Chereads / The Stolen Identity / Chapter 15 - Zigfred

Chapter 15 - Zigfred

"Zigfred!"

Kalalabas lang ni Zigfred sa Audi R8 Spyder luxury car nang mula sa main door ng malaking bahay ng mga magulang sa Urdaneta Village, Makati ay pasigaw na bumungad sa kanya ang inang naka-bath robe pa, halatang katatapos lang maligo, ni hindi pa nga seguro nakapagsuklay ng buhok, buhaghag pa iyon at wala sa ayos na minsan niya lang makita dito.

Sa nakakunot na noo at namumulang pisngi ng ina habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanyang papalapit dito, masasabi niyang galit ito at alam na niya ang dahilan niyon, but he maintained his indifferent composure upang ipaalam ditong hindi siya apektado sa nararamdaman nito.

"My gosh, Zigfred! What have you done to Lovan? She's been crying for an hour dahil sa ginawa mo sa kanya sa mall! Do you really have to be rude to that vulnerable lady?" She almost yelled at him, walang pakialam kung sino man ang makarinig sa kanila.

But he continued walking inside the house and never glanced at her. Hindi siya interesado sa sinasabi nito.

"Zigfred!" muling hiyaw ng ina nang mapansing binilisan pa niya ang paglalakad papunta sa guest room sa pangalawang palapag ng bahay. Halos tumakbo na ito para lang mahabol siya at bago pa niya maisara ang pinto ng kwarto pagkapasok niya ay isiniksik nito ang katawan sa maliit na awang niyon saka ibinalibag ang nahawakang pinto upang iparamdam sa kanyang galit talaga ito.

Pero nanatili siyang kampante't tahimik na hinubad ang navy blue na blazer saka inilapag sa ibabaw ng malambot na family-sized bed.

"Talk to me, you asshole!" sigaw na nito sabay hawak nang mahigpit sa kanyang braso't pilit siyang pinaharap dito.

He sighed. Ayaw niyang maging marahas sa ina pero sa tuwing nagsusumbong si Lovan dito'y hindi niya maipaliwanag ang galit na ipinapakita nito sa kanya. How could her mother be this indignant when he just left Lovan on the street? As if naman ngayon lang niya ginawa 'yon. Sa loob ng pitong taon, everytime na may babae itong inaaway sa loob ng mall dahil lang napapatitig sa kanya'y iniiwan niya ito roon. At ngayong walang sabi-sabi nitong sinabunutan ang ka-meeting niyang dalagang anak ng isang business tycoon galing sa Antipolo at sa isang iglap ay nawala ang milyones sana niyang profit kung napapirma niya ng kontrata ang babaeng iyon pero sa halip ay galit na galit na umalis ang huli dahil sa ginawa ni Lovan.

Sa galit niya'y sinampal niya ang fiancéé at nang mairita sa walang tigil nitong pag-iyak ay iniwan niya sa gilid ng kalsada upang magtanda.

Pero as usual, nagsumbong na naman ito sa kanyang mama kaya heto't galit na galit ang huli.

"Zigfred, ikakasal na kayo bukas pero paulit-ulit mo pa rin siyang sinasaktan! Akala mo ba hindi ako napapahiya sa ginagawa mo? Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya kapag nalaman nilang dahil lang sa nagselos siya't halos ipagduldulan na ng client mong babae ang dibdib sayo'y siya pa ang sinampal mo't iniwan sa loob ng mall!" mahaba nitong sermon, litid ang mga ugat sa leeg sa sobrang galit.

Mapakla siyang napangiti, noon lang sumulyap sa ina.

"She lied again. I didn't just slap her but i also left her on the street," pagtatama niya sa sinabi ng ina.

Sa nagtataas-babang dibdib ng ina sa pagpupuyos sa galit ay kung bakit ito biglang natigilan as if confused of what he said.

"What do you mean you left her on the street? She's still inside the mall right now, hinihintay na sunduin siya ng kanyang mama," she asked for an explanation.

Siya naman ang napataas ang kilay. Bakit hindi sinabi ng babaeng iyon na hinila niya ito palabas ng sasakyan at iniwan sa gilid ng kalsada? Maybe she was up to something. Wala talaga siyang tiwala sa babaeng iyon.

"Ma, I'm tired. Just help me undress first, okay?" tila pagsuko niyang pakiusap sa inang sandali muna siyang tinitigan at nang makitang nawala ang indifference sa kanyang mga mata'y hinampas nito ang kanyang braso sabay irap sa kanya ngunit hindi na nagsalita't tinulungan na lang siyang tanggalin ang suot na necktie.

"Ewan ko ba sa'yong bata ka kung bakit mula nang maaksidente si Lovan ay nagbago na rin ang pagtingin mo sa kanya." Naroon pa rin sa boses nito ang pagtatampo ngunit tila humupa na ang galit.

She smiled bitterly saka iniyuko ang ulo upang hindi mapansin ng ina ang muling pagkulimlim ng mga mata.

'She was lying all along. She said she lost the necklace but when I saw it myself, she insisted it was given by her mom.' Iyon ang mga salitang gusto niyang isagot pero sa halip na magsalita'y tumalikod siya rito't tila hapong inihiga ang katawan sa ibabaw ng kama sabay pikit.

Narinig niya ang malalim na buntunghininga ng kanyang mama saka namayani ang sandaling katahimikan.

"Naroon sa mini-library ang ama ni Lovan kasama ang nurse niya," pagbibigay-alam nito bago lumabas ng kwarto.

Nanatili siyang nakapikit, as if hindi narinig ang sinabi nito.

Nang masegurong nakaalis na ito'y saka siya nagmulat ng mga mata at napatitig sa kisame.

Bukas na ang kanilang kasal ni Lovan. Ilang beses na niyang tinanggihan ang kasal na iyon ngunit ipinagdiinan ng mga magulang na siya mismo ang may gustong makasal sila ni Lovan bago ito maaksidente kaya hindi siya pwedeng umurong ngayon.

Noong isang linggo pa niyang pinag-isipang hindi sisipot sa kasal kaya nga sa halip na magtungo sa kanyang suite sa City Garden Hotel ay dito siya dumiretso upang makita kahit saglit ang ina. Naka-ready na ang kanyang ticket papuntang London at duon na lang magsimula ng panibagong buhay. Doon na rin siya magnenegosyo. Sapat na marahil ang savings niya sa bangko para makapagsimula ng isang maliit na negosyo.

Ayaw niyang makasal kay Lovan. Mula nang maaksidente ito pitong taon na ang nakararaan at mawala ang regalo niyang kwintas ay naglaho na ring parang bula ang kanyang damdamin para sa dalaga. Ang natitira na lang ngayon ay pagkamuhi sa dahilang kahit sarili niya'y hindi iyon kayang ipaliwanag.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang dahan-dahang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang naka-wheelchair na ama ni Lovan, sa likod nito ay ang nurse, itinutulak ang wheelchair palapit sa kanya.

"Tito Marcus," bati niya sa longtime bestfriend ng kanyang mga magulang.

Matamis itong ngumiti lalo na nang tumayo siya't utusan ang nurse na umalis na't siya na ang bahala sa ginoo.

"Pero senyorito, ang kabilin-bilinan po ni Senyora Alexandra ay huwag kong iiwan ang senyor--" reklamo ng nurse, hindi makatitig nang deretso sa kanya.

Tinapunan niya ito ng matalim na tingin saka walang sabi-sabing inagaw sa pagkakahawak nito ang wheelchair at iginiya ang ama ni Lovan sa labas ng kwarto dere-deretso sa elevator. Susunod sana ang nurse sa kanila ngunit sumara na ang pinto ng elevator, naiwan itong tuliro sa second floor ng bahay.

Hinawakan ng ginoo ang kanyang kamay saka tumingala sa kanya, muling ipinakita ang matamis nitong ngiti.

He smiled back and touched the latter's well combed bob cut hair. Pinisil nito nang mariin ang kanyang kamay at ewan kung bakit nang timitig siya sa mga mata nito'y nakita niya ang lungkot na biglang dumungaw roon. Dahil ba nalaman din nito ang ginawa niya kay Lovan kanina?

Kunut-noo siyang napatitig sa mga mata nitong hindi lang iisang emosyon ang ipinahihiwatig. Or, could there be fear in those eyes na tila ba sinasabi nitong, 'Help me,' ngunit hindi ito makapagsalita at ang alam niya'y tumigas ang buong katawan nito pagkatapos ma-stroke nang malamang naksidente sina Lovan at Shavy noon. Hanggang ngayon, tingin niya'y palala nang palala ang kalagayan nito ngunit nakapagtatakang napisil nito ang kanyang kamay na nakahawak sa wheelchair. Ibig sabihin, naigagalaw na nito ang mga braso?

"How are you, Tito?" Iyon lang ang naisip niyang itanong kahit alam niyang hindi ito makasasagot.

Ngunit nagtaka na uli siya nang marahan nitong hilain ang kanyang braso dahilan upang mapalapit siya paharap dito. Pagkuwa'y hinawakan nang mahigpit ang harap ng kanyang palad at nagsimulang magsulat doon.

'H-E-L-P' ang mga letrang naisulat nito at agad na rumihestro sa kanyang utak.

Kunut-noong napatitig siya sa ama ni Lovan at nag-aalalang ikinulong ang isang palad nito sa sarili niyang mga kamay nang maramdaman nanginginig iyon.

Napansin niyang bumukas ang pinto ng elevator, pinindot niya uli ang button upang sumara iyon. Babalik sila sa guest room at aalamin kung bakit humihingi ng kanyang tulong ang sariling ama ng fiancéé.

Pagkasara lang ng pinto'y lumuhod siya sa harap ng ginoo. Biglang pumatak ang isang butil ng luha sa mga mata nito, bagay na lalo niyang ikinagulat.

Damn! Ano'ng nangyayari? Why all of a sudden, this forty-five years old man was asking for help as if he was being tortured inside his own house? If not, whay was he trembling like this and his tears kept on running from his wrinkled cheeks?

Kasing edad lang nito ang kanyang mga magulang ngunit kung titingnan ngayo'y para na itong seventy years old, pati pisngi'y may mga kulubot na rin, may nurse namang nag-aalaga.

Ilang beses niyang pinisil-pisil nang marahan ang nanginginig pa rin nitong mga kamay saka pinahid ang luha sa mga mata.

"What can I do for you?" he asked as if sasagot ito verbally.

But he did answered the way he did awhile ago.

Isinulat nito sa kanyang palad ang--'Marry her.'

He gulped na tila ba may biglang bumara sa kanyang lalamunan.

Damn! Sa simpleng pakiusap lang nito, mababago yata lahat ng kanyang mga plano sa buhay.

Or isa iyon sa mga plano ni Lovan, para lang mapapayag siyang pakasal dito?