Chereads / The Stolen Identity / Chapter 18 - The Forced Marriage

Chapter 18 - The Forced Marriage

"Hey!" He snapped and glared at her na para bang anumang sandali ay magagawa siya nitong lunukin nang buo.

His gaze made her knees to tremble with fear and began to make a pace backward.

Bakit ngayon lang sumagi sa kanyang utak na kaya pala wala siyang kilala sa mga taong naroon dahil wala naman talaga duon ang venue ng kasal ni Madison at lalong wala doon ang kanyang mga magulang--na posibleng napagkamalan na naman siya ng estrangherong lalaki bilang fiancéé nito?

Ang akala niya, pinaglalaruan lang siya ng lalaki, pinapaniwalang kamukha niya talaga ang nobya nito para mapalapit sa kanya.

Mangiyak-ngiyak siyang napalingon sa mga bisitang nagsimula na namang magbulungan.

Napaka-imposibleng hindi lang sila magkamukha ng nobya ng lalaki, pati pangalan nila'y magkaparehas, apelyido lang ang ipinagkaiba. Imposible iyon! Pero bakit siya narito sa lugar na iyon kung hindi nag-eexist ang nobya nito?

"What's with you this time, huh?" Napatayo na ang lalaki, hinawakan siya nang mariin sa braso. His voice were cold but his deadly stare was undeniably fearful, bagay na lalo niyang ikinatakot.

"H-hindi ako ang fiancéé mo." She stammered and lowered her gaze. Hindi niya kayang gantihan ng titig ang namumula nitong mga mata sa galit.

"Oh, shut up." He tried to keep serene in every possible way pero hindi maitago ng mahigpit nitong hawak sa kanyang braso ang nararamdaman. Halos bumaon na nga ang mga daliri nito sa kanyang balat.

"H-hindi nga ako ang fiancéé mo!" pabulong niyang giit dito, afraid that somebody could hear her.

He glared at her even more, but somehow managed to stay calm after a few seconds, pagkuwa'y bigla na lang kinabig ang kanyang beywang. Nagulat man sa ginawa nito'y hindi siya nakasigaw. Ni hindi siya nakapalag ngunit awtomatikong naiharang ang dalawang siko sa pagitan ng kanilang mga dibdib.

"Do you know how your father begged me and put so much effort yesterday just for me to marry you?" patuya nitong bulong sa kanyang tenga nang kabigin ang kanyang leeg palapit dito.

Napahikbi siya pagkarinig niyon. Hindi nga siya ang nobya nito! Bakit ba ayaw nitong maniwala?

Kung merun lang siyang dalang valid ID para ipakita ditong hindi siya si Lovan Claudio pero wala.

No! Hindi siya papayag na makasal sa mayabang na lalaking ito! Pero ano'ng gagawin niya? Kapag pinagdiinan pa niyang hindi siya ang nobya nito, baka mamaya lalo itong magalit, kung ano'ng gawin sa kanya, o baka hindi na ibigay ang kanyang kwintas.

Ang kanyang kwintas ang pinakamahalagang bagay sa kanya. Kung mawawala iyon, hindi niya talaga mapapatawad ang sarili dahil iyon na lang ang natitirang alaala niya sa kanyang mama.

Lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang beywang na halos hindi na siya makahinga. Gusto man niya itong itulak ngunit 'di niya magawa lalo nanlalambot ang kanyang mga tuhod sa kaba, idagdag pang nakakaliyo ang pabangong gamit nito, nanunuot sa kanyang ilong at nag-iiwan ng kakaibang pakiramdam sa kanyang puso hanggang sa bawat himaymay ng kanyang laman.

She gulped and disorientedly closed her eyes. Ang pabango ba nito ang dahilan ng kanyang pagkatuliro ngayon o ang mabango nitong hininga?

"Lovan Mendez Claudio, do you take Zigfred Montallana Arunzado to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?" muling tanong ng pari pagkatapos senyasan ng ginang na katabi ng naka-wheelchair na lalaki.

"I do," biglang kumawala sa kanyang bibig habang nasa bisig ng lalaking Zigfred pala ang pangalan.

Subalit bigla siyang napadilat pagkuwan, hindi makapaniwala sa lumabas sa kanyang mga labi.

Umugong pagkuwan ang palakpakan at hagikhikan sa loob ng simbahan.

"Sa hinaba-haba man ng prosisyon, sa I do pa rin ang ending!" ang hiyaw ng isang panauhin na lalong nagpalakas ng tawanan ng lahat.

Naikuyom niya ang mga kamao lalo nang masulyapang patuyang ngumisi si zigfred saka sinenyasan ang pari na magpatuloy sa seremonyas ng kasal.

Kagat-labi na lang niyang kinain ang kanyang pride. Bahala na! Wala siyang choice kundi pumayag na lang na maging proxy ng fiancéé ng lalaking ito. Segurado siyang kapag dumating na ang totoo nitong nobya'y saka lang ito maniniwalang hindi nga siya si Lovan Claudio.

Muli silang humarap sa pari. Mayamaya'y isinusuot na ng lalaki ang singsing sa kanyang daliri subalit wala sa sariling nagtama ang kanilang paningin nang hindi hindi ito makasya, maliit para sa kanya.

"Damn!" Mahina itong napamura saka kunut-noong tumingin sa kanya, nagtataka kung bakit hindi magkasya ang singsing sa kanyang daliri.

Napangiti siya.

"Sinabi ko na sa'yo, hindi ako ang jowa mo. See, hindi magkasya ang singsing niya sa daliri ko," katwiran niya pero hindi ito umimik, tila walang narinig.

Maya-maya'y sumuko na ito't ipinasok sa bulsa ang singsing. Siya naman ang nagtaka nang may isinusukat na uli sa kanyang daliri, himalang nagkasya na iyon sa kanya.

Awang ang mga labing napatitig siya sa lalaking nawala ang pagkairita sa mukha.

'Siya 'yong lalaking nagkunwaring boyfriend ko sa harap ni Francis noon sa mall!?' sigaw ng nagulat niyang isip.

Hindi niya alam kung matatawa siya o madidismaya. Akalain ba niyang ang singsing na pinili niya noon para sa jowa nito'y 'yon mismo ang isusuot ng lalaki sa kanya?

What a coincidence, indeed!

Kaya pala nang muli silang magkita sa suite nito sa City Garden Hotel ay naramdaman na niyang pamilyar ang mukha nito. Nagkita na pala sila noon sa mall.

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride," deklara ng pari.

Palakpakan ang mga bisitang naroon, halos lahat ay kinikilig lalo nang muli siyang kabigin ng lalaki palapit dito.

Nanlaki bigla ang kanyang mga mata nang mapansing hahalikan nga siya nito, naalala agad ang nangyari sa kanila sa loob ng suite. Hinding hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa nitong pagsampal sa kanyang pwet habang sinisiil siya ng halik.

Ewan, biglang nanindig ang kanyang mga balahibo sa kaba, pilit iwinawaksi sa isipan ang alaalang iyon.

'No! Don't you dare!' babala ng kanyang utak subalit walang ginagawa ang kanyang katawan para salungatin ang gusto nitong mangyari.

Napapikit siya nang halikan nga ng lalaki, lalong tila naging jelly ang kanina pa niya nanginginig na mga tuhod.

Hiyawan at palakpakan na uli ang lahat ng mga nakasaksi.

Halos mapugto na ang kanyang paghinga nang ilang segundong nakadikit lang ang mga labi ni Zigfred sa kanya, hindi gumagalaw, hindi tulad nang halikan niya ito noon.

At nang ilayo nito ang bibig sa kanyang mga labi, she felt frustrated. Bakit? Naramdaman niyang namula ang kanyang magkabilang pisngi kasabay ng pagkahilo.

"Lovan?"

Sumasal bigla ang tibok ng kanyang dibdib pagkarinig sa mahinang tawag ngunit tila umalingawngaw sa kanyang pandinig.

Kilalang-kilala niya ang boses na 'yon. Si Lenmark! Narito si Lenmark! Paano siya nitong nakilala gayong wala naman ang kanyang wig at nunal?

Awang ang mga labing hinanap niya ng tingin sa palibot ang binata subalit hindi pa man nagtatama ang kanilang mga mata ay bigla nang nagdilim ang kanyang paningin hanggang sa mawalan siya nang malay na kung hindi marahil yakap ni Zigfred, malamang ay bumagsak na siya sa sahig.