasa bilang secretary.
Hindi ito ang kanyang inaasahan. Nagmadali siyang makapunta sa lugar na ito para lang pala ipahiya ni Zigfred. Subalit, nangyari na ang lahat. Hindi man niya inaasahang ito pala ang kanyang magiging amo, hindi rin noya pwedeng ipapilitan ang sarili sa walanghiyang 'yon.
Napabuntunghining siya, pagkuwa'y pilit na ngumiti.
"Okay lang po, sir," aniya't nakayukong naglakad palabas ng department.
------------
Sa kabila ng mainit na sikat ng araw ay malamig pa ring hangin ang marahang humahampas kay Lovan sa rooftop ng building. Hindi niya tuloy maiwasang yakapin ang sarili saka tinanaw mula roon ang buong paligid--mula sa nagtataas mga building sa palibot, mga malalapad na karatolang nakadikit sa ibang mga establishment lalo na sa katabing building, ang mga taong nagdaraan sa gilid ng kalsada na tila mga langgam na lang sa liit at ang mga sasakyang mabagal ang usad sa highway dahil sa traffic.
Naitanong niya sa sarili? May isa ba sa mga iyon ang nakakaranas ng kanyang pinagdadaanan ngayon? Paano sila bumangon? Paano nila nalampasan ang pagsubok na 'yon?
Humugot siya ng isang malalim na paghinga. Iyon ay dahil sa kamukha niya ang jowa ng unggoy na 'yon. Hindi lang siya nakasal sa hinayupak na lalaking 'yon, ito pala ang magiging amo niya sa bago sana niyang trabaho.
"Hey, ano'ng ginagawa mo dito? Akala ko ba, start na ng trabaho mo?"
Bigla siyang napapihit paharap sa may-ari ng boses na 'yon, awtomatiko ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa mga labi nang masilayan ang mukha ni Lenmark.
"Ah--oo. P-ero kinakabahan kasi ako baka masungit ang magiging amo ko kaya dito muna ako tumuloy. Wala pa daw kasi ang boss ko sa office sabi ni Ma'am Minerva," muli niyang pagtatahi ng kasinungalingan, nakaramdam ng hiya kaya minabuti niyang tumalikod rito't humawak sa barandilya ng rooftop.
Hindi niya kayang magsabi ng totoo sa binata. Baka lalo lang siya nitong kaawaan.
Matagal nitong pinagmasdan ang kanyang likod, pagkuwa'y kibit-balikat siyang nilapitan.
Bahagya pa siyang napapitlag nang maramdama ang braso nitong nakaakbay sa kanyang balikat.
Awtomatiko siyang napatingin rito, nagtatanong ang mga mata kung bakit tila napapadalas yata ang pag-akbay sa kanya.
Makahulugan itong tumitig sa kanya, pagkuwa'y malungkot na ngumiti saka ipinako ang tingin sa baba ng building.
"I thought I would never see you again. Ang sabi kasi ni Madison, ikinasal ka na daw kay Francis at sumama sa kanyang magpuntang New York," walang gatol nitong usal ngunit sa malayo nakatingin.
Kunut-noong napariin ang titig niya rito. So, pakana pala talaga ni Madison ang lahat kung bakit naroon si Francis sa San Agustin Church kahapon?
"Akala ko ikinasal ka na talaga sa kanya," patuloy nito sa pagsasalita, ramdam ang pait sa tinig, pero biglang nagpakawala ng isang matamis na ngiti sabay baling sa kanya.
"But here you are standing beside me , hindi totoong nagpakasal kay Francis at lalong hindi sumama sa kanya sa New York." Halata sa boses nito ang saya sa sinabi.
Namutla siya bigla, iniiwas ang tingin sa binata saka pigil ang hiningang napatingin sa kawalan. Pakiramdam niya, guilty siya sa sinabi nito at ang laki ng kasalanan niyang nagawa.
Hindi naman talaga siya nakasal kay Francis kundi sa aroganteng si Zigfred. Parehas pa ring kwentada 'yon. Kasal na siya kahapon pa. Kahit sabihin pang proxy lang siya ni Lovan claudio pero sa paningin ni Zigfred, siya ang asawa nito.
Napabuntunghininga siya. Wala siyang lakas ng loob para ikwento sa matalik na kaibigan ang lahat ng nangyari sa kanya kahapon
"So, are you going back to your work?" mayamaya'y tanong nito sabay bawi ng braso sa pagkakaakbay sa kanya pero ang mga mata'y sa kanya pa rin nakatingin.
Muli siyang napabuntunghininga. Nag-ipon ng lakas ng loob para sumagot nang masaya upang hindi nito mahalatang problemado siya nang mga oras na iyon.
"Yup!" Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan saka bumaling rito.
"Desidido na akong magtrabaho sa kompanyang pinagtatrabahuan mo," kampante niyang sambit.
Tinapik siya nito sa braso. "Good! So, good luck!" pagpapalakas nito ng loob.
Tumango siya ngunit bigla ring napayuko upang itago ang lungkot na nakadungaw sa kanyang mga mata.
"Aantayin kita rito after ng duty mo nang maihatid kita sa tinitirhan mo," anang binata bago tumalikod sa kanya at walang lingon-likong naglakad papasok sa elevator.
Naiwan siyang hindi man lang nakatanggi sa huling sinabi nito.
Muli siyang nagpakawala ng isang buntunghininga.
Nakapagdesisyon na siya. Babalik siya sa opisina ni Zigfred at magtatrabaho bilang secretary nito sa ayaw nito't sa gusto. Patutunayan niyang hindi siya si Lovan Claudio kundi si Lovan Arbante. 'Yon lang ang tangi niyang magagawa upang mabawi dito ang kanyang kwintas, ang manatili sa poder ng walang pusong lalaking iyon.