Bago mag-alas kwatro nang hapon ay nasa loob na ng Megamall si Lovan, naghahanap ng pwedeng maisuot bukas sa kasal ni Madison. Nakapagdesisyon na siyang dadalo at ipapakita ang totoong mukha sa okasyong iyon para patunayan ditong hindi siya mukhang palaka at hindi kahiya-hiya sa mga bisita nito.
Eksakto namang may nakita siyang dress sa H & M na babagay sa kanya. Nagmadali siyang isukat iyon sa loob ng dressing room.
Isa iyong halterneck bodycon dress, exposing her sexy collarbones and smooth, flawless shoulders. Hapit sa kanya ang damit, revealing her mermaid's figure lalo na't hanggang tuhod lang ang haba nito't nalantad ang kanyang makikinis na mga binti.
"Hmmm...perfect!" nakangiti niyang bulalas habang manghang pinagmamasdan ang sarili sa salamin, nakailang ulit munang umikot sa harap niyon, ilang beses na hinagod ng kamay ang flat na tyan at ganda ng pagkaka-curve na beywang.
Kung hindi lang sa kanyang disguise, masasabi niyang pwede na siyang maging model sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.
Naisipan niyang tanggalin ang kanyang nunal sa mukha at suot na wig saka inilugay ang naka-clip na buhok. Her natural midnight-black and straight hair flowed over her shoulders.
"Ayee! Ang ganda ko talaga!" panghanga niya sa sarili, halos kiligin sa tuwa habang humahagikhik na pinagmamasdan ang sariling mukha.
She had a finespun eyelashes over her thin almond eyes and natural new moon eyebrows na sabi ng karamihan ay bagay daw sa makinis at heart-shaped niyang mukha. Her dainty nose perfectly matched with her plumpy, red and juicy lips.
Kung ikukumpara kay Madison, wala nga seguro sa kalahati ang ganda nito sa kanya.
Biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha nang sumagi sa isip ang pangalan ng kinakapatid.
Hindi niya maiwasang mapabuntung-hininga sa magkahalong excitement at kaba sa desisyong pagdalo sa kasal ni Madison at ipakita ang tunay niyang kagandahan. Magulat kaya ito at tanggapin na siya bilang nakababatang kapatid o mas lalo siyang kamuhian?
Malalakas na katok sa pinto ng dressing room ang nagpabalik sa naglalakbay niyang gunita sa kasalukuyan.
"May tao po ba?" 'anang nasa labas.
"Ayy! Sandali lang po! May tao," malakas niyang sagot at mabilis na tinanggal sa multiple coat hook sa likod ng pinto ang kanyang hinubad na damit saka binuksan ang shoulder bag at basta na lang iyon ipinaloob duon kasama ng wig at fake na nunal, pagkuwa'y binitbit ang bag at nagmadali nang buksan ang pinto ngunit nagulat siya nang bigla na lang iyong itulak ng nasa labas sabay pasok nito sa loob. Kapwa pa sila napatili nang mabunggo ng estrangherang babae ang kanyang bag at tumilapon sa sahig ang hinubad niyang slacks pants kanina kasama ng iba pa niyang mga gamit dahil hindi niya naisara ang zipper niyon sa pagmamadali niyang makalabas mula sa dressing room.
"Ayyy! Sorry po, miss." Siya pa ang humingi ng pasensya nang makabawi saka pinagpupulot ang kumalat na mga gamit sa sahig.
"Letse naman, oo! Tatanga-tanga ka kasi!" pasupladang hiyaw ng babaeng sa tantya niya'y mas matanda lang sa kanya ng dalawang taon.
Hindi niya iyon pinansin lalo't nakita niya sa pinto ang halos magsiksikan nang mga kababaehan sa labas upang makiusyoso sa nangyari sa kanila.
Naiinis man sa pagkapahiyang natamo ay tahimik siyang tumayo pagkatapos maibalik sa loob ng bag ang mga gamit na tumilapon saka walang anumang lumabas ng dressing room deretso sa counter upang bayaran ang binili niyang damit ngunit sa malas ay hindi niya mahanap sa loob ng bag ang kanyang ATM. Hindi kasi kasya ang cash niyang hawak para ipambayad.
"Maam?" mahinang untag ng cashier nang mapansing tuliro na siya kakahalungkat sa loob ng kanyang bag.
"Teka lang po, maam ha?" sambit niya sa namumulang pisngi, hiyang-hiya na sa kamalasang nararanasan ng mga sandaling iyon.
Ngunit biglang pumasok sa kanyang isip na isiniksik pala niya sa bulsa ng kanyang slacks pants ang ATM kaya't agad niyang inilabas sa bag ang slacks, dinukot ang magkabilang bulsa niyon subalit walang ATM duon.
Malamig ang loob ng Mall, subalit pakiwari niya, parang sinisilaban ng apoy ang kanyang katawan sa pagkataranta lalo't nagbubulungan na ang mga tao sa kanyang paligid.
"Maam, teka lang ha? Baka nahulog sa dressing room 'yong ATM ko," baling niya sa cashier, tagaktak ang pawis sa noo.
Napangiti lang ang cashier sabay tango. "Okay po, maam." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito, saka lang siya gumanti ng ngiti at biglang nawala ang pagkatuliro. Mabuti na lang mabait ang cashier na natapatan niya.
Sukbit ang nakasara nang bag ay halos takbuhin niya ang pabalik sa dressing room, baka makita pa niya ang nawawalang ATM. Sixty-five thousand pa ang laman niyon, sobrang laki na para sa kanya. 'Yon na lang din ang natitira niyang savings sa bangko.
Tamang-tamang kalalabas lang ng mataray na babaeng bumunggo sa kanya kanina, hawak pa nito sa kamay ang dinampot marahil na ATM sa sahig.
"Ma'am, wait po. Sa'kin po ata 'yan," tawag niya agad rito at nang tuluyang makalapit ay kukunin na sana sa kamay nito ang ATM ngunit itinaas nito bigla ang braso habang nakaarko ang isang kilay at patuya siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Paano ka nakasesegurong sa'yo nga 'to?" puno ng pagdududang tanong nito.
"Pangalan ko po ang nakasulat d'yan, Lovan Arbante," kampante niyang sagot, hindi pansin ang mga nakapilang gagamitin sa dressing room na bagot na sa kanina pa nilang eksena ng babae.
Curious namang ibinaba ng babae ang braso at tiningnan ang hawak na ATM.
"Shai, tapos ka na ba?" narinig niyang tawag ng isang lalaki sa kanyang likuran ngunit hindi niya iyon pinansin at hinanap ang kanyang UMID card sa loob ng bag saka ipinakita sa babae.
"Ito ang UMID card ko. Lovan Arbante din ang nakalagay na pangalan d'yan. Akin po talaga ang ATM na 'yan," paliwanag niya at akmang babawiin ang ATM sa kamay nito ngunit nagulat siya nang biglang may humablot sa kanyang UMID card.
Duon na siya nagalit at paasik na bumaling sa gumawa niyon ngunit nagmistula siyang tuod sa kinatatayuan nang makilala ang taong iyon na tulad niya'y gulat din habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanya at sa picture na nakalagay sa kanyang UMID card.
'Francis!' sigaw ng kanyang utak sa pagkagimbal.
"Lovan!? Paano kang gumanda bigla?" naibulalas nito, hindi na inalis ang pagkakatitig sa kanya, tila pinipinta sa isip ang bawat anggulo ng kanyang mukha.
Nakadalawang lunok na siya ng laway habang nanalalaki ang mga mata sa magkahalong gulat at takot ngunit hindi pa rin alam ang sasabihin. Ano ba ang isasagot niya? Aaminin ba niyang siya si Lovan Arbante ngayong nawala na ang kanyang pangit na mukha? 'Pag umamin siya, lalo siyang hahabulin ni Francis. Kapag hindi siya umamin, baka hindi ibigay sa kanya ng babae ang ATM.
Pero buti na lang at may sariling isip ang kanyang kamay, nahablot niya bigla sa babae ang ATM habang taka pa itong nakatingin kay Francis.
"Babe, kilala mo ang tangang babaeng 'yan?" hindi makapaniwala tanong pa nito sa lalaking jowa pala nito ngunit isang matalim lang na sulyap ang iginanti ng huli pagkuwa'y maagap na hinawakan ang kanyang braso para ilayo sa lugar na iyon.
Hindi siya makahulagpos kahit ilang beses siyang nagpumiglas kaya minabuti niyang sumunod na lang sa gusto nitong mangyari.
"Ikaw ba talaga 'yan, Lovan? Wow! Ang ganda pala talaga ng mapapangasawa ko!" palatak ni Francis habang nakangisi't malagkit na nakatitig sa kanya at pinapasadahan ng tingin ang kanyang buong katawan.
Pakiramdam niya, lalong uminit ang buong paligid dahil sa takot na nararamdaman nang mga sandaling iyon lalo't halata niya sa namumungay na mga mata ng binatang naka-drugs ito. Awtomatiko niyang itinakip sa dibdib ang isang braso habang nagpipilit pa ring kumawala sa pagkakahawak nito.
"Bitiwan mo ako!" hiyaw niya nang maramdamang wala talaga siyang balak na pakawalan ng binata.
Pero sa halip na sumunod ay itinaas nito ang isang kamay at akmang hahaplusin ang pinagpapawisan niyang noo ngunit isang malakas na sampal ang kanyang pinakawalan bago pa lumapat ang kamay nito sa kanyang balat dahilan upang bahagyang tumabingi ang pisngi nito.
"Bitiwan mo ako!" sigaw na niya habang nagtataas-baba ang dibdib sa galit ngunit nakarehistro pa rin sa mukha ang takot na baka kung anong gawin nito sa kanya lalo't naruon sila sa lugar malapit sa comfort room at kunti lang ang mga taong dumaraan nang mga sandaling 'yon.