Chereads / The Stolen Identity / Chapter 22 - Ang Masungit na Boss

Chapter 22 - Ang Masungit na Boss

'Sinusundan ba ako ng asungot na 'to? O baka stalker ko talaga siya?' Naitakip niya ang isang palad sa bibig. Baka nga stalker niya ito!

Nakapagtatakang nagsipagbalik sa kani-kanilang mga cubicle ang lahat ng mga empleyadong nakiusyoso kanina maliban sa dalawang nasa kanyang harapan.

Siya nama'y 'di maiwasang itago ang sarili sa likod ng kasamang empleyado habang ito'y tensyonadong napaharap sa paparating kasama ang lima pang mga lalaking nagpaka-three piece suit na navy blue at oxford shoes. Marahil ay iyon ang uniform ng mga ito sa kompanyang iyon.

Lihim siyang sumilip sa pamilyar na lalaking naglalakad tatlong metro na lang ang layo sa kinatatayuan nilang tatlo.

Si Zigfred nga iyon! Nakasuot itong grey coat na umiba sa kulay ng suot ng mga kasama, ang style ng sapatos nito'y naiiba din sa karamihan.

Nakangangang nilingon siya ng nag-interview sa kanya.

"Bakit ka naka-grey?" dismayadong bulong, 'di niya mawari kung maiiyak o maiinis.

"Ha?" tangi niya lang nasambit.

Hindi na ito nagsalita pa lalo nang tuluyan nang makalapit sa kanila si Zigfred at mga kasama ng huli. Yumukod sa lahat ang babae.

Pero ang babaeng lumapit sa kanila, sa halip na yumukod sa mga dumating ay taas-noo pang bumati sa mga ito habang matamis ang ngiti sa mga labi.

Muli siyang sumilip sa likod ng kasama, sinulyapan si Zigfred na seryoso ang mukha habang naglalakad.

Panegurado, dito din ito nagtatrabaho kung hindi siya nito sinusundan. Ano naman kaya ang posisyon ng hambog na 'to? Hindi niya maiwasang kumulo ang dugo lalo nang maalala ang kanyang kwintas.

'Hmm...'

Napasinghap siya nang masulyapan ang mukha nito. In fairness, gwapo naman talaga ito. Mas gwapo pa nga seguro sa kamukha nitong actor.

Napaisip tuloy siya kung ilang babae na ang pinaglaruan nito't pinaiyak. Bigla ang pag-arko ng kanyang kilay sabay ingos.

Never siyang mapapasali sa mga babaeng ginagawa nitong laruan!

Sa layo ng iniisip, hindi niya napansing huminto ang binata ilang dangkal lang ang layo sa kanyang kasamang empleyado sabay titig dito.

Nagulat na lamang siya nang bahagyang hampasin ng huli sa tagiliran, sinasaway siya kung anuman ang kanyang ginagawa sa likuran nito.

Salamat naman at naikubli niya agad ang mukha sa likod ng huli.

"Sir, narito na po ang newly hired niyong secretary," untag ng dalagang kanina pa yata hindi nawawala ang ngiti sa mga labi at tila sinasadya pang magpapansin sa mga naroon.

"Papuntahin mo sa opisina." Narinig niyang sagot ng isa sa mga kasama ni Zigfred.

Ilang segundo pa'y nagpatuloy na uli ang mga ito sa paglalakad at nang tuluyan nang makalayo sa kanila'y saka lang siya hinarap ng nag-interview sa kanya. Nahuli pa niya ang pamumutla ng pisngi nito.

"Wala ka bang ibang damit d'yan? Magpalit ka muna," utos sa kanya.

"Ha? Bakit? Presentable naman ang suot ko ah," maang niyang sagot, takang pinasadahan ng tingin ang suot.

"It's okay, Minerva. Bago lang naman siya kaya natural na wala siyang alam sa dress code dito," kaswal na sabad ng katabi nito.

"Ma'am Yhanie, baka naman mapatalsik na naman itong bago. Ang hirap nang maghanap ng kamukha niya ngayon." Bakas sa mukha ng tinawag na Minerva ang pagkabahala.

Taka siyang napatitig rito. Ano ang ikinatatakot nito? Na baka matanggal siya dahil sa kanyang damit? Ano ba'ng merun sa damit niya? Maganda naman 'yon ah. Pang-office attire.

O baka dahil sobra siyang pangit sa paningin ng mga naroon? Pero iyon naman ang hanap ng amo nila eh.

"Let me handle this," confident na saad ni Ma'am Yhanie saka siya sinenyasang sumama rito at nagpatiuna nang naglakad papasok sa pinakaloob ng department na 'yon.

Pagkatapos magpaalam sa kasama'y tahimik siyang sumunod sa sopistikadang babae ngunit hindi maiwasang mapasulyao sa mga empleayadong nadadaan nila sa bawat cubicle.

"Ang pangit naman niyan. Baka hindi pa siya nagsasalita'y i-fire na agad siya ni sir," narinig niyang bulong ng babaeng nadaanan niya, kausap ang katabi nitong matabang babae.

Iniyuko na lang niya ang mukha at walang imik na sumunod kay Ma'am Yhanie hanggang sa wakas, matapos ang halos limang minutong paglalakad ay huminto ito sa nakapinid na pinto.

'Office Of The CEO' ang nakalagay sa signage na nakadikit sa pinto ng silid.

Kumatok ito sa pinto. Habang hindi pa iyon bumubukas ay inikot niya muna ang paningin sa labas ng opisina. Gawa sa salamin ang dingding niyon, tinakpan lang ng makapal na azure blind curtains upang hindi masilip kung sinuman ang nasa loob ng opisinang iyon.

Ilang segundo ang lumipas at bumukas na nga ang pinto, iniluwa roon ang isa sa mga kasama ni Zigfred kanina, a man in navy blue office suit. Pati pants nito ay navy blue din ang kulay. Buti naman at ang sapatos ay kulay itim.

Nagtama ang kanilang paningin ng lalaki.

Tipid muna siyang bumati rito bago pinakawalan ang isang matamis na ngiti subalit awtomatiko itong napangiwi, pagkuwa'y pilit ang ngiting iginanti saka bumalik sa loob ng opisina.

Pumasok si Ma'am Yhanie, sumunod siyang nakayuko.

"Sir, narito na ang bago niyong secretary," pakilala ng lalaki, sa amo nakatingin.

"Uhh." 'iyon lang ang kanyang narinig na sagot mula sa kanyang magiging amo.

Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha upang masilip man lang ang itsura ng kanyang magiging boss. Totoo kaya ang hula ng lahat na pangit din ito kaya pangit na secretary ang gusto? Pero sa malas, ang malapad na likod ng lalaking nagpapasok sa kanila ang kanyang nakita, katabi nito si Ma'am Yhanie.

"I assure you, sir. Magugustuhan mo siya kahit medyo baduy siya manamit," sabad ni Ma'am Yhanie sabay lingon at kindat sa kanya. Mula kanina, ito lang yata ang hindi naririndi sa kanyang itsura. Sa tingin pa nga niya'y tuwang-tuwa ito na pangit siya.

"Hmm-" tipid na namang sagot ng amo.

Kumunot na naman ang kanyang noo. Totoo pala ang sinabi Ma'am Minerva, bihirang magsalita ang kaniyang magiging boss. Baka naman kapag nagsalita ito'y 'you're fired' agad ang kanyang marinig? H'wag naman sana. Lahat ng utos nito'y gagawin niya, huwag lang siyang matanggal sa trabaho.

Muli siyang nilingon ni Ma'am Yhanie, pagkuwa'y lumapit sa kanya.

"Sige, good luck sa'yo," nakangiting wika sabay tapik nang marahan sa kanyang balikat, para bang pinalalakas ang kanyang loob. Napansin seguro nitong nagsimula na siyang kabahan. Baka nga unang tingin pa lang sa kanya ng magiging boss ay tanggalin na agad siya sa trabaho.

Sunod na humarap sa kanya ay ang lalaking hindi pa niya alam ang pangalan pero sa hula niya'y mataas din ang posisyon nito sa kompanyang iyon.

"You're Miss Arbante, right?" baling sa kanya.

Tumango siya. "Yes, Sir."

"I'm Jildon Ignacio, the HR manager of this company," pakilala nito sabay lahad ng kamay sa kanya, this time, hindi na nakangiwi habang nakatingin sa kanyang mukha.

Nakipagkamay din siya sabay ngiti. "I'm hoping for your support and guidance, sir. To tell you honestly, this is my first time working as somebody's secretary," she answered with all honesty.

Pero katatapos lang niyang magsalita'y narinig niya ang pagbagsak ng isang bagay sa lamesa ng kanyang magiging amo.

Akma niyang sisilipin kung ano 'yon ngunit nakaharang sa kanyang harapan ang malapad na dibdib ng HR manager. Sa hula niya'y 6 feet ang tangkad nito, hanggang balikat lang ata siya sa taas niyang 5'4.

"Don't worry, Miss Yhanie will train you for a week. At kung may ma-encounter kang problema in the future, you can call my numb-" maangas na turan ng manager, hindi inaalis ang ngiti sa mga labi, para bang hindi pangit ang kausap nito kundi isang magndang babae.

"I said leave!" Duon lang niya narinig ang paasik an utos ng kaniyang magiging boss.

Bigla siyang nakaramdam ng takot. Sa boses pa lang nito, para na siyang kakainin nang buo kapag nagkamali siya ng salita at kilos.

"Well, bye for now," napipilitang paalam ng lalaki sa kanya saka nagmamadaling lumabas ng opisina.

Kinakabahan siyang humarap sa may pinto, kunwari'y hinabol ng tingin ang HR manager pero ang totoo, nangangatog ang kanyang mga tuhod at gusto nang mag-back out na lang sa trabaho. Boses pa lang ng kaniyang magiging amo, nakakapanlambot na ng mga tuhod sa takot. Ano pa kaya kapag nakita na niya ang mukha nitong---pangit ba o mukhang tigre?

Nang sumara ang pinto ng opisina'y nagmadali siyang lumapit doon upang i-lock kunwari ngunit pinag-iisipan na niyang lumabas doon kaya't nahawakan niya agad ang door knob niyon.

Muntik na siyang mapalundag sa kaba nang biglang kumalabog ang lamesa ng kaniyang magiging amo.

"How long have you been stalking me, huh!"

Muntik nang mapugto ang kanyang paghinga sa sigaw na 'yon sabay kapit nang mahigpit sa door knob ng pinto. Hindi pa nga sila nagkikita ng amo'y sinigawan na agad siya!?

Nakakatakot pala talaga ang ugali nito.

Subalit umalingawngaw sa kanyang pandinig ang pamilyar na boses na iyon, ilang beses siyang kumurap-kurap bago takang napaharap sa nagsalita.

"Oh my! Ikaw na naman?!" bulalas niya, gulantang na napasandal sa dahon ng pinto, sa isip ay hindi matanggap na sa dinami-dami ng mga lalaking naroon, bakit ito pa ang mukhang masisilayan niya ng mga sandaling iyon?