She suddenly pivoted towards the shuttle bus' door and gasped in awe. A man in navy blue who wore a three-piece suit made of wool and silk stood in front of her.
Ang lalaking kamukha ni Chris Evans!
No! He was even more attractive than Chris Evans in that wedding suit.
His well-combed faded brown hair and brown
eyes perfectly matched with his defined nose and cheekbones. Huwag nang idagdag ang mga labi nitong lagi nang nag-aanyaya ng isang halik.
But his jaw-dropping handsome appearance didn't seem to complement the fierce and arrogant look shuttered on his face when he glared at her as if he wanted to swallow her in whole.
She began to feel the cold air coming from inside the bus and made her shiver involuntarily.
Hindi nakapalag ang ginang nang lumapit ang lalaki at hinablot dito ang kwintas saka mabilis na ipinaloob sa bulsa ng suot nitong pants.
"B-akit ka andito? Sinusundan mo na naman ba ako?" Gusto man niyang singhalan ito ngunit ewan ba kung bakit nakaka-intimidate ang itsura ng lalaking kahapon lang ay hinila siya sa palabas ng sasakyan at iniwan sa gilid ng kalsada.
Pagkatapos siyang titigan nang matalim kaninang magtama ang kanilang paningin ay hindi na ito sumulyap man lang sa kanya, walang sabi-sabing naglakad palabas na uli ng shuttle bus, para bang nakaabang lang talaga ito sa labas, saka lang pumasok nang makitang tinanggal ng ginang ang kanyang kwintas at kinuha mula sa kanya.
Doon lang siya tila natauhan at galit na pinaglipat-lipat ang tingin sa ginang at sa lalaking nakatalikod na. Nang akmang bubuksan na nito ang pinto ng shuttle bus ay saka lang gumana ang kanyang utak at hinabol ito sabay hawak sa braso ng huli.
"Akin'ang kwintas ko!" utos niya sa lalaki sa maawtoridad na boses subalit tinapik lang nito ang kanyang kamay at nagpatuloy sa pagbukas ng pinto, lalabas na sana kung hindi niya ito niyakap sa likuran pagkatapos itapon sa sahig ang pumpon ng puting rosas.
"Akinang kwintas ko sabi! Kung hindi, ipapupulis kita! Ninakaw mo ang kwintas ko! Kasabwat mo ang babaeng 'yan!" sigaw niya, sinabayan ng pananakot ang tinuran saka ininguso ang babaeng nakatayo lang sa malapit sa kanila't paulit-ulit na pinipisil ang magkabilang palad sa pagkataranta.
Subalit wala man lang siyang narinig na sagot mula sa lalaki malibang pilit na tinatanggal ang mga kamay niyang nakayakap rito.
Hindi maaari! Kailangan niyang gumawa ng paraan. Hindi pwedeng mawala sa kanya ang kwintas. Iyon ang pinakamahalagang pag-aari niya.
Bigla ay napahikbi siya nang malakas.
"Akinang kwintas ko, ibalik mo sa'kin," pakiusap niya, biglang tumulo ang isang patak ng luha sa mga mata. Kung hindi ito makuha sa sapilitan, aarte na lang siya para lang ibalik nito ang kwintas.
"Then hurry and let's finish this damn wedding. I hate you more when you're acting like this." He muttered in a cold deep voice.
Kung kelan ito nagsalita ay saka naman siya lalong naguluhan at salubong ang mga kilay na lumingon sa ginang na nagpalakad-lakad na sa loob ng shuttle bus.
Sa wakas ay nagtagumpay ang lalaking kumawala sa pagkakayapos niya at nagmadaling labas mula roon.
Ang babae naman ang kanyang sinunggaban.
"Ano'ng ibig niyang sabihin? Nasaan si Mama? Bakit niya ako pinagsuot ng damit pangkasal? Pinaglalaruan niyo ba ako? Seguro pakana 'to ni Madison at pinagplunahan niyo 'tong lahat para paglaruan ako!" pang-uusig niya sa estrangherang babae.
Ngayon na biglang lumiwanag sa kanya ang lahat. Magkakilala si Madison at 'yong estrangherong lalaking kumuha sa kanyang kwintas kaya pala laging nagku-krus ang kanilang landas. Seguro ibinenta siya ng walanghiyang kinakapatid sa lalaking iyon at ginamit ang tiwala niya sa kanyang madrasta upang mapapayag siyang dumalo sa kasal kuno nito subalit ang totoo, siya pala ang ikakasal. Kung hindi, ano't pinagdamit siya ng wedding gown, saka belo, merun pang tiara sa ulo.
Bakit pumayag ang kanyang papa sa pakana ng mag-inang iyon? Bakit? Alam ba ng amang hinahabol siya ni Francis at alam nitong ayaw niya sa binata kaya pumayag na lang itong ipakasal siya sa isang aroganteng lalaki?
Hindi! Hindi siya pakakasal! Gigil na ipinadyak niya ang paa sa sahig at akma nang tatanggalin ang belo sa ulo nang bigla na lang may humablot sa kanyang braso, hinila siya palabas ng bus.
"Ayy!" tangi niya lang naihiyaw at nagulat na uli nang malamang kamay ng walanghiyang lalaki ang humihila sa kanya palabas. Bumalik pala ito. Sa pagkakataong iyo'y ayaw nang pakawalan ang kanyang braso.
"Bitiwan mo ako!" singhal niyang nanggagalaiti sa galit.
Huminto ito isang metro ang layo sa bus saka bumaling sa kanya, hindi upang sundin ang utos niya kundi upang ayusin ang pagkakalagay ng kanyang belo upang matakpan ang kanyang mukha.
"Walanghiya! Bastos---" Nagsimula siyang magwala, ilang beses na hinampas ang tila bakal nitong braso subalit agad ring napahinto nang mula sa kung saan ay sumulpot sa mismo niyang harapan si Francis, tinitigan siyang mabuti at pilit na inaaninag ang kanyang mukha sa suot niyang belo.
Bigla ang panlalambot ng kanyang mga tuhod sa takot na baka makilala siya nito. Hindi niya naiwasang mapakapit sa braso ng estrangherong lalaki at magpatianod sa gusto nitong mangyari.
Bakit naroon pa rin sa lugar na iyon si Francis? Nababaliw na talaga ito. Kaya ba siya gustong ipakasal ng mga magulang sa isang aroganteng lalaki upang makalayo nang tuluyan sa binata? Pero bakit hindi sinabi ng mga ito sa kanya ang bagay na iyon?
Sa takot na baka bigla na lang siyang habulin at hablutin ni Francis, tuloy ay napa-abrasete na siya sa kasama niyang para yatang kahoy kung maglakad, hindi man siya sulyapan kung okay lang siya, deretso lang ang tingin nito sa dinaraanan hanggang mapahinto sa pinto ng simbahan saka hinawakan ang kanyang kamay at akmang babawiin ang braso sa kanya ngunit ayaw niya iyong bitawan lalo na nang malingunan si Francis na kunut-noong nakasunod sa kanilang likuran kahit nasa pinto na sila ng simbahan.
Segurado siyang hindi alam ng binata na siya pala ang ikakasal ngayon at hindi si Madison pero baka naaninag nito ang kanyang mukha sa kabila ng suot niyang belo. Bahala na, wala naman siyang choice kundi kumapit sa braso ng arogante niyang kasama na sa huli'y hindi na nagpilit na pakawalan niya.
Nagsimulang magbulungan ang mga panauhing kanina pa naghihintay sa loob ng simbahan.
Nagsimula na ring pumaipanlang sa buong paligid ang malamyos na boses ng isang babae habang inaawit ang 'A Thousand Years' ni Christina Perri.
Humabol ang ginang sa kanila saka ibinigay ang itinapon niyang bouquet ng mga rosas. Alanganin niya iyong kinuha.
Wala siyang nagawa kundi umayos ng tayo at sumabay sa bawat hakbang ng lalaking ka-abrasete habang ang mga mata'y iniisa-isang tignan ang mga panauhing naroon.
"Bakit sila magkasamang pumasok? Hindi ba dapat ay inihahatid ng mga magulang ang babae papunta sa groom habang ang groom ay naghihintay sa may altar?" usisa ng isang panauhin sa malapit sa pinto. Umiling naman ang kausap nito.
"Baka hindi na makahintay si sir, atat nang makasal sa kanyang bride!" kinikilig na sabad ng isang babae sa usapan ng dalawa.
Napalunok siya sa pagkapahiya, doon lang naramdaman ang kakaibang kaba sa dibdib lalo na nang mapansing wala siyang kilala isa man sa mga naroon.
Kahit ang kanyang mga magulang ay wala roon, maging si Madison. Nagsimulang manlamig ang kanyang mga palad sa kabila ng mainit na balat ng lalaking ka-abrasete.
Napansin niya ang balak na paglapit ng isang ginang sa kanila ngunit bahagyang itinaas ng kasama ang kamay nito upang pigilan ang una.
'Sino siya?' tanong niya sa sarili, pinagmasdang mabuti ang mukha ng ginang na sa sobrang ganda ng mukha at gara ng gown na suot ay mapagkakamalang ito ang ina ng bride. Kilala ba ito ng kanyang mama? Bakit ngayon niya lang nakita ang mukhang iyon?
Palihim niyang sinulyapan ang estrangherong lalaki habang tila sadyang isinasabay ang paghakbang ng mga paa sa tempo ng tugtuging naririnig. Napagaya na rin siya, ngunit pakiwari niya, para bang hindi siya umaapak sa carpeted na sahig. Kinakabahan siya at lalo iyong sumasal nang mapansin ang lalaking naka-wheelchair malapit sa may altar.
Nagtama ang kanilang paningin, biglang umawang ang mga labi nito, gustong magsalita ngunit pipi yata, walang lumabas sa bibig maliban sa malakas na ungol.
'Kawawa naman siya,' hiyaw ng kanyang utak.
Out of pity ay ngumiti siya sa ginoo dahil tila tuwang-tuwa ito habang pinagmamasdan siyang naglalakad. Ngunit bakit bigla na lang bumigat ang kanyang dibdib nang lumapit ang babaeng humablot ng kanyang kwintas. Lumuhod ito sa harap ng ginoo saka pinahiran ang pisngi ng huli. Seguro'y mag-asawa ang dalawa.
Subalit nakapagtatakang lumapit sa naka-wheelchair ang sopistikadang babaeng gustong lumapit sa kanila kanina. Ano'ng relasyon ng mga ito sa isa't isa? Bakit ang babae na ang humawak sa wheelchair at itinulak iyon paharap sa altar lalo nang mapansing malapit na sila roon.
"Damn! Para kang pugita kung makapulupot," pabulong na wika ng lalaking kasama saka lihim na tinapik ang kanyang kamay na nakahawak dito.
Namula bigla ang kanyang magkabilang pisngi sa pagkapahiya sabay bitaw sa braso ng lalaki ngunit tinapunan ito ng matalim na tingin.
Noon lang din niya napansing nasa harap na pala sila ng altar kung saan nakatayo ang paring magkakasal sa kanila.
Noon lang din siya nakaramdam ng takot. Hindi biro ang salitang kasal. Ayaw pa niyang makasal sa totoo lang pero paano niya makukuha sa lalaki ang kanyang kwintas?
Magwala kaya siya roon? Sabihin niyang niyang ninakaw lang ng lalaking pakakasala ang kanyang kwintas at bina-blackmail siya para lang magpakasal rito? Pero baka magalit lalo ang kanyang papa at tuluyan na siyang kamuhian.
Sa makaisa pa'y nilingon niya ang madaming bisita, inisa-isa ng tingin ang mga ito. Wala talaga siyang kilala sa mga naroon. Kanina pa niya hinahanap ang kanyang pamilya pero bakit wala ang mga ito? Kahit si Lenmark ay wala roon.
Nahinto ang awitin, tumahimik na rin sa wakas ang kanina pa'y bulungan ng lahat ngunit siya'y hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga bisita sa pag-asam na makikita sa mga ito ang kanyang pamilya pero wala.
Hanggang sa umalingawngaw sa kanyang pandinig ang boses ng pari.
"Lovan Mendez Claudio, do you take Zigfred Montallana Arunzado to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?"
'Lovan Mendez Claudio!' hiyaw ng kanyang isip.
Nanlaki bigla ang mga mata niya sa pagkagulat at kumakabog ang dibdib na napatayo.
Hindi niya pangalan ang sinambit ng pari! No! Imposible! Bakit hindi niya pangalan ang sinambit ng pari?
Bigla ang pagpasok ng reyalidad sa kanyang utak at nanginginig ang mga kamay na binitawan ang pumpon ng mga bulaklak.